Share

Chapter 45

Penulis: Yarnie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-16 21:12:53

Miya's POV

Dahil maaga kaming nakauwi, maaga ko ring naayos ang mga kailangang papeles ni Mina sa pag-enroll. Tinulungan pa nga ako ng Mama ni Kevin dahil wala akong alam sa ganito. Mabuti na lang talaga at nag-aya ng maaga si Sol, kung hindi ay baka hindi na nakaabot sa enrollment ang anak ko.

Alam kong maaga pa para papasukin siya pero kailangan ko na rin kasing maghanap ng trabaho. Kapag nasa school si Mina, papasok muna ako. Para naman may pandagdag gastos at ipon kami. Hindi naman pupuwedeng habang buhay na lang akong umasa kay Teru at Sol sa mga bayarin dito. Nahihiya na rin ako dahil palaging sila ang nagbabayad. May minsan pang sila ang nagbibigay ng pera sa akin.

May maliit naman akong nakukuha sa pagtuturo ko online pero hindi iyon sapat para bumukod ng gastos.

Hawak-hawak ko ang maliit na kamay ni Mina habang naglalakad kami papunta sa school niya.

Buhangin ang nilalakaran namin kaya ang bagal naming lumakad. Isama mo pang nilalaro ni Mina ang paa niya.

Pinanatili nitong
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 51

    Nakayuko ako habang sapo-sapo ang ulo. Nakaupo ako sa terrace ng bahay at dinadama ang lamig ng simoy ng hangin. May kalakasan ang hangin at kung wala pang nakapatong na kumot sa hita ko, hindi ako magtatagal dito sa labas. Ngayon ko na lang ulit ito ginawa simula nang umuwi kami. Hindi man nito nalulusaw ang iniisip ko, napapayapa naman ang isipan ko, sana...“Ano ba iyang iniisip mo? Ang lalim naman yata,” pabirong sabi ni Hannah at umupo sa tabi ko. Inangat ko ang tingin ko at nagsalubong ang mata namin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paanong sisimulan. Para bang may nakabara sa lalamunan ko, nanunuyot na hindi ko maintindihan. “Miya?” tawag pansin niya. Ramdam ko ang bahid ng pag-aalala sa toni ng boses niya. “Ayos lang naman kung hindi mo sabihin. Nagbibiro lang ako. Hindi ko naman akalain na mayroon ka pala talagang iniisip na problema.”Tumikhim ako bago magsalita. “Lumapit sa akin si Mina kanina. Gusto na raw niya ng Daddy. Gusto niyang tumira na kasama namin si Ke

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 50

    “Bakit nga pala nandito si Kevin?” tanong ni Teru habang naghihiwa ng pinya.Tulog na talaga siya kanina. Hindi na nga nakapagpalit dahil nang lumipat siya sa kwarto niya, tulog agad. Naalimpungatan nga lang dahil sa sigaw ni Solene sa kusina. Pare-pareho pa kaming kumaripas ng takbo papunta roon. “Bakit ba kasi hinayaan niyong siya ang magluto? Nakalimutan niyo na bang nasunog ang buong bahay natin dati dahil sa kaniya?” gigil na gigil na sabi ni Teru matapos patayin ang kalan. Nakasunog na si Solene dati? Hindi ko yata matandaan na nangyari iyon. Matalim na tinignan ni Teru si Solene. “Huwag na huwag ka na lalapit o pupunta rito sa kusina. Nakakatakot ka.”Ngumuso si Solene. “Hindi ko naman sinasadya.”“Kaya nga pumunta ka na sa sala. Mag-order ka na lang nang mag-order. Wala na akong pakialam kung ilang beses niyong gamitin ang pangalan ni Miya sa pag-order online, huwag ka lang lumapit dito sa kusina.” Itinuro ni Teru ang sala at pinanlakihan ng mata si Solene. Umismid naman sa

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 49

    “Bakit pala nandito si Kev?” tanong ni Hannah, dina-divert ang usapan. “Nag-aaya ng kasal,” tamad kong sagot. Nanlaki ang mata niya at napanganga. Umupo si Sol sa harapan namin, yakap-yakap ang isang box. “Ano ulit sabi mo? Hindi ko narinig,” sambit ni Sol. Sumandal siya sa sofa at ni-relax ang likuran niya. “Sabi ko nag-aaya magpakasal si Kev,” pag-uulit ko sa sinabi. Tila nawala ang lahat ng pagod niya at lumingon siya sa direksyon ng lalaki. “Seryoso Kevin?! Inaaya mo talaga magpakasal ang kaibigan ko?”Tumingin sa amin si Kev. “Oo,” natatawa niyang sabi. Binuhat niya si Mina at lumapit sa amin. Tumabi ito sa akin. Ako lang naman ang nakakaalam ng totoong pagkatao ni Kevin. Sina Solene ay walang alam. Hindi nga rin nila mahalata, e. "Wow! Approve agad! ’Di ba, Hannah?”Tumango-tango si Hannah. “Oo. Approve ka na agad sa amin. Wala kang dapat pang alalahanin kung suporta namin ang kailangan mo.”Nahihiyang tumango si Kevin sabay tingin sa akin at tinaas baba ang kilay niya.

