Se connecter“Iris,” ani Daryl, tumingin sa kanya, “she’s Althea Montalban. A friend.”Ngumiti si Iris. “Nice to meet you.”“Same,” sagot ni Althea, pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa braso ni Daryl. “You’re lucky. Daryl is… special. Mabait, gwapo, at tagapagmana pa ng Lim Group of Companies.”Ngumiti lang siya.Pero hindi siya mapakali. Ang dami niyang tanong.Ito ba ang gusto ni Victor para kay Daryl? Kaya nito dinala? Mukhang kumikilos na ito para paghiwalayin sila.Nag-kwentuhan ang mga ito. Paminsan-minsan at isinasali siya ni Daryl sa usapan.Ilang minuto pa, umalis na si Althea. May sinabi pa itong get well soon, at isang huling hawak sa balikat ni Daryl.May kinuhang maliit na box si Victor.“Anak…” mahina nitong tawag.Umangat ang tingin ni Daryl. “Dad…” Parang kinakapa pa rin ng dila nito ang salita.Lumapit si Victor, awkward ang galaw. Hindi umupo agad at iniabot ang box.“May… maliit lang akong ibibigay sa’yo,” sabi nito, parang nahihiya. “Hindi ko alam kung ano ang gusto mo. Hind
Nakatitig siya kay Victor Lim, sa lalaking tinawag niyang sir at mentor… tapos ngayon, biglang ama pala niya. Tila hindi maproseso ng utak niya.At sa gilid, si Nanay Lily, umiiyak na parang pinipiga ang puso, parang may matagal nang sugat na ngayon lang binuksan.“Daryl…” nanginginig ang boses ni Nanay Lily. “Anak… patawad…”Hindi agad nakapagsalita si Daryl. Parang pinipili niya kung anong emosyon ang uunahin, galit? sakit? pagkalito?“Kung totoo ’to…” paos niyang sabi, halos bulong lang, “bakit ngayon lang?”Huminga si Victor nang malalim. Sa unang pagkakataon, hindi ito mukhang business titan. Mukha itong lalaking may regrets na mas mabigat pa sa pangalan nito.“Dahil hindi ko alam,” sagot ni Victor, diretsong tumama. “Pinaglayo kami. Pinutol ang contact. Dinala ako sa ibang bansa na parang… tinanggal ako sa sarili kong buhay. Lily never reached me. I never got a chance. Nalaman ko lang ng umuwi ako at makita kita sa isang event. At nagpaimbestiga ako.”Napapikit si Nanay Lily, tu
“Mom…” nanginginig si Iris. “Kung ganun… kaya ba ni Victor na magplano ng masama laban sa pamilya natin?”Tumingin si Donya Ester sa kanya, matagal. Sa titig na iyon, may halong pagtataka.“Bakit mo naman siya pinaghihinalaan?”Napalunok si Iris. Pumasok sa isip niya ang baril sa beywang ni Victor at ang kotse nito sa shooting range, at ang pagsasabi nitong iwan niya si Daryl.Pero hindi niya masabi ang lahat. Ayaw niyang magdagdag ng alalahanin sa kanyang ina, lalo na at ngayon lang ito nagsalita tungkol sa mga bagay na matagal nang nakakandado.“Magkakaibigan kami noon,” sabi ni Donya Ester, dahan-dahan. “At mabait siya. Gentleman. Tahimik pero may prinsipyo.” Napabuntong-hininga siya. “Pero… nagbabago ang tao, Iris. Kapag nasaktan, kapag napahiya, kapag nawalan… may mga taong nagiging iba.”Nanginig ang dibdib ni Iris. Hindi dahil sa takot lang, kundi dahil sa dami ng posibleng katotohanan.Ngumiti siya. “Naisip ko lang po,” sagot niya, maingat. “Pero malamang nagkakamali po ako.”
Huminga si Victor nang malalim. Tumingin muna ito kay Nanay Lily na nakatayo sa gilid, hawak ang thermos, nanginginig ang kamay.Parang may pakiusap sa mga mata ng lalaki, parang may warning din.Tapos bumalik ang tingin ni Victor kay Daryl.“Daryl a-an--”“Sir!” biglang singit ng nurse na lumapit, may hawak na clipboard. “Mr. Ramos, kailangan po namin kayong ibalik sa room for tests. May orders po si doctor, CBC at repeat monitoring. Please.”Napatigil sina Victor Daryl. Pati si Nanay Lily, napapikit na parang may humatak sa dibdib niya.“Ngayon na ba?” paos na tanong ni Daryl.“Opo, sir. May emergency surgery po si dok kaya nagmamadali sa rounds. Pasensya na po.”Humigpit ang panga ni Victor.Tinulungan ng nurse si Daryl bumalik sa room.“Sir Victor,” sabi ni Daryl, pilit magalang kahit litong-lito. “Ano pong sasabihin n’yo kanina?”“Later,” sabi nito. “Pagkatapos ng tests.”Nagkatinginan si Nanay Lily at Victor na naiwan sa hallway.“Sabihin na natin,” ani Victor, mababa pero may b
Nagtama ang paningin nila Iris at Victor Lim. Nanlamig ang palad niya.At doon niya nabasa ang galit.Hindi yung galit na sumisigaw. Yung galit na tahimik, pero kaya kang lunurin.“Sir Victor, buti po at nadalaw kayo para makapagpasalamat ako ng personal.”Napansin ni Iris ang nakasukbit sa beywang nito.Isang baril.Parang biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung tama ang hinala niya o paranoid lang siya, paano kung si Victor Lim ang nasa likod ng death threat?“Kumusta na ang lagay mo?” tanong ni Victor kay Daryl.“Mas okay na po,” sagot nito. “Salamat po ulit sa donation. Kundi po dahil sa dugo ninyo, baka wala na ako ngayon. Baka hindi ko na kasama si Iris.”Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda. “Mabuti at okay ka na.”Dumulas ang tingin ni Iris sa baril ulit. Parang gusto niyang tanungin, pero natuyo ang lalamunan niya.Kung si Victor… tatay ni Daryl… bakit parang hindi alam ni Daryl?Bakit Sir Victor pa rin ang tawag nito?Bakit ang tono nito parang mentor lang kaus
Biglang tumigil sa mundo.Nanlaki ang mata ni Daryl. Dahan-dahang umayos ang upo niya kahit halatang masakit. “Anong ibig mong sabihin?”Hindi makatingin si Iris.“Tapusin na natin…” nanginginig ang boses niya. “Yung fake marriage na ’to.”Nanlamig ang mukha ni Daryl. “Hon--”“Wala na naman si Harvey,” dagdag ni Iris, parang nagmamadali siyang sabihin bago siya umatras sa sariling tapang. “Wala nang dahilan. Wala nang--”Tumayo siya bigla, parang natatakot sa sariling salita. “I have to go.”Pero bago siya makaalis, hinawakan ni Daryl ang kamay niya, isang mabilis na kapit, kahit mahina pa ang katawan niya.Hindi niya hinigpitan, pero ramdam ni Iris ang pakiusap sa daliri.“Bakit?” paos na tanong ni Daryl. “Bakit mo biglang gustong tapusin?”Napapikit si Iris.Dahil nalagay ka sa panganib ka dahil sa’kin.Dahil sinabi ni Victor Lim.Dahil ayokong madamay ka.Pero wala siyang nasabi.Sa halip, tumulo ang luha niya, isa lang, mabilis niyang pinunasan, pero nakita pa rin ni Daryl.At doo







