Share

Kabanata 8

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2025-03-17 18:40:30
REYNAN

“Tara na nga, hinihintay na tayo ng may-ari ng bahay.”

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Itinayo ko siya at giniya palabas ng coffee shop. At gaya no’ng una naming pagkikita, nagpaubaya pa rin siya.

“Susi mo…” sabi ko nang marating namin ang kotse.

Sandali siyang tumitig sa kamay kong nakalahad, at walang salitang binigay sa akin ang susi. Dala ko rin ang kotse ko, pero mas gusto ko nga siyang ipag-drive.

Pinagbuksan ko siya ng pinto, at tutulungan sana na ikabit ang seatbelt niya, pero mabilis na niya itong ikinabit.

Nagkibit-balikat na lang ako, at agad na pumunta sa driver’s seat. Medyo mabilis ang pagpapatakbo ko. Alas dyes nga kasi ang usapan namin ng may-ari ng bahay, kaya lang dahil sa gulong nangyari, na-antala kami.

“Teka, Reynan…” Palingon-lingon siya. “Daan ‘to papunta sa bahay mo.” Sinamaan niya ako ng tingin, pero nginitian ko lang siya.

“Kalma… ‘di naman kita dadalhin sa bahay. ‘Wag kang assuming…”

Hindi na siya nagsalita, pero an
sweetjelly

Maraming salamat sa mga bumabasa nito, sa mga nag-rate, nagbigay ng 5stars, at sa mga gems. Sa gustong mag-rate at hindi alam kung paano, bisitahin niyo lang ang book details. Top n'yo ang tatlong dots, or three lines, then e click ang detalye. Maraming salamat!

| 25
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Hahahaha ... buang talaga to si Reynan maypagka playboy
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   The Finale - Emalyn the Manang

    Napangiti ako habang tanaw ang mga batang naglalaro sa dalampasigan. Sa likuran ko naman, maririnig ang boses ng buong pamilya ko—mga kaibigan, mga staff, at ilang malalapit na kamag-anak. Ika-tatlumpu’t anim na kaarawan ko ngayon, kaya nandito kami sa resort nina Danreve at Charmaine.“Mommy T!” sigaw ng isang maliit na batang babae—si Chloe. “Come join us!” sabi niya habang hawak ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa dalampasigan. Nagpaubaya ako at tumawa kasabay niya.Ngunit napahinto ako nang may natanaw akong pamilyar sa hindi kalayuan. Siya man ay napahinto rin. Saglit tumigil ang mundo ko—parang siya na lang ang nakikita ko. Natauhan lang ako nang niyugyog ni Chloe ang kamay ko.“Do you know him?” tanong ng bata, nakatingin na rin sa lalaking dahan-dahang humakbang palapit sa amin.Si Eliezar…“Hi,” sabay naming bigkas nang nasa harap ko na siya.“Your child?” tanong niya, kay Chloe nakatingin.“No po... I’m Chloe—Mommy Tita’s favorite niece,” sagot ni Chloe, anak ni Reyn

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Chapter-7 Emalyn the Manang

    Hindi ko alam kung alin ang mas malakas — ang tugtog ba na naririnig namin o ang lakas ng kabog ng puso ko habang nakatingin kay Eliezar. Hindi ko pa lubos na na-process sa utak ko ang huling nasabi niya. Pero sana… sana nga, kung magkita man kami ulit, pareho pa kaming malaya at handa nang magmahal.“Eliezar,” tawag niya, sabay abot ng kamay. “Dance with me.”Napailing ako. Napatitig sa kamay niya. “Before I leave, let me dance with you…”Ngumiti ako. “Sure…” sagot ko, sabay hawak sa kamay niya.Kasama ang ilang bisita at syempre ang bagong kasal, sumayaw kami. Pareho kaming tahimik, hinayaan ang aming sarili na maanod sa mabagal, malambing na musika. At ewan ko ba, parang kaming dalawa lang sa mundo.Napatingala ako sa kanya. Hindi kasi mawala ang ngiti niya. “Mas gwapo ka kapag nakangiti.” “I don’t usually smile like this,” bulong niya. “Siguro kaya ako ganito, kasi kasayaw kita…” “Talaga?” sagot ko. Tumango siya.Inilipat ko na lang ang pisngi ko sa dibdib niya, sinasabayan