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 48

    Nagbabasa ng dyaryo si Teru nang dumaan ako sa harapan niya, dala-dala ang isang tray na puno ng dede ni Mina. Ibinaba niya ang binabasang dyaryo at sumunod sa akin. Nilapag ko ang tray sa lababo. Pinunasan ko ang lamesa sunod ang lababo. Sumandal siya dito. "Ano ba ’yon?” tanong ko. “Kanina ka pa nakasunod.”“Wala pa bang dumadating na parcel mo?”Kumunot ang noo ko. “Wala naman akong ino-order online. Bakit? Um-order ka rin ba gamit pangalan ko?” “Ha?”“Um-order ka rin ba kako gamit ang pangalan ko?”“Bakit ko naman gagawin ’yon?”"Hindi ko alam. Sina Sol at Hannah ganoon ang ginagawa, e.”Kumunot ang noo niya. “Hindi ka manlang nagtanong kung bakit?”“Hindi na. Sure naman akong hindi nila gagamitin sa mali ang pangalan ko, e.”“Hindi mo ba naisip na baka may tinatago sila sa ’yo?”“Bakit ikaw? Sa tingin mo ba wala ka ring tinatago?”Hindi siya sunagot bagkus ay lalo lamang kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa malayo at biglang napamura. Dali-dali siyang umalis sa pwesto at luma

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 47

    Miya's POV Payapa na ang gabi nang makarinig ako ng mahihinang sigawan mula sa kusina. Tahimik ang paligid kaya kahit ang mga kaluskos ay maririnig mo. Inalis ko ang nakabalot na kumot at dahan-dahang umalis sa higaan. Ayokong magising si Mina. Umalis na ako sa higaan at naglakad papunta sa kusina. Maliliit lamang ang hakbang ko at tahimik. Ayokong makakuha ng atensyon. Sinilip ko kung sino ang nag-uusap at nakitang magkakaharap sina Teru, Hannah at Solene.May tinitimplang kape si Hannah samantalang may kinakain namang vegetable salad si Solene. Si Teru naman ay inaayos ang tea bag sa baso niya. Lalapit na sana ako ng magsalita sila, pero hindi ko marinig. Lumapit pa ako para marinig ko ang usapan nila. Nagtago na rin para hindi nila mapansin. May ilang kaluskos pero nawala ang mga boses. Kumunot ang noo ko. Bakit nanahimik bigla?Sumilip ako at nakita silang tatlo na masama ang tinginan sa isa’t isa. Nagpapaligsahan ba sila kung sino ang pinakamatalas tumingin? Ay, paniguradong p

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 46

    “Anong nangyari? Bakit kayo nag-iiyakan diyan?” pabirong sabi ni Kevin, bigla na lamang siyang sumulpot sa kung saan. May hawak pa siyang ice cream sa magkabilang kamay niya. “Dada!” masiglang bati ni Mina sa kaniya. Pinantayan niya si Mina. “Heto ang ice cream ni baby Mina.” Tumingin sa akin si Mina. Nakangiti akong tumango. Inabot naman ito agad ng bata sa kaniya. Pagkatapos ay iniabot naman ni Kevin sa akin ang ice cream. “Para naman sa pinakamagandang Nanay.”Natawa ako. “Nauwi ka lang dito, nambola ka na. Hindi ka naman ganiyan sa Maynila,” sabi ko at kinuha na rin sa kaniya ang ice cream. Ngumisi siya. "Siyempre. Kaharap ko ba naman ang pinsan mo. Ang init kaya ng dugo sa akin no’n, girl!”Nasamid ako at masamang tinignan siya. “Ginagawa mo na naman akong shield. Iyong totoo, nahuli ka ni Ma'am na may katawagang lalaki no?”Napakamot siya sa ulo niya. “Oo. Binantaan pa nga akong hindi na raw ako makakaalis dito sa isla kapag hindi ako tumino.” Lumabi siya. “Kaya may naisip

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status