"Reynan...” hinablot ko ang aking kamay, sabay tingin sa paligid. “Ano bang ginagawa mo?”
“Ito naman, galit agad. Haplos ng alaga lang ‘yon, walang malisya!” Inilabas at kinagat niya ang dulo ng kanyang dila at ngumiti.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Reynan naman, umayos ka nga. Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan tayo,” pabulong kong sabi.
Nahihiya ako sa ginawa niya, pero siya nagkibit-balikat lang. “‘Wag mo nga silang pansinin, inggit lang ang mga ‘yan, kasi walang gustong mag-alaga sa kanila.” Seryoso na naman niya ako tinitigan na ikinaasiwa ko na.
“Anong akala mo sa akin, inutil na hindi kayang alagaan ang sarili?”
“Bakit? Inutil lang ba ang inaalagaan? Kahit sino pwedeng alagaan, lalo na kung mahalaga ‘yong tao… mahalaga sa akin.”
Pahapyaw akong tumawa. Paano niya ba basta nasasabi na mahalaga ako?
‘Yong tao nga’ng akala ko makakasama ko buong buhay ay basura ang tingin sa akin, siya pa kaya na ilang araw ko pa lang nakakasama.
“Kaya ko ang aking sarili, hindi ko kailangan ang pag-aalaga mo.”
“Oh...talaga ba? Kung kaya mo naman palang alagaan ang ‘yong sarili, bakit ka pumapayag na paulit-ulit na masaktan? Ibig sabihin lang no’n, wala kang kakayahan.”
“Tumahimik ka na, Reynan. Hindi madali ‘yong nangyari sa akin kanina…masakit, pero paulit-ulit mong pinapaalala.”
“Dok, hindi ‘yon ang intensyon ko. Gusto ko lang na mag-isip ka. Matuto kang lumaban. Matutong humindi kung talagang ayaw mo na.”
Nakagat ko na lang ang ibaba kong labi. Nag-iwas din ako ng tingin at paspasang pinahid ang luhang hindi ko na naman napigil.
“Doktora…kailangan mo ng taong magtatangol sa’yo laban sa ex mo. Ako…willing akong gawin ‘yon.”
Hindi ako sumagot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, at pinipigil ang mapa-hikbi.
“Paano kung hindi ako bumalik kanina? Sasama ka na naman sa ex mo at araw-araw na magtitiis sa kahayupan niya.” Pabagsak siyang sumadal at dismayang tumitig sa akin. “Matalino ka namang tao, dok. Doktor ka nga ‘di ba? At saka may sarili ka ring pera, pero nagpakabobo ka sa lalaking walang kwenta.”
“Tama na, Reynan! Wala kang alam. Hindi mo alam kung bakit ako naging isang doktor. Hindi mo alam kung bakit ako ganito—kung bakit ako kumakapit sa taong hindi na ako mahal.”
Pahapyaw siyang tumawa. “Tama ka, wala nga akong alam, dok. Pero matanong nga kita, mahal mo ba talaga ang tarantadong ‘yon? Sigurado ka bang hindi dahil sa utang na loob na gusto mong mabayaran kaya ka nagpapakatanga?”
Napatitig ako sa kanya, pero hindi ko na magawang magsalita. Bumalik kasi sa alaala ko ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni George. Bakit mayro’n ako ng lahat ng mayro’n ako ngayon.
Labing anim na taong gulang ako no’n. Namatay ang Nanay, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano siya ipalilibing. Wala kaming pera. Ni pambili ng kabaong, wala. Binalot ko lang siya ng kumot, habang hinihintay ang kabaong na galing sa barangay. Feeling ko no’ng panahong ‘yon wala akong kwentang anak.
Dumating ang mga magulang ni George. Nagpakilala na mga kaibigan daw sila ni Nanay. Sila ang nag-ayos ng lahat. Mula sa burol hanggang sa libing. Taos-puso akong nagpapasalamat sa kanila no’ng panahong ‘yon.
Akala ko, hanggang doon lang ang tulong na gagawin nila, pero hindi, kinupkop nila ako. Pinag-aral, kapalit ang paninilbihan ko sa kanila.
