Se connecterMaraming salamat sa inyong pagbabasa, comments, at sa pagbibigay ng gifts at gems. Malaking bagay ito para sa akin bilang author. Love you all!
Galing kay Angel ang mensahe.“Naipa-check ko na ang ipinadala mong kopya ng dating titulo at ang internal acquisition memorandum. Pareho ang parcel number. Nakasulat sa memo na tumanggi ang tatay mo sa final offer. Si Lorenzo Ayala ang nag-apruba ng compliance action. Malaking ebidensya ito.”Tinitigan niya ang dokumento. May mga tatak sa gilid, pirma sa ibaba, at mga salitang matagal na niyang hinanap.Original Registered Owner:Alexander AlarconStonebridge Trading Corporation, ang kumpanyang itinayo ng lolo niya, pinaunlad ng mga magulang niya, at kilala sa lugar bilang family business na patas mga empleyado at maliliit na contractor.Bata pa lang ay tumutulong na siya sa warehouse, nagbibilang ng stocks, sumasama sa delivery, at nakikinig sa ama niyang mangarap na balang araw ay siya ang mamamahala ng negosyo nila.Kaya nang makita niya ang Ayala Tower na nakatayo sa dating lupa nila, hindi maiwasan ang pagsiklab ng galit sa kanyang dibdib.Humigpit ang hawak niya sa cellphone.S
Dinampot ni Theo ang cellphone. Napansin ni Fiona na naiba ang reaksyon ng mukha nito.“What happened? Sino ‘yan?” tanong niya.Mabilis na ni-lock ni Theo ang cellphone, pero hindi nito naitago ang pagbabago sa mukha. Nawala ang lambot sa mga mata nito, napalitan ng malamig na tensiyong hindi niya maintindihan.“May message lang mula sa ApexLab,” sagot nito.“Good or bad?”“Konting issue lang. Bukas ko na aayusin.”Hindi kumbinsido si Fiona.Pero ayaw na niyang magtanong.Kinuha niya ang cellphone mula sa kamay nito at inilapag iyon nang nakataob sa mesa.“Hindi ka ba nahihirapan na pagsabayin ang negosyo at trabaho mo?”“Hindi naman. Kayang kaya ko. Don’t worry, okay?”“Then deal with it tomorrow,” sabi niya. “Tonight, you’re with me. Paano ba kita mapapasaya?”Hinaplos niya ang dibdib nito at binuksan ang unang dalawang butones ng polo shirt.“Inaakit mo ba ako, my boss-wife?”“Oo, wala namang masama, mag-asawa tayo.”Napatitig si Theo sa kanya.“Fiona, huwag mo akong simulan. Alam
“Masama ang kutob ko kay Uncle Leandro,” sabi ni Fiona.Hindi agad sumagot si Theo.Marahang hinaplos ng hinlalaki nito ang daliri niyang nakapatong sa palad nito.“Then trust that feeling,” sabi nito. “Pero huwag mo munang ipahalata.”Kumunot ang noo ni Fiona. “Ano ang ibig mong sabihin?”Bahagyang ngumiti si Theo.“Actually, hindi rin maganda ang kutob ko sa mukha niya.”“Sa mukha?”“Oo. Mukha siyang kontrabida sa pelikula.” Naging seryoso ang ekspresyon nito. “Tingnan mo na lang ang bigote. Walang inosenteng tao ang nag-aalaga ng ganoong bigote nang walang masamang balak.”Hindi napigilan ni Fiona ang maikling pagtawa.“Theo!”“What? Evidence-based observation.”“Hindi ebidensya ang bigote.”“Hindi pa. Pero suspicious.”Umiling siya, pero hindi nawala ang ngiti sa labi niya.Iyon ang kakaiba kay Theo. Kahit napapalibutan sila ng mga problemang tila walang katapusan, nagagawa nitong gawing mas magaan ang bigat sa dibdib niya.Hinila siya nito palapit.“Matulog ka na,” bulong ni Theo
Tumingala si Fiona.Napatingin ito sa kanya.Mas matagal kaysa karaniwan.Tinaas ni Theo ang isang kamay at marahang hinaplos ang pisngi niya.“Ipapakilala rin kita sa kanila. Soon.”Bago pa siya makapagtanong, yumuko ito at hinalikan siya.Marahan sa simula.Pero nang hawakan ni Fiona ang kuwelyo nito at hindi umatras, lumalim ang halik na kanilang pinagsaluhan.***Pagpasok nila sa silid, dumiretso si Fiona sa vanity table.Pagod na ang katawan niya, pero mas magulo ang isip niya sa dami ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon.Sinubukan niyang tanggalin ang necklace niya.Hindi niya maabot nang maayos ang maliit na clasp sa batok niya.“Theo.”“Hm?”Napatingin ito sa kanya sa salamin.“Help.”Lumapit si Theo sa likod niya.Tahimik itong tumayo roon, sapat para maramdaman niya ang init ng katawan nito. Marahang hinawi nito ang buhok niya sa isang balikat, saka hinawakan ang maliit na clasp.Nang dumampi ang mga daliri nito sa batok niya, kusang napahigpit ang hawak ni Fiona sa gilid
