"Amanda" tawag sa kanya ni Kian nang makita siya nitong nakaupo sa isang swing ng isang mini playground na malapit lang sa kanilang subdivision.
Si Kian nga pala ang kanyang kababata at unang kaibigan na nakilala n'ya nang lumipat sila sa bahay ng kanyang ama.
"Oh! Kian nandito ka?" takang wika n'ya sa binata nang makalapit ito sa kanya.
"Ako nga dapat magtanong n'yan sa'yo e. Bakit ka ba nandito? Gabi na." ani ni Kian sa kanya at naglakad papunta sa katabing swing na kinauupuan niya at doon umupo.
"Ah mag babasketball ka pala." ani Amanda nang mapansin n'yang naka suot ito ng Jersey. Isa kasi si Kian sa mga athlete sa kanilang paaralan.
"Oo, eh ikaw? Mukha kang problemado na naka upo d'yan e. Bumagsak ka na naman ba?" tanong nito sa kanya.
Pangatlong entrance exam niya na kasi ito sa Southern Island University. At ito na rin ang huling pagkakataon na makapag exam siya. Dahil ang mga naunang exam niya ng High School at Senior High School ay bumagsak siya. Dahil hindi naman talaga basta basta ang mga tanong sa entrance exam ng University. At ang mas malala pa ay pahirap na ng pahirap ang mga tanong sa exam. At itong entrance exam ng college ang huling pagkakataon ni Amanda na makapasok doon.
"Hindi ah, wala pa nga lumalabas ang result. Wag kang pala desisyon d'yan! At 'saka nagbigay kaya ng reviewer si kuya Zeil at karamihan doon ay lumabas sa exam." taas noo niyang sagot sa lalaki.
"Sige na nga sige na, hindi na ako makikipagtalo sayo." ani niya at nagpakawala ng malakas na tawa.
"Pero Amanda, sigurado ka na ba talaga? Na doon ka na mag-aaral kapag nakapasa ka? Alam mo namang mga susyalin at bonggang mayayaman ang naroon." ani ni Kian sa kanya.
"Alam ko naman Kian, nag-promise kasi ako kay kuya Zeil na susunod doon sa kanya. At 'saka, matagal ko na s'yang hindi nakikita. Matagal na s'yang hindi dumadalaw sa bahay. Halos 7 years na rin'. Magpe-first year high school pa lang ako nun nung huling dalaw n'ya sa bahay. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan n'ya. O ganun na ba talaga ang pagsusumikap n'ya dahil sa taas ng standard ng SIU. Ang totoo n'yan, ang mga review ay pinadala niya lang sa amin at kung minsan ay tumatawag s'ya pero saglit lang. Kaya ganun na lang ang kagustuhan ko na makapasok sa college ng Southern Island University para makita s'ya ulit. Kahit pa matambakan ako ng mga paper works at mga mahihirap na subjects ok lang sa akin, makita ko lang ulit ang kuya Zeil ko." kwento ni Amanda sa kanyang kaibigan at ngumiti ng malungkot.
"Sana nga pumasa ka na Amanda. Magce-celebrate talaga tayo kapag pumasa ka sa SIU. Pero wag mo akong kakalimutan ah. Baka di ka na rin' magbabakasyon dito sa sobrang ka-busyhan." ani nito sa kanya at saka sumimangot.
"Nako Kian dadalaw pa rin naman ako dito pag may pagkakataon. At 'saka, kung hindi man. Kita na lang talaga tayo pagkatapos ng graduation." Pang-aasar ni Amanda sa kaibigan at tinawanan ito.
"Promise 'yan ah," ani ng binata sa kanya.
"Promise" nakangiting wika ni Amanda sa kanya.
***
"Huh, Amanda kaya mo 'yan!" ani ni n'yang kinakausap ang kanyang sarili habang naka tingin sa sobreng ipinadala sa kanya.
Kaninang umaga pa ito dumating at hanggang ngayon ay nagtitigan pa rin sila. Naglalaman kasi ito ng resulta ng kanyang entrance exam sa Southern Island University. At hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya sa magiging resulta nito kahit na ibinuhos n'ya na sa sobra 100% n'yang talino, kasama na rin' ng puyat at pagod sa pagre-review.