Mabait ang mga magulang ni George sa akin. Hindi nila ako tinuring na iba. Samantalang si George ay hindi ako pinapansin. Araw-araw kaming nagkikita sa paaralan at bahay, pero ayaw niya na lumapit ako sa kanya. Pinandidirihan niya ako. Naiintindihan ko naman, nakakahawa nga ang sakit ni Nanay, tuberculosis. Akala niya siguro, ako rin may sakit.
Graduating kami sa college nang magbago ang pakikitungo niya. Bigla siyang naging mabait. Pinagtatanggol na rin niya ako sa mga kaklase naming binubully ako.
Lumalim pa ang relasyon namin sa puntong nanligaw siya. Hindi ‘yon sikreto sa mga magulang niya. Hindi sila tutol, kaya lang pina-aalahanan naman ako na ‘wag munang pumasok sa isang relasyon hangga’t hindi pa tapos ang residency ko. Hindi na kasi nag-residency si George dahil siya na ang namamahala sa kumpanya nila—ang Franca Distributor Inc. na isa sa top medical supplies distributors sa bansa.
Mayaman sila at ako mahirap lang, pero matyaga niya akong hinintay at niligawan hanggang sa matapos ang tatlong taong residency ko.
Ang pamilya nila ang dahilan kung bakit ako nandito sa estado ko ngayon, kung bakit ako naging doktor. Ang laki ng utang na loob ko sa kanila. At ngayon, dahil sa tanong ni Reynan, napapaisip ako. Mahal ko pa nga ba si George kaya nagtitiis ako, o dahil na lang sa utang na loob kaya ako nananatili?
“Ano na dok? Natumbok ko ba? Natahimik ka ‘e…”
Hindi pa rin ako makasagot, pero mga mata ko hindi naman maalis sa kanya.
“Dok, nag-decide ka na layuan siya, kaya ituloy mo na. Gumawa ka ng paraan para hindi ka na niya masaktan; hindi ka na niya mapapahiya.”
“Wala na naman akong balak na bumalik sa kanya, Reynan, pero hindi ko ipagkakaila na nasasaktan pa rin ako. Hindi madaling kalimutan ang limang taon na magkasama kami.”
“Mabuti kung gano’n, kaya lang, dok, siya kasi ay walang balak tumigil na pahirapan ka.”
Kumunot ang noo ko. Umawang pa ang labi ko. Hindi ko masyadong nakuha ang sinabi niya. “Anong sabi mo?” Napatitig na naman ako sa kanya. “Pahihirapan ako?"
Tumango-tango siya. “Narinig ko, sabi niya sa kasama niyang babae, hindi raw siya naniniwala na kaya mo siyang iwan. O kung desido ka na raw, hindi siya papayag na makawala ka.”
Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha. Kaya niya ba ako kinaladkad kanina? Intensyon niya talaga na pahirapan ako ng paulit-ulit? Hindi ko na ma-explain ang nararamdaman ko. Bakit ba ganito na lang ang galit niya sa akin?
“Ngayong alam mo na ang intention niya, buo pa rin ba ang loob mo na sabihing hindi mo kailangan ng mag-aalaga at magtatanggol sa’yo?” Seryoso niya akong tinitigan.
“Hindi ko alam, Reynan. Hindi ko na alam!” sagot ko na sumabay sa pagtunog ng cellphone ko na agad kong sinagot na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumawag.
“Pumunta ka sa lumang bahay bukas ng umaga.” Nailayo ko saglit ang cell phone sa tainga ko, at napatingin sa screen. “Kaarawan ni Mommy, gusto ka nilang makasama.” Hindi na nakalapat ang cellphone sa tainga ko, pero rinig ko pa rin ang pasinghal na pagsasalita ni George.
Kaagad din niyang pinutol ang tawag, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi.
Napabuntong-hininga ako. Pinisil ko ang aking noo at nanlalambot na sumandal. Kumabog kasi ng malakas ang dibdib ko. Sa sinabi ni Reynan kanina, natatakot na akong pumunta sa lumang bahay. Natatakot akong makipagkita sa kanya. Natatakot ako sa maaring niyang gawin.
Nakikita ko kasi ang pagbabago niya. Noon, in-ignore niya lang ako. Sinasaktan emotionally, pero simula no’ng pinagbuhatan niya ako ng kamay, parang mas naging agrisibo siya at parang nasanay na siya na manakit ng basta na lang.
“Sino ‘yon? Ang ex mo ba?”