Mabilis na lumingon si Theo. “No. Never.”Lumapit ito, pero nanatiling may pagitan sa kanila.“I’m sorry about last night—”“Shhh.” Tinaas ni Fiona ang kamay. “Nasa tamang edad na tayo. And we are legally married.”“Kahit na.” Huminga nang malalim si Theo. “Pakiramdam ko pinagsamantalahan ko ang pagiging emosyonal mo.”“Hindi,” sabi niya. “Gusto ko rin ang nangyari. No regrets.”Natigilan si Theo.Lumambot ang mukha nito, pero hindi nawala ang guilt sa mga mata.“Tara, mag-breakfast na muna tayo bago magpunta sa presinto,” aniya at kumapit siya sa braso ni Theo.Umupo si Fiona sa upuang hinila nito para sa kanya.Bago pa niya mahawakan ang kape, tumayo sa likod niya si Theo at marahang hinawi ang buhok niyang nakaharang sa mukha.“Ano’ng ginagawa mo?”“Hindi ka makakakain nang maayos kaya itali natin ang buhok mo.”Kumuha ito ng simpleng hair tie sa counter, hindi niya alam kung saan nito nakuha at dahan-dahang itinali ang buhok niya.Natural ang galaw nito, na para bang matagal na ni
Natigilan si Theo.Hindi ito nang-asar gaya ng nakasanayan. Tahimik lamang itong bumalik at umupo sa gilid ng kama.“Hanggang makatulog lang ako,” mabilis na dagdag ni Fiona.“Okay.”Hinawakan nito ang kamay niya.“Ayokong mag-isa,” amin niya.Bahagyang humigpit ang hawak ni Theo.“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako pinapaalis.”Hindi alam ni Fiona kung ilang minuto siyang nakatitig sa magkadugtong nilang mga kamay bago siya tuluyang nakatulog.Nang maalimpungatan siya, madilim na ang silid.Wala na si Theo sa tabi ng kama.Bumangon siya at nakita itong nakaupo sa sofa, may hawak na baso ng alak. Nakatingin ito sa kawalan, mabigat ang ekspresyon na parang may sariling laban na hindi nito maipakita sa kanya.“Bakit ka umiinom?” paos niyang tanong.Nagulat si Theo, saka ibinaba ang baso.“Wala. Pampaantok lang.”Lumapit si Fiona at tumabi sa kanya sa sofa. “I’m sorry. I’m dragging you into this.”“Fiona, hindi mo ako kinaladkad.” Malungkot itong ngumiti. “Pinili kong manatili.”Bago
“Dad, anong ginagawa ninyo dito?” nagtatakang tanong ni Iris.“Hinahanap ka talaga namin ni Daryl, yayain ka namin para sa family dinner ng mga Tan.”Napatingin siya kay Daryl.“Don Apollo, mauuna na po ako. Goodnigh, hon,” ani Daryl. Muntik siyang matumba ng halikan siya sa pisngi ng binata. Aba,
Sa labis na tuwa ni Iris sa suporta ni Daryl ay niyakap niya ito.Nanigas si Daryl sa una, saka dahan-dahang gumanti ng yakap. Hindi mahigpit. Hindi nagmamadali. Parang hinahawakan ang isang bagay na ayaw nitong mabasag.May kung ilang minuto ding dinamdam nila ang init ng katawan ng isa’t isa. Pagk
Tahimik ang hallway ng ospital.Yung klaseng katahimikan na dinig ang bawat yabag ng sapatos, bawat hinga, bawat tibok ng pusong pilit niyang pinapakalma kahit hindi naman talaga kayang pigilan.Nakaupo si Iris sa metal bench, magkapatong ang mga kamay, nakayuko. Katabi niya si Daryl, nakasandal sa
Huminga si Iris nang malalim bago nagsalita.“Daryl,” mahinahon niyang sabi. “Sige… payag akong ulitin ang first kiss natin.”Napalingon ang binata. Halatang nagulat, pero hindi umatras.“Wala talaga akong maalala,” dugtong niya. “So huwag kang mag-isip ng kung ano. Parang… pabaon ko lang sa’yo. La







