Simula na ang chapter 1 ng story ni Emalyn. Sana basahin n'yo rin 'to. Salamat
Pagkatapos ng tanong niya, sumingit ang katahimikan sa pagitan namin. Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitiwan niya. Para bang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin. Hindi ko alam kung paano sasagot. Hindi ko rin maintindihan kung bakit may kung anong kumurot sa dibdib ko.Ako na ang unang umiwas ng tingin. Inikot ko ang baso ng alak sa mga daliri ko, para bang may sagot akong mahahanap sa loob ng pulang likido. Pagkatapos ay inisahan kong lagukin. At saka mapait akong napangiti.“Life is unfair,” bulong ko, halos hindi ko namalayang lumabas sa labi ko. “Binigay mo na lahat, but it’s still not enough. Hindi nila nakikita ang totoong ikaw… And the worst part? Pinagtatawanan ka pa.”Tahimik lang ang lalaki, pero kita kong inangat niya ang baso at inisahan ding lagukin ang laman.“So… you’ve loved someone, too? You’ve been hurt?” tanong niya, mababa at may alinlangan.Napatawa akong mapait. “Hindi ba kapani-paniwala na someone like me knows how to love?”Umiling-iling s
EMALYN“Manang.” “Expired.”Iyan ang mga bansag sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Kesyo trenta’y singko na raw ako at wala pa ring boyfriend—wala pang asawa. At sa bawat salu-salo, sa bawat reunion, lagi akong tampulan ng biro. Para bang kasalanan kong hindi pa ako humaharap sa altar.Hindi man halata, pero nasasaktan na ako sa mga sinasabi nila. Iba kasi—parang personal na. May tinatagong galit sa akin… o baka ako lang ang nag-iisip ng gano’n. Ewan kung mali man ako. Kasi, minsan, may magtatapon ng linya na parang balang tumatama sa puso ko.“Emalyn, paano ka pa mabubuntis niyan? Pa-expire ka na.” “Sayang ka, maganda ka sana… kaso wala eh, hindi ka marunong mag-ayos. Ang manang mo.”At madalas, ngiti lang ang sagot ko. Kahit na ramdam ko na parang mga karayum ang bawat salita nilang, tinutusok-tusok ang puso ko.Kapag hindi ko na kaya, dinidipensahan ko ang sarili ko. “Eh ano ngayon kung tumandang dalaga ako? Masaya naman ako. Mas okay na ‘yon kaysa may asawa nga, miserabl
Hawak ko ang kamay ni Anna habang naglalakad kami sa baywalk. Padalim na, pero mang-ilan-ilan lang ang mga tao. Tahimik ang buong paligid, maliban sa tunog ng alon na sumasalpok sa breakwater. Napangiti ako. Tumingin sa kanya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumabon sa kanyang mukha sa bawat mahinang hampas ng hangin. This is surreal. A month ago, umiwas-iwas pa ako sa kanya. Puno pa ako ng doubt sa sarili. Ngayon, hindi na. “Hoy, matutunaw na ako kakatitig mo…” Iniwas niya ang kanyang mukha, pero napangiti naman. “E kasi naman, ang ganda mo… ang sexy pa…” Kagat ko ang ibabang labi habang hinaplos at marahang pinisil ang baywang niya. “Hay naku, Jerome… ayan ka na naman…” Napabungisngis ako. Masaya kasi ako. Sobra! Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Hindi ko nga akalaing mangyayari ‘to—na makakahanap ako ng babaing handa akong tanggapin—ang nakaraan ko, at kung ano man ang kulang sa akin. Inangat ko ang kamay niya. Nilapat ang palad niya sa labi ko. Patun
Napayuko ako, pilit na iniiwas ang tingin kay Anna. Para bang bawat segundo ng pagtitig niya ay tinatanggal ang depensa ko. “Anna…” humugot ako ng malalim na hininga. Ramdam ko ang paninikip sa dibdib ko. “Ang hirap… hindi ko alam kung ano ang sasabihin… kung paano magpapaliwanag.” “Mahirap? Hindi alam kung ano ang sasabihin? Kaya umiwas ka na lang… mas madali nga naman ‘yon! ” tumaas ang boses niya, halatang nagpupuyos sa galit. “Anna, hindi… hindi gano’n ‘yon…” Napabuntong-hininga ako. Mapait na ngiti naman ang ganti niya. Napalingon ako nang marinig ko ang ugong, bulungan sa paligid. Pinagtitingan na kami ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila siya palabas ng restaurant. Pero paglabas namin binawi niya ang kamay niya. “Jerome, hindi mo na kailangang mag-explain. Sinabi ko na kanina, ito na ang huling beses na makikita mo ako. Kaya ‘wag ka ma-pressure. Ano man ang sabihin mo, keep mo na lang sa sarili.” “Anna, teka lang…” Pinigil ko siya. Aalis na naman kasi sa
Duwag na kung duwag. Masama na kung masama, pero ayaw kong malaman ni Anna ang problema ko. Ang trauma ko na saglit lang nawala dahil sa kanya. Pinatikim lang ako ng kakaibang saya, pero agad ding nawala. Nawalan na naman ako ng pakiramdam. Umalis ako nang umagang ’yon na hindi nagpapaalam sa kanya. Tahimik akong bumangon noon, sinigurong tulog siya. Ang bigat ng pakiramdam ko nang iwanan siya. Puso ko, nagsasabing huwag akong umalis, pero utak ko, nagsasabi— kung mananatili ako, ano naman ang maibibigay ko sa kanya? Lalaki ako, alam kong hindi sapat ang pagmamahal lang sa isang relasyon. Nagbilin lang ako ng mensahe na kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa mga pasyente ko. Binabad ang sarili sa charts, consultation, at patient rounds. Pero kahit anong pilit ko, kahit pagod na pagod ang katawan ko, isip ko si Anna pa rin ang laging laman. ’Yong ngiti niya, hindi ko makakalimutan. ’Yong paano niya ako hawakan, kung paano niya haplusin ang
CHAPTER 2 Nasa tabi ko pa rin si Anna nang magising ako. Yakap niya ako. Ramdam na ramdam ko ang mahina niyang hinga—ang init ng balat niyang dumadampi sa akin.Napangiti ako. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin kagabi. Lahat parang nakaukit sa utak ko. Pati nga amoy ng perfume niya, kabisado ko na. Matamis, magaan sa ilong, pero ang lakas ng epekto sa akin. Nakakalasing.Nangangalay na ako, pero ayaw kong gumalaw. Ayaw kong magising siya, at matapos ang sandaling ‘to. Kaya hinayaan ko lang ang bigat ng ulo niyang nakapatong sa akin, kahit halos hindi ko na maramdaman ang braso ko.Hinawi ko ang buhok na dumikit sa pisngi niya. Dumampi sa balat ko ang malambot niyang hibla. Dinampian ko siya ng magaan na halik sa noo, saka dahan-dahang ipinikit ang mata ko para namnamin ang sandali.Pigil akong bumuga ng hangin. Hindi ko akalaing mararamdaman ko pa ‘to—‘yong ganitong saya, ‘yong kakaibang sarap na akala ko, hindi ko na kailanman mararanasan.Hinila ko siya palapit, idiniin ko ang mu