Tumango-tango ako, at bumuga ng hangin. “Kaarawan ng Mommy niya, gusto raw akong makita.”
“Pupunta ka?”
“Hindi ko alam. Natatakot ako kay George, Reynan. Kaya lang kung hindi ako pumunta, baka magtampo ang dalawang matanda.”
“Takot ka, pero gusto mo pa rin pumunta…” Humalukipkip siya, at tinitigan ako ng matiim. Pero maya maya ay ngumiti naman. Itinukod ang mga siko sa lamesa at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. “May solusyon ako,” sabi niya, umangat-angat pa ang mga kilay.
“Kung kalokohan na naman ‘yang sinasabi mong sulosyon, ‘wag mo nang sabihin. Dagdag lang ‘yan sa problema ko.”
“Kalokohan ba ang samahan ka sa bahay ng demonyo mong ex-boyfriend?”
Dismaya akong tumawa. “Talagang malaking kalokohan! Ano ba sa tingin mo ang maramdaman nila kapag nagdala ako ng ibang lalaki sa kanilang bahay?”
“Hindi naman nararamdaman nila ang mahalaga sa akin, nararamdaman mo at kaligtasan mo, dok.”
Hindi na naman ako nakapagsalita. Nagugulo nitong si Reynan ang utak ‘e.
“Reynan, salamat…pero ayaw kong madamay ka sa problema ko. Ayaw kong pati ikaw pag-initan ni George. Tiyak na manggagalaiti ‘yon kapag nakita ka.”
" ‘Di mabuti. Manggalaiti siya hanggang sa magkulay ube at matigok!”
“Reynan, hindi laro-laro ‘tong problema ko. Maimpluwensyang tao si George.”
Nagkibit-balikat na naman siya, at pahapyaw pang tumawa. “Hindi ako takot sa impluwensya niya. Kaya kong labanan siya.”
“Tama na nga ang usapang ‘to. Hindi kita isasama!" Madiin kong sabi at tatayo na sana, pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa pag-upo.
“Sa maniwala ka o hindi, dok. Ako lang ang makatutulong sa sitwasyon mo ngayon.”
Binawi ko ang kamay ko. "Ayaw nga kitang madamay—”
"Sshh!” Nilapat niya ang hintuturo sa labi ko na agad ko namang tinampal. "Buo na ang desisyon ko, pumayag ka man o hindi, sasama ako bukas!"
Hawak ko ang kamay ni Anna habang naglalakad kami sa baywalk. Padalim na, pero mang-ilan-ilan lang ang mga tao. Tahimik ang buong paligid, maliban sa tunog ng alon na sumasalpok sa breakwater.Napangiti ako. Tumingin sa kanya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumabon sa kanyang mukha sa bawat mahinang hampas ng hangin.This is surreal. A month ago, umiwas-iwas pa ako sa kanya. Puno pa ako ng doubt sa sarili. Ngayon, hindi na.“Hoy, matutunaw na ako kakatitig mo…” Iniwas niya ang kanyang mukha, pero napangiti naman.“E kasi naman, ang ganda mo… ang sexy pa…” Kagat ko ang ibabang labi habang hinaplos at marahang pinisil ang baywang niya.“Hay naku, Jerome… ayan ka na naman…”Napabungisngis ako. Masaya kasi ako. Sobra! Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Hindi ko nga akalaing mangyayari ‘to—na makakahanap ako ng babaing handa akong tanggapin—ang nakaraan ko, at kung ano man ang kulang sa akin.Inangat ko ang kamay niya. Nilapat ang palad niya sa labi ko. Patunog na h
Napayuko ako, pilit na iniiwas ang tingin kay Anna. Para bang bawat segundo ng pagtitig niya ay tinatanggal ang depensa ko. “Anna…” humugot ako ng malalim na hininga. Ramdam ko ang paninikip sa dibdib ko. “Ang hirap… hindi ko alam kung ano ang sasabihin… kung paano magpapaliwanag.” “Mahirap? Hindi alam kung ano ang sasabihin? Kaya umiwas ka na lang… mas madali nga naman ‘yon! ” tumaas ang boses niya, halatang nagpupuyos sa galit. “Anna, hindi… hindi gano’n ‘yon…” Napabuntong-hininga ako. Mapait na ngiti naman ang ganti niya. Napalingon ako nang marinig ko ang ugong, bulungan sa paligid. Pinagtitingan na kami ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila siya palabas ng restaurant. Pero paglabas namin binawi niya ang kamay niya. “Jerome, hindi mo na kailangang mag-explain. Sinabi ko na kanina, ito na ang huling beses na makikita mo ako. Kaya ‘wag ka ma-pressure. Ano man ang sabihin mo, keep mo na lang sa sarili.” “Anna, teka lang…” Pinigil ko siya. Aalis na naman kasi sa
