REYNAN
Tatlong taon na mula no’ng bumalik ako sa Canada, para ayusin ang gusot sa pagitan namin ng aking asawa.
Pinagtaksilan niya ako. Pina-ako sa akin ang anak nila ng kabit niya. Magulo at mahabang serye ng court hearing ang inatupag ko sa pagbabalik.
Hanggang sa nakamit ko ang kalayaan ko. Na-grant ang aming divorce, at ni isang kusing ay wala siyang nakuha.
Masaya ako nang sa wakas ay natapos ang kalbaryo ko, pero may halong lungkot dahil napamahal na sa akin ang bata na hindi ko naman pala kadugo. Pero kalaunan ay natuto rin akong tanggapin ang lahat.
At ngayon masasabi kong maayos na ang buhay, at ito na ang best version ko. Masayang Reynan, walang sabit, at walang pasan na mabigat sa buhay ko.
Ngayon ay nandito na ako sa Pilipinas, isang linggo na ako rito at puro meeting lang ang aking inaatupag.
Nahinto ang pagbabalik tanaw ko nang tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen.
“Kuya, nasaan ka na?” bungad ng kapatid ko pagsagot ko sa tawag.
“Atat ka naman masyado. Malapit na ako,” sagot ko.
“Kasi naman, nababagot na ang pamangkin mo. Gusto ka na raw niya makita.”
Napangiti naman ako. “Heto na, mag-pa-park na ako,” sabi ko, kasabay ang pagtigil ng kotse.
Agad akong lumabas, mabilis ang mga hakbang ko papasok ng hotel. Bitbit ko ang regalo para sa pamangkin ko.
Dumeritso ako sa restaurant kung saan kami magkikita. “Tito Rey…” masiglang sigaw ni Rose, pamangkin ko.
Binigay ko sa kanya ang dala kong regalo at kinarga siya. Yakap at halik naman ang ganti nito.
“Mabuti naman at, nagkaroon ka rin ng oras na makipagkita,” tampong sabi ni Daisy.
Tinapik ko naman ang balikat ni Onse na. Binawi nito si Rose at kinandong niya.
“ ‘Wag ka nang magtampo, puno talaga schedule ko, the whole week. Ngayon lang ako bakante,” lambing kong sabi sa kapatid kong sinimangutan ako.
Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya na ikinangiwi niya.
“Kuya naman, eh!” Tinampal niya ang kamay ko na ikinahakighik ko naman. “Hindi na ako bata, para ganyanin mo,” reklamo niya.
“Hindi na bata, pero ang hilig mong magpa-baby sa akin,” singit naman ni Onse na ikinatawa naming lahat.
“Bayaw kumusta naman ang puso natin ngayon?” tanong ni Onse na nahampas naman ni Daisy. Pinandilatan niya rin ito na ikinatawa ko lang.
“Bakit, bayaw? May iririto ka?” pabiro ko namang tanong.
“Kuya Reynan…sinakyan mo pa ang kalokohan ng isang ‘yan,” naiiling na sabi ni Daisy.
“Kalokohan ba ‘yon? Akala ko totoo…matagal-tagal na rin kasi na…”
“Kuya!” Ako naman ang nahampas na sabay na naman naming ikinatawa.
“Kuya, si Mama, kumusta naman?”
“Ayon, nagka-love life na,” natatawa kong sagot.
“Pumayag ka?”
“Daisy, matanda na si Mama, bigay na natin ang magpapasaya sa kanya.”
“Natatakot lang naman ako, baka kasi…”
“Daisy, ‘wag kang mag-alala. Hindi gano’n ka-naive si Mama. Alam niya ang limitation niya, at magaling siyang bumasa ng tao. Siya nga ang nakapansin sa…”
Hindi ko na tinapos ang pagsasalita ko. Naintindihan naman nila ang gusto kong sabihin. Kung hindi dahil kay Mama, hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya na naiputan na pala ako sa ulo.
“Sige na, kumain na tayo,” sabi ko, at nagsimula na nga kaming kumain.
Tawanan at masayang kwentuhan ang kasabay ng aming dinner. Dumagdag din sa saya ang kabibohan ng pamangkin ko.
“Mauna na kami, kuya…” sabi ni Daisy. Tumayo na sila. Kinarga na rin ni Onse ang pamangkin ko na inaantok na.
Halik sa pisngi ni Daisy ang sagot ko. Tinapik ko rin ang balikat ni Onse, at hinaplos ang ulo ni Rose. Hinatid ko pa sila sa labas, at bumalik din kaagad dahil may kikitain pa ako.
Pero napahinto nang may nakita akong pamilyar na mukha. Naibulsa ko ang isa kong kamay at napangiti. Lalapitan ko sana siya, pero napaigtad naman ako nang may tumapik sa balikat ko.
“Mr. Calderon,” sabi ko, at nakipagkamay sa kanya, pero ang tingin ay nasa babaing kasama niya.
