로그인Pagkatapos ng meeting, lumipat sila sa lounge ng opisina kung saan hinain ang meryenda, assorted pastries, coffee, at imported snacks. Kailangan ng konting pahinga matapos ang mahabang talakayan. May basket din na naglalaman ng imported products para sa mga bisita.
Habang abala ang lahat sa pagkain at kwentuhan, marahang lumapit si Kyle sa kanya. Pasimple itong yumuko at bumulong sa tenga niya.
“Kaibigan mo si Sebastian, hindi ba?”
Napatingin siya sa amo. “Opo, pero noong elementary pa—”
“Kaibiganin mo ulit. Use that connection. Kausapin mo siya privately. Ayokong makipag-meeting pa siya sa ibang company.”
Kinabahan siya. “Sir, hindi ba parang…”
“Look, Mira,” mahinang bulong ni Kyle, “you said you’d help me. This is important. I need this deal. Gawin mo na. Sumama ka sa dinner invitation niya mamaya.”
Nanigas siya sandali. Bakit parang pakiramdam niya ay ipinapamigay siya ni Kyle? Gaga talaga siya. Natural, wala namang pagtingin sa kanya ang boss. Pero gagawin niya ang utos para sa trabaho at para sa boss.
Tumango siya dahil alam niyang hindi siya makakatanggi.
“Okay sir. Gagawin ko po.”
“Good. I’ll reward you kapag nakuha natin ang deal,” ani Kyle na umalis ng makitang palapit si Sebastian sa kanya.
“Pwede ko bang makuha ang contact number mo?” nakangiting sabi nito.
“Sige. Heto,” aniyang ipinakita ang cellphone na luma na napanalunan pa niya sa raffle noong unang taon niya sa Megawide.
Tumingin ito sa kanya ng diretso. “So, dinner tonight? I meant what I said. Gusto kitang makakwentuhan ulit, Mira. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa ‘yo. After all, matagal din tayong naging magkaklase noon. From grade one to grade six.”
Bago pa siya makatanggi, naramdaman niyang muli ang tingin ni Kyle mula sa hindi kalayuan.
“Okay, mga bata pa tayo ng huling magkita. Gusto ko ding malaman ang secret to success mo,” tugon ni Mira. “Anong oras ang dinner?”
“Hmm, how about six in the evening? Sunduin kita. Ibigay mo lang ang address mo.”
“Hindi na, magkita na lang tayo. Saan bang restaurant?”
“Sa Grand Royal Restaurant.”
Nanlaki ang mata niya. Ang restaurant na binanggit nito ay pawang mayaman lamang ang nakakapunta dahil kailangan ay may membership.
“Okay, see you!”
“Excited na ako para mamaya. Any request sa food? Baka may allergy ka.”
“Wala, ikaw na ang bahala.”
“Alright, bye Mira. See you later. I’m so glad to see you.”
***
Kumatok sa kwarto niya si Kyle.
“Here, I bought clothes and shoes para mapapayag mo si Sebastian. Do whatever it takes, kumbinsihin mo siyang pumirma ng kontrata sa Megawide,” anitong iniabot ang ilang paper bags.
“Sir, sa tingin ko po kahit makinig siya sa ibang proposal, ang sa Megawide pa din ang pinakagandang proyekto.”
“Alam ko, I just want to make sure. Galingan mo. Ayokong papalpak ka,” anitong tumalikod na.
Suot niya ang mga binigay ni Kyle. Mas lumitaw ang kanyang kagandahan. Habang papunta siya sa mamahaling hotel restaurant kung saan naghihintay si Sebastian, kabado siya at nahihiya na din.
Alam niya ang misyon niya, kaibiganin, kumbinsihin, akitin kung kinakailangan ang dating kaklase para sa kontrata.
Sinalubong siya ng staff na para bang kilala siya, “Ms. Mirabella Marasigan? This way please. Mr. Tuazon is waiting.”
May violinist sa sulok, ambient light, at tanaw ang city skyline mula sa salaming bintana. Napalinga siya sa paligid. Kaya pala sikat ang restaurant na ito, napaka-elegante ng disenyo.
Sa dulo ng mahaba at pribadong booth, naroon si Sebastian nakangiting tumayo at sinalubong siya na parang isang tunay na prinsesa.
“Mira,” anitong hinawakan ang kanyang kamay upang alalayan.
“You look stunning.”
“Thank you,” sagot niya, medyo hindi mapakali. Hindi siya sanay sa ganitong treatment. Mas sanay siyang utus-utusan, magdala ng kape, o magtype ng memo.
Marami silang napag-usapan habang kumakain, mula sa mga childhood memories sa eskuwelahan, hanggang sa mga kwento sa buhay-buhay nila ngayon.
Natatawa si Sebastian, lalo na kapag naaalala nila ang kabaliwan nila noon. “Naalala mo ba kapag recess natin? Madalas tayong share sa pagkain.”
Napangiti si Mira. “Oo, nakasurvive tayo sa nilagang kamote at saging. Pero look at you now, napakalayo na ng narating mo. You’re the best example of self-made man. Nakakahanga.”
“Naging inspirasyon ko ang kahirapan. Ipinanganak akong mahirap, nangako akong hindi mamamatay na mahirap. Sa tulong ng Diyos at sariling pagsisikap, natupad ko ang pangarap ko.”
“Masaya ako para sa’yo.”
“Salamat, Mira.”
Habang nililigpit ang mga plato para ihain na ang dessert, lakas-loob niyang inihanda ang sarili upang buksan ang usapan tungkol sa kontrata.
“Sebastian…” sabay tagilid ng tingin ni Mira. “I know this is a personal dinner and I truly appreciate the kindness. But I’m still part of Megawide. And I’m here, as awkward as it sounds, to convince you to choose our company for the partnership. Alam mo na, nagpapalakas ako sa boss ko.”
Napatingin si Sebastian sa kanya, hindi nagulat parang alam na nito ang pakay niya.
“Mira, do you really want me to sign the deal because Kyle asked you to convince me or because you believe in it, too?”
Tahimik si Mira.
“Both,” tapat niyang sagot. “I believe in the project. I’ve seen how much effort Kyle poured into this. Megawide deserves this chance.”
Tumango si Sebastian. “I love the answer.”
Hinawakan nito ang baso ng wine at ngumiti. “I’ll think about it. But Mira…”
Napatingin ito sa kanya nang diretso.
“I didn’t invite you tonight for business. I invited you because I wanted to see if the girl I once admired is still the same woman in front of me now.”
Namula siya at napayuko sa hantarang pagpapahayag nito ng damdamin.
“Mira…”
Napalingon siya.
“Alam kong kasal ka na kay Kyle.”
Nanlaki ang mga mata niya. Nanuyo ang lalamunan.
“Don’t worry,” dagdag ni Sebastian, “Hindi ako chismoso. Nagkataon lang na may kaibigan akong nasa wedding ninyo.”
Hindi siya nakapagsalita. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Nagpatuloy ito, habang nakatitig sa kanya.
“Mira,” seryoso na ang boses nito ngayon. “Ano ba talaga kayo ni Kyle? Totoo ba ang kasal? O isang palabas lang?”
“Dad, anong ginagawa ninyo dito?” nagtatakang tanong ni Iris.“Hinahanap ka talaga namin ni Daryl, yayain ka namin para sa family dinner ng mga Tan.”Napatingin siya kay Daryl.“Don Apollo, mauuna na po ako. Goodnigh, hon,” ani Daryl. Muntik siyang matumba ng halikan siya sa pisngi ng binata. Aba, tumatapang ito.Tumalikod ito at siya naman ay hinila na ng ama.“Iris,” malamig ang tono ng ama, nakaupo sa kotse. “Ire-reassign ko si Daryl. Temporary lang. Hindi na siya dapat laging nasa tabi mo.”Nanigas ang balikat niya.“Reassign?” ulit niya. “Dad, hindi puwedeng basta --”“Puwede,” putol ni Don Apollo. “At gagawin ko.”Tahimik si Iris, pero sa loob niya, may kumukulong galit.“Kung aalisin mo siya sa kumpanya,” mariin niyang sabi, “ipinakita ninyo lang sa tao ang pagiging matapobre ninyo. Matalino at magaling si Daryl kaya baka idemanda pa niya kayo.”Hindi na siya nagsalita pa. Pinagmasdan ang mga ilaw sa labas ng sasakyan.***Kinabukasan, pagpasok niya ng opisima, nakita niya si
“Iris,” mababang sabi ni Don Apollo. “Nagsabi na sa akin si Harvey.”Nanikip ang dibdib niya.“Ano po ang sinabi niya?”“Sinabi niyang dati na pala kayong may koneksyon,” sagot ng ama. “High school pa lang. Mga liham. Pangako. First love.”Tumigil ito sandali. “Harvey is the best choice for you. Tadhana na pala ang nagtagpo sa inyong muli.”Parang may humila sa sikmura niya.“Dad--”“Give him a chance,” putol ni Don Apollo. “He has the history. The status. The future. Hindi mo kailangang ipaglaban ang mundo kung siya ang pipiliin mo.”Tahimik si Iris.Sa loob niya, magulo.Nakita na niya ang first love niya.Naroon na ang sagot na matagal niyang hinintay.Pero bakit parang… hindi pa rin siya makahinga nang maayos?“Makipaghiwalay ka na kay Daryl,” mariing sabi ng ama. “Tapusin mo na ang relasyon ninyo. Hindi mo na siya kailangan.”Kung ganoon, bakit parang may kumirot sa dibdib niya sa mismong ideya ng pagtapos sa ugnayan nila?“Dad,” mahina niyang sabi, pero matatag. “Bigyan mo ako n
Bumitaw si Iris. Kailangang makahanap siya ng timing kung paano masasabi kay Daryl na nakita na niya ang first love at si Harvey pala.Lumapit siya sa mahabang mesa roon kung saan nakahilera ang mga bar ng All Naturals, nakabalot sa brown paper at tinatali ng simpleng twine.“Pwede pa-try magbalot?”Nakatayo si Iris sa harap ng mesa, medyo alangan sa galaw habang sinusubukang balutin ang isang piraso ng sabon.“Ganito ba?” tanong niya, hawak ang papel na parang natatakot mapunit.“Medyo,” sagot ni Daryl, may ngiti. Lumapit ito mula sa likuran niya.Tumayo ito sa likod niya, bahagyang yumuko para makita ang ginagawa ng dalaga. Inabot niya ang mga kamay ni Iris, ginabayan ang mga daliri nito.“Dapat pantay ang tiklop, tapos dito mo ilalagay ang label.”Napahinto si Iris.Magkalapit sila. Ramdam niya ang init ng katawan ni Daryl sa likod niya. Ang boses nito, mababa at kalmado, parang himig na kayang patahimikin ang isip niya.“Ah, ganito pala,” bulong niya.Nagpatuloy sila sa pagbalot.
