Manghang mangha si Amanda habang nakatanaw sa karagatan. Kasalukuyan na kasi silang bumabyahe papuntang Southern Island University kasama ang mga bagong mag-aaral or freshman na katulad n'yang pumasa rin sa entrance exam kabilang na rin' ang mga dating mag-aaral na galing sa mga bakasyon nito.
Malaking barko ang kanilang sinasakyan na pagmamay-ari mismo ng kanilang paraaralan.
Habang nasa barko, ay mahahala agad kung freshmen pa ba o old students na ng SIU. Naka-suot na kasi ang karamihan ng mga uniform at habang silang mga freshmen naman ay naka-suot pa lang ng civilian attire.
Simpleng white top at kulay bughaw na jeans lang ang suot ni Amanda na pinaresan nang i white korean shoes para magmukha naman siyang prisentable sa pagpunta roon. Naglagay lang siya ng light make-up at inilugay ang straight na buhok.
"Wowww!" manghang ani niya nang makitang papalapit na sila sa isla na pinagtatayuan ng Unibersidad.
Nang makarating na ang barko sa daungan n
Nang matapos ang ceremony ay binigyan na silang lahat ng kanya kanya nilang room number at susi ng kanilang magiging dorm. Ang nakuha niya ay number G 2-8, na ibig sabihin ay nasa pangalawang palapag ng girls dormitory ang kanyang magiging silid. Napabuntong hininga na lamang si Amanda habang sinusundan ang kanilang dorm supervisor habang tinatahak ang daan patungo sa nasabing building. Matapos kasi ang ceremony ay hindi niya na muli pang nahagilap ang kanyang kapatid kaya naman ganun na lang ang pagkadismaya ni Amanda. Umaasa pa naman siya na naghihintay ito sa labas at mag kikita sila sa labas ng covered court. Napatingala si Amanda nang makita ang pastel color pink na may limang palapag na gusali. Halos malola s’ya sa sobrang taas nito. Napakaganda rin nito at napaka aliwalas tingna. Sa gilid naman nito ay may mga nakatatim na mga rosas. Kaya masasabing pang babaeng pang babae talaga ang aurahan ng buong paligid. Mula sa unang palapag ay isa-isa nang tinawag ang kanilang mga pan
Napakuyom ng kamaong tinitignan ni Zeil ang papalayong si Amanda, hindi na kasi ito nag pahatid sa kanya sa tapat ng dorm nito. Ngunit hindi iyon ang kinaiinisan ni’ya. Wala na sana s’yang balak na pansinin pa ito matapos n’yang maipadala ang reviewer na ibinigay nito sa kanya. Umaasa pa naman s’yang wala na itong pag-asa pang maipasa ang college entrance exam nito sa SIU. Napabuntong hininga na lamang si Zeil at naglakad atungo sa pinaka paborito n’yang tambayan sa SIU. May kalayuan ito mula sa kanilang dorm ngunit sapat lang para matanaw ang ganda nang karagatan na nagdudugtong sa maliwanag na kalangitan. Dito s’ya naglalagi kung meron s’yang mga problema o malalim na iniisip. Gustuhin n’ya mang lumangoy at magtampisaw para malamigan ang kanyang ulo ngunit sa ibaba ng maliit na burol na kanyang kina-uupuan ay isang malalim na bangin at sa ibaba nito ay lalalim na karagatan na may malalakas na hampas ng alon. “Hay Amanda, paano ba kita maiiwasan?” ani ni Zeil at inis na inihiga a
Halos ilang lingo na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin muling dumalaw si Zeil sa dorm nina Amanda. Kaya naman hindi na naman maiwasang ma dismaya ng dalaga. “Hoy girl, ilang oras ka na atang naka upo d’yan pero mukhang wala ka pang nasisimulan.” Ani ni Jenny sa kanya at sumilip sa kanyang lamesa. Napatakip naman ng papel si Amanda dahil kahit isa ay wala pa s’yang nasusulat sa kaniyang papel. At tangging title pa lang ito ng kaniyang research paper sa subject nilang entrepreneurship. “Hay nako ate Jenny, ang hirap kaya nito no. At kahit ano atang research ko sa internet ay walang lumalabas na issue about dito.” Ani naman ni Amanda sa kanya. “Hmm… Lokohin mo lasing Amanda huwag ako. Haha alam mong alam ni G****e ang lahat. At isa pa, hindi naman ata y’an ang pino-problema mo ngayon eh. Mukhang…. Loveeeee lifeeeee ayieeeeee.” Mapang-asar na tukso ni Jenny sa kanya at hinila nito ang upuan ng kanyang mesa at tumabi kay Amanda. “Sabihin mo nga Amanda? Bukod sa kwentong buhay mo na h
“Ok class dismissed.” Ani ng kanilang matandang professor nang matapos ang kanilang mag-hapong klase. Ito na kasi ang huling subject teacher nila ngayong araw. Lahat ay naghahanda nang umuwi at nagsimula na rin’ mag-ingay ang buong klase ngunit napahinto ang lahat nang pumunta sa harapan si Sherwin ang kanilang classroom president. “Ok guys, I have an announcement. I hope all of you will participate to this given activity.” Panimula nito. “Hah? Para saan ba ‘yan? Gusto na naming umuwi.” Ani ng kanilang ka-klaseng lalaki na mukhang bagot na bagot na sa buong araw na pagkaka upo. “Makinig muna kayo saglit. Importante kasi to’. At ‘saka alam kong lahat kayo ay excited na sa activity na ito.” Ani nito sa kanilang kahat. “Eto na, hindi ko na patatagalin. Next week is “Freshmen Day” ng Southern Island University. Last week pa sana pero na delay lang ng ilang days because of some inconvenience. This activity is only available sa tulad natin mga freshmen kaya hindi natin makakalaban ang m
*Last Day of Freshmen Day* Humugot muna ng isang malalim na hininga si Amanda bago siya bumunot sa kahon. Dito pagbabasehan kung saang grupo s’ya ng kanyang team ma-a-sign. Nahahati kasi sa apat na parte ang Treasure Hunting at bawat team ay mahahati sa north, south, east, at west. Nang makakuha na ang lahat ng papel ay sabay sabay na nila itong binuksan. Bakas sa mga mukha nilang lahat na partesepante ang pagkadismaya dahil karamihan sa kanila ay hindi pa ganoon ka kilala ang bawat isa at hindi pa nila ganoon ka-close. “Hays, mag ka-kaiba tayo girls.” dismayadong ani ni Sherwin nang makita ang papel na hawak ng kanyang mga kaibigan. “Ok lang ‘yan. Ang mahala ay gawin natin ang best nating lahat.” masayang wika ni Amanda sa kanila kahit na nakakaramdam siya ng kaba sa kanilang activity. “Ok, nasa gitna tayo ngayon ng Southern Island University, Island. Pumwesto na kayo sa inyo inyong mga grupo. At sa bawat grupo ay may tag-iisang kahon na naroon. Pagbilang ko ng tatlo ay sabay sab
Nagsimula nang dumilim ang paligid. Ang kaninang maliwanag na buwan ay natatabunan na ng itim na mga ulap at may kasama pang kulog at pagkidlat. Kasama ang mga facilitators ng south team ay nag-aabang sina Zeil ng mga grupong natapos na sa kanilang treasure hunting. May ilang minuto pa ang nalalabi bago matapos ang laro. Hindi namam maipagkakaila na nag-aalala rin si Zeil para sa kanyang kapatid sa kabila nang ginagawang pag-iwas niya rito. "Ok, may nauna nang dumating!" masayang wika ng isang facilitator na may hawak na mic. Agad namang lumingon si Zeil sa dako ng mga ito. "Teka! Teka! Nasaan ang isang kasama niyo?" gulat na wika nito. Mabilis namang tumakbo papalapit ang ka-grupo ni Amanda sa kamila at hingal na hingal pang tinawag ang isang facilitator. "Miss! Miss! Ang isa naming kasama hindi namin makita! Please, tulungan ni'yo kami na hanapin s'ya!" hingal na hingal na wika ni Nicole sa babae. "Sige, Tatawag kami agad ng rescue." nagpapanic tugon nito sa dalawa at mabilis n
"I found you, Amanda." ani ni Zeil nang makita niya ito. Ngunit laking gulat niya nang bigla itong tumakbo papalayo sa kanya kaya naman ay mabilis niya itong hinabol. Nang malapitan niya ito at mabilis niyang hinila sa braso si Amanda. "Amanda, bakit ka ba bigla na lang tumakbo palayo?" inis na ani ni Zeil sa kanya. Halos ayaw namang humarap ni Amanda sa kanyang kuya. Nanatili lang itong nakatalikod habang hawak ang kanyang braso mula sa kanyang likuran. Ayaw niya ring makita nito ang kanyang magang mga mata at magkahalos inis niya sa kanyang kuya. "Bakit ka ba nandito? Alam ko naman ang daan pabalik." inis na ani niya at pili na iwinaksi ang kamay nito sa kanyang braso. "No! Naliligaw ka kaya kita hinanap. Alam mo bang kanina pa nakarating sa finish line ang mga kasama mo! At kanina pa ako paikot ikot dito sa kagubatan para hanapin ka! Tapos ikaw pa ang magmamatigas! Ikaw na nga ang tinutulungan!" inis na ani ni Zeil sa kanya. "Well I don't need your help!" inis na ring wika ni Am
Pasikat na ang araw nang magpasyang bumalik sina Zeil at Amanda kaya naman nang makarating sila sa dulong bahagi ng west part ng isla ay sakto lang na naka sikat na ang haring araw. Nag pre-prepare na rin ang mga officers na naroon at inaayos na ang itinayo nilang tent."Amanda!" masaya at patakbong salubong nina Deviane at Nicole nang makita nila sina Amanda at Zeil na papalabas ng kagubatan."Amanda, ano bang nangyari sayo? saan ka ba kasi nagpupunta?" maiyak-iyak na wika ni Nicole sa kaniya at mabilis na yumakap."Alam mo bang pinag-alala mo kami." ani ni Deviane at yumakap na rin. Hindi na ginambala pa ni Zeil ang tatlo at nagtungo na sa mga officers na naka assign roon.Hindi man sila ang overall champion sa naganap freshman day ay naging masaya naman at na enjoy nilang lahat ang naganap na activity. At bilang pagtatapos ng kanilang aktibidad ay nagkaroon sila ng bonfire party sa kanilang malawak na university field. Bawat section ay may tag-iisang bonfire na pinapalibutan nila. N