CHERRY
Maaga akong nag-checkout sa hotel kung saan ako nag-stay kagabi, at pumunta sa hospital, hindi para pumasok, kundi para mag-request ng leave.
Sa estado ko kasi ngayon, parang hindi ko pa kayang mag-handle ng pasyente. Natatakot akong magkamali. Mabuti na lang at pumayag naman ang director.
Ngayon ay nandito na ako sa restaurant na malapit sa hospital, para mag-breakfast. Nag-browse rin ako ng mga apartment na pasok sa budget ko habang kumakain.
“Good morning, dok…” Bigla akong napalingon nang may nagsalita sa likuran ko.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa nakangising si Reynan na umupo na sa harap ko.
“Nakita kita, mag-isa, at parang gusto nang pumasok sa phone mo, kaya pumasok ako para pigilan ka.”
Tumitig ako sa kanya. Binabasa kung totoo nga ba ang sinasabi niya, pero nginitian lang niya ako. Tumawag rin siya ng waiter at um-order ng hot choco. “Nakahanap ka na ba ng matutuluyan?” tanong niya matapos mag-order.
Umiling-iling ako. “Wala ‘e. May mga nakita ako na kaya sa budget ko, pero malayo naman sa hospital.”
“May alam ako na mura at malapit lang sa hospital,” sabi naman niya.
“Reynan, kung ipipilit mo na naman na sa bahay mo ako titira, itigil mo na.”
Pahapyaw siyang tumawa, at saka nagpasalamat sa waiter na nag-serve ng order niya. “Assuming ka rin ‘no. Totoong may alam ako.”
“Talaga? May alam ka?”
“Oo nga,” sagot niya sa pagitan ng paghigop ng hot choco. “Sige na, kumain ka muna, tawagan ko lang ang may-ari ng bahay.”
Napatingin na lamang ako sa kanya na tumayo, at iniwan ako ng matamis na ngiti bago nagpatuloy sa paglalakad.
Pinagpatuloy ko naman ang pagkain, pero utak ko gumagala na naman. Naiisip ko na naman si George. Nagsisimula na namang uminit ang mga mata ko. Nakagat ko ang labi ko, pinipigil na pumatak ang luha.
“Um-order na kayo, libre ko,” masiglang sabi ng babae mula sa likuran ko.
Napalingon ako. Kilala ko kasi ang malanding boses na ‘yon. Si Marriane, ang babae ni George.
“Ang galante mo talaga,” masayang sabi naman ng kasama niya.
“Ganyan talaga kapag mayaman ang nobyo,” sabi naman ng isa.
“Hindi lang basta mayaman, mahal pa ako…” mayabang namang sabi ni Marriane na tawanan at tuksuhan ang sumunod.
Kung kanina ay ang luha ko ang pinipigil ko na ‘wag pumatak, ngayon ay ang hininga ko na. Napahawak pa ako sa dibdib kong naninikip na naman. Ang sakit marinig na ibang babae na ang mahal ng lalaking minahal ko sa loob ng limang taon.
Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit wala na akong gana. Tuloy pa rin kasi ang yabang ni Marriane. Pinagmamalaki niya ang supplementary card na binigay sa kanya ni George.
“Sige na, kumain na tayo. Mamaya nandito na ‘yon si George, susunduin ako.”
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ‘yon. Sigurado kasi na makikilala ako ni George, at ayaw kong makita siya. Ayaw kong makita silang magkasama, at lalong ayaw kong makita niya na nalulungkot ako.
Tatayo na sana ako. Balak na magtago sa banyo.
“George…” masiglang sabi ni Marriane.
At ako, nahinto ang pagtayo. Para akong nanliit sa kinauupuan ko. Wala na akong panahon para magtago.
“Ang bilis mo naman dumating, kasisimula pa lang namin kumain.” Ayon na naman ang malanding boses ni Marriane. Kanya-kanya namang bati kay George ang mga kaibigan niya.
Napapikit ako. Hindi ko kasi narinig na nagsalita si George, at pakiramdaman ko, nakatutok na ang paningin niya sa likuran ko.
