Share

Kabanata 577 Heartbeat

Penulis: Maria Bonifacia
last update Tanggal publikasi: 2026-02-12 16:46:31
Napatigil si Iris sa kusina, hawak pa ang mug ng decaf. Si Daryl, napatingin sa screen na parang may biglang bumigat sa hangin. Hindi na sila pwedeng magtago. Hindi na rin pwedeng puro palusot, lalo na ngayong may baby na.

“Dad,” sagot ni Daryl, steady ang boses.

“Anak,” boses ni Victor sa kabilang linya. “Open mo ang camera para makita kita.”

Nagyelo ang sikmura ni Iris.

“Dad…” nag-atubili si Daryl.

“Miss na kita,” dugtong ni Victor. “Gusto kitang makita.”

Nagkatinginan sina Iris at Daryl. Isan
Maria Bonifacia

Your support means everything, thank you very much for continuously following this book. Love you all!

| 34
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (10)
goodnovel comment avatar
Ernest Barricuatro
jusko po Piro ads naman kakainis na
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1258 Excuses to Escape My Wife

    “Husband, mamayang gabi, hindi ka na aatras, di ba?”Napatawa si Prince habang magkasalo sila ni Stefie sa almusal sa ibabaw ng kama.“Wife, alas-otso pa mamaya. Gusto mo bang alas-sais pa lang, naka-ready na ako?”“Puwede rin!”“Grabe. May early check-in?”Natawa si Stefie, ngunit nang maibaba nito ang tasa sa tray, nawala ang ngiti.“Prince, gusto mo rin ba talagang may mangyari sa atin? Baka napipilitan ka lang.”Natigilan siya. Ilang gabing kailangan niyang pigilan ang sariling halikan nang halikan ang asawa. Hindi iyon ang problema. Ang kinatatakutan niya ay ang maaaring mangyari pagkatapos.“Gusto kita, wife. Huwag mong pagdudahan iyon.”“Then bakit parang lagi kang kinakabahan?”“Ayokong gawin natin iyon dahil lang may appointment.”“Hindi naman kita pinipilit. Gusto kong pareho nating piliin.”Hinawakan niya ang pisngi nito at hinalikan sa labi.“Kahit bagong gising ka at magulo ang buhok, gusto pa rin kitang halikan.”“Wow! Ibig bang sabihin, may gusto ka na sa akin?”“Hindi

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1257 Sunday at Eight

    “Alam mo na 'yon. 'Yong ginagawa ng mag-asawa para magka-baby.”Napatawa si Prince sa seryosong mukha ni Stefie. “Wife, ang daming ginagawa ng mag-asawa. Naggo-grocery, nagbabayad ng bills, naglalaba—”“Prince Buenavista!”“Ano bang ginagawa kasi ng mag-asawa?”“Bahala ka!” Tumalikod ito at hinila ang kumot hanggang balikat.Yumakap siya rito mula sa likuran at hinalikan ito sa pisngi. “Alam ko ang ibig mong sabihin.”“Then?” Humarap si Stefie, nakataas ang kilay.Napatingin siya sa mga labi nito. Mahirap nang makatulog araw-araw sa tabi ng babaeng gusto niyang halikan, lalo na kapag ito mismo ang nag-aanyaya. Ngunit kapag tuluyan silang nagsiping, mas lalalim ang samahang hindi niya alam kung kaya niyang panindigan kapag nabunyag ang lihim niya.Martes pa lamang. May ilang araw pa bago ang Linggo upang mapag-isipan niya ang lahat. Hindi niya gustong mangako ng bagay na hindi niya handang gawin.“Gusto rin kita, wife,” pag-amin niya.“Talaga? Akala ko hanggang lola kiss lang ang talen

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1256 Kisses, Promises, and Plans

