Kahit kinakabahan. Agad akong bumaba at pumunta sa harap ng kotse.
“Sorry…” nauutal kong sabi sa lalaki. Nagsisimula na siyang tumayo. Kaagad akong yumukod. Inalalayan siya. Pinagpag ko ang damit niyang nakapitan ng alikabok. Muling nag-sorry. “May masakit ba sa’yo?” tanong ko habang sinusuri siya. Tiningnan ang braso niya kung may sugat ba, may pasa o gasgas. Pero pahapyaw na tawa ang sagot niya. Nagulat ako. Nag-angat ng tingin. Kunot-noo ko siyang tinitigan. “Nabangga ka na nga, nakuha mo pang tumawa.” “Ayos lang po ako,” sagot niya. Inunat ang mga braso. “Anong ayos ka? Nabangga ka...Halika, dadalhin kita sa hospital.” Hinawakan ko siya. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong hawak ang braso niya. Maya maya ay nag-angat siya ng tingin. Dahan-dahan hanggang sa mag tama ang aming mga mata. Nagkatitigan kami. Matagal. “Doktora Cherry?" Ngumiti siya. Matamis. Kinunutan ko siya ng noo. “Kilala mo ako? Pasyente ba kita?" “Ang bilis mo naman makalimot, doc." Bahagya siyang humakbang palapit sa akin. Parang gusto niyang makita ko ang mukha niya ng malapitan. Lalo lang kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maalala. Pamilyar siya, oo...kaya lang hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Baka isa nga siya sa mga pasyente ko. “Reynan Cueves…brother-in-law ni Atty. Onse Lazaro na friend mo.” Pagpapakilala niya. Ngumiti na naman siya. Kinamot ang ulo. "Naintindihan ko kung hindi mo ako maalala...madaling araw no'ng una nating kita. May emergency ang kapatid ko. At may sakit ako no'ng nagkita ulit tayo. Haggard face no'n... hindi gaya ngayon..." Umawang ang labi ko. Inaalala ang madaling araw na sinasabi niya. Umiling-iling siya. Pero ngumiti. Hinawakan ang kamay ko at giniya ako papunta sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Parang wala sa sarili akong sumunod. Umupo ako at hinayaan siyang ikabit ang seatbelt ko. “Teka, kotse ko ‘to!” Para namang nahimasmasan ako nang magsimula siyang magmaneho. "Hindi ko naman inangkin..." sandali siyang sumulyap sa akin. Saka itinuon ang tingin sa kalsada. “Saan mo ba ako dadalhin?” “Sa lugar na makapagpapaalala sa’yo ng nakaraan natin,” pilyong sabi niya. Kinindatan ako. Ewan ko naman sa sarili ko, at hindi na ako nagreklamo. Siguro dahil sa ganap ng buhay ko kaya ako nagkaganito. Nawala ang kakayahan kong tumanggi, at protektahan ang sarili ko. Habang sakay ng kotse, wala sa isip akong napatitig sa kanya. Bukod sa guwapo, mukha rin siyang mabait at desente. Hindi siguro naman siya masamang tao. At saka kilala nga niya ako. “Dok, alam kong guwapo ako, but please, tama na ang titig, na-di-distruct po ako ‘e.” Napaismid ako. “Mukhang desente nga, mahangin naman,” pabulong kong sabi sabay ang pag-iwas ng tingin. Ipinikit ko na lang ang mga mata. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagtigil ng kotse. Agad akong dumilat. Iginala ang paningin sa paligid. “Naalala mo na?” tanong niya nang makababa kami ng kotse. Ngayon ay nakatayo na kami sa harap ng isang bahay na alam ko nga kung kanino. Tipid akong ngumiti at tumango. “Reynan Cuevas…Ikaw ‘yong masungit at supladong kapatid ni Daisy…” sabi ko na ikinakamot nito sa ulo. Nahiya pa ‘e. Pero kanina kung hawakan ang kamay ko at hilahin ako, parang ang close namin. “May pinagdadaanan lang noon, kaya masungit at suplado. Pero ngayon, hindi na. Nagbago na kaya ako. ‘Di mo ba pansin, ang bait ko na kaya, lalo na sa gaya mong maganda na mabait pa.” Natawa ako. Sadya nga lang. Loko-loko kasi itong si Reynan ‘e. Pero in-fairness hah, ang lungkot-lungkot ko kanina, nanghihina, at parang nawawalan ng pag-asa. Pero nagawa niya akong patawanin. “Nagbago ka na nga, dati masungit at suplado ka, ngayon ay mahangin at bolero na!” “Oy! ‘Di ‘yon bola ‘no. Totoong maganda ka.” Matiim na titig ang tumapos sa salita niya. Saka tipid na ngumiti. “Lalo na kung hindi mugto ang mga mata mo, at hindi pilit ang ngiti.” Napayuko ako. Nahiya ako. Nagkunwari akong walang pinagdadaanan. Nagkunwaring hindi malungkot. Pangiti-ngiti pa nga ako, pero hindi pala maipagkakaila sa hitsura ko na may mabigat akong dinadala. Kaya siguro nag-effort siya na patawanin at pasayahin ako, kasi alam niya, iyon ang kailangan ko. “Halika na nga nang lalo mo pa akong maalala kapag nasa loob na tayo.” Hinawakan na naman niya ang kamay ko. Giniya papasok sa bahay nila. “Bakit walang tao?” tanong ko. Napalinga-linga. Akala ko maraming tao kaya niya ako dinala rito. Nag-aalangan tuloy akong tumuloy. Hindi rin ako umalis sa bungad ng pinto. “Tingin mo sa akin, unggoy?” ngisi niyang sagot. Inismiran ko siya. Puro kalokohin ‘e. “Pasok na, mabait akong unggoy. Hindi ako nangangagat, nanghahalik lang!” “Mas nakakatakot pala kung gano’n!” “Umupo ka na nga. Noon nga na masungit at suplado pa ako, hindi ka natatakot. Pumunta ka pa rin dito at alagaan ako. Ngayong mabait na ako, matatakot ka?” Iniwan niya ako matapos sabihin ‘yon, kaya tumuloy na lang ako at umupo. Naalala ko, tinawagan nga ako ni Onse noon, nag-request na puntahan ko raw ang brother-in-law niya. May sakit raw at ayaw magpa-checkup. Matigas ang ulo. Nagpunta ako na walang abiso, at si Reynan lang din mag-isa no’ng araw na ‘yon. At tama siya, hindi ako nakaramdam ng takot noon kahit ang sungit niya. Ayaw pahawak. Pabalang pa kung sumagot. Parang galit sa mundo. “Naalala mo na kung paano mo ako alagaan noon?” Tanong niya, sabay lapag sa bote ng red wine at dalawang wine glass sa mesa. “Oo, naalala ko na…kung gaano katigas ang ulo mo noon.” “Puro ka naman noon ‘e! Oh, uminom ka na nga lang nang mailabas mo ang problema mo.” Mapait akong napangiti. “Reynan, hindi naman tayo close, at ngayon lang ulit tayo nagkita, pero bakit mo ‘to ginagawa? Bakit ang bait mo sa akin?” “Ginagawa ko ‘to kasi mabait ka rin sa akin noon, sa amin ni Daisy. Tinulungan mo ako, inalagaan, ginamot na walang hinihinging kapalit. Hindi mo rin ako kilala noon, pero nag-effort ka pa rin na alagaan ako. So, binabalik ko lang ang kabaitan mo.” “Ah, dahil lang pala sa utang na loob kaya ka mabait.” “Hindi ah, talagang mabait ako. Hindi lang halata.” Ngumiti na naman siya ng matamis, at inangat ang hawak na wine glass. Kinuha ko na rin ang isang wine glass, sabay sabi, “cheers para sa ating mga mababait.” “Cheers para sa mga babae na katulad mong nasasaktan na nga, kumakapit pa rin.” “Bakit ba ang dami mong alam?” Inisahang lagok ko ang wine. Uminit ang tainga ko sa sinabi niya. Hindi ako galit, pero nasapol niya ako. Diretsong tumama sa puso ko ang sinabi niya. “Marami akong alam, kasi napagdaan ko na rin ‘yan.” Inisahang lagok niya rin ang wine niya at mapait na ngumiti. Na-curious ako sa sinabi niya. Kaya ba siya masungit noon kasi bigo rin siya sa pag-ibig? “Sure kaba na pareho tayo ng pinagdadaanan?” “Hindi ako sure kung pareho, pero ang sigurado ako, nasasaktan ka gaya ko noon.” Nag-iwas ako ng tingin. Bwesit ‘tong luha ko. Kahit anong pigil ko, kumakawala pa rin. Itong si Reynan kasi, alam niya kung paano ako patatawanin, alam niya rin kung paano ako paiiyakin. Pinahid ko ang luha ko, at mapaklang tumawa. “Ikaw ang may kasalanan nito ‘e! Pinaiyak mo ako.” “Pinaiyak nga kita, para gumaan ang pakiramdam mo at makapag-isip ng tama.” “Nag-iisip naman ako. Alam ko rin kung ano ang tama! Nakikita ko ang mga kahayopan niya. Ang mga mali niya. Kaya lang, mahal ko ‘yong hayop na ‘yon, Reynan.” “Mahal mo? Siya ba, mahal ka?” Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha, at hindi na sumagot. Malinaw naman kasi ang sagot, hindi na niya ako mahal, matagal na. “ ‘Yang pinagdadaanan mo ngayon, choice mo ‘yan, Dok. Pwede kang kumawala, pwede mong tapusin ang paghihirap mo, pero pinili mong magdusa at masaktan ng paulit-ulit.” “Ang galing mong magsalita ah. Ikaw ba bumitiw na?" "Hindi lang bitiw ang ginawa ko. Talagang tinapos ko ang kalbaryong pinagdaanan ko.” Mapait akong ngumiti. Nagtagay ng wine at inisahang lagok pa rin. “Paano mo tinapos?" “Simple lang, pinili kong maging masaya at ni-let go ang mga taong nagdulot sa akin ng pighati. Kaya heto, masaya na ako. Hindi na masungit. Hindi na suplado, kasi pinalaya ko na ang sarili ko." "Gusto ko rin namang lumaya. Kaya umalis na ako. Iniwan ko na siya, pero hindi ko alam kung kailan ko kakayanin na hindi siya kasama.” "Kakayanin mo, tutulungan kita—tutulungan kitang kalimutan siya.” "Paano, Reynan? Anong tulong ang gagawin mo sa babaeng tanga na gaya ko na isang lalaki lang ang mahal?” “Bago ko sasagutin ang tanong mo, tanong ko muna ang sagutin mo. Willing ka na bang mag-let go? Handa mo bang gawin lahat, makawala lang sa anino ng boyfriend mo?” "Pagod na ako, Reynan. Ubos na ubos na ako, kaya oo…handa na akong e-let go siya.” "Ayos!” masigla niyang sabi, kinuha ang cellphone at mabilis na nagtipa ng mensahe. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya, pero nanatili na lang akong tahimik. “Maya maya ay nandito na ‘yong uutusan kong mag-draft ng ating kontrata." "Kontrata?” Tumango siya. Ngumiti at nagtagay ng wine. “Kontrata para sa ating kasal.”Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala
REYNANSabay kaming lumanghap nang sariwang hangin ni Cherry nang makasampa kami sa yate. Nandito na kami sa Albay kung saan ako nag-propose at nangako isa’t-isa na magmahalan habangbuhay. Ang ganda na rito, pero mas gumanda dahil kasama ko siya, yakap ko siya mula sa likod, habang tahimik na tinatanaw ang pabulog na araw. “Ang ganda… ang aliwalas…” bulong niya. Napapangiting niyakap niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.“Parang ikaw… ang ganda!” bulong ko, sabay ang mahinang kagat sa tainga niya. Napahagikhik siya. Saglit niya akong tinapunan ng nagbabalang tingin nang hindi ako tumigil sa isang kagat lang. Sinabayan ko na rin ng halik.“Tumigil ka… ‘yon ang tingnan mo.” Nguso niya ang Mayon. Kahit malayo, kita pa rin mula rito sa yate—may ulap sa tuktok, pero nananatiling perpekto ang korte. Parang kami ni Cherry. Minsang binayo ng malakas ng bagyo, minsang nasira… pero nanatiling matatag… mas minahal ang isa’t isa.“Kanina pa nga ako nakatingin… gusto ko, ikaw naman ang
Sabay kaming napabuga ng hangin nang makarating kami sa reception. Alam namin na talagang maganda ang lugar. Pero ngayon mas gumanda pa. Parang paraiso sa isang panaginip—punung-puno ng ilaw, mga hanging bulaklak, puting tela na nakalambitin sa bawat poste ng venue. At ang malamig na simoy ng hangin ay parang nakikisabay sa init ng mga ngiti ng bawat taong naririto.Napayakap ako kay Reynan. Napangiti naman siyang hinaplos ang aking balikat. Tanaw namin ang mga bisitang abala sa kwentuhan sa mga kasama nila sa mesa. Ang saya nilang pagmasdan. ‘Yong alam mong masaya rin sila gaya namin ni Reynan. Napabitiw ako kay Reynan nang umalingawngaw ang boses ng host. "Alright! Busog na ba ang lahat?" sigaw ng host. Sabay namang sumagot ang lahat. Syempre may kasabay na tawanan. “Kung gano’n, maghanda na ang mga single ladies? It's bouquet time!"Nagtilian ang mga babae. Iginiya naman ako ni Reynan sa gitna ng stage. Saglit kong tiningnan ang lahat, saka tumalikod. “Ready!” sigaw ulit ng ho
CHERRYAwit ng mga ibon. Maagang sikat ng araw, at ang preskong hangin ng Tagaytay ang bumati sa akin. Dagdag pa ang magandang view na nakikita ko mula rito sa balcony ng silid ko. Ang gaan sa pakiramdam, parang hinaplos ang puso ko. Lahat… parang ba naki-celebrate sila sa kasiyahang nararamdaman ko.Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako—kami ng asawa ko. Siyempre, hindi pwedeng walang good morning kiss kahit sa screen lang. Kaya heto, gising na gising na ako, pati ang puso ko na kanina pa umiindak-indak."Dra. Cherry, nandito na po ang glam team mo… ready na po silang gawin kang pinakamagandang bride!" bungad ni Anna.Lumingon ako. Bumuga ng hangin at tumango habang mahigpit ang hawak sa puting robe na suot ko.Mabagal akong naglakad pabalik sa silid at umupo sa harap ng dresser. Pumasok naman ang mga stylist.“Sina Mama? Mga kapatid ko?” tanong ko kay Anna na in-assist ang mga stylist.“Inaayusan na rin sila, dok. Hindi raw kasi pwedeng ikaw lang ang maganda, dapat tayong lah
Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga taong pinakamahalaga sa amin ni Reynan. Nandito na kami sa Tagaytay. Ikatlong araw na namin dito ni Reynan. Dito rin kasi kami nag-prenup shoot. At ngayon nga ay dumating na rin ang aming pamilya at malalapit na mga kaibigan. Bukas na nga kasi ang aming kasal. Kaya, heto at nagtipon-tipon kami rito sa private hall ng hotel.At syempre, kapag kaming lahat magkasama, puro tawanan lang, puro kulitan ang kasabay ng aming salo-salo. Kanya-kanyang topic ang lahat. Nakakatuwa. Ang saya nilang kasama...“Asawa ko, ayos ka lang?” bulong sa akin ni Reynan. Katulad ko, siya rin ay tahimik habang nakikitawa lang sa makukulit naming mga kasama. “Ayos na ayos… sino ba ang hindi magiging maayos kung sila ang kasama?” Napangiti si Reynan. Hinaplos ang hita ko. Agad ko iyong hinawakan. Sakto kasing napalingon si Onse. Nakita ang ginawa niya.Nasa gitnang bahagi ng mahaba at eleganteng mesa kami ni Reynan. Sa kanan ko ang mga magulang at
“Oo,” mahinang sagot ko, pero diretso ang mga mata sa kanya. “Buntis ako, George...” Matapos ang mahabang katahimikan, nagawa ko ring sumagot. Unti-unti ko na ring naririnig ang ingay sa palagid at ang presensya ng mga tao dito sa mall. Napalingon ako kay Reynan nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kamay niya sa baywang ko. Ngumiti ako, at muling kay George. “Maging ina na ako… magiging magulang na…” Napakunot ang noo niya, namula ang mga mata, pero agad din iyong nawala. Bahagya siyang tumango, pero hindi nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya… kung ano ang iniisip niya, pero ‘yong tingin niya sa amin ni Reynan noon. Kakaiba… hindi ako sanay. Tingin na laging galit at naghahamon ng away… wala na. Magaan ang pagkakatitig sa amin ngayon.“Masaya ako na ngayon,” dagdag ko. “Masayang-masaya...”“Alam ko…” Napangiti siya. Sa puntong ‘to, mapait. Pero hindi pait ng galit. Parang pait ng pagtanggap. Pait na pagsuko. Maya maya ay napayuko siya. Pinaglalaruan ang