Napangiti naman siya. “Bunso kong anak, si Grace,” pakilala niya rito.
Nauna itong naglahad ng kamay at ngiting-ngiti pa. Marahan ko namang hinawakan ang kamay niya at nginitian rin ito ng matamis.
“Umupo na tayo,” sabi ko. Pinaghila ko ng upuan si Grace na ikinapula naman ng pisngi nito.
Akala ko, simpleng pagkikita lang ‘to namin ng dati kong amo. Iririto yata sa akin ang anak niya.
Naging caregiver ako ni Mr. Calderon sa Canada noon. Nabalitaan niya na bumalik na ako na kaya nakipagkita. Hindi ko naman siya matanggihan.
Pinag-order ko sila ng pagkain, at ako nagkape na lang.
“Balak mo bang mag-tagal rito?” tanong ni Mr. Calderon.
“Opo,” tipid ko namang sagot. Napasulyap kasi ako kay Grace, at huling-huli ko itong nakatingin sa akin.
Tinitigan ko rin siya. Maganda siya, maliit ang mukha, matangos ang ilong, at manipis ang labi. Pero tingin ko sa kanya masyadong bata.
“Reynan, sorry pala sa nangyari sa inyo ng…”
Napahawak ako sa kwelyo ko. Napatikhim na ikinatigil ng pagsasalita niya.
Humigop ako ng kape, at hindi na muling nagsalita. Pinaramdam ko sa kanya na hindi ako komportable na pag-usapan ang bagay na ‘yon.
“Pasensya na…” Huling-huli ko ang kakaibang tinginan nilang mag-ama. At hindi maganda ang pakiramdam ko.
“Mr. Calderon, tapatin n’yo nga po ako. Ano ba ang dahilan at nakipagkita kayo?"
Nabitiwan niya ang hawak na tinidor. Hindi na rin mapakali si Grace.
“Wala…talagang wala. Gusto lang kitang kumustahin…”
"Gustong kumustahin o inutusan kayo ni Helen na lapitan ako?”
Si Helen ay ang ex-wife ko.
Nawala sa isip ko na magkakilala rin sila. Pareho kaming caregiver ni Helen noon,at sa pagkakatanda ko, siya ang caregiver ng kanyang asawa.
“Reynan, hindi…” napatingin siya sa kanyang anak.
Tumayo ako, niluwagan ang necktie ko. “Alam mo po, ginagalang kita bilang amo ko noon, bilang nakakatanda. Please, ‘wag po kayong sumawsaw sa issue namin ni Helen, kung ayaw n’yo na mawalan ako ng respeto sa’yo.”
“Reynan…” Tumayo si Grace, lumapit sa akin at gustong hawakan ang braso ko, pero umatras ako. "Hindi nangingialam si Dad sa issue n’yo ni Ate Helen. Ang totoo, ako ang pumilit sa kanya na makipagkita sa’yo…gusto kitang makita sa personal at makilala…”
Pahapyaw akong tumawa, ibinulsa ko rin ang isa kong kamay. Dismaya naman akong napatingin kay Mr. Calderon. “Maganda ka, Grace, but please, matuto kang maghintay na ang lalaki ang pumansin at lumapit sa’yo, hindi ‘yong ikaw ang unang lumalapit.”
Iniwan ko sila matapos sabihin ‘yon. Pero narinig ko pa ang sinabi ni Mr. Calderon. Nahihiya raw siya. “Nag-sorry naman si Grace sa kanyang ama.
Palabas na sana ako nang mamataan ko na naman ang pamilyar na mukha na nakita ko kanina. Yuko ang ulo nito at ang bilis ng mga hakbang palabas ng hotel. Parang may problema. Hinabol ko siya, tahimik na sinundan hanggang sa makarating ito sa kotse niya.
Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala
REYNANSabay kaming lumanghap nang sariwang hangin ni Cherry nang makasampa kami sa yate. Nandito na kami sa Albay kung saan ako nag-propose at nangako isa’t-isa na magmahalan habangbuhay. Ang ganda na rito, pero mas gumanda dahil kasama ko siya, yakap ko siya mula sa likod, habang tahimik na tinatanaw ang pabulog na araw. “Ang ganda… ang aliwalas…” bulong niya. Napapangiting niyakap niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.“Parang ikaw… ang ganda!” bulong ko, sabay ang mahinang kagat sa tainga niya. Napahagikhik siya. Saglit niya akong tinapunan ng nagbabalang tingin nang hindi ako tumigil sa isang kagat lang. Sinabayan ko na rin ng halik.“Tumigil ka… ‘yon ang tingnan mo.” Nguso niya ang Mayon. Kahit malayo, kita pa rin mula rito sa yate—may ulap sa tuktok, pero nananatiling perpekto ang korte. Parang kami ni Cherry. Minsang binayo ng malakas ng bagyo, minsang nasira… pero nanatiling matatag… mas minahal ang isa’t isa.“Kanina pa nga ako nakatingin… gusto ko, ikaw naman ang
Sabay kaming napabuga ng hangin nang makarating kami sa reception. Alam namin na talagang maganda ang lugar. Pero ngayon mas gumanda pa. Parang paraiso sa isang panaginip—punung-puno ng ilaw, mga hanging bulaklak, puting tela na nakalambitin sa bawat poste ng venue. At ang malamig na simoy ng hangin ay parang nakikisabay sa init ng mga ngiti ng bawat taong naririto.Napayakap ako kay Reynan. Napangiti naman siyang hinaplos ang aking balikat. Tanaw namin ang mga bisitang abala sa kwentuhan sa mga kasama nila sa mesa. Ang saya nilang pagmasdan. ‘Yong alam mong masaya rin sila gaya namin ni Reynan. Napabitiw ako kay Reynan nang umalingawngaw ang boses ng host. "Alright! Busog na ba ang lahat?" sigaw ng host. Sabay namang sumagot ang lahat. Syempre may kasabay na tawanan. “Kung gano’n, maghanda na ang mga single ladies? It's bouquet time!"Nagtilian ang mga babae. Iginiya naman ako ni Reynan sa gitna ng stage. Saglit kong tiningnan ang lahat, saka tumalikod. “Ready!” sigaw ulit ng ho
CHERRYAwit ng mga ibon. Maagang sikat ng araw, at ang preskong hangin ng Tagaytay ang bumati sa akin. Dagdag pa ang magandang view na nakikita ko mula rito sa balcony ng silid ko. Ang gaan sa pakiramdam, parang hinaplos ang puso ko. Lahat… parang ba naki-celebrate sila sa kasiyahang nararamdaman ko.Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako—kami ng asawa ko. Siyempre, hindi pwedeng walang good morning kiss kahit sa screen lang. Kaya heto, gising na gising na ako, pati ang puso ko na kanina pa umiindak-indak."Dra. Cherry, nandito na po ang glam team mo… ready na po silang gawin kang pinakamagandang bride!" bungad ni Anna.Lumingon ako. Bumuga ng hangin at tumango habang mahigpit ang hawak sa puting robe na suot ko.Mabagal akong naglakad pabalik sa silid at umupo sa harap ng dresser. Pumasok naman ang mga stylist.“Sina Mama? Mga kapatid ko?” tanong ko kay Anna na in-assist ang mga stylist.“Inaayusan na rin sila, dok. Hindi raw kasi pwedeng ikaw lang ang maganda, dapat tayong lah
Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga taong pinakamahalaga sa amin ni Reynan. Nandito na kami sa Tagaytay. Ikatlong araw na namin dito ni Reynan. Dito rin kasi kami nag-prenup shoot. At ngayon nga ay dumating na rin ang aming pamilya at malalapit na mga kaibigan. Bukas na nga kasi ang aming kasal. Kaya, heto at nagtipon-tipon kami rito sa private hall ng hotel.At syempre, kapag kaming lahat magkasama, puro tawanan lang, puro kulitan ang kasabay ng aming salo-salo. Kanya-kanyang topic ang lahat. Nakakatuwa. Ang saya nilang kasama...“Asawa ko, ayos ka lang?” bulong sa akin ni Reynan. Katulad ko, siya rin ay tahimik habang nakikitawa lang sa makukulit naming mga kasama. “Ayos na ayos… sino ba ang hindi magiging maayos kung sila ang kasama?” Napangiti si Reynan. Hinaplos ang hita ko. Agad ko iyong hinawakan. Sakto kasing napalingon si Onse. Nakita ang ginawa niya.Nasa gitnang bahagi ng mahaba at eleganteng mesa kami ni Reynan. Sa kanan ko ang mga magulang at
“Oo,” mahinang sagot ko, pero diretso ang mga mata sa kanya. “Buntis ako, George...” Matapos ang mahabang katahimikan, nagawa ko ring sumagot. Unti-unti ko na ring naririnig ang ingay sa palagid at ang presensya ng mga tao dito sa mall. Napalingon ako kay Reynan nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kamay niya sa baywang ko. Ngumiti ako, at muling kay George. “Maging ina na ako… magiging magulang na…” Napakunot ang noo niya, namula ang mga mata, pero agad din iyong nawala. Bahagya siyang tumango, pero hindi nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya… kung ano ang iniisip niya, pero ‘yong tingin niya sa amin ni Reynan noon. Kakaiba… hindi ako sanay. Tingin na laging galit at naghahamon ng away… wala na. Magaan ang pagkakatitig sa amin ngayon.“Masaya ako na ngayon,” dagdag ko. “Masayang-masaya...”“Alam ko…” Napangiti siya. Sa puntong ‘to, mapait. Pero hindi pait ng galit. Parang pait ng pagtanggap. Pait na pagsuko. Maya maya ay napayuko siya. Pinaglalaruan ang