    “Prince, extend natin ang one-year contract to forever.”Natigilan si Prince. Nakaupo sila sa kama, at hawak ni Stefie ang kamay niyang may wedding ring. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.“Wife, seryoso ka?”“Of course. Gusto kitang makasama habangbuhay.”Napangiti siya, ngunit may kumurot sa dibdib niya. Hindi lamang ang kontrata ang humahadlang sa sagot na gusto nitong marinig. Naroon pa rin ang lihim na dahilan ng kanyang pagpapakasal.“Paano kung magbago ang isip natin?” tanong niya.“Bakit kailangang isipin agad ang paghihiwalay? Masaya naman tayo, hindi ba?”“Masaya ako. Pero ayokong mangako ng hindi ko kayang panindigan.”Napabuntong-hininga si Stefie. “Prince, hindi naman kita pinapapirma ngayon sa bagong kontrata. Tinatanong lang kita kung gusto mo rin.”Pinagmasdan niya ang asawa. Mas madaling umiwas, ngunit sawa na rin siyang makitang naghihintay ito ng sagot.“Hindi ko na rin inaabangan ang araw na matatapos ang kasunduan natin.”“Really?”“Oo, wife. Masaya ako sa pa

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1255 From One Year to Forever

    “Sigurado ako sa gusto ko. Ikaw?”Hindi nakasagot si Prince. Nakatayo pa rin siya sa tabi ng kama, hawak ang kamay ni Stefie. Nakatingala ito sa kanya, seryoso sa kabila ng mapang-asar na ngiting kanina pa niya nakikita.“Wife, bakit ngayon mo na naman naisip iyan?”“Bakit? May schedule ba dapat?”“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”“Alam ko.” Hinila siya nito palapit. “Hindi kita inaakit para hindi mo na tapusin ang kontrata. Gusto ko lang maging malapit sa asawa ko. Masaya ako sa relasyon natin, Prince.”Naramdaman niyang humigpit ang hawak nito. Sa bawat salitang sinasabi ni Stefie, lalo siyang nahihirapang kalimutan na nagsimula ang kasal nila sa isang lihim na pakay.“Gusto mo rin ba talaga ako?” tanong nito.Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang mukha ng asawa. “Wife, kung attraction lang ang pag-uusapan, matagal na akong talo sa iyo.”Natawa si Stefie. “Talaga? Eh, bakit ang dami mong excuses?”“Dahil may mga bagay na hindi na maibabalik kapag minadali natin.”“Takot kan

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1254 The Wife Who Made the First Move

    Bakit hindi nabanggit ni Ninong Frank na kasama niya sina Daddy at Don Severo sa lumang litrato?Muling pinalaki ni Prince ang scanned photograph sa monitor. Nanggaling iyon sa existing investigation file ng Meridian Capital Holdings. Matalik na magkaibigan sina Frank at Alexander Buenavista, kaya normal ang pagdalo nilang dalawa sa iisang business event.Mas mahalaga ang presensiya ni Don Severo. Kumpirmadong dumalo ang biyenan sa pulong bago mawala ang malaking pera.Tinawag niya si Kelvin. “May event program o guest list ba tayong puwedeng ipa-verify? Gusto kong malaman kung representative si Don Severo o personal guest.”“Wala pa, sir. Itatanong ko sa investigators.”“Isama mo sa request. Walang assumptions hangga't walang dokumento.”Pag-alis ni Kelvin, isinara ni Prince ang larawan. Ngunit kailangan ding malaman kung ano talaga ang papel ng lahat ng nasa litrato.Pagdating sa mansyon ng mga Santillan nang gabing iyon, nadatnan niya si Stefie sa living room, nakayuko sa business-

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1253 A Date to Remember

    Muling tinitigan ni Prince ang pangalan ni Don Severo Santillan sa lumang correspondence ng Meridian Capital Holdings. Nakalista ito bilang kumpirmadong dadalo, ngunit wala pang patunay na natuloy ang pulong tungkol sa pondo ilang araw bago mawala ang pera.Tinawagan niya si Kelvin mula sa opisina. “Ipa-verify mo sa investigators kung may attendance record o minutes. Legal channels lang.”“Opo, sir.”Hindi sapat ang isang pangalan para pagbintangan ng pagpatay ang sarili niyang biyenan. Gayunman, habang nakatingin sa dokumento, naalala niyang ayaw nang tapusin ni Stefie ang kasal nila pagkatapos ng isang taon. Lalong nagiging komplikado ang kanyang plano.Bandang hapon, lumiwanag ang screen ng cellphone niya.“Prince, maaga ka bang uuwi ngayon?”“Bakit, wife? Miss mo na ako?”“Wala lang. Gusto ko lang mag-dinner kasama ang favorite husband ko.”“Ilan ba ang husband mo?”“Ikaw lang, unfortunately!”Napatawa siya. “Susubukan kong umuwi nang maaga.”“Gusto mo, ipagluto kita ng favorite m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status