FAZER LOGINIf you love intense romance and unforgettable endings…These two stories are for you, The Ex-Convict Billionaire and Secret Affair with my Hot Ninong. Maraming salamat po sa suporta!
“Umabsent tayo.”Tahimik na nakahiga si Cassandra, nakatalikod pa rin kay Zion. Ramdam niya ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya.Dati, isang yakap lang ni Zion, okay na siya.Pero ngayon, kahit nakayakap ito sa kanya, may parte ng dibdib niyang nananatiling manhid.“May pasok ako.”“Mag-excuse ka na lang.”Hindi siya agad sumagot.Sa dilim, nakatitig lang siya sa pader.Sinusubukan nitong bumawi.At iyon ang pinakamahirap sa lahat. Hindi pa niya kayang bitawan si Zion. In fairness naman kay Zion, minsan, maayos ang pakikitungo nito sa kanya at nararamdaman niyang mahalaga siya. O baka naman halusinasyon lamang niya ang mga ito.“Cass,” bulong nito. “Mamasyal tayo bukas.”Pumikit siya.Eleven months.Kailangan niyang mag-ipon ng alaala.Dahil balang araw, kapag wala na siya sa tabi nito, iyon na lang ang madadala niya.“Sige,” sabi niya sa wakas.Mas humigpit ang yakap ni Zion. Hindi ito nagsalita, pero naramdaman niya ang paghinga nitong bahagyang lumuwag.At ang nakakatawa,
Hindi nagsalita si Cassandra.Hindi na rin siya nagtanong.Nakatingin lang siya sa screen ng pelikula habang hindi na pumapasok sa isip niya ang kahit anong eksena. Narinig niya ang maikling sagot ni Zion.“I’ll be there.”Yumuko si Zion palapit sa kanya.“I need to go,” mahinang sabi nito. “Chelsea needs me.”Hindi may emergency.Chelsea needs him.Parang hindi siya maiiwan sa gitna ng madilim na sinehan.Ngumiti si Cassandra.“Okay. Ingat.”Nagtagal ang tingin ni Zion sa kanya. Para bang may hinihintay ito.Pero wala siyang sinabi.Tumango ito, saka tumayo.Pinanood niya itong lumabas sa row, bumaba sa aisle, at tuluyang mawala sa pintuan ng sinehan.Tila niyakap siya ng dilim.At biglang napakalaki ng bakanteng upuan sa tabi niya.Tumatawa ang mga tao sa paligid.May romantic scene sa screen.Pero si Cassandra, nakatitig lang.Hindi niya maintindihan ang palabas. Hindi niya alam kung bakit tumatawa ang mga tao. Ang alam lang niya, bakante ang upuan sa tabi niya.At iyon ang mas mas
Nanginginig ang kamay ni Cassandra, pero hindi siya umatras.“Sinungaling ka! Hindi ka niya mahal bakit ka niya papatulan,” gigil niyang sabi.“Hindi ka rin sigurado kung mahal ka niya.”Parang sinampal siya.Pero bago pa siya makasagot, bumukas ang sliding door.Bumalik si Zion.At sa isang iglap, nagbago si Chelsea.Parang pinindot ang switch.Naglaho ang tapang. Lumambot ang mukha. Namasa ang mata. Bahagya itong napaatras na para bang siya ang nanakit.“Sir Zion,” sabi nito, nanginginig ang boses. “Sorry po...”Kumunot ang noo ni Zion. “What happened?”“Mukhang nagagalit po si Ma’am Cassandra.” Yumuko si Chelsea, pinunasan ang kunwari’y luha. “Naiintindihan ko naman po. Asawa ninyo siya.”Hindi siya nagsalita.Hindi niya dinepensahan ang sarili.Hindi niya sinabing nagsisinungaling si Chelsea.Hindi niya sinabing ilang segundo lang ang nakaraan, ibang babae ang kaharap niya.Tiningnan lang niya si Zion.At sa katahimikan nito, naramdaman niyang ito na ang sandaling magpapakita kung
Kinagabihan, nadatnan ni Cassandra ang isang mamahaling paper bag sa ibabaw ng dining table.Hindi niya agad iyon ginalaw.Alam niya kung kanino galing. Kahit walang pangalan. Kahit hindi niya pa binubuksan.Nakatayo si Zion sa may counter, tahimik na pinapanood ang reaksiyon niya. Nakasuot ito ng simpleng black shirt, mukha pa ring malamig at kontrolado, pero may bahagyang tensiyon sa panga nito na hindi na nakakalusot sa kanya.“Para sa’yo,” sabi nito.Dahan-dahang nilapitan ni Cassandra ang paper bag. Nang buksan niya iyon, tumambad sa kanya ang isang mamahaling bag.Maganda.Mahal.Pero walang kahit anong init na dumampi sa dibdib niya.Dati, baka kinilig siya. Dati, baka pinaniwalaan niyang iniisip siya ni Zion. Dati, baka hinawakan niya iyon na parang patunay na may lugar siya sa buhay nito.Pero ngayon, iba ang dating.Parang hindi regalo. Parang pantakip sa sugat na ito rin ang gumawa.Ibinalik niya ang bag sa paper bag at itinulak palayo.“Hindi ako si Chelsea.”Natigilan si
