/ Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 5 Hearts Never Sign Contracts

공유

Kabanata 5 Hearts Never Sign Contracts

last update 최신 업데이트: 2025-07-24 15:03:50

Linggo ng umaga. Ipinasundo si Mira sa driver ni Kyle upang tumira sa mansyon ng mga Alvarado. Mainit ang sikat ng araw. Lumabas siya sa kotse at ngayon ay nasa harapan ng malawak at marangyang mansyon. Dalawang bag lang ang dala niya, isang maleta at isang shoulder bag. Anim na buwan lang naman siyang mananatili.

Napasinghap siya habang pinagmamasdan ang engrandeng harap ng magiging tahanan, malalaking haligi, fountain sa gitna ng driveway, at mga halaman na ginawa ng landscape artist. Sa condo lamang niya madalas puntahan ang boss.

Biglang bumukas ang malaking pintuan at sinalubong siya ng sampu yatang kasambahay.

Isang elegante at may edad na ginang ang lumabas, maganda pa rin sa kabila ng mga linya sa mukha. Nakasuot ito ng pearl earrings at light beige na dress. Sa tabi nito, isang babaeng nasa early twenties, naka-jeans at blouse, mukhang approachable at classy rin.

“Mira?” bungad ng ginang na nakangiti.

“O-Opo,” sagot niya, agad yumuko bilang paggalang. “Magandang hapon po,” aniyang nagmano.

Ngumiti ang matanda at lumapit sa kanya. “Ako si Donya Aurora. At ito ang anak kong si Kendra.”

“Hi! Welcome!” sabat ng kapatid ni Kyle, sabay abot ng kamay. “Finally, nakilala rin kita. Ikaw pala ang malas na naipalit bilang bride ng kuya ko,” anitong nakatawa.

“Pumasok ka, hija,” alok ni Donya Aurora. “Hindi ka bisita rito. Bahay mo na rin ‘to. Ipaakyat na natin ang gamit mo.”

“Ah, ako na po ang bahala. Huwag po kayong mag-alala at hindi naman po ako bisita.”

Ngunit sinenyasan ng Donya ang dalawang kasambahay. “Hindi mo kailangang mahiyang tumira dito. Ikaw ang asawa ni Kyle. At bilang asawa ng anak ko, pamilya ka na rin namin.”

Napatigil siya. Hindi niya inaasahan ‘yon. Ang buong akala niya ay malamig ang pagtanggap na makukuha mula sa pamilya Alvarado. Akala niya ay pagdududahan siya, tatarayan, o uuriin ang kanyang pagkatao.

“Thank you po sa pagtanggap, nahihiya po ako.”

“Kami ang nahihiya sa’yo. Iniisip nga namin kung bukal ba sa loob mo ang magpakasal sa kuya ko,” nakangiting sabi ni Kendra.

“Ano kamo, Kendra?” anang baritonong boses ni Kyle na bumababa ng hagdan na kakatapos lang mag-exercise at walang pang-itaas.

Muntik malaglag ang panty niya. Pawisan ang katawan nito at litaw ang six pack abs at malapad na balikat.

“Andyan ka na pala, iaakyat na sa kwarto ninyo ang gamit ni Mira,” ani Donya Aurora.

“No, she will stay sa guest room,” ani Kyle. “She will be more comfortable there.”

May kirot ulit sa dibdib. Sinaway niya ang sarili. Wala siyang karapatang masaktan. Sa loob ng anim na buwan ay paghuhusayan niya ang pagiging maybahay at assistant ng CEO.

Hinatid siya ng kasambahay na si Aling Betty sa guest room na katabi ng kwarto ni Kyle.

Habang inaayos ang mga gamit, napabuntong-hininga siya. Hindi pa man tumatagal, dama na niya ang mabigat na responsibilidad sa likod ng pangakong pinasok niya. Madali ang mga dapat gawin, ang mahirap ay ang kontrolin ang kanyang emosyon.

