Share

Chapter 6

Jessica, what is this?" Jared asked on the other line. He is talking to Jessica now. He immediately called her when Sam mentioned that he was the one who said that he was looking for a cook and a dishwasher. Hindi niya alam na ganun pala ang plano nito dahil kanina, ng pinaki-usapan niya ito na tulungan siya para mapa-ibig si Sam ay pumayag naman ito at sinabing may maganda itong plano. Hindi niya lang alam na ito pala ang paraan na sinasabi nito.

"What? You want to be with her, right? Ayan. Makakasama mo siya gabi-gabi. Pwede mo na siyang pa-ibigin ng hindi niya namamalayan." Sabi nito sa kabilang linya.

"I want to be with her and make her fall in love with me but not in this kind of way." Sinilip niya si Sam na nakaupo sofa at ngumiti ng makita niyang nakatingin ito sa kanya. "Ayaw kong magtrabaho siya para sa akin."

"Kung hindi siya mag-tatrabaho sayo ay hindi ka mapapalapit sa kanya. " Napaisip siya sa sinabi nito. May punto nga naman kasi ito. "Alam mo naman na trabaho ang importante kay Sam." Paalala pa nito.

Ito nga ba ang dapat niya gawin upang mapalapit ng husto sa dalaga?  "Pero kasi-."

"No buts." Putol nito sa sasabihin niya. "Ito lang ang maaaring paraan para mapalapit si Sam sayo. Sige na kailangan ko pang pag-aralan ang mga projects sa school. By the way ang sinabi kong ibabayad mo sa kanya ay 500 php per hour. Ikaw na ang bahala. Bye." Pagpapaalam nito sa kanya. Napatingin na lang siya sa cellphone na hawak.

Wala namang problema sa ibabayad kay Sam. Kahit 5,000 php pa ang sinabi ni Jessica ay handa siyang mag bayad makasama lang ito. Ang problema niya ay paanong diskarte ang gagawin niya sa dalaga para mapalapit sa kanya? Ano na ang sasabihin niya sa dalaga. Hindi man lang siya inabisuhan ni Jessica. Sana ay nakaisip siya ng gagawin.

Naglakad siya patungo kay Sam. "I'm sorry. Nasabi ko kasi kay Jessica na kailangan ko ng tagaluto noong nagkausap kami. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang papupuntahin niya rito."

Tumayo sa pag kakaupo si Sam. "Si Jessica talaga." Mahinang bulong nito at hinarap siya. " Okay lang. Kailangan ko naman talaga ng part-time ngayon. Kumaen kana ba? Saan ang kusina mo? Para makapag simula na ako sa trabaho."

Itinuro niya ang kusina. Naglakad na ito patungo doon.

He really can't believe it. Is Sam really at his house now? What will he do? How will he use this opportunity to get closer to her?

Sumunod siya rito sa kusina, gusto niyang panoorin ito habang nagluluto. Naabutan niya ito na ininspeksyon ang laman ng refrigirator.

"Wala namang maluluto rito." Narinig niya sambit nito habang naghahanap pa rin ng mailuluto loob ng ref.

"Pasensya na. Madalas kasi ay sa labas ako kumakain." Sagot niya rito. Ngunit mukhang hindi nito inaasahan na naroon siya dahil narinig niya ang pagkalabog sa loob ng ref. Mabilis naman niya itong dinaluhan.

Nakita niyang nakasapo ito sa ulo nito at akmang tatayo ito, ng mauntog na naman ito.

"Aray!" Hiyaw nito. "Bakit ba kasi nang-gugulat ka?" Paninisi pa nito sa kanya.

Inalalayan niya itong makatayo pagkatapos ay tiningnan niya kung malala ba ang pagka-untog nito.

"Sorry na, hindi ko alam na magugulatin ka pala." Sinipat niya ang noo nito. Hinawakan niya ang mukha nito.

Nakapikit ito habang nakatapat ang mukha nito sa mukha niya. Tinitigan niya ang noo nito. Pababa sa kilay nito na makapa at bumagay lang sa maganda nitong mga mata. Ang ilong naman nito ang sunod na tiningnan niya. Matangos iyon na bumagay naman sa hugis ng mukha nito. Hanggang bumaba ang tingin niya sa mga labi nito na mapupula at mukhang napaka lambot.