Tiningnan ni Cassandra si Zion. “So boyfriend ka niya, Zion?”Nagbago ang mukha nito. Hindi galit. Hindi rin guilty.“Hindi,” sabi nito, kalmado pero mabigat ang boses. “Hindi ako boyfriend ni Chelsea.”Dapat nakahinga siya.Dapat gumaan ang dibdib niya.Pero hindi.Dahil kapag sobrang sakit na ng sugat, hindi sapat ang isang salita para maging gamot.“Bakit ganito ang sinasabi niya sa public?” tanong ni Cassandra. “Bakit hinahayaan mong ganito ang dating?”“Hindi ko alam na ganyan ang sinasabi niya.”“Hindi mo alam.” Napangiti siya nang mapait. “Ang dami mong hindi alam kapag ako na ang nasasaktan.”Umigting ang panga ni Zion. “Wala kang dapat ipagselos.”“Hindi mo puwedeng sabihin na wala akong dapat ipagselos habang may babaeng nagsasabing boyfriend ka niya.”“Cass --”Lumapit si Zion at inabot ang kamay niya, pero mabilis siyang umatras.Natigilan ito.At sa maliit na pag-atras na iyon, parang may nabasag din sa mukha nito.“Cass, look at me.”“Bakit?” tanong niya, basag ang boses
“Cass, lasing ka na. Umuwi na tayo para makapagpahinga ka,” sabi ni Zion.Umiling si Cassandra. Kumapit siya sa kuwelyo nito, mahina pero desperado.“Zion, sagutin mo ang tanong ko,” aniyang basag ang boses. “May pag-asa ba ako sa puso mo? Kahit konti lang?”Natigilan si Zion.Parang may humigpit sa dibdib nito habang nakatingin sa mga matang punong-puno ng luha. Hindi siya nagde-demand. Nagtatanong lang. Nanghihingi lang ng kahit maliit na puwang.Napangiti si Cassandra nang masakit. “Kasi kung meron… kahit konti lang… maghihintay ako.” Nanginginig ang labi niya. “Hindi kita mamadaliin. Hindi kita pipilitin. Basta sabihin mo lang na may lugar ako. Na may nararamdaman ka kahit katiting para sa akin.”Hindi nakapagsalita si Zion.Sa likod nila, inaalalayan naman ni Thess si Fiona na halos hindi na makalakad.“Careful,” sabi ni Thess.“Thess… bakit parang ang strong mo? Ni hindi ka nalasing,” bulol na sita nito.“Ihahatid na kita sa inyo.”***Pagdating sa bahay, kalahati lang ang naala
Sa loob ng provincial detention facility, isang convoy ng tatlong police vans ang nakahinto sa gate. Ayon sa dokumentong dala ng isang lalaki sa itim na jacket, “order from higher office” daw, transfer of high-profile inmate Noah Tuazon to another facility.Walang nagtanong dahil bayad ang lahat ng
Habang bumabagal ang ikot ng ferris wheel, unti-unting naglapat ang kanilang mga noo.“Jenny…” bulong ni Sebastian, halos pabulong sa hangin at lumapat ang labi sa kanyang pisngi.“Hmm?”“I love you. Palagi. Hanggang sa dulo. I can’t imagine my life without you.”At bago pa makasagot si Jenny, marah
“Sebastian… please… para sa anak natin… para sa atin… lumaban ka,” hikbi ni Jenny, halos hindi na makahinga.“Clear!”Isa, dalawa, tatlo, sunod-sunod ang hampas ng kuryente sa dibdib ni Sebastian.Habang umiiyak si Jenny, halos sumabog ang puso niya sa kaba. Ang mga luha niya, walang tigil sa pagpat
Habang nakapikit si Jenny, mariin niyang hinawakan ang kamay ni Sebastian, sabay silang naghihintay ng pagsabog, nakahanda nang mamatay, basta magkasama.Ngunit lumipas ang ilang segundo… ay wala. Walang pagsabog. Walang apoy.Tanging malalim na paghinga at mga luha lang ang naririnig.Dahan-dahang