***

Gabi na sa mansyon. Tahimik ang buong paligid. Hindi sanay si Mira na huni ng kuliglig ang madidinig. Nakatapos na siya sa pag-aayos ng kaniyang gamit sa guest room. Nakaligo na rin siya at naka-suot ng simpleng cotton pajama at maluwag na puting shirt. Maluwang ang kwarto at malambot ang kama. Halos kasing laki na nito ang buong bahay nilang mag-anak. May aircon pa!

Naalala niya ang isang folder ng mga urgent documents na ipinasok ni Kyle sa kwarto nito, mga papeles na kailangan niyang ayusin para sa investor meeting sa bukas. Kukuhanin niya. Ilang beses na siyang pumapasok sa condo unit ng boss kahit wala ito. Natural na lang sa kanila ang ganoong gawain.

Kaya't hindi na siya nagdalawang-isip. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto ng silid at pumasok.

Pero pagbungad niya, parang napako siya sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ang makikita. Bumungad sa kanya ang mga larawan sa paligid. Mga larawan ni Sofie.

May mga naka-frame sa bedside table at sa mismong pader sa harap ng kama ay may isang malaking oil painting nito, nakangiti at nakatingin sa malayo.

Napalunok si Mira. Ganito pala kamahal ni Kyle si Sofie.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa, kinuha ang folder na pakay niya, at napatingin sa painting. Maganda si Sofie. Hindi niya maikakaila. Nilamon siya ng panigbugho na hindi niya alam kung saan galing.

“Anong ginagawa mo dito?!”

Biglang dumagundong ang tinig sa likuran niya.

Napalingon siya. Dumating si Kyle na nakapambahay, galing sa gym room sa ibaba. Pawisan, nakasuot ng itim na shirt at joggers, at matalim ang mga matang nakatunghay sa kanya.

“S-Sorry, sir, kailangan ko po ‘tong folder. Kinuha ko lang po.”

“Hindi ko gustong pumapasok ka sa kwarto ko ng walang paalam!” mariing sabi ni Kyle. Lumapit ito at mabilis na inagaw mula sa kanya ang folder.

Nagulat siya sa biglaang init ng ulo nito.

“May boundaries, Mira. Hindi porket pinakasalan kita sa papel, may karapatan ka nang maglabas pasok dito na parang asawa nga kita!”

Napayuko siya. “Pasensya na po at hindi na po mauulit.”

Kumurap siya ng ilang beses upang itago ang luhang nangingilid sa kanyang mga mata.

“Pasensya na po ulit,” mahina niyang sabi. “Hindi ko sinasadya. Sanay lang kasi ako sa condo ninyo. Hindi ko naisip na iba pala dito sa mansyon.”

Muli siyang tumingin sa painting ni Sofie.

“Sir, parang mas mainam na kalimutan na ninyo si Sofie. Baka masaktan lang po kayo. Kung talagang mahal niya kayo, ikaw po ang pipiliin niya kaysa sa career niya. Hindi niya hahayaang mapahiya kayo o masaktan.”

“You don’t know her. Bata pa lang pangarap na niyang maging supermodel. Nagkulang ako ng pang-unawa sa kanya. Alam kong babalik siya sa sandaling malaman niyang ikinasal ako sa iba.”

Tumango-tango siya. “Sana nga po ay bumalik si Ms. Sofie. Sana makita niya na hindi na siya makakakita ng lalaking kagaya ninyo. Pero paano po kung hindi na siya bumalik?”

Matagal bago muling nagsalita si Kyle.

“Umalis ka na. Bukas na lang tayo mag-usap tungkol sa meeting.”

Tumango at tumalikod na siya, marahan ang bawat hakbang. At habang sinasara niya ang pinto, para bang kasabay nito ang unti-unting pagsara ng pinto ni Kyle sa pagitan nila. Isa lamang siyang bayaran. Ano ba ang inaasahan niya? Mala-fairytale na love story?

Malinaw ang kontratang pinirmahan niya. Ngunit kamay lang yata niya ang pumirma at hindi ang puso niya. Hearts never sign contracts.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 13 The Hero

    Galing si Mira sa opisina nang mapadaan siya sa isang convenience store. Pumasok siya para bumili ng pasalubong para sa amang nasa ospital. Habang pumipili ng tinapay, napansin niya ang isang matandang lalaki na nakasuot ng hospital gown, at tila naguguluhan habang namimili sa snack section.May dala itong juice, sandwich, at ilang gamot.Paglapit sa counter, tila biglang nataranta ang matanda habang kinapa ang bulsa."Naku, anak, mukhang naiwan ko ang wallet ko sa ospital."“Naku, lolo, lumang style na ‘yan. Ibalik ninyo ang mga kinuha ninyo kung wala kayong pera!” anang staff.Narinig niya iyon habang binabayaran ang sarili niyang binili. Napatingin siya sa matanda at nakita ang pamumutla nito."Walang problema po, Lolo. Ako na po ang magbabayad."Ngumiti siya at inabot ang bayad para sa binili ng matanda.“Maraming salamat, iha. Babayaran kita agad.”Ngunit bago pa man niya maabot ang resibo, bigla na lang napahawak sa dibdib ang matanda. Napaluhod ito at nanginig."Lolo! Lolo! Anon

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 12 The Cold-Hearted Boss

    Napatitig si Mira kay Kyle, tila hindi makapaniwala. Nagsikip ang dibdib niya. Pero sa halip na umiyak, tumango siya.“Sige, kung saan ka masaya.”Binuksan niya ang pinto at bumaba. Humigpit ang hawak niya sa clutch habang ang takong ng sapatos niya ay tumunog sa sementong kalsada.Habang naglalakad siya, kahit kinakalaban ng sapatos ang bawat bato at alikabok, hindi siya lumingon. Sanay siya sa hirap at maglakad ng ilang kilometro basta hindi lang sana nakatakong.Sa loob ng kotse, nanatiling nakatitig si Kyle sa rearview mirror. Sinundan nito ng tingin ang bawat hakbang ng babae.“Damn it…” bulong nito, kasabay ng pagbunot ng cellphone.“Clara,” tawag nito sa mayordoma, “magpadala ka ng taxi na susundo kay Mira sa bandang Magalang Street. Bilisan mo, ngayon na.”Ilang minuto pa, may humintong taxi sa tapat ni Mira.“Ma’am, taxi po.”Tinignan niya ang matandang driver at ang sasakyan nitong pan-taxi naman. Mabilis siyang sumakay.Malamig ang hangin, pero mas malamig ang pakiramdam ni

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 11 Generous Gift

    Hindi umiwas si Mira sa tingin ni Kyle. Sa halip, tumango lang siya upang batiin ito. Nakita niya itong palapit.“Sorry, I’m late,” malamig ngunit maginoong bati ni Kyle, nakasuot ng itim na tuxedo. Tahimik ngunit matalim ang mga mata nito kay Sebastian bago lumipat ang tingin sa kanya.Ngumiti si Sebastian, tumayo at nakipagkamay. “Kyle. What a surprise. Didn't expect to see you here tonight. Sa tagal ng charity event namin, palagi ka lang nagpapadala ng representative. Pero mukhang espesyal ang araw na ito at personal kang nagpunta.”“Well, we’re business partners, dapat lang na suportahan ko ang charity event ng Tuazon Group,” sagot ni Kyle.Saglit na katahimikan. Tapos, biglang tinawag ang auctioneer sa gitna ng ballroom upang simulan ang highlight bidding, isang prime beachfront property sa bayan nila.“Next up, 500-hectare beach property! Starting bid at 50 million pesos!” anang auctioneerAgad na sumagot si Sebastian. “Fifty-five.”Tumugon si Kyle, malamig ang tono, “Sixty.”Nap

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 10 Signing the Contract

    Tila hindi nagulat si Sebastian. Sa halip, nakatingin lang ito sa kay Mira, tila inaarok ang kanyang damdamin.“May tanong ako, Mira,” mahinang sabi ni Sebastian. “Sa tingin mo ba, karapat-dapat na mapili ang proposal ng Megawide, o gusto mo lang mapalugod ang boss mo?”Natigilan siya. Alam niyang crucial ang sagot.Huminga siya nang malalim. “Karapat-dapat ang proposal. Alam mo ‘yan dahil nai-present na sa’yo. Alam kong may value din sa Tuazon Group ang partnership, pero hindi ako magmamalinis, gusto din talaga ng boss ko na makuha ito. At gusto kong matulungan siya.”Tumango si Sebastian, tila pinoproseso ang lahat.“Kung sakaling pirmahan ko,” dagdag nito, “hindi ba parang nanalo siya hindi dahil sa proposal, kundi dahil sa’yo? Alam mong hindi kita kayang tanggihan.”Hindi agad siya nakasagot at snadaling nag-isip.“Ang mahalaga, mapapakinabangan ng parehong kumpanya ang partnership at ng mga tao sa ating bayan pati na ang mga karatig lugar. Kung sino man ang maging dahilan, hindi

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 9 The Gossip

    Napasinghap si Mira. Hindi niya inakalang ganito kababa ang iniisip ng boss niya. Kahit gusto niyang sumigaw, pinili niyang huminga nang malalim at ngumiti, isang ngiting puno ng pasensya.“Wala po, Sir Kyle,” sagot niya. “Walang nangyari sa amin. Nagtagal lang kami dahil nalibang sa kwentuhan. Umuwi ako kaagad pagkatapos.”“Pero may gusto siya sa’yo.”Hindi siya agad sumagot. Sa halip, lumapit siya at marahang inabot ang bote ng alak sa kamay nito.“Hindi ko po kontrolado ang nararamdaman ng ibang tao, Sir Kyle. Pero kontrolado ko ang sarili ko. Nandito ako dahil may responsibilidad akong tinanggap. At gagampanan ko po ng buong husay ang trabahong ibinigay ninyo.”Bumuntong-hininga si Kyle. “Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman kong dinudumihan mo ang pangalan ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo,” anitong tumalikod na.Nakahinga siya ng maluwag ng mailapat ang pinto ng kanyang silid.***Kinabukasan, maagang pumasok si Mira sa Megawide Corporation. Tinakpan niya ang pagod at

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 8 Being Honest

    Napalunok si Mira. Gusto sana niyang itanggi. Ngunit mas mainam na manatili siyang tapat.Nagbaba siya ng tingin. “Tama ka, nagpakasal nga kami. Pero ang kasal namin ay hindi kagaya ng iba.”“Anong ibig mong sabihin? Ang sa sabi akin kanina lang ng kaibigan ko, si Sofie ang bride kaso hindi sumipot at biglang ikaw ang ipinalit. Nagulat ang mga tao dahil alam ng lahat na assistant ka ni Kyle.”“Pansamantala lang ang kasal. May kasunduang pinirmahan. Maghihiwalay din kami matapos ang anim na buwan.”Tahimik si Sebastian. Hindi ito nagulat. Ngunit may bahid ng disappointment sa mga mata nito.“So, he’s using you. Bakit ka pumayag?”“Hindi naman sa ganoon,” mabilis na tanggi niya. “Pumayag ako at tinanggap ko ang pera, hindi para sa sarili ko kundi para sa operasyon ni Tatay. Actually, sobrang laki ng ibinayad niya at plano kong isoli ang sobra kapag natapos na ang gamutan.”Muling natahimik si Sebastian. Hanggang sa bumuntong-hininga ito at tumango. “I get it. You're selfless, as always.

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status