Nakatayo pa rin si Iris sa harap ng mini-forest, nakatanaw sa lugar na minsang naging Teatro at minsang naging bangungot.Halos hindi siya makahinga.“Wait, Iris, huwag mong sabihing… ikaw si Mysterious Girl?” pabulong na tanong ni Harvey.“Ako nga si Mysterious Girl,” sabi ni Iris. “Ikaw… ikaw ang hinihintay ko?”Lumapit si Harvey at niyakap siya.Hindi niya alam kung yayakap pabalik o itutulak palayo ang lalaki. Ang katawan niya, nanigas. Pero ang isip niya, tuliro. Ang puso niya, humahabol sa lahat ng taon na nawala.“Noong araw ng sunog…” nanginginig niyang tanong, halos hindi lumalabas ang boses. “Ikaw ba ang nagligtas sa akin?”Bahagyang umatras si Harvey para makita ang mukha niya. Pinagmasdan siya nito na parang binabasa ang bawat piraso ng emosyon.“Nandoon din ako,” panimula nito. “Papalapit na ako sa isang babaeng may suot na red ribbon…” tumigil ito sandali, parang sinisigurado ang bawat salita.Namulagat si Iris.May pumitik na memorya sa utak niya, isang pulang ribbon, s
Tahimik ang maliit na room na sa likod ng bahay nila Daryl. Amoy ang sabon at essential oils ang hangin, lavender, citrus, at isang banayad na woody note na paborito ni Daryl. Pero sa gitna ng katahimikan, ramdam ang tensyon.Nakatitig si Daryl sa tablet na hawak.“Hindi na tuloy ang distribution,” mahinang sabi niya. “Bigla raw umatras ang MetroLux Group.”Nanlaki ang mata ni Nanay Lily. “Ha? Eh kahapon lang excited na excited sila. Sila pa ‘yung nagsabing kaya nilang i-handle ang nationwide rollout.”Alam na ni Daryl ang sagot kahit ayaw pa niyang aminin.Malakas ang kutob niyang kagagawan na naman ito ni Don Apollo.Tumatawag si Victor Lim. Lumabas siya ng bakuran.“Confirmed,” diretsong sabi ni Victor. “Blocked kayo. Hindi dahil sa produkto, maganda ang produkto ninyo. Kundi dahil may tumawag sa taas.”Napabuntong-hininga si Daryl. “Totoo po pla ang hinala ko.”“Ginamit niya ang network niya. Classic move. Hindi ka niya kayang bilhin, kaya hahadlangan ka niya.”“Pwede kang magdema
Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo mo?” aniya. “Na ginigipit ka na niya? Nadadamay pa si Nanay Lily.”Tumango si Daryl. “Alam ko.”“Why aren’t you scared?” halos sigaw niya.Dahan-dahang hinawakan ni Daryl ang kamay niya.“Takot ako,” amin nito. “Pero mas natatakot akong ---” Hindi na niya natapos ang sasabihin.Nagtagpo ang mga mata nila. Puno ng tanong.Niyakap siya ng mahigpit ni Daryl.***Tahimik ang executive floor ng Timeless Tower nang pumasok si Iris sa opisina ng ama.Hindi siya nagmamadali.Hindi rin siya galit.Nakatayo si Don Apollo sa harap ng bintana, may kausap sa telepono. Napalingon ito nang maramdaman ang presensya ng anak.“I’ll call you back,” malamig nitong sabi bago ibaba ang tawag.Nagtagpo ang tingi