“Sino ba ang tinitingnan mo?” tanong ni Marriane.
Napahigpit naman ang paghawak ko sa kobyertos. Hindi ko rin halos malunok ang kinakain ko. Bumara sa lalamunan ko. Naubo ako. Dali-dali naman akong uminum ng tubig, at muling yumuko.
Kaya lang napaangat ako ng tingin nang may umupo sa harap ko—si George. Ito na ang kinatatakutan ko. Hindi maaring hindi niya ako makilala.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko matagalan ang kakaiba niyang tingin at ngiti. “Nandito ka rin pala…” umangat ang gilid ng labi niya. Hinimas-himas niya pa ang balbasing pisngi.
Tumayo ako at hindi siya sinagot, pero hinarang niya ako. Agad ring tumayo si Marriane at kumapit sa braso niya, pero winaksi nito ang kamay niya at braso ko ang mahigpit na hinawakan.
“Bitiwan mo ako!” Hinablot ko ang kamay ko, at aalis na sana, pero muli niya akong hinawakan. Mas mahigpit at mas masakit.
“George, pabayaan mo na siya!” Pigil ni Marriane, hinawakan nito ang kamay niya, pero malamig na sagot ang tingin niya rito.
Nagtinginan naman ang mga kaibigan niya. Agad na pinakalma si Marriane, parang maiiyak kasi, pero matalim naman ang tingin sa akin.
“Sumama ka sa akin!” Kinaladkad niya ako.
“Sir…” Nagtangka ang guard na sitahin siya, pero dinuro niya ito.
“‘Wag kang pakialam!” gigil niyang sabi. Mas umugong pa ang bulungan sa restaurant. Sari-saring opinyon ang maririnig sa kanila. Ang nakakahiya, ang ilang diners sa restaurant na ‘to ay kilala ako dahil mga impleyado rin sila ng hospital.
“Tumabi ka!” singhal ni George. Walang nagawa ang guard kung hindi ang tumabi.
“George, paano ako? May appointment pa tayo sa OB!” Inis na sabi ni Marriane na sumabay sa pagkaladkad sa akin ni George.
“Ops! I’m sorry!” biglang sabi ni Reynan, kasabay ang kunwari, hindi sadyang pagtapon ng isang pitsel ng malamig na tubig sa mukha ni George.
“Tanga mo!” sikmat nito. Binitiwan niya ako. Nagpunas ng mukha at pinagpag ang suit na nabasa. To the rescue naman si Marriane, tinulungan niyang punasan si George.
Sikretong sumenyas naman sa akin si Reynan, na lumabas na habang abala pa si George sa pagpapatuyo sa sarili.
“Pasensya na po talaga, sir. Nadulas ako. Basa ang sahig,” sabi niya na sumabay sa dahan-dahan kong paglayo.
Agad naman akong pinagbuksan ng guard. Bahagya na lang akong ngumiti. Bago tuluyang umalis lumingon pa ako kay Reynan. Hawak na nito ang kanyang wallet. Sa tingin ko, babayaran niya si George para ma-settle agad ang problema.
Naipikit ko na lang ang mga mata. Naguguluhan na naman kasi ako. Binigay ko na sa kanya ang gusto niya. Nakipaghiwalay na ako, pero bakit niya pa ako ginaganito?
Nanginginig pa rin ang mga kamay ko, at wala pang kakayahan na mag-drive, kaya pumasok ako sa katabing coffee shop.
“Ang galing ko ‘no?”
Paigtad akong napalingon. Si Reynan ang nagsalita, at imbes na sumagot ako sa tanong niyang halatang nagpapatawa, sunod-sunod na pumatak ang luha ko.
Agad naman siyang umupo sa tabi ko. Hinaplos ang likod ko. “ ‘Wag ka nang umiyak, dok. Naiganti na kita sa hayop na ‘yon.” Pinahid niya ang luha ko, at hinaplos ang pisngi ko.