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Chapter 6-Emalyn the Manang

    Hindi pa sumisikat ang araw, gising na ako.Alas-diyes ng umaga ang kasal ng kaklase ko. Kaya nagpunta muna ako sa restaurant. Kailangan maayos lahat, para sure na walang palpak sa plano ko ngayong araw.Ngayon ay nandito ako sa bahay, kaharap ang repleksyon ko sa salamin habang inaayusan ng kapatid ko.“Ang ganda mo, Ate…” sabi ni Charise habang nilalagyan ako ng blush.“Naman! Nasa dugo natin ‘yon!”Napatingin ako kay Mama. Nakangiti siya habang pinagmamasdan kami ni Charise.“Oo nga naman…” ngiting sabi rin ni Charise.Tumayo ako. Tiningnan ang sarili sa salamin.‘Yong simpleng silky beige dress na akala kong ordinaryo lang kagabi — ngayon, parang iba na ang dating. Bumagay sa simpleng makeup at medyo wavy kong buhok.Ngiting-ngiti naman si Mama na naglahad ng kamay at ginabayan akong palabas ng kwarto.Ewan ko ba rito sa kanila. A-attend lang naman ako ng kasal pero kung umakto sila, parang ako ang ikakasal.“Wow, Ate! Para kang artista!” sabi ni Cris. Kumislap ang mga mata.“Sigu

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Chapter 5- Emalyn the Manang

    Hindi ako nag-reply. Nilapag ko lang ang cellphone sa tabi ko, pumikit at mapait akong napangiti. Minsan na akong naging tanga—hindi na mauulit ‘yon.***Kahit puyat, maaga pa rin akong nagising. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Suot pa rin ang usual kong damit. Dress na hanggang sakong at mahaba ang manggas. Paglabas ko ng kwarto, nakatutok agad sa akin ang mga mata ng kambal — ‘yong tipo ng tingin na alam mong may sasabihin na namang kalokohan.“Anong tinitingin-tingin n’yo?” sabi ko, nagmano kina Mama at Papa na kaupo na rin sa mesa. “Ang aga-aga pa, ako na naman ang nakikita n’yo.”“Wala naman po kaming sinasabi ah… sagot ni Charise.“Wala nga, pero mga tingin n’yo… ang daming sinasabi.”“Hindi naman mata ang nagsasalita…” Dinuro ko si Cris. Agad naman nitong tiniim ang labi.“Pag-aaral n’yo ang atupagin n’yo… ‘wag ako.” “Opo, Ate…” sabay silang tumayo, humalik sa pisngi nila mama at papa, pero bago sila lumabas ng bahay, may pahabol pang mapanuksong ngiti.“‘Te, Kilatis

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Chapter 4 – Emalyn the Manang

    “Thanks for saving me back there,” mahina kong sabi, halos ayaw pang lumabas ng boses ko.Malapit na kami sa bahay. Kanina pa kami tahimik, at ngayon lang ako nakapagsalita. Nahihiya ako — lahat ng nangyayari ngayong gabi, first time ko. Parang nawala bigla ang tama ko dahil sa nangyari. Hindi ko na alam kung paano dalhin ang sitwasyong ‘to.He looked at me for a second, then smiled. “You don’t have to thank me. I couldn’t just leave you with that jerk.”Napangiti ako. “Ang totoo, hindi mo dapat ginawa ‘yon. I can handle myself, you know.”“Hindi ‘yon ang nakita ko,” tugon niya, may kasamang ngiti. “You couldn’t even break free from his grip.”Napailing ako. “You’re unbelievable.”“Teka, iparada mo na lang d’yan,” turo ko sa itim na gate. Bigla namang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Bukas pa kasi ang ilaw sa sala. At ayon — dalawang ulo ang nakasilip sa bintana. Ang kambal.Oh, great.Paghinto ng kotse, halos agad akong bumaba. Pero bumaba rin siya.“Uh, thanks for the ride, ha,” sabi

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Chapter 3 — Emalyn the Manang

    Matapos ang ilang segundong katahimikan, biglang kumawala ang tawa ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil sa kabaliwan na tanong niya. Tumayo ako mula sa upuan at mariing umiling.“No,” sabi ko, sabay hagod sa buhok ko na medyo magulo na rin sa halos isang oras naming pag-inom. “Why would I marry a man I barely know?”Napangiti siya. Hindi ‘yon ngiting bastos o ngiting nanlilibak. Ngiting natutuwa, parang bata. Tumayo rin siya, saka naglahad ng kamay.“I’m Eliezar Mendaz. Thirty-eight. May stable job, may car, at may sariling bahay… and currently looking for a new girlfriend.”Napailing ako, napatawa. Ayos din siya, ‘ah. Kanina lang, parang madudurog siya sa lungkot—may pa-iyak-iyak pa—pero ngayon, lumabas ang pagkapilyo.Napahawak ako sa ulo ko. Ramdam kong may tama na ako, pero parang biglang nawala ang hilo ko.Hinawakan ko ang kamay niyang nakalahad pa rin.At damn! Nanoot sa balat ko ang mainit niyang palad na bahagyang pumisil sa kamay ko.“I’m Emalyn Villafuerte, thirty

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status