Duwag na kung duwag. Masama na kung masama, pero ayaw kong malaman ni Anna ang problema ko. Ang trauma ko na saglit lang nawala dahil sa kanya. Pinatikim lang ako ng kakaibang saya, pero agad ding nawala. Nawalan na naman ako ng pakiramdam. Umalis ako nang umagang ’yon na hindi nagpapaalam sa kanya. Tahimik akong bumangon noon, sinigurong tulog siya. Ang bigat ng pakiramdam ko nang iwanan siya. Puso ko, nagsasabing huwag akong umalis, pero utak ko, nagsasabi— kung mananatili ako, ano naman ang maibibigay ko sa kanya? Lalaki ako, alam kong hindi sapat ang pagmamahal lang sa isang relasyon. Nagbilin lang ako ng mensahe na kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa mga pasyente ko. Binabad ang sarili sa charts, consultation, at patient rounds. Pero kahit anong pilit ko, kahit pagod na pagod ang katawan ko, isip ko si Anna pa rin ang laging laman. ’Yong ngiti niya, hindi ko makakalimutan. ’Yong paano niya ako hawakan, kung paano niya haplusin ang
CHAPTER 2 Nasa tabi ko pa rin si Anna nang magising ako. Yakap niya ako. Ramdam na ramdam ko ang mahina niyang hinga—ang init ng balat niyang dumadampi sa akin.Napangiti ako. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin kagabi. Lahat parang nakaukit sa utak ko. Pati nga amoy ng perfume niya, kabisado ko na. Matamis, magaan sa ilong, pero ang lakas ng epekto sa akin. Nakakalasing.Nangangalay na ako, pero ayaw kong gumalaw. Ayaw kong magising siya, at matapos ang sandaling ‘to. Kaya hinayaan ko lang ang bigat ng ulo niyang nakapatong sa akin, kahit halos hindi ko na maramdaman ang braso ko.Hinawi ko ang buhok na dumikit sa pisngi niya. Dumampi sa balat ko ang malambot niyang hibla. Dinampian ko siya ng magaan na halik sa noo, saka dahan-dahang ipinikit ang mata ko para namnamin ang sandali.Pigil akong bumuga ng hangin. Hindi ko akalaing mararamdaman ko pa ‘to—‘yong ganitong saya, ‘yong kakaibang sarap na akala ko, hindi ko na kailanman mararanasan.Hinila ko siya palapit, idiniin ko ang mu
After the Wedding Medyo may tama na ako. Parang hilo na. Pero mas ramdam ko ang tama ko kay Anna. Nasa tabi ko siya. Hindi nawawala ang tawa. Napakaganda niya.Inuulit-ulit niya ang eksena sa kasal ni Cherry at Reynan kanina.Katulad ko, may tama na rin siya. Kaya nagpresenta akong ihatid siya rito sa floor nitong hotel kung saan kami nag-stay.“Anna, tama na ang tawa…” sabi ko, pero hindi ko rin mapigilang mapangiti.“Wala naman akong ginagawa, ah…” sagot niya, “I’m savoring the moment.”“Moment saan?” napatingin ako sa kanya.Tumingin siya sa bouquet na hawak pa rin niya. “‘Wala naman akong balak na saluhin ‘to. Pero binigay sa akin.”“Ayos nga ‘e, ikaw ang binigyan… nabigyan rin ako ng pagkakataon na lumapit sa’yo." Ngumingiti ako, pero seryoso ang tono ko.Tumawa siya. Kinapa ang garter na nasa hita pa rin niya. “Swerte mo, ikaw pa lang nakahawak sa legs ko.”Napailing ako, pilit tinatago ang init na umaakyat sa pisngi ko. “That’s just a silly wedding tradition. Wala ‘yang ibig
Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala