LOGINMaagang gumising si Mira kinabukasan. Muling binalikan ng isip niya ang galit ni Kyle kagabi, ang tono, ang titig, at ang sakit ng mga salitang sinabi nito. Bagaman nasanay na siyang huwag maging personal sa trabaho, hindi niya maipaliwanag ang kirot na nararamdaman. Huminga siya ng malalim.
Nakahanda na siya para sa araw na iyon, corporate attire, nakatali ang buhok, simple pero maayos ang makeup. Ang meeting nila sa Megawide Corporation ay mahalaga, isang potential partnership para sa bagong infrastructure project ng Tuazon Group of Companies.
Bumaba siya mula sa guest room bitbit ang tablet at folder ng presentation materials. Paglapag niya sa hallway ng mansyon, naabutan niya si Kyle na palabas na rin, suot ang navy blue suit, tila ito male lead sa mga pinapanood niyang drama. Super gwapo talaga ng boss niya. Napalunok siya ng maalala ang nangyari sa kanilang wedding night.
“Sir, sabay na po tayo?” tanong niya.
Pero hindi siya tiningnan ni Kyle.
“May maghahatid sa’yo. Magkita na lang tayo sa opisina,” malamig na sagot nito, habang sumakay sa black Audi na agad umalis pagkapasok ng CEO.
Naiwan siya sa harapan ng mansyon, parang estatwang hindi makagalaw. Wala siyang nagawa kundi ang hintayin ang driver na maghahatid sa kanya. Pagdating ng kotse, sumakay siya ng tahimik, ang pakiramdam ay tila hindi siya asawa ng CEO, kundi isang pangkaraniwang empleyado. Pinagalitan niya ang sarili. Ano ba ang inaasahan niya? Talaga namang empleyado siya.
Pagdating sa Megawide Tower, unang bumaba si Kyle mula sa sasakyan, agad lumapit ang ilang executive at staff upang salubungin ito. Magkasunod lamang sila halos.
Paghakbang niya sa lobby, napansin niya ang mga lihim na sulyap ng mga empleyado. Walang nagsasalita, ngunit ang mata ng mga ito ay tila may sinisigaw.
“Hindi sila sabay dumating?”
“May problema ba?”
“Hindi ba at bagong kasal lang sila?”
Tahimik siya habang lumalakad papasok sa elevator, hawak ang kanyang tablet nang mahigpit. Nararamdaman niya ang bawat mata sa kanya. Ilang araw na naman siyang tampulan ng tsismis.
Pagdating sa boardroom, naroon na si Kyle, nakaupo sa dulo ng mesa, pormal, nakafocus sa presentation slides. Tumango lang ito nang makita siya, walang emosyon, ni walang pagbati.
Parang hindi sila galing sa iisang bahay. Parang hindi siya asawa. Na hindi naman talaga. Muli niyang sinaway ang sarili. Trabaho lang ang lahat at hindi niya dapat haluan ng damdamin. Kailangang maging propesyonal sa kabila ng personal na damdamin.
Tensyonado sa conference room ng Megawide habang hinihintay ang pagdating ng delegasyon mula sa Tuazon Group of Companies. Pinagmasdan niya si Kyle. Hindi mapakali ang mga daliri nito sa ibabaw ng mesa, paulit-ulit na pinipindot ang pen at paminsan-minsan ay tumitingin sa relo.
“Sir, kayang kaya po ninyong makuha ang deal na ito,” bulong niya.
“Madaming nag-aagawan sa project na ito. Tayo ang una nilang pinuntahan at madami pang kasunod.”
Ang partnership na ito ay hindi lang negosyo, alam niyang may nais patunayan si Kyle sa ama nitong si Don Renato. Pangarap na proyekto nito ang train station at magkakaroon ito ng katuparan kapag nakuha ni Kyle ang project. Noong nakaraan ay si Calyx, ang stepbrother ni Kyle ang nakapag-close ng deal.
Tahimik siya sa tabi ni Kyle, binabasa ang presentation file sa kanyang tablet. Alam niyang stress ang boss niya. Ngunit hindi na siya nagtangkang magsalita uli. Alam na alam niya kung paano ito pakitunguahan.
Maya-maya, bumukas ang pinto ng boardroom.
“Ladies and gentlemen, Mr. Sebastian Tuazon, CEO of Tuazon Group,” anunsyo ng secretary.
Pumasok ang isang matangkad at gwapong lalaking naka-dark green suit, may confident na ngiti sa labi at matalim na mata. Taglay nito ang karismang hindi mapagkakaila.
Agad tumayo si Kyle upang makipagkamay.
Ngunit bago pa man ito mangyari, nanlaki ang mga mata ni Mira at mapako ang tingin ni Sebastian sa kanya.
“Mira?” bulalas ni Sebastian, may halong gulat at tuwa.
Natahimik ang buong boardroom at nagmamasid lamang sa kanila.
