共有

Kabanata 83

作者: sweetjelly
last update 最終更新日: 2025-06-18 22:59:56
REYNAN

Wala na ang mabigat na katahimikan kanina—napalitan ng mahihinang hikbi at mga salitang hindi kailangang isigaw para marinig.

Niyakap ko siya. Matiim na tinitigan. Buong pusong hinalikan ang labing kanina ay humihiling na patawarin siya.

Wala nang tanong. Wala nang duda.

Ang katawan niya. Ang mainit na balat na dumadampi sa akin ay parang paalala na akin lang siya. Ako ang pinili niya.

Mahal ko siya…

Iyon ang dapat kong tandaan.

Hindi ang sakit, hindi ang alaala ng nakaraan—kundi ito, ang ngayon, kung saan siya ay nasa harap ko, walang pag-iwas. Buong pusong nagpapaubaya.

“Oh, Cherry…” Bumaba ang halik ko sa leeg niya. Inupo siya sa kandungan ko.

Ayon na naman ang init na sumingaw sa katawan ko. Hindi ito libog lang. Kundi gusto kong iparamdam sa kanya na sa kabila ng sakit na sandali niyang pinaranas sa akin…hindi pa rin ‘yon nabubura ang katotohanang mahal ko siya.

Siya pa rin ang hanap, hindi lang nitong katawan ko—kundi pati ng puso ko.

“Asawa ko…” Marahan kong hinaplo
sweetjelly

6.2k views...thank you sa lahat. Salamat sa gems. 40k words pa kulang...drain na utak...

| 5
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Special Chapter 5 (Jerome and Anne)

    Hawak ko ang kamay ni Anna habang naglalakad kami sa baywalk. Padalim na, pero mang-ilan-ilan lang ang mga tao. Tahimik ang buong paligid, maliban sa tunog ng alon na sumasalpok sa breakwater.Napangiti ako. Tumingin sa kanya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumabon sa kanyang mukha sa bawat mahinang hampas ng hangin.This is surreal. A month ago, umiwas-iwas pa ako sa kanya. Puno pa ako ng doubt sa sarili. Ngayon, hindi na.“Hoy, matutunaw na ako kakatitig mo…” Iniwas niya ang kanyang mukha, pero napangiti naman.“E kasi naman, ang ganda mo… ang sexy pa…” Kagat ko ang ibabang labi habang hinaplos at marahang pinisil ang baywang niya.“Hay naku, Jerome… ayan ka na naman…”Napabungisngis ako. Masaya kasi ako. Sobra! Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Hindi ko nga akalaing mangyayari ‘to—na makakahanap ako ng babaing handa akong tanggapin—ang nakaraan ko, at kung ano man ang kulang sa akin.Inangat ko ang kamay niya. Nilapat ang palad niya sa labi ko. Patunog na h

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love    Special Chapter 4 (Jerome and Anna)

    Napayuko ako, pilit na iniiwas ang tingin kay Anna. Para bang bawat segundo ng pagtitig niya ay tinatanggal ang depensa ko. “Anna…” humugot ako ng malalim na hininga. Ramdam ko ang paninikip sa dibdib ko. “Ang hirap… hindi ko alam kung ano ang sasabihin… kung paano magpapaliwanag.” “Mahirap? Hindi alam kung ano ang sasabihin? Kaya umiwas ka na lang… mas madali nga naman ‘yon! ” tumaas ang boses niya, halatang nagpupuyos sa galit. “Anna, hindi… hindi gano’n ‘yon…” Napabuntong-hininga ako. Mapait na ngiti naman ang ganti niya. Napalingon ako nang marinig ko ang ugong, bulungan sa paligid. Pinagtitingan na kami ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila siya palabas ng restaurant. Pero paglabas namin binawi niya ang kamay niya. “Jerome, hindi mo na kailangang mag-explain. Sinabi ko na kanina, ito na ang huling beses na makikita mo ako. Kaya ‘wag ka ma-pressure. Ano man ang sabihin mo, keep mo na lang sa sarili.” “Anna, teka lang…” Pinigil ko siya. Aalis na naman kasi sa

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love    Special chapter-3 (Anna and Jerome)

    Duwag na kung duwag. Masama na kung masama, pero ayaw kong malaman ni Anna ang problema ko. Ang trauma ko na saglit lang nawala dahil sa kanya. Pinatikim lang ako ng kakaibang saya, pero agad ding nawala. Nawalan na naman ako ng pakiramdam. Umalis ako nang umagang ’yon na hindi nagpapaalam sa kanya. Tahimik akong bumangon noon, sinigurong tulog siya. Ang bigat ng pakiramdam ko nang iwanan siya. Puso ko, nagsasabing huwag akong umalis, pero utak ko, nagsasabi— kung mananatili ako, ano naman ang maibibigay ko sa kanya? Lalaki ako, alam kong hindi sapat ang pagmamahal lang sa isang relasyon. Nagbilin lang ako ng mensahe na kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa mga pasyente ko. Binabad ang sarili sa charts, consultation, at patient rounds. Pero kahit anong pilit ko, kahit pagod na pagod ang katawan ko, isip ko si Anna pa rin ang laging laman. ’Yong ngiti niya, hindi ko makakalimutan. ’Yong paano niya ako hawakan, kung paano niya haplusin ang

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Special Chapter-2 (Jerome and Anna)

    CHAPTER 2 Nasa tabi ko pa rin si Anna nang magising ako. Yakap niya ako. Ramdam na ramdam ko ang mahina niyang hinga—ang init ng balat niyang dumadampi sa akin.Napangiti ako. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin kagabi. Lahat parang nakaukit sa utak ko. Pati nga amoy ng perfume niya, kabisado ko na. Matamis, magaan sa ilong, pero ang lakas ng epekto sa akin. Nakakalasing.Nangangalay na ako, pero ayaw kong gumalaw. Ayaw kong magising siya, at matapos ang sandaling ‘to. Kaya hinayaan ko lang ang bigat ng ulo niyang nakapatong sa akin, kahit halos hindi ko na maramdaman ang braso ko.Hinawi ko ang buhok na dumikit sa pisngi niya. Dumampi sa balat ko ang malambot niyang hibla. Dinampian ko siya ng magaan na halik sa noo, saka dahan-dahang ipinikit ang mata ko para namnamin ang sandali.Pigil akong bumuga ng hangin. Hindi ko akalaing mararamdaman ko pa ‘to—‘yong ganitong saya, ‘yong kakaibang sarap na akala ko, hindi ko na kailanman mararanasan.Hinila ko siya palapit, idiniin ko ang mu

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Special Chapter-1 (Jerome and Anna)

    After the Wedding Medyo may tama na ako. Parang hilo na. Pero mas ramdam ko ang tama ko kay Anna. Nasa tabi ko siya. Hindi nawawala ang tawa. Napakaganda niya.Inuulit-ulit niya ang eksena sa kasal ni Cherry at Reynan kanina.Katulad ko, may tama na rin siya. Kaya nagpresenta akong ihatid siya rito sa floor nitong hotel kung saan kami nag-stay.“Anna, tama na ang tawa…” sabi ko, pero hindi ko rin mapigilang mapangiti.“Wala naman akong ginagawa, ah…” sagot niya, “I’m savoring the moment.”“Moment saan?” napatingin ako sa kanya.Tumingin siya sa bouquet na hawak pa rin niya. “‘Wala naman akong balak na saluhin ‘to. Pero binigay sa akin.”“Ayos nga ‘e, ikaw ang binigyan… nabigyan rin ako ng pagkakataon na lumapit sa’yo." Ngumingiti ako, pero seryoso ang tono ko.Tumawa siya. Kinapa ang garter na nasa hita pa rin niya. “Swerte mo, ikaw pa lang nakahawak sa legs ko.”Napailing ako, pilit tinatago ang init na umaakyat sa pisngi ko. “That’s just a silly wedding tradition. Wala ‘yang ibig

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Epilogue

    Anim na buwan na ang lumipas matapos ang kasal namin Cherry, heto ako ngayon. Hindi makakali. Palakad-lakad sa labas ng delivery room na parang wala sa sarili. Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang makasama ang aming panganay. Masaya ako. Sobra. Pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Nanginginig ang mga kamay ko, at pakiramdam ko, pati sikmura ko'y bumaligtad. Ilang beses na akong naglakad pabalik-balik sa corridor, paulit-ulit na nagdarasal para sa mag-ina ko. “Sana okay sila…” Nahagod ko na naman ang buhok ko. Para na akong mababaliw. Gusto kong alamin kung ano na ang lagay nila. Gusto kong pumasok sa loob, pero bawal. Ayaw nila akong papasukin. Ang nakakainis, wala ni isang nurse ang lumabas—i-inform man lang kami sa lagay ng asawa ko. Kaya paminsan-minsang ko na lang idinadantay ang tainga ko sa saradong pinto, umaasang may maririnig akong kahit ano sa loob. Daing ba ni Cherry, o iyak ni baby. Kahit boses ng mga nurse at doktor na nagpapaanak sa asawa ko. Pero wala. Wala

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status