Naalala niya tuloy ang munting aksidente na nangyari sa kanila noong nakaarang buwan. Saglit lang ang halik na pinagsaluhan nila ngunit sapat na iyon para hanap hanapin niya ang mga labi nito. Hindi niya napigilang hawakan ang mga labi nito.

Nagulat si Sam at itinulak siya palayo. "A-ano bang g-ginagawa mo?" Gulat na tanong nito.

"S-sorry." Pati siya ang nagulat sa ginawa. "Tinitingnan ko lang kung pati ang labi mo ay natamaan."

'Damn! Anong klaseng palusot iyan Jared?' Tanong niya sa sarili.

Diskumpyado siyang tiningnan ni Sam ngunit hindi na ito muli pang nagsalita. Bumuntong hininga na lamang ito "Anong iluluto ko sayo? Wala namang pwedeng lutuin sa ref mo." Sa halip ay tanong nito sa kanya.

Sinilip niya ang refrigerator niya at nakita niyang wala ngang laman iyon kung hindi tubig. Ano nang gagawin niya? Baka bigla nalang tong magpaalam sa kanya dahil wala naman mailuluto sa bahay niya. Ngayon ay nag sisisi siya kung bakit hindi siya regular na nag go grocery.

'Grocery?' tanong niya sa isip. Ou nga ano? Hindi niya naisip iyon. Tama yayayain niya nalang ito mag grocery. Sinipat niya ang relo sa kanyang pulsohan. Mag aalas nuwebe palang pwede pa silang mag grocery.

Isinara niya ang ref at humarap dito. "Samahan mo akong mag grocery." Sabi niya rito.

"Hindi ak-"

Hindi na niya pinatapos itong magsalita. Lumabas na siya sa kusina at nakangiting nagtungo sa kwarto niya upang kunin ang kanyang wallet at ang susi ng sasakyan niya.

-----

SAMAHAN mo akong mag-grocery." Nagulat at napatingin si Samantha kay Jared matapos nitong sabihin iyon.

Samahan? Ang akala pa naman niya ay mag oorder nalang ito dahil wala namang mailuluto sa ref nito, at makakauwi na siya. Pero nag-aya pa ito na mag grocery kasama siya?

Nagulat talaga siya nang makita na si Jared pala ang sinasabi ni Jessica na pag tatrabahuhan niya. Kung alam niya lang ay di sana hindi na lang niya tinanggap ang trabahong in-offer nito sa kanya. Ngayon tuloy ay hindi niya mapakalma ang puso niya. Lalo pang dumagdag ang kaba niya ng hawakan nito ang labi niya kanina habang sinisipat nito ang noo niya. Para siyang nakaramdam ng libo-libong bultahe sa kanyang katawan ng maramdaman niya ang kamay nito.

Ilang oras pa lang ang nakakalipas ng makasama niya ito ay nawawala na siya sa huwisyo. Paano na lang kung gabi-gabi pa? Hindi niya yata kayang makasama ito ng hindi nawawala sa katinuan.

Ipinilig niya ang ulo sa naisip. 'Hindi ma-aari iyon.' Sambit niya sa isip. Kailangan makaalis siya sa lugar na iyon.

"Hindi ak-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla nalang itong lumabas ng kusina. "Sandali lang!"

Mukhang wala siyang magagawa kung hindi samahan itong mag grocery. Bumuntong hininga muna siya bago lumabas ng kusina.

Naabutan niya si Jared na nag aayos ng sarili sa may sala. Napalingon ito sa kanya. "Ready kana? Tara." Nauna na itong maglakad patungo ng pinto.

Habang naglalakad sa hallway ng palapag na iyon ay pinag-aralan niya ang hitsura nito sa likod. Ngayon lang niya nakitang na short ito. At lalong na emphasize ang mahahabang binti nito dahil sa suot nito. Kung hindi niya ito kilala, maaring mapagkamalan niya itong model dahil sa tangkad, tindig at kagwapuhan nito. Kahit simpleng damit lang ang suot nito ay nagmumukhang mamahalin. Kaya ganun nalang karami ang nagkakagusto dito. Mahirap maging boyfriend ito. Baka marami siyang maka-away kung sakali.