Napangiti siya, hindi rin makapaniwala.
“Sebastian? Ikaw na ba 'yan?”
“Wow… grabe. You haven’t changed a bit. Still the prettiest girl,” biro ni Sebastian.
Napatawa si Mira, bahagyang nahihiya. “Lalo ka na, napakapogi mo pa din. Ang crush ng bayan ang datingan mo hanggang ngayon.”
“Alam mo ba, hanggang ngayon, hindi ko makakalimutan na lagi tayong magka-partner sa lahat ng school event, ako ang escort, ikaw ang muse. Tandang-tanda ko pa lahat ng event.”
Tumawa si Sebastian. Napalinga siya sa paligid. Tsaka lamang niya napagtanto na ang atensyon ng lahat ay nasa kanila.
Pero si Kyle? Tahimik lang sa isang gilid. Nakangiti naman, pero ang panga ay bahagyang gumalaw. Ang mga mata nito ay malamig, kahit ang ngiti sa labi ay tila magkadikit lang para sa pormalidad. Wala itong sinabi ngunit alam niyang hindi ito natutuwa sa agaw atensyon nilang pagkikita ng dating kamag-aral.
“Shall we begin Mr. Tuazon?” singit ni Kyle, kontrolado ang tono.
“Of course,” sagot ni Sebastian. “But later, Mira, we need to catch up. Gusto kitang imbitahan sa isang private dinner mamaya.”
Napatingin siya sa boss.
“Have a seat Mr. Tuazon,” malamig na sabat ni Kyle, sabay tayo at paglapit sa presentation board.
At nagsimula ang negosasyon, pormal, direkta, ngunit hindi maikakaila ang palihim pagsulyap ni Sebastian sa kanya.
Matapos ang mahigit ilang oras na pag-uusap at talakayan, natapos ang presentation ni Kyle. Detalyado, visionary, at may kompletong plano mula sa engineering down to social impact, isang proyekto na hindi lamang para sa kumita, kundi para makatulong sa bayan.
Tumango si Sebastian matapos ang huling slide. “Impressive,” aniya, habang nagkakasalubong ang mga daliri nito sa ibabaw ng mesa. “Honestly, I’m impressed. Your projections are solid, your execution plan is clear…”
Napangiti si Kyle. Ngunit hindi pa ito ang katapusan.
“…but,” dagdag ni Sebastian, “out of fairness, I still want to review the other proposals before making my final decision.”
Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Kyle, ngunit saglit lang. Bilang bihasang negosyante, sanay na ito sa mga ganitong galawan. Tumango ito.
“Of course. We understand Mr. Tuazon.”
Sumulyap si Kyle sa kanya na may nais ipahiwatig.
Maraming salamat po sa suporta sa aking bagong aklat! Sana po ay magustuhan ninyo. Enjoy reading!
Hindi agad nakapagsalita si Lucas. Nagkunwaring hindi naniniwala kay Maya."Tell me, you're just kidding. Wala pang nakakakita sa CEO. Umamim ka nga, gusto mo ba ang CEO at may plano kang makipaglapit sa kanya?" ani Lucas na nagpadismaya kay Maya.So, totoong it's just all a game. Tiyak na ang kasal na binanggit nito ay hindi din totoo. Hindi din niya dapat seryosohin ang larong ito. It will end soon, in his own terms.“Kahit type ko ang CEO, hindi niya ako papansinin,” aniyang yumuko upang itago ang namuong luha.Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Lucas. Nasasaktan siya. Heto na nga ba ang kinakatakutan niya. Falling for the wrong person.Mabilis niyang pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi.Tumayo siya at inayos ang sarili at mabilis na umakyat sa kanilang room. Tahimik na nakasunod si Lucas.“Maya, galit ka ba dahil sa nangyari?”Umiling lang siya. “It’s just a mistake. Wala naman tayong relasyon. Kalimutan natin ang nangyari. Parehas tayong nadala lang ng pagkakatao
Basa na ng luha ang mga mata ni Maya ngunit pilit niyang itinatago.“Maya,” tawag ni Lucas, habol ang hininga, “sagutin mo lang ako. Tell me if you feel the same.”Umiling siya, mabilis, halos hindi makatingin dito.Kapag sinagot kita… tapos na ba ang thrill and adventure mo?Hahanap ka na ba ng ibang paglalaruan?Hindi niya kayang sabihin. Hindi rin niya kayang marinig ang sagot.Kaya tumalikod siya at tumakbo palayo.“Damn it, Maya!” sigaw ni Lucas, pero patuloy siyang tumatakbo palayo hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan at tila pinapawi lahat ng ingay ng mundo.Nagkubli siya sa maliit na kubo sa gilid ng dalampasigan, nanginginig, basang-basa, habang pinupunasan ang mukha.Akala niya ligtas na siya, pero ilang minuto lang, naramdaman niyang may mainit na braso sa balikat niya.Si Lucas. Basang-basa rin, ang mga patak ng ulan ay dumadaloy sa kanyang noo pababa sa labi.“Maya,” anito, mababa at paos. “I can’t stay away from you.”Hindi siya nakasagot. Hindi na rin siya nakailag na