"Ok, Ito na..." ani niya at dahan dahang binuksan ang sobre.
Halos mawalan ng ulirat si Amanda nang makita ang result ng kanyang entrance exam. "T-totoo na ba to?" ani n'ya habang nakatitig sa papel at hindi makapaniwala sa kanyang nababasa.
'Good day, Southern Island University examiner. I am glad to inform you that you passed with the GPA of 80%.
The crew ship will arrived at the Solano Port, August 10, 2018. Exactly 8:00 am to 9:00.'
"Ahhh!!!" napasigaw sa tuwa si Amanda nang mabasa niya ang nakalagay sa liham na ipinadala ng SIU.
"Oh my God, finally. Nakapasa na rin'!" ani n'ya at niyakap pa ang papel.
"Kyaaahhh!" 'di parin talaga ako maka move on.
"Finally, nakapasa ka na rin' Amanda!" ani niya at nagtatalon sa tuwa at napapasayaw pa sa sobrang saya.
"Makikita ko na rin' ulit si Kuya Zeil." ani n'ya at napatingin sa picture frame na nasa kanyang study table. Picture nila itong dalawa noon, inilagay niya ito sa kanyang study table para magsilbing insperasyon niya sa kanyang pag-rereview sa kanyang entrance exam.
"Magkikita na rin ulit tayo kuya Zeil." masayang wika ni Amanda habang naka tingin sa kalangitan.
Good day my beloved reader 😊 Salamat po sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa storya nina Zeil at Amanda. Medyo boring pa sa ngayon, wala pa si sa exciting part 😁
Pagbukas pa lang ni Ericka sa pinto ng kwarto ni Zeil ay nagkalat na bote ng alak agad ang bumungad sa kaniya. Napapailing na lamang ang dalaga at naglakad patungo sa lalaking naka-upo sa sahig habang naka sandig ang kaniyang likuran sa pader. Malayo ang tingin at para bang walang pake kung sino ba ang pumasok sa kanyang silid.“Zeil,” tawag niya sa pangalan nito upang matawag ang pansin ng binata. Nakatulala lamang ito sa isang sulok ng kaniyang kwarto.“Ikaw pala,” tipid na ani ng lalaki nang mapansin siya. Mukha itong kababalik lang sa sariling wisyo, ni hindi man lang siya nito napansin na pumasok sa loob.“May balita ka na ba kay Amanda?” tanong ni Ericka sa lalaki. Umiling lamang ito bago itinunga ang hawak na bote at saka ipinagulong sa sahig. Napabuntong hinga na lang si Ericka at naglakad patungo sa higaan ni Zeil upang doon maupo.Mag-iisang linggo na kasing hindi umuuwi si Amanda matapos ang pagkikita n
Hindi na muna sumama si Amanda kay John, kailangan niya munang bumalik sa mansion. Gusto niyang kausapin si Zeil tungkol sa babae niya. Pero hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa lalaki.Naiayos niya na rin ang kaniyang mga gamit at handa nang umalis bukas matapos ang kaniyang klase sa umaga. Gusto niya rin munang makausap si Kian upang hindi na mag-alala ang kaibigan.Nang marinig niya ang mga yapak ng paa ay mabilis na tumayo si Amanda sa kaniyang higaan upang salubungin si Zeil. Ngunit mga ilang sandali na ang nakakalipas hindi parin ito pumasok sa kaniyang kwarto.Mabilis namang naglakad si Amanda papalabas sa kaniyang kwarto upang siya na ang kusang pumunta roon. Ngunit nang buksan niya ang siradura ng pinto ay napatigil siya nang marinig ang kaniyang pangalan sa usapan ng kaniyang tito Henry at ni Zeil.“So anong gagawin mo sa kaniya?” ani ng kaniyang tito Henrry, nasa corridor nag-uusap ang dalawa kaya rinig na rinig ni Amanda a
Mabilis na bumaba si Amanda palabas ng kanilang bahay matapos niyang sabihin kay John ang eksaktong address ng kaniyang tinutuluyan."Hey, Amanda. Saan ka pupunta?" tanong sa kaniya ni Zeil nang makasalubong niya ito sa labas. Hindi niya ito pinansin kahit ilang beses na nitong tinawag ang kaniyang pangalan.Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya sa lalaki dahil sa nangyari kay Jene. Pakiramdam niya ay may kinalaman roon sina Zeil at Trey at bumabalik na naman ang nangyaring bangungot sa kanilang paaralan.Nang matanaw niya ang sasakyan ni John ay mabilis siyang pumasok roon."Tara na?" ani nito sa kaniya, tumango naman si Amanda bilang tugon."Amanda, hindi na maganda ang nangyayari. Tingnan mo itong bagong news." ani ni John at iniabot ang kaniyang cellphone kay Amanda.Kahit hindi basahin ni Amanda ang kabuohan ng balita ay malalaman niya na kung ano iyon dahil sa mga pictures na naroon. Halos mapatakip naman siya ng kaniyang bibig dah
Pagmulat ni Amanda ay nasa kaniyang kwarto na ito, meron na rin siyang suot na damit. Wala na rin si Zeil sa kaniyang tabi. Napakusot pa siya ng kaniyang mga mata bago nagpasyang bumangon upang maligo at makapag-repare papasok sa kanilang paaralan.Napapakanta pa siya dahil maganda ang kaniyang naging gising. Mukha siyang teenager na ngayon lang kinikilig, kung sabagay dalaga pa rin naman talaga siya. Sa dami ng lalaking naging crush niya noon ay 'saka niya lang naranasan ang mga nakakatwang bagay na iyon.Hindi niya na kailangan pang tanungin ng direkta ang lalaki dahil alam niya na ang sagot sa mga iyon. Malinaw na sa kaniya na mahal rin siya nito at nahihiya lang itong ipahalata sa kaniya."Shit ka Amanda! Kumalma ka nga!" ani niya sa kaniyang sarili habang tinatapik tapik ang kaniyang pisngi sa sobrang kilig.Napakunot ang kanyang noo nang makita ang sunod sunod na miss calls ni Jene sa kaniya kagabi. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi na ito m
Halos mag-sasara na ang mental hospital at nag-uuwian na rin ang ibang mga nurse at ibang stuffs ng ospital na nasa day shift ngunit hindi pa rin bumabalik si John."Miss, bumalik na lang po kayo bukas. Magsasara na po kasi kami eh." ani ng babaeng nurse na nakausap nila kanina na ngayo'y nasa kaniyang harapan. Agad namang iniangat ni Jene ang kaniyang ulo upang salubungin ang tingin nito."Pero paano si Marie," nag-aalalang ani niya sa babae."Huwag po kayong mag-alala kay miss Rodriquez, pina blatter na po siya ni Doctor Morales. Baka hinahanap na rin po siya ng mga pulis ngayon." ani nito kaya muli namang napatango si Jene."Anong oras ba bukas magbubukas ang ospital?" muling tanong ni Jene sa nurse."7:00 am po maam." magalang na sagot ng nurse sa kaniya."Sige miss, babalik na lang ulit ako bukas. Maraming salamat sa pag-asikaso." nakangiting ani ni Jene sa nurse, ngumiti rin naman ito sa kaniya at tumango. "Nako wala po iyon maam." ani
"Hoy Amanda nasaan ba si Zairon?" mataray na ani ni Ericka sa kaniya habang nag-aayos siya ng kaniyang mga gamit at naghahanda nang umuwi."Hindi ko alam Ericka. Hindi pa siya umuuwi simula nung pinuntahan ka niya sa bahay niyo noong gabi ng graduation ball." sagot naman ni Amanda rito habang nagpapatuloy sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Napatawa naman ng pagak ang dalaga sa sagot nito. "Umayos ka Amanda. Kapag umuwi siya, sabihin mong puntahan niya agad ako sa bahay, kung hindi magpapakamatay ako!" ani nito sa kaniya na ikinataas niya ng kilay."E'di maganda kung ganon." sarcastikong ani ni Amanda sa kaniya at tinalikuran na ang babae."What the... Hey! Bitch!" umuusok na ilong na tawag nito sa kaniya ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at nagmamadali nang maglakad pauwi.Hindi rin niya kasabay ngayon ang kaniyang mga kaibigan dahil may importante itong pinuntahan. At dahil maaga rin namang natapos ang kanilang klase at wala ang kanilang g