Napailing siya sa naisip. Bakit ba pumasok sa isip niya na magiging boyfriend niya ito? Mukhang lumalala ang pag kagusto niya rito. Nangangarap na siya ng gising. Hindi magandang pangithain iyon.

Lumingon ito sa kanya at tumigil sa paglalakad ng mapansin nito na hindi sila mag-kasabay sa paglalakad. "Ano bang ginawagawa mo riyan? Ano ba ang tingin mo? Bodyguard kita? Bakit nandyan ka sa likod ko?"

"Baka kasi anong isipin ng mga kapit bahay mo." Sagot niya rito. Pero ang totoo ay naiiliang lang siyang makasabay ito.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya na lalong nagpawala ng sistema niya. Nagulat siya sa ginawa nito. Pilit niyang kinukuha ang kamay niya ngunit hindi nito iyon binibitawan.

"Ano naman ang pakialam ng mga kapit bahay ko kung makita man nila akong may kasamang babae at may ka-holding hands na ganito?" Itinaas pa nito ang kamay nila na magkahawak. Tapos ay hinila na siya patungo sa elevator.

Nang makapasok sila sa elevator ay sobrang lakas ng pintig ng puso niya. Lalo pa at nakikita niya ang reflection nila sa loob ng elevator na magkahawak kamay. Kaya pilit niyang tinatanggal sa pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya. Ngunit malakas ito. Hindi nito hinahayaang matanggal ang magkahugpong nilang mga kamay.

Napabuntong hininga nalang siya at saka sumuko. Ngunit habang napapatingin siya sa reflection nila ay lalo ding palakas ng palakas ang pintig ng puso niya. Iniisip niya nga kung naririnig ba nito iyon. Dahil sa sobrang lakas nito, feeling niya, ano mang oras ay lalabas na ang puso niya sa lakas ng pintig niyon. Sinulyapan niya ito at tiningnan. Busy ito sa pagtingin sa cellphone nito. Bakit ang gwapo nito? Nakakainis. Lalo tuloy siyang nagkakagusto rito.

Tumunog ang elevator at hudyat na iyon para lumabas sila at maglakad patungo sa parking lot. Huminto sila sa itim na Porsche 911. Pinindot nito ang hawak na remote at umilaw naman ang kotse. Nagtaka siya. Hindi ito ang nakikita niyang sasakyan na dinadala nito sa school nila.

"Sayo ito?" Tanong niya rito. "Hindi ba sedan ang sasakyan mo?"

"Oo. Pero ginagamit ko lang iyon pagpapasok sa school. Sakay na." Binuksan nito ang ang passenger seat upang makasakay siya.

Akmang sasakay na siya nang maalala na magkahawak nga pala ang mga kamay nila. "Ah.. ehh. Yung k-kamay ko h-hawak mo." Sabi niya rito.

Nagulat pa ito nang maalala na hawak pa rin nito ang kanyang kamay. "S-sorry." Hinging paumanhin nito. Nang bitawan nito ang kamay niya ay dumeretso na ito sa driver seat upang magmaneho.

Tahimik lang silang dalawa habang nagmamaneho ito. Parang pareho silang naiilang. Kailangan niya magsalita para hindi maging awkward ang sitwasyon nila.

"Matagal ka na bang nakatira sa condo mo?" Tanong niya rito.

"Matagal na. Mga 7 years ago na. Lumipat ako dun ng ipasara ni daddy ang pinapasukan kong art school." Kwento nito.

"Art school?"

"Oo, ang gusto ko kasi talaga ay maging painter. Pero dahil nagmula ako sa angkan ng mga doctor ay kailangan kong magtapos ng pagiging doctor sa ayaw at sa gusto ko." Sabi nito. Mababakas sa pagsasalita nito ang lungot.

"Bakit hindi mo ipaglaban ang gusto mo?" Tanong niyang muli rito.