Inabot ni Maya ang kamay kay Lucas.Lucas’s hand slid to the small of her back as they moved in rhythm, bodies so close na halos wala nang hangin na makakasingit sa pagitan nila.The scent of his cologne, wrapped around her senses, at pati tibok ng puso niya ay parang nakikisabay sa tibok ng puso nito.What a night, stars, music, and the man she shouldn’t love.Lucas leaned in. “You’re trembling.”“Hindi ah, medyo maginaw lang,” tanggi niya.She laughed softly, but the sound died when his hand brushed against her bare skin. Their eyes locked, and for a moment, the world melted away-until a murmur rippled through the crowd.Napatingin ang lahat sa pagdating ni Camille Montemayor.She stood there, radiant in a red gown that hugged every curve.Lucas stiffened. The warmth in his gaze vanished, replaced by alarm.Hindi puwedeng makita ni Camille si Lucas dito. Kung malaman nitong nakikihalubilo sa mga empleyado ang CEO, tiyak na lalabas sa media kinabukasan.“Lucas,” bulong niya, halos hi
“Maya! Lucas! Halika na, nagsimula na ang bonfire!” sigaw ni Divine.Nakahilera ang mga tiki torches, may gitara, at bote ng alak na umiikot. Sa gitna, may bonfire na unti-unting umaapoy at sumasayaw sa hangin.Music. Laughter. Waves. Everything felt like freedom.Maya sat beside Divine, trying to blend in sa saya ng lahat. Pero ilang sandali lang, umupo si Lance sa tabi niya. May hawak itong bote ng beer at ngiting halatang may tama na.“Hi, Maya,” anito, sabay abot ng bote. “Para sa pinakamagandang babae sa Timeless Essence.”“Thanks,” aniya nagbigay ng ngiti.Ngunit napansin niya kung paanong unti-unting dumidikit si Lance, masyadong malapit.Ang braso nitong kanina ay nakasandal lang, ngayon ay nakadikit na sa kanya.“Lance, baka gusto mo doon ka sa harap, may nagsasayaw oh. Hindi kita dito eh.”Pero bago pa ito makagalaw, isang mainit na braso ang lumibot sa balikat niya.Si Lucas. Ngumiti ito, pero hindi maitatago ang titig nitong puno ng babala.“Bro,” sabi nito kay Lance. “Ipi
Maya’s hands trembled as she flipped through Camille’s medical folder.Inside was an ultrasound photo, but the name on top wasn’t Camille Montemayor. Her heart pounded. Pagbuklat niya, meron pang isa na nasa pangalan nito na kamukha ng resulta sa naunang papel. Hindi totoong buntis ito. Nagsinungaling ang babae sa publiko. Totoo ang sinasabi ni Lucas.Before she could take a picture, the doorknob clicked.A nurse entered, startled to see her. “Ma’am? Ano po ang kailangan ninyo?”“Ah, hinahanap ko lang ang file ng kapatid kong si Mira Alvarado, sorry!” Maya stammered, quickly putting the folder back.“Nasa delivery na po siya pati na ang medical records.”“Ah, sige. Thanks.” Maya flashed her best innocent smile before darting out of the office, her heart racing.Wala siyang ebidensiya, pero alam na niya ang katotohanan.At kung gusto nito ng gulo, hindi siya mangingiming patulan ito.***The next morning, the company’s inboxes exploded with excitement.Team Building Announcement: 3 Days
Lucas picked up the phone from the floor. “Who sent this?” tanong nito, mababa pero mariin ang tono.Maya quickly snatched the phone back. “Hindi ko alam,” aniyang pilit pinapakalma ang sarili.Kinuha ni Lucas ang cellphone, tinitigan ang screen, at kita sa mukha nito ang pagkabahala. “This isn’t just a prank,” sabi nito.Napalunok siya. “Lucas, baka spam lang ‘yan. Alam mo na, ang daming sira ulo lalo sa online.”Pareho silang walang masabi.Lumapit ito sa kanya, marahang hinawakan ang balikat niya. “Huwag kang matakot. Hindi kita papabayaan.”Bago pa siya makasagot, kinuha ni Lucas ang cellphone niya, kinopya ang number, at mabilis na lumabas ng pinto. Narinig niya pa ang tinig nito sa hallway, mababa, galit, pero kontrolado. Nag-uutos na naman sa mga tauhan niya. Kaya pala magaling sa negosyo dati pa at laging hawak ang tablet ng kumag. Akala niya naglalaro lang.Naiwan siyang tulala sa mesa. Binalot siya ng takot lalo ng maisip na baka madamay ang pamilya niya.Kaya nang bumalik it