Malungkot na tingin lang ang sagot ko sa kanya. Kapag nagtatangka kasi akong magsalita ay naiiyak ako, napapahikbi.
“Tahan na! Hindi dapat iniiyakan ang gano’ng lalaki. Wala na ngang hitsura, masama pa ang ugali.”
Napahinto ang paghikbi ko, at napatitig sa kanya, pero hindi ko pa rin magawang magsalita.
Umawang naman ang labi niya, nanlaki pa ang mga mata. “ ‘Wag mong sabihin, nagugwapuhan ka do’n?” Hindi ako sumagot na ikinatawa naman niya. “Hindi lang pala puso mo ang bulag, dok. Mata mo talaga! Ang pangit-pangit no’n, nagugwupohan ka?”
“Gwapo naman talaga ‘yon!” Pabulong ko namang sagot.
“Hoy, dok! Gumising ka na. Idilat mo ang mga mata mo! Hindi ‘yon guwapo.” Mahina niyang hinampas ang lamesa na parang nadidismaya. “Itong mukhang ‘to!” Turo niya ang sarili. “Ito ang tunay na guwapo.”
Napaismid ako, pero mahina namang tumawa. Pinahid ko na rin ang bakas ng luha sa mga mata at pisngi ko. “Oo na, mas guwapo ka nga do’n,” sabi ko, at saka bumuga ng hangin.
“ ‘Yan! Gan’yan dapat. Tumawa ka at maging masaya. ‘Wag kang pa-mesirable sa taong hindi naman kaguwapohan.”
Tumango-tango ako, at tipid na ngumiti.
“Ayos ka na ba, dok?” seryoso naman niyang tanong.
Seryoso ko rin siyang tinitigan at umiling. “Hindi ko alam kung kilan ako magiging maayos, Reynan; hindi ko alam kung gagaling pa ba itong sugat sa puso ko.” Yumuko ako, pero agad napaangat ng ulo nang hawakan niya ang kamay ko at nilapat sa kanyang labi.
Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala
REYNANSabay kaming lumanghap nang sariwang hangin ni Cherry nang makasampa kami sa yate. Nandito na kami sa Albay kung saan ako nag-propose at nangako isa’t-isa na magmahalan habangbuhay. Ang ganda na rito, pero mas gumanda dahil kasama ko siya, yakap ko siya mula sa likod, habang tahimik na tinatanaw ang pabulog na araw. “Ang ganda… ang aliwalas…” bulong niya. Napapangiting niyakap niya ang mga braso kong nakapulupot sa kanya.“Parang ikaw… ang ganda!” bulong ko, sabay ang mahinang kagat sa tainga niya. Napahagikhik siya. Saglit niya akong tinapunan ng nagbabalang tingin nang hindi ako tumigil sa isang kagat lang. Sinabayan ko na rin ng halik.“Tumigil ka… ‘yon ang tingnan mo.” Nguso niya ang Mayon. Kahit malayo, kita pa rin mula rito sa yate—may ulap sa tuktok, pero nananatiling perpekto ang korte. Parang kami ni Cherry. Minsang binayo ng malakas ng bagyo, minsang nasira… pero nanatiling matatag… mas minahal ang isa’t isa.“Kanina pa nga ako nakatingin… gusto ko, ikaw naman ang
Sabay kaming napabuga ng hangin nang makarating kami sa reception. Alam namin na talagang maganda ang lugar. Pero ngayon mas gumanda pa. Parang paraiso sa isang panaginip—punung-puno ng ilaw, mga hanging bulaklak, puting tela na nakalambitin sa bawat poste ng venue. At ang malamig na simoy ng hangin ay parang nakikisabay sa init ng mga ngiti ng bawat taong naririto.Napayakap ako kay Reynan. Napangiti naman siyang hinaplos ang aking balikat. Tanaw namin ang mga bisitang abala sa kwentuhan sa mga kasama nila sa mesa. Ang saya nilang pagmasdan. ‘Yong alam mong masaya rin sila gaya namin ni Reynan. Napabitiw ako kay Reynan nang umalingawngaw ang boses ng host. "Alright! Busog na ba ang lahat?" sigaw ng host. Sabay namang sumagot ang lahat. Syempre may kasabay na tawanan. “Kung gano’n, maghanda na ang mga single ladies? It's bouquet time!"Nagtilian ang mga babae. Iginiya naman ako ni Reynan sa gitna ng stage. Saglit kong tiningnan ang lahat, saka tumalikod. “Ready!” sigaw ulit ng ho
CHERRYAwit ng mga ibon. Maagang sikat ng araw, at ang preskong hangin ng Tagaytay ang bumati sa akin. Dagdag pa ang magandang view na nakikita ko mula rito sa balcony ng silid ko. Ang gaan sa pakiramdam, parang hinaplos ang puso ko. Lahat… parang ba naki-celebrate sila sa kasiyahang nararamdaman ko.Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako—kami ng asawa ko. Siyempre, hindi pwedeng walang good morning kiss kahit sa screen lang. Kaya heto, gising na gising na ako, pati ang puso ko na kanina pa umiindak-indak."Dra. Cherry, nandito na po ang glam team mo… ready na po silang gawin kang pinakamagandang bride!" bungad ni Anna.Lumingon ako. Bumuga ng hangin at tumango habang mahigpit ang hawak sa puting robe na suot ko.Mabagal akong naglakad pabalik sa silid at umupo sa harap ng dresser. Pumasok naman ang mga stylist.“Sina Mama? Mga kapatid ko?” tanong ko kay Anna na in-assist ang mga stylist.“Inaayusan na rin sila, dok. Hindi raw kasi pwedeng ikaw lang ang maganda, dapat tayong lah
Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga taong pinakamahalaga sa amin ni Reynan. Nandito na kami sa Tagaytay. Ikatlong araw na namin dito ni Reynan. Dito rin kasi kami nag-prenup shoot. At ngayon nga ay dumating na rin ang aming pamilya at malalapit na mga kaibigan. Bukas na nga kasi ang aming kasal. Kaya, heto at nagtipon-tipon kami rito sa private hall ng hotel.At syempre, kapag kaming lahat magkasama, puro tawanan lang, puro kulitan ang kasabay ng aming salo-salo. Kanya-kanyang topic ang lahat. Nakakatuwa. Ang saya nilang kasama...“Asawa ko, ayos ka lang?” bulong sa akin ni Reynan. Katulad ko, siya rin ay tahimik habang nakikitawa lang sa makukulit naming mga kasama. “Ayos na ayos… sino ba ang hindi magiging maayos kung sila ang kasama?” Napangiti si Reynan. Hinaplos ang hita ko. Agad ko iyong hinawakan. Sakto kasing napalingon si Onse. Nakita ang ginawa niya.Nasa gitnang bahagi ng mahaba at eleganteng mesa kami ni Reynan. Sa kanan ko ang mga magulang at
“Oo,” mahinang sagot ko, pero diretso ang mga mata sa kanya. “Buntis ako, George...” Matapos ang mahabang katahimikan, nagawa ko ring sumagot. Unti-unti ko na ring naririnig ang ingay sa palagid at ang presensya ng mga tao dito sa mall. Napalingon ako kay Reynan nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kamay niya sa baywang ko. Ngumiti ako, at muling kay George. “Maging ina na ako… magiging magulang na…” Napakunot ang noo niya, namula ang mga mata, pero agad din iyong nawala. Bahagya siyang tumango, pero hindi nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya… kung ano ang iniisip niya, pero ‘yong tingin niya sa amin ni Reynan noon. Kakaiba… hindi ako sanay. Tingin na laging galit at naghahamon ng away… wala na. Magaan ang pagkakatitig sa amin ngayon.“Masaya ako na ngayon,” dagdag ko. “Masayang-masaya...”“Alam ko…” Napangiti siya. Sa puntong ‘to, mapait. Pero hindi pait ng galit. Parang pait ng pagtanggap. Pait na pagsuko. Maya maya ay napayuko siya. Pinaglalaruan ang