"I tried, pero gaya nga ng sabi ko. Pinasara ni daddy ang art school na pinapasukan ko. Kung lilipat naman ako ng art school ay tiyak na ipapasara niya lang din iyon. Kaya nagpasya akong sundin nalang si daddy. Wala din naman akong magagawa."He laughed. "Do you know how many times I dropped my subjects? But look at me. Until now I'm still here, still studying medicine. I can't really escape, sabi nga ni Dylan, iyon na ang kapalaran namin." Mahabang sabi nito.

Kaya pala hindi ito nagpapapasok sa mga klase nito dahil hindi naman pala nito gustong mag doctor. Ngayon ay mas naiintindihan niya na ito.

"Pero ngayon." Tumingin ito sa kanya. "May dahilan na ako para magustohan ang medicine."

Ilang sandali lang ang pagtingin nito sa kanya pero sapat na iyon para magwala ang puso niya. Iba talaga ang nagagawa nito sa puso niya.

Maya maya ay nakarating na sila sa supermarket. Ilang minuto lang naman ang layo niyon sa condo unit ni Jared.

Gaya kanina ay ito ang unang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Paano ba siya hindi mahuhulog sa lalaking ito? Napaka gentleman nito. Ganito kaya ito sa mga babaeng dinedate nito?

Nang makalabas siya sa sasakyan ay pumasok na sila ng supermarket. Ito ang kumuha ng push cart. Habang naglalakad ay may panaka-nakang tumitingin sa kanila. Lalo na kay Jared. Kahit saan talaga magpunta ang lalaki ay pinagtitinginan ito. Pina una nanaman niya itong mag lakad. Hindi magandang mag-kasabay sila nito at iba talaga ang pakiramdam niya.

Ngunit gaya kanina sa hallway ay lumingon nanaman ito sa kanya. At lumapit. "Ano ba? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita bodyguard." Sabay hawak nanaman nito sa kamay niya.

"Ano ba? Nasa supermarket tayo. Baka isipin ng mga tao ay mag kasintahan tayo." Sita niya rito habang patuloy na tinatanggal ang kamay nito sa pagkaka-hawak sa kamay niya.

Ngumiti ito saka lumingon sa kanya. Hayun nanaman ang pagwawala ng puso niya. "Who cares?" Hinila na siya nito papunta sa mga estante ng pagkain.

"Ganito ka rin ba sa girlfriends mo?" Sabi niya habang namimili ng gulay na bibilhin.

"I never had a girlfriend." Sagot nito. Napalingon siya rito. '

Ano daw?' Tanong niya sa sarili. Anong pinagsasabi nito?

"Ano yung mga babaeng kasama mo pag pumupunta ka sa coffee shop?" Nagtatakang tanong niya rito.

Nakiusyoso na ito sa pamimili ng gulay. "Flings?"

Inis na kinuha niya rito ang gulay na hawak nito saka inilagay sa cart. Mga lalaki nga naman. "So ibig sabihin ay pinaglalaruan mo lang lahat ng babaeng nakakadate mo? Alam ba nila iyon?" Men will always be men ika nga nila.

"Yes. They know that. Alam nila na I don't want a serious relationship."

Naglakad na siya papuntang meat section. Sumunod naman ito sa kanya tulak-tulak ang pushcart. "At pumapayag naman sila?"

"Yup, sila ang lumalapit sa akin kaya sila ang dapat mag adjust sa mga gusto ko." May pagmamayabang pang sabi nito.

Napailing nalang siya. Ito ba talaga ang taong gusto niya. Hindi ba nagkakamali lang ang puso niya?

"Akala ko dati ay hindi ako mahihirapan maghanap ng babae dahil sila ang lumalapit sa akin." Ngumiti ito. Bakit ba ngiti ito ng ngiti? Hindi ba alam nito kung ano ang nagagawa ng pag ngiti nito sa puso niya? "But now, I have done many things that I never thought I could do just because of a woman. Maybe that is what you call love. Hindi ko alam ang ibig sabihin nun dati. Ngayon parang alam ko na."

Parang may tumusok na matalim sa puso niya. So in love na pala ito. Kung sino man siguro ang babaeng iyon ay napaka swerte nito. Dahil isang Jared Del Fuego ang nabihag nito.

Nawalan siya ng ganang mamili ng karne. Bakit ganun nalang ang reaksyon niya sa mga sinabi nito? Nasasaktan siyang malaman na may iba na pala itong gusto. At hindi pa basta gusto nito. Mahal pa nito.

Ano na ang gagawin niya?

-----

HINALO- HALO niya ang milktea na iniinom niya. Nasa isang coffee shop siya ngayon kasama ang mga kaibigan niyang sina Jessica at Georgina. Sinamahan niya ang dalawa na mag shopping dahil na bo bored daw ang mga ito. Dahil linggo ng araw na iyon at day off naman niya sa Café Freyja kaya pumayag na siyang sumama sa mga ito.

"So kamusta ang pag papart-time mo kay Jared?" Tanong ni sa akin ni Jessica.

Nilingon naman siya ni Georgina. "Nagpapart-time ka kay Jared?" Kunot noong tanong nito.

Humigop muna siya ng milktea bago sumagot. "Oo." Hinarap naman niya si Jessica. Kailangan pala niya ng paliwanag mula dito. "Bakit hindi mo sinabi na si Jared pala ang sinasabi mo pagtatrabahuhan ko? Alam mo ba kung gaano ako nagulat nung nakita ko siya kagabi?"

"Nang magkausap kasi kami sa canteen ay nabanggit niya sa akin na kailangan niya ng taga luto sabi ko sa kanya titingnan ko kung may maiire-recommend ako sa kanya. Naisip ko tutal naman ay naghahanap ka ng extra part-time job, kaya bakit hindi ikaw na lang? Tsaka kung sinabi ko naman sayo na si Jared ang magiging amo ay tiyak na aayaw ka agad." May katwiran naman ito.

"Dapat ay ipinaalam mo pa rin sa kanya. Hindi naman ikaw ang magtatrabaho kay Jared." Kumento ni Georgina. "At kailan pa kayo naging close ni Jared?"

"Ahm. Nagkakausap na kami simula nung malaman niyang kaibigan ko si Sam." Sagot naman ni Jessica.

Siya naman ay matalim pa rin ang tingin dito. Hindi nito alam ang nangyari sa kanya sa mga kamay ni Jared kagabi.

Matapos niyang malaman na may ibang babaeng nagugustuhan si Jared ay nawalan na siya ng ganang mamili pa ng iba pang sangkap na dapat bilihin. Ang tanging nasa isip nalang niya ay ang sinabi nito.

Nang makarating naman sila sa condo nito ay nagpaalam na din siyang uuwi na dahil sa masamang pakiramdam niya. Nag offer naman si Jared na ihatid siya, ngunit hindi na siya pumayag pa. Ayaw na muna niya itong makita.

Hindi niya alam kung disappointment lang ba ang nararamdaman niya o talagang nasaktan siya ng malamang may iba itong gusto. Ano ba ang ginawa ni Jared sa kanya at nagkakaganito siya? Hindi niya tuloy alam kung dapat niya pang ituloy ang pag pa part-time sa lalaki. Dahil kung ganon na lagi ang mararamdaman niya habang nagtatrabaho siya ay hindi siya makakapag concentraite. Baka masayang lang din ang binabayad sa kanya ni Jared.

"Wala ba kayong ibang alam na part-time job?" Tanong niya sa mga ito.

"Bakit? Hindi mo na itutuloy ang pag tatrabaho mo kay Jared?" Nagtatakang tanong ni Jessica.

"Hindi talaga ako komportableng makasama siya." Iyon naman ang totoo. Bukod dun hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki, lalo na at nalaman niyang may iba itong gusto.

"You can work in the law firm. I can ask kuya if there's any available position for you." Mungkahe ni Georgina.

"Hindi maaari iyon, dahil pag nalaman ni tito Edwardo na nagtatrabaho ako sa law firm niyo dahil sa pera, ay agad mag bibigay iyon ng tulong. Ayokong mangyari iyon. Alam mo namang malaki na ang utang na loob ko sa inyo." Pag tanggi niya.

"Pagtyagaan mo nalang kasi na mag trabaho kay Jared. Mabait naman siya pag nakilala mo ng husto." Sabi naman ni Jessica.

"Bakit ba parang ipinipilit mong mag trabaho si Sam kay Jared?" Nagtatakang tanong ni Georgina.

Nabilaukan ito. "Ahm.. W-wala naman. Concern lang ako kay Sam. Alam ko kasing kailangan niya talaga ng pera."

Diskompyado niyang tiningnan si Jessica. Alam niyang may itinatago ito. At alam niya din na hindi naniniwala si Georgina sa paliwanag nito.

"May tinatago ka ba sa amin?" Muling tanong ni Georgina kay Jessica.

"W-wala no! Ano naman ang itatago ko sa inyo?" Tumayo ito. Mag pupunta lang ako sa Rest room." Sabi nito at naglakad na.

"May naaamoy akong kaka-iba." Sabi ni George habang tinitingnan nito si Jessica. Well she's not a law student for nothing.

Nararamdaman din niyang may itinatago si Jessica. Pero ano naman kaya iyon? At bakit konektado si Jared? Ano kaya ang lihim ng dalawa.

Biglang may pumasok sa isip niya. Hindi kaya si Jessica ang gustong babae ni Jared? At kaya siya gusto nitong magtrabaho siya kay Jared upang makuha ang boto niya? Mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan upang huwag nang ipagpatuloy ang pagkagusto kay Jared.

Nawala ang malalim na pag iisip niya ng may kumatok sa glass wall ng coffee shop kung nasaan sila.

Sabay silang napalingon ni Georgina sa pinagmulan ng katok na iyon. Si Iñigo pala ang kumatok.

"Andito na pala siya. Sinabi kong nandito tayo." Sabi ni Georgina sa kanya. Saka sinenyasan ang kapatid nito na pumasok.

"Hi!" Bati ni Iñigo ng makapasok ito sa coffee shop. "Nakaistorbo ba ako?"

"Hindi naman. Saan ka galing?" Tanong niya rito. Habang umuupo ito sa tabi niya.

"Dumaan lang ako saglit sa office. May kinuha lang akong mga documents na kakailanganin sa trial next week."

"Napakasipag mo talaga." Maikling tugon niya.

"Oh, Iñigo anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jessica ng makabalik ito.

"Dumaan lang ako. Saka aayain ko sana kayong manood ng movie. Ngayon kasi ang premier ng movie na pinagbibidahan ng kaibigan ko." Sabi nito.

"Sige gus-." Hindi na naituloy ni Jessica ang sasabihin ng hilain na ito patayo ni Georgina.

"Hindi na may bibilhin pa din kaming limited edition na bag sa mall. Kaya kayo nalang ni Sam ang manood, kuya." Nagtaka siya sa kinilos ni Georgina.

"Pero sab-." Hindi nanaman naituloy ni Jessica dahil tinakpan na George ang bibig nito gamit ang kamay.

"Sige na. Mag enjoy nalang kayo ahh. Bye kuya, bye Sam." Pagpapaalam mg dalawa. Naiwan siyang nagtataka.

"So it's a date." Sabi ni Iñigo ng makaalis ang dalawa.

Nagtatakang tiningnan naman niya ito. "Date?"

"Yup, tayong dalawa lang. Kaya date ito." Sabi nito at kinindatan pa siya. Napangiti naman siya rito. Kung sabagay ay matagal na silang hindi lumalabas ng sila lang dalawa. Maganda din iyon para malibang siya. Masyado na siyang maraming iniisip nitong mga nakaraang araw.

Tumayo ito at inilahad ang kamay. "Let's go?"

Siya naman ay nakangiting hinawakan ang kamay nito. "Tara."

Magkahawak ang kamay nila habang papalabas sila ng coffee shop. Normal na sa kanilang dalawa ang maghawak kamay. Lagi nila itong ginagawa noong high school pa sila. Ginagawa nila iyon para maitaboy ang mga nagkakagusto kay Iñigo.

Papalabas na sila ng coffee shop nang may makasalubong sila.

"Jared, samahan mo akong manood ng movie my friend gave me 2 tickets for the premier of her movie." Sabi ni Dylan na kasama ni Jared.

"Your friend? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibig-." Hindi na naituloy ni Jared ang sasabihin dahil nakita na sila nito. Napatingin sa kamay nila ni Iñigo magkahawak. Agad namang nagbago ang expression nito.

Anong problema nito?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status