Isang linggo na ang lumipas mula noong eksena sa hotel. At heto pa rin ako. Pinili ko pa ring magpatawad. Pinili kong manatili sa tabi niya—dahil mahal ko siya, at umaasa pa rin ako.
Napangiti ako habang marahang inilalapag ang cake sa gitna ng mesa. Panay ang tingin ko sa orasan. Maya-maya lang ay darating na si George. Ikalimang anibersaryo namin ngayon. Kaya nang hindi natuloy ang medical mission, nagmadali akong umuwi para ipaghanda siya ng munting sorpresa. Isang huling tangka, isang desperadong pag-asa, na baka sakaling maibalik pa ang dating kami.
Narinig ko ang busina sa labas. Sumunod ang kaluskos ng gate na bumukas. Agad akong tumayo, sumilip mula sa pinto, at nagtago. Mahigpit ang hawak ko sa party popper, habang pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso.
“Surprise!” bulalas ko sabay sabog ng confetti sa hangin. Pero ang ngiting nakahanda sa labi ko ay agad napawi.
Hindi tuwa ang nakita ko sa mukha niya—kundi gulat. At galit.
“Anong ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong habang ang makukulay na confetti ay dahan-dahang bumagsak sa kanyang balikat.
“Hindi natuloy ang medical mission, kaya umuwi ako—” sagot ko, ngunit natigilan ako nang mapansin ang babaeng kasama niya.
Mapait akong napangiti. Kilala ko siya—ang babaeng kasama niya sa hotel.
“Bakit mo siya dinala rito?” tanong ko, halos hindi lumalabas ang tinig ko.
“Wala kang pakialam!” singhal niya. Walang alinlangan akong itinabig, sabay gabay sa babae papasok sa bahay. Tinulungan pa niya itong umupo sa dining table—na ako mismo ang inayos para sa aming dalawa.
Nakagat ko ang labi. Pinipigilang tumulo ang luha. Pero mahirap. Sobrang hirap.
“Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan?” singhal niya muli.
Napaigtad ako at lumapit sa mesa. Nanginginig ang mga daliri ko habang akmang hihilahin ang isang upuan.
“Sinabi ko bang umupo ka?”
Napalunok ako. Napabitaw sa upuan. Napatingin sa kanya, sinusubukang intindihin kung ano ang mali kong nagawa. Kung bakit sa bawat kilos ko, mali para sa kanya.
“Ilabas mo ang pinakamahal na wine sa koleksyon ko,” utos niya habang maingat na hinihiwa ang steak para sa babae.
Hindi ako agad nakagalaw. Napako ang paningin ko sa babae—nakangiti habang tinikman ang niluto ko. Para sana kay George. Lalong bumigat ang dibdib ko nang humagis siya ng sulyap sa akin—mapanukso, mapagmataas. Para bang sinasabing, “Sa akin na siya.”
“Bingi ka ba? Kilos na!”
Parang may sariling isip ang katawan kong gumalaw. Mabigat ang bawat hakbang papunta sa wine rack. Isa-isa kong hinaplos ang mga bote hanggang sa maabot ang pinakamahal sa koleksyon niya—isang red wine na nagkakahalaga ng ₱65,000. Naalala ko pa kung ilang beses ko itong hiniling na matikman. Pero ayaw niya. Ni hawakan ko, bawal. Pero ngayon… para sa babaing kasama niya, handa niyang buksan.
Nilapag ko iyon sa mesa. “Heto na ang wine,” mahina kong sabi.
Kinuha niya agad. Binuksan. Sinalinan ang dalawang baso.
“Try this,” sabi niya sa babae—ang tinig niyang puno ng lambing na dati, ako lang ang may karapatang marinig.
“Thank you, George,” sagot ng babae, sabay taas ng baso. Cheers. Para bang wala ako roon.
Nakangiti akong tumalikod. Pero sa likod ng ngiting iyon, unti-unti nang gumuguho ang tibay kong kumapit.
“Saan ka pupunta?” tawag niya.
Nilingon ko siya. “Aalis... giving you some privacy.”
“Umupo ka. Don’t ruin the mood, Cherry!” sigaw niya, itinaas pa ang steak knife, itinuro sa akin na parang gusto akong tusukin.
Mapakla akong natawa. “The moment you entered the house with that woman, sira na ang mood, George.”
“Tumahimik ka! ‘Wag kang gumawa ng eksena.”
“Ako ba? Ako ba ang gumagawa ng eksena?” Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi ko na napigilan ang panginginig ng tinig. “Dinala mo ang babae mo dito sa bahay natin, George. What do you expect? Tatahimik lang ako? Matutuwa ako?”
“Pamamahay ko ’to. Pwede kong dalhin kahit sino!”
Tumango ako, pilit pinapakalma ang sarili. “Oo nga naman... pamamahay mo nga pala 'to.” Pinahid ko ang luhang ayaw nang tumigil. “Pakasaya kayo.”
Iniwan ko sila sa sala. Umakyat sa kwarto namin. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipilit impakehin ang mga gamit. Bawat tiklop ng damit ay kasabay ng pagtiklop ng alaala—ng mga panahong ako lang ang mahal niya.
Bumukas ang pinto.
Pumasok si George. Nanlilisik ang mga mata. Hinawakan ang braso ko.
“Anong drama ‘to?”
“Drama?” Nanginig ang tinig ko. “Tingin mo ba, drama lang ‘to?”
“Pinahiya mo ako sa bisita!”
“Ako? Ako ang nagpapahiya? Ilang beses mo na akong pinahiya, George! Pero tahimik lang ako. Kasi mahal kita!” Tinulak ko siya. Humagulgol. “Alam mo ba kung anong araw ngayon? Anibersaryo natin!”
Sandaling natahimik siya. Tila natauhan. Pero mabilis din siyang nagbalik sa dati.
Mapait akong tumawa. “Nakalimutan mo na pala.”
“Stop this act, Cherry. Bumaba ka at mag-sorry kay Marriane.”
“Mag-so-sorry? Ako?” Napatingin ako sa kanya. “Ako ba ang babaeng pumatol sa taken? Ako ba ang makapal ang mukha?”
Isang malakas na sampal. Natahimik ang buong paligid. Nanlambot ang tuhod ko. Hinaplos ko ang pisngi kong nanlalagkit sa luha at sakit.
“Lahat ng insulto mo, tiniis ko. Lahat ng pagtataksil mo, nilunok ko. Pero gusto mo pati katawan ko, mamañhid na rin?”
“You asked for it!”
“Sinong babaeng gustong masaktan?” Napasabunot ako sa buhok. “Pagod na pagod na ako, George!”
“Kaya mo? Makikipaghiwalay ka?” mayabang niyang tanong.
Napangiti akong mapait, kahit nanginginig ang buong katawan ko. Napaupo ako sa kama.
“I knew it,” sabi niya, may ngiting nananadya. “You can’t live without me.”
Tumingala ako. Tinapunan siya ng tinging buo ang loob.
“Kaya mo ba ako ginaganito dahil alam mong hindi ko kayang mawala ka?”
“Ano sa tingin mo?” Inilapit niya ang mukha, pinisil ang pisngi ko. “Lahat ng mayr’on ka, galing sa akin.”
Winaksi ko ang kamay niya. “Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin.”
Nginisihan lang niya ako. “Fix yourself. Sundin mo ang utos ko.” Pabagsak niyang isinara ang pinto.
Naiwan akong napasalampak sa sahig. Niyakap ang sarili habang tahimik na humihikbi. “Bakit ba tayo umabot sa ganito, George…”
Dahan-dahan akong gumapang papunta sa luggage ko. Tinuloy ang pag-iimpake. Lahat ng akin, dinala ko. Lahat ng galing sa kanya—iniiwan ko.
Bumaba ako, bitbit ang mabigat na maleta—kasabay ng bigat sa puso ko. Naabutan ko sila sa sala. Naglalampungan pa rin. Napatigil sila. Nag-ayos ng sarili. Pero hindi ko na sila pinansin.
“Oras na lumabas ka ng pinto, hindi ka na puwedeng bumalik!” singhal niya.
Saglit akong huminto. Tumingin sa kanilang dalawa.
Walang salita. Walang paliwanag.
Binuksan ko ang pinto. Lumabas ng bahay. Inilagay ang gamit sa trunk. Sinenyasan ang guard na buksan ang gate.
Pagbukas ng gate—
Pinaharurot ko ang kotse.
Gusto kong makalayo agad. Kahit saan. Basta malayo sa bahay na puno ng sakit.
Habang umaandar, hindi ko na napigilang umiyak. Namumugto na ang mata ko, nanlalabo ang paningin, nanginginig ang mga kamay.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang—ubos na ako.
Nanghihina. Hindi ko na halos mabuka ang mga mata. Itinabi ko ang sasakyan, unti-unting bumagal ang takbo.
Then—
Isang kalabog.
Nabigla ako. Napakapit sa manibela.
Tuluyang huminto ang kotse.
Napatitig ako sa windshield.
Nanlalaki ang mga mata ko. Kumakabog ang dibdib.
May nabangga ako…
Hawak ko ang kamay ni Anna habang naglalakad kami sa baywalk. Padalim na, pero mang-ilan-ilan lang ang mga tao. Tahimik ang buong paligid, maliban sa tunog ng alon na sumasalpok sa breakwater.Napangiti ako. Tumingin sa kanya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumabon sa kanyang mukha sa bawat mahinang hampas ng hangin.This is surreal. A month ago, umiwas-iwas pa ako sa kanya. Puno pa ako ng doubt sa sarili. Ngayon, hindi na.“Hoy, matutunaw na ako kakatitig mo…” Iniwas niya ang kanyang mukha, pero napangiti naman.“E kasi naman, ang ganda mo… ang sexy pa…” Kagat ko ang ibabang labi habang hinaplos at marahang pinisil ang baywang niya.“Hay naku, Jerome… ayan ka na naman…”Napabungisngis ako. Masaya kasi ako. Sobra! Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Hindi ko nga akalaing mangyayari ‘to—na makakahanap ako ng babaing handa akong tanggapin—ang nakaraan ko, at kung ano man ang kulang sa akin.Inangat ko ang kamay niya. Nilapat ang palad niya sa labi ko. Patunog na h
Napayuko ako, pilit na iniiwas ang tingin kay Anna. Para bang bawat segundo ng pagtitig niya ay tinatanggal ang depensa ko. “Anna…” humugot ako ng malalim na hininga. Ramdam ko ang paninikip sa dibdib ko. “Ang hirap… hindi ko alam kung ano ang sasabihin… kung paano magpapaliwanag.” “Mahirap? Hindi alam kung ano ang sasabihin? Kaya umiwas ka na lang… mas madali nga naman ‘yon! ” tumaas ang boses niya, halatang nagpupuyos sa galit. “Anna, hindi… hindi gano’n ‘yon…” Napabuntong-hininga ako. Mapait na ngiti naman ang ganti niya. Napalingon ako nang marinig ko ang ugong, bulungan sa paligid. Pinagtitingan na kami ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila siya palabas ng restaurant. Pero paglabas namin binawi niya ang kamay niya. “Jerome, hindi mo na kailangang mag-explain. Sinabi ko na kanina, ito na ang huling beses na makikita mo ako. Kaya ‘wag ka ma-pressure. Ano man ang sabihin mo, keep mo na lang sa sarili.” “Anna, teka lang…” Pinigil ko siya. Aalis na naman kasi sa
Duwag na kung duwag. Masama na kung masama, pero ayaw kong malaman ni Anna ang problema ko. Ang trauma ko na saglit lang nawala dahil sa kanya. Pinatikim lang ako ng kakaibang saya, pero agad ding nawala. Nawalan na naman ako ng pakiramdam. Umalis ako nang umagang ’yon na hindi nagpapaalam sa kanya. Tahimik akong bumangon noon, sinigurong tulog siya. Ang bigat ng pakiramdam ko nang iwanan siya. Puso ko, nagsasabing huwag akong umalis, pero utak ko, nagsasabi— kung mananatili ako, ano naman ang maibibigay ko sa kanya? Lalaki ako, alam kong hindi sapat ang pagmamahal lang sa isang relasyon. Nagbilin lang ako ng mensahe na kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa mga pasyente ko. Binabad ang sarili sa charts, consultation, at patient rounds. Pero kahit anong pilit ko, kahit pagod na pagod ang katawan ko, isip ko si Anna pa rin ang laging laman. ’Yong ngiti niya, hindi ko makakalimutan. ’Yong paano niya ako hawakan, kung paano niya haplusin ang
CHAPTER 2 Nasa tabi ko pa rin si Anna nang magising ako. Yakap niya ako. Ramdam na ramdam ko ang mahina niyang hinga—ang init ng balat niyang dumadampi sa akin.Napangiti ako. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin kagabi. Lahat parang nakaukit sa utak ko. Pati nga amoy ng perfume niya, kabisado ko na. Matamis, magaan sa ilong, pero ang lakas ng epekto sa akin. Nakakalasing.Nangangalay na ako, pero ayaw kong gumalaw. Ayaw kong magising siya, at matapos ang sandaling ‘to. Kaya hinayaan ko lang ang bigat ng ulo niyang nakapatong sa akin, kahit halos hindi ko na maramdaman ang braso ko.Hinawi ko ang buhok na dumikit sa pisngi niya. Dumampi sa balat ko ang malambot niyang hibla. Dinampian ko siya ng magaan na halik sa noo, saka dahan-dahang ipinikit ang mata ko para namnamin ang sandali.Pigil akong bumuga ng hangin. Hindi ko akalaing mararamdaman ko pa ‘to—‘yong ganitong saya, ‘yong kakaibang sarap na akala ko, hindi ko na kailanman mararanasan.Hinila ko siya palapit, idiniin ko ang mu
After the Wedding Medyo may tama na ako. Parang hilo na. Pero mas ramdam ko ang tama ko kay Anna. Nasa tabi ko siya. Hindi nawawala ang tawa. Napakaganda niya.Inuulit-ulit niya ang eksena sa kasal ni Cherry at Reynan kanina.Katulad ko, may tama na rin siya. Kaya nagpresenta akong ihatid siya rito sa floor nitong hotel kung saan kami nag-stay.“Anna, tama na ang tawa…” sabi ko, pero hindi ko rin mapigilang mapangiti.“Wala naman akong ginagawa, ah…” sagot niya, “I’m savoring the moment.”“Moment saan?” napatingin ako sa kanya.Tumingin siya sa bouquet na hawak pa rin niya. “‘Wala naman akong balak na saluhin ‘to. Pero binigay sa akin.”“Ayos nga ‘e, ikaw ang binigyan… nabigyan rin ako ng pagkakataon na lumapit sa’yo." Ngumingiti ako, pero seryoso ang tono ko.Tumawa siya. Kinapa ang garter na nasa hita pa rin niya. “Swerte mo, ikaw pa lang nakahawak sa legs ko.”Napailing ako, pilit tinatago ang init na umaakyat sa pisngi ko. “That’s just a silly wedding tradition. Wala ‘yang ibig
Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala