CHERRY
Bago ko pa man sagutin ang tawag ni George...boyfriend ko. My live-in partner for five years, ay sumikip na ang dibdib ko. Hindi na maganda ang kutob ko. Alam ko, may ipapagawa na naman siya at wala akong karapatang tumanggi. Gabi na, kararating ko lang mula sa medical mission, at ang gusto ko lang sana ay makapahinga. Pero maski 'yon ay parang wala akong karapatang gawin. “Pumunta ka rito ngayon din.” Malamig ang boses niya, matigas. “Pagod ako, George. Kakauwi ko lang—” “Wala akong pakialam. Pupunta ka. I’ll send you the address.” At pinutol na niya ang tawag. Pag-vibrate ng phone, lumabas agad ang location. Hotel sa Makati. Mapait akong napangiti. Tumayo ako at hindi na nag-reply—sanay na akong sumunod. Wala naman kasi akong choice. Magagalit siya kapag hindi ako sumunod. At ayaw kong bigyan siya ng dahilan na itaboy ako—pagbabantaan na hiwalayan. Tatlong taon na mula no’ng magbago ang lahat sa amin. Heto, kumakapit pa rin ako sa pangako namin sa isa’t-isa na habambuhay kaming magsasama. Umaasa ako na balang araw ay huhupa din ang pagliliwaliw niya—manumbalik ang pagmamahal niya, at maging masaya kaming muli. Pagdating ko sa hotel, mas humigpit pa ang tension sa dibdib ko. Para akong pinipiga habang binabaybay ang hallway. Mabigat ang hakbang. Hindi ko rin halos maitaas ang ulo nang makarating sa kwarto. Tumigil ako sa tapat ng pintuan. Huminga ako ng malalim. Pumikit... at kumatok. Bumukas agad ang pinto. “What took you so long?!” Galit ang salubong niya. Walang pag-aalala. Walang bakas ng hiya sa mukha. Hinila niya ako papasok. Halos pakaladkad, diretsong dinala sa kama. Napatigil ako. Nanlamig ang buong katawan ko. Habang nakatitig sa babae—magulo ang buhok, kalat ang kolorete sa mukha, namumutla, hawak ang puson, at namimilipit sa sakit. Alam ko na ito ang posibleng madatnan ko. Pero iba pala kapag nasaksihan mo mismo. Mas ramdam ang sakit. Para akong pinunit sa gitna. Parang hinuhugot ang puso ko palabas sa aking dibdib. Umiinit na ang mga mata ko, pero pinipigil pa rin ang lumuha. “Check on her,” utos ni George sabay tulak sa akin palapit sa babae. Namudmod ako, pero hindi ko magawang magreklamo, hindi ko magawang magalit. Nanghihina akong umupo. Napatingala kay George. Hindi naman sadyang mapahikbi ako. Umigting ang panga at nanlilisik ang mga mata niya. ‘Yong tingin niya, parang ako na naman ang sinisisi, parang ako na naman ang may kasalanan. “George…” “Don’t look at me like that!” Suminghal siya. Tumilamsik ang laway sa mukha ko. Ang salitang gusto kong sabihin, nilunok ko na lang na parang laway. Nakita ko ang pagdulas ng awa sa mukha niya—parang na konsensya. Pero saglit lang. Nawala din agad. Napayuko ako, mabilis na pinunasan ang luha bago pa siya muling magsalita. “Ah, George… ang sakit!” Daing ng babae habang hawak ang puson. Tumututol ang buong pagkatao ko na tulungan siya. Pero doktor ako. May sinumpaan akong tungkulin. Kahit ang mga taong sumira’t nanakit sa akin, tutulungan ko pa rin. Huminga ako nang malalim. Muling pinahid ang luha. Hinarap siya at marahang inalis ang kumot. Walang saplot ang babae. At si George? Nakatayo lang sa tabi. Walang kurap. Hindi man lang nahiya. Parang sanay nang makita ang kabuuan ng babae. Hinawakan ko ang tiyan ng babae. Wala akong nakapang abnormalidad. Kaya pulso naman ang sunod kong sinuri. At muntik na naman akong bumigay. Buntis siya. “Kumusta ang baby ko?” Magsasalita na sana ako, pero hindi natuloy. Nagulat ako sa tanong ng babae. Aware sila. Muntik na akong mapasigaw—pero napako ako sa titig ng babae. Mayabang. Parang sinasabi ng mga mata niya na siya na ang panalo. Sa kanya na si George. Napalingon ako kay George. Umaasa akong mag-explain siya. Humingi ng patawad. Hihiling na patawarin ko siya. Pero wala. Hindi siya nagsasalita. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang himasin ang buhok niya. Nakakunot ang noo. Alalang-alala. “Tinatanong ka! Sagutin mo!” “Alam mong buntis siya, pero ginalaw mo—” Naputol ang salita ko sa sampal niya. Malakas. Tumagilid ang mukha ko. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Sunod-sunod na namang pumatak ang luha ko. Dinuro niya ako. Maya maya ay kumuyom ang kamay. “Hindi kita pinatawag para sermunan kami! Gawin mo ang trabaho mo!” Tumango ako. Pinunasan ang luha. Kumalma kahit nanginginig pa ang buong katawan ko. “Maselan ang unang tatlong buwan,” mahina kong sambit. “Iwasan ang nakakapagod na aktibidad. Dalhin siya sa OB para makasigurado sa kondisyon ng baby.” “Eh ‘yung pananakit ng puson?” “Warm compress.” Walang gana kong sagot. Tumayo na ako. Hindi ko na kayang tumagal pa. Pero bago ko pa man maabot ang pinto, hinawakan niya ang braso ko. Mahigpit. Nakakakilabot ang galit sa mga mata niya. “George, nasasaktan ako!” Pilit kong inalis ang hawak niya. Pero lalo lang humigpit. “Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Hayaan mo na akong umalis...” “Sinabi ko bang pwede ka nang umalis?” Nanlilisik ang mga mata niyang unti-unting inilapit ang mukha sa akin. “Ano pa ba ang gusto mo? Hayaan mo na ako…” “Gusto mong umalis? Umalis ka na rin sa buhay ko!” Parang umikot ang mundo ko. Tumigil ang hininga ko. Maski ang luha ko ay parang umatras. Hinawakan niya ang pisngi ko. Mahigpit. Halos bumaon ang mga daliri niyang malamig—kasing lamig ng mga titig niya sa akin. “George…” “George,” singit ng babae, pa-sweet, nang-aakit. Lumingon agad si George, at pinakawalan ang mukha ko. Lumapit siya sa babae. Nakaupo na ito sa gilid ng kama. Agad niya itong inalalayan. Lumuhod pa sa harapan at hinaplos ang puson nito. “Hindi na ba masakit?” tanong niya. Ngumiti ang babae. Ako? Nakatayo lang. Parang nakatirik na posteng anumang oras ay mabubuwal na. Ang bawat salita, bawat haplos, parang lasong dahan-dahang pumapatay sa puso ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magtanong, pero ni ungol... hindi ko magawa. Hindi ko kaya… Tahimik akong tumalikod. Kinagat ang labi, pinigilan ang paghikbi. Lumabas ako ng kwarto. Pero pagtapak ko sa labas, tuluyan akong nawalan ng lakas. Muntik matumba. Kumapit ako sa door handle. “George, sundan mo na ang girlfriend mo,” narinig kong sabi ng babae. “Bakit ko ‘yon susundan? Nag-iinarte lang ‘yon. Mamaya pag-uwi ko, hihingi ‘yon ng tawad. Tanga-tanga kaya n’on, uto-uto pa.” Nanginig ang kamay ko. Napabitiw ako sa door handle na kinakapitan ko. Parang mapupugto na ang hininga ko. “Mahal na mahal ako ng babaing ‘yon. Hindi ‘yon mabubuhay nang wala ako.” Mapait akong ngumiti. Tama siya. Mahal ko siya. Buong-buo. Kaya paulit-ulit niya akong sinasaktan. Kasi alam niyang hindi ako bibitaw kahit ilang ulit niya akong ipagtabuyan. Pinahid ko ang luha. At kahit nanginginig pa ang tuhod ko, pinilit kong humakbang—palayo sa kwartong iyon, palayo sa lalaking hindi na ako minamahal. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Uuwi pa ba ako sa tahanang puro lungkot at sakit lang ang dulot sa akin, o magsisimula na akong lumakad papunta sa direksyong hindi siya kasama at wala ring katiyakan…Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala
REYNANSabay kaming lumanghap nang sariwang hangin ni Cherry nang makasampa kami sa yate. Nandito na kami sa Albay kung saan ako nag-propose at nangako isa’t-isa na magmahalan habangbuhay. Ang ganda na rito, pero mas gumanda dahil kasama ko siya, yakap ko siya mula sa likod, habang tahimik na tinatanaw ang pabulog na araw. “Ang ganda… ang aliwalas…” bulong niya. Napapangiting niyakap niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.“Parang ikaw… ang ganda!” bulong ko, sabay ang mahinang kagat sa tainga niya. Napahagikhik siya. Saglit niya akong tinapunan ng nagbabalang tingin nang hindi ako tumigil sa isang kagat lang. Sinabayan ko na rin ng halik.“Tumigil ka… ‘yon ang tingnan mo.” Nguso niya ang Mayon. Kahit malayo, kita pa rin mula rito sa yate—may ulap sa tuktok, pero nananatiling perpekto ang korte. Parang kami ni Cherry. Minsang binayo ng malakas ng bagyo, minsang nasira… pero nanatiling matatag… mas minahal ang isa’t isa.“Kanina pa nga ako nakatingin… gusto ko, ikaw naman ang
Sabay kaming napabuga ng hangin nang makarating kami sa reception. Alam namin na talagang maganda ang lugar. Pero ngayon mas gumanda pa. Parang paraiso sa isang panaginip—punung-puno ng ilaw, mga hanging bulaklak, puting tela na nakalambitin sa bawat poste ng venue. At ang malamig na simoy ng hangin ay parang nakikisabay sa init ng mga ngiti ng bawat taong naririto.Napayakap ako kay Reynan. Napangiti naman siyang hinaplos ang aking balikat. Tanaw namin ang mga bisitang abala sa kwentuhan sa mga kasama nila sa mesa. Ang saya nilang pagmasdan. ‘Yong alam mong masaya rin sila gaya namin ni Reynan. Napabitiw ako kay Reynan nang umalingawngaw ang boses ng host. "Alright! Busog na ba ang lahat?" sigaw ng host. Sabay namang sumagot ang lahat. Syempre may kasabay na tawanan. “Kung gano’n, maghanda na ang mga single ladies? It's bouquet time!"Nagtilian ang mga babae. Iginiya naman ako ni Reynan sa gitna ng stage. Saglit kong tiningnan ang lahat, saka tumalikod. “Ready!” sigaw ulit ng ho
CHERRYAwit ng mga ibon. Maagang sikat ng araw, at ang preskong hangin ng Tagaytay ang bumati sa akin. Dagdag pa ang magandang view na nakikita ko mula rito sa balcony ng silid ko. Ang gaan sa pakiramdam, parang hinaplos ang puso ko. Lahat… parang ba naki-celebrate sila sa kasiyahang nararamdaman ko.Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako—kami ng asawa ko. Siyempre, hindi pwedeng walang good morning kiss kahit sa screen lang. Kaya heto, gising na gising na ako, pati ang puso ko na kanina pa umiindak-indak."Dra. Cherry, nandito na po ang glam team mo… ready na po silang gawin kang pinakamagandang bride!" bungad ni Anna.Lumingon ako. Bumuga ng hangin at tumango habang mahigpit ang hawak sa puting robe na suot ko.Mabagal akong naglakad pabalik sa silid at umupo sa harap ng dresser. Pumasok naman ang mga stylist.“Sina Mama? Mga kapatid ko?” tanong ko kay Anna na in-assist ang mga stylist.“Inaayusan na rin sila, dok. Hindi raw kasi pwedeng ikaw lang ang maganda, dapat tayong lah
Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga taong pinakamahalaga sa amin ni Reynan. Nandito na kami sa Tagaytay. Ikatlong araw na namin dito ni Reynan. Dito rin kasi kami nag-prenup shoot. At ngayon nga ay dumating na rin ang aming pamilya at malalapit na mga kaibigan. Bukas na nga kasi ang aming kasal. Kaya, heto at nagtipon-tipon kami rito sa private hall ng hotel.At syempre, kapag kaming lahat magkasama, puro tawanan lang, puro kulitan ang kasabay ng aming salo-salo. Kanya-kanyang topic ang lahat. Nakakatuwa. Ang saya nilang kasama...“Asawa ko, ayos ka lang?” bulong sa akin ni Reynan. Katulad ko, siya rin ay tahimik habang nakikitawa lang sa makukulit naming mga kasama. “Ayos na ayos… sino ba ang hindi magiging maayos kung sila ang kasama?” Napangiti si Reynan. Hinaplos ang hita ko. Agad ko iyong hinawakan. Sakto kasing napalingon si Onse. Nakita ang ginawa niya.Nasa gitnang bahagi ng mahaba at eleganteng mesa kami ni Reynan. Sa kanan ko ang mga magulang at
“Oo,” mahinang sagot ko, pero diretso ang mga mata sa kanya. “Buntis ako, George...” Matapos ang mahabang katahimikan, nagawa ko ring sumagot. Unti-unti ko na ring naririnig ang ingay sa palagid at ang presensya ng mga tao dito sa mall. Napalingon ako kay Reynan nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kamay niya sa baywang ko. Ngumiti ako, at muling kay George. “Maging ina na ako… magiging magulang na…” Napakunot ang noo niya, namula ang mga mata, pero agad din iyong nawala. Bahagya siyang tumango, pero hindi nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya… kung ano ang iniisip niya, pero ‘yong tingin niya sa amin ni Reynan noon. Kakaiba… hindi ako sanay. Tingin na laging galit at naghahamon ng away… wala na. Magaan ang pagkakatitig sa amin ngayon.“Masaya ako na ngayon,” dagdag ko. “Masayang-masaya...”“Alam ko…” Napangiti siya. Sa puntong ‘to, mapait. Pero hindi pait ng galit. Parang pait ng pagtanggap. Pait na pagsuko. Maya maya ay napayuko siya. Pinaglalaruan ang