Share

CHAPTER 2 ( WAITRESS )

BEA'S POV

Simula ng nakilala ko si ate Caye ay nagkaroon ako ng nakakatandang kapatid. Napakabait ng pamilya nila sa amin ni inay.

Ganu'n parin ang ginagawa ko nagtitinda parin ako at kung minsan naman ay kinukuha ako ni ate na magbantay sa dalawang bata lalo na kapag may lakad siya.

Ngayong araw ay galing ako sa palengke naubos agad ang paninda kong mga pechay. Kaya maaga ako ngayon habang naglalakad ako ay nahagip ng mata ko ang nakapaskil sa labas ng bar. Lumampas na ako kaya unti unti akong bumalik para konpirmahin na tama ang nakita ko.

Halos tumalon ako sa saya dahil tama nga ang nabasa ko Wanted Waitress. Lumapit ako kay manong guard.

"Hi po kuya magandang umaga itatanong ko lang po kung may nahanap na po kayo sa waitress?" Tanong ko sa kanya.

"Magandang umaga rin sayo iha. Wala pa naghahanap parin sila kung gusto mo pumasok ka lang sa loob nandoon ang manager," sagot nito sa akin.

"Maraming salamat po," sabi ko kay kuya. Ngumiti naman ito sa akin.

Pumasok ako sa loob na wala man lang dala na resume at may dala pa akong bayong na mahaba. Kasing haba ng suot kong palda.

"Magandang araw po. Nakita ko po sa labas na naghahanap po kayo ng waitress. Wala po akong dala na resume pero kung okay lang po sa inyo isusulat ko na lang po ang personal information ko dito sa papel," lakas loob na sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Maganda ka at presintable sige isulat mo ang detalye diyan babalikan kita mamaya," aniya sa akin.

Umalis ito kaya umupo muna ako at nagsimula akong magsulat ng parang resume ko. Natuwa naman ako dahil pumayag siya na isulat ko na lang ang mga details ko.

Beatrice Vallencia

21 years old

Single (NBSB)

5'7

Under grad.

Current job selling some pechay.

No experience

'Yan ang mga isinulat ko sa papel. Natapos na ako bago bumalik ang manager. Tumawa ito nang nabasa ang sulat ko kaya maisip ko baka hindi ako tanggap.

"You're hired pwede ka na magsimula mamayang gabi. And one more thing hindi naman kailangan ng may karanasan ka. May magtuturo naman sa 'yo sa mga dapat mong gawin. Saka pabili ako ng pechay kung mayro'n gusto ko cyong fresh ha," sabi noya sa akin.

"Thank you Sir. Don't worry po Sir, fresh po ang pechay ko este 'yong pechay na tanim namin sa bakuran. Kung gaano po ka fresh ang nagtanim gano'n din po ang produkto. Haha! Sige po uuwi na po ako maraming salamat po," paalam ko sa kanya. Kahit ako natatawa sa mga sinasabi ko.

"Hahaha! ikaw talagang bata ka sige dalhan mo ako dahil gusto 'yon ng asawa ko," tumatawang bulalas niya sa'kin.

Mabilis akong umuwi sa bahay para ibalita kay inay na may nahanap ako na trabaho.

"Inayy..! May trabaho na po ako!" patiling sigaw ko kay inay habang papasok sa loob ng bahay namin.

"Susmaryosep kang bata ka ginulat mo naman ako.. Anong trabaho anak?" Tanong nito sa akin.

"Sa bar po inay," sagot ko sa kanya.

"Aba't lokong bata ito madaming disenteng trabaho diyan ba't doon pa," sabay kuha ng hanger niya.

"Relax lang po inay, kalma lang po muna kayo. Sa bar po kasi nag-apply po ako bilang waitress at natanggap ako doon sa sikat na bar. Sa bar po ng mayayaman. 'Wag po kayong mag-alala dahil wala po akong gagawin na labag sa prinsipyo ko. Magtatrabaho lang po ako," paliwanag ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganu'n, makukurot ko talaga ang singit mo pag nagkataon. Mag-iingat ka din doon sa mga lasing. Hindi natin alam ang mga mangyayari kaya mas mabuti ng handa ka," paalala niya sa akin.

"Opo inay mag iingat po ako," sagot ko sa kanya.

Hapon na kaya nagtinda muna ako ng meryenda na gawa ni inay. Pagkatapos ay namitas ako ng pechay para sa manager ko.Sayang din 'yon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may trabaho na talaga ako.

Maaga akong nag-ayos para makapasok ako ng maaga gusto ko na matuto sa bagong trabaho ko. Kaya sisikapin ko na maging maayos dahil first day ko.

"Magandang hapon po. Ako po 'yong bago lang dito ako po si Bea," pakilala ko sa kanila.

"Hi, I'm Cedrick you can also call me Ced if you want. I'm the owner of this bar," pakilala niya sa akin.

Nagulat ako nakatalikod kasi ito tapos humarap sa akin. Ang gwapo niya pero mas gwapo ang Jeff-jeff ko. Naalala ko na naman ang crush ko. Sa totoo lang kaya ang lakas ng loob ko na mag apply dito para makita lang si Jeff lagi dito. Balik tayo sa lalaking nasa harapan ko nawiwili na kasi ang isip ko kay Jeff namimiss ko na kasi siya.

"Naku! Sir hindi naman po puwede na tawagin ko lang kayo sa pangalan niyo," sabi ko sa kanya.

"Okay Bea this is your uniform. And this is Gemma siya ang magtuturo ng mga dapat mong gawin," pag imporma niya sa akin.

"Thank you po Sir," sagot ko naman sa kanya. Pagkatapos ay iniwan na niya kami.

"Hi Bea, ako si Gemma ako kasama mo sa duty mamaya. Okay naman dito dahil waitress lang talaga ang trabaho natin. Maayos rin kasi ang pamamalakad dito ni Sir Ced. Naku! girl ang daming pogi dito bumabaha lagi hahaha," masayang sabi niya sa akin.

"Talaga? Girl hahaha.. Salamat girl sa pagtuturo sa akin bago lang ito sa akin eh. Kaya pasensya kong mahihirapan ka sa akin," ani ko sa kanya.

"Wala 'yon! Dapat naman talaga turuan kita ganyan din ako noong bago ako dito," nakangiting saad niya.

Ngumiti ako sa kanya. Nagbukas na ang bar at masasabi ko na napakaraming tao na agad ang pumasok at nagsimula na silang mag party. Naging abala na kami lahat.Tama nga si Gemma dahil bumabaha nga ng gwapo dito. Ang lawak ng bar na ito dahil may VIP rooms, tapos may nagsasayawan sa baba at may dine-in sa itaas. Para naman 'yon sa mga gusto mag order ng pagkain.

Ang mga babae dito ay mahahalata mo na mayaman talaga. Kahit na hindi sabihin ay makikita mo sa awra nila.

Kahit nakakapagod ang gabi na ito pinasaya naman ako bigla. Dahil nakita ko lang naman ang nag mamay-ari ng pechay ko este puso ko hahaha. Speaking of pechay, ano kaya ginawa niya sa binigay ko? Ngayon pa lang nalulungkot na ako kung sakaling itinapon niya ito.

Hindi ko maiwasan ang titigan siya pagpasok pa lang nila ay lahat ng mata nasa kanila na. Walang itatapon dahil lahat gwapo. Umakyat ang mga ito sa VIP room. Ako naman ay pasimple lang na tumingin sa kanya.

Pabalik na ako sa puwesto ko ng tawagin ako ng boss ko.

"Bea go to VIP room with me. Ikaw na ang magiging waitress ng mga pinsan ko," sabi niya sa akin.

"Okay po Sir," sagot ko sa kanya.

Nagulat ako pinsan niya pala si Jeff-jeff ko. Hindi ko pinahalata sa kanya na kinikilig ako dahil makikita ko ang Jeff ko. Dito kasi kapag waitress ka doon kana magstay para maghintayin ng mga utos nila. Naglakad kami papunta sa taas.

'Hey f**kers!" bungad ng boss ko sa kanila. Ang bilis nila dahil may mga babae silang katabi na nakalingkis sa kanila. Gano'n din si Jeff, sumisiksik talaga ang babae sa kanya. Ang sakit naman sa eyes, saad ko sa sarili.

"Hey bro, woah who's the girl beside you bro? She's so pretty," sabi ng isang lalaki.

"She's Bea, my new waitress. But she's off limit kaya f**k off," sagot sa kanya ni Sir Cedrick.

"Woah! Ikaw ba 'yan? Is that you Ced? hahaha okay if you say so," inaasar nila ang boss ko pero tumigil rin sila dahil masama na ang tingin nito sa mga pinsan niya.

Nakatingin ako sa boss ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Bea don't mind them just serve what they want," aniya sa akin.

"Okay boss," sagot ko sa kanya.

Sinimulan ko na ang trabaho ko. Nilista ko ang mga gusto nila. Nang kay Jeff na ako ay kinabahan ako bigla. Nakatingin kasi ito sa akin. Kahit naiilang ako ay nakuha ko naman ng maayos ang order niya.

Kinuha ko na lahat at naiserve na ang alak nila. Kaya umupo na lang ako sa upuan na para sa akin. Minsan nahuhuli ko si Jeff na tumitingin sa akin pero umiiwas din kaagad.

"Let's begin the party!" sigaw ng isa sa mga kasama nila.

Tumayo sila at nagsimula ng sumayaw. Gano'n din ang mga babae nilang kasama. Pero ibang party ang kay Jeff dahil naghahalikan lang naman silang dalawa ng babae na katabi niya.

Nainis ako bigla kaya nag excuse ako sa boss ko na lumabas muna.

"Sir, puwede po ba akong lumabas saglit?" Paalam ko sa boss ko.

"Okay Bea," sagot niya sa akin.

Mabilis akong lumabas sa VIP room. Ang sakit ng mata at puso ko sa nakikita ko. Hindi ko matagalan na makitang may iba siyang kahalikan. Sumisikip ang dibdib ko.

BEA'S POV

Pumunta muna ako sa banyo. Doon ako tumambay ng mga limang minuto pagkatapos ay bumalik na ako doon sa VIP room. Pero wala na doon si Jeff pero nandoon pa ang babae na kahalikan niya kanina.

Ilang sandali pa ay bumalik na ito. Ang lawak ng ngiti niya. Kaya narinig ko na inasar nila ito. Sh*t ang gwapo niya kapag nakangiti wala na ata siyang ikakapanget. Yumuko na lang ako at naghihintay ng ipag-uutos nila ng biglang lumapit sa akin ang boss ko.

"Bea you can go home na. Alas tres na rin hayaan mo na sila mga lasing na ang mga iyan. Let's go na ihahatid na kita sa inyo," sabi niya sa akin.

"P-po? H'wag na po. Kaya ko po umuwi mag-isa malapit lang naman po ang bahay namin. Pagsisinungaling ko dahil ayaw ko magpahatid sa kanya. At bakit naman niya 'yon gagawin? Baka ano pa sabihin sa akin ng mga katrabaho ko. Na ki bago-bago ko ay ihahatid ako ng mismong boss.

"I insist ihahatid kita pauwi na rin ako," pursigidong sabi niya.

"Kayo po ang bahala kung mapilit po kayo talaga," sagot ko na lang sa kanya.

"Cut that po para naman akong matanda na eh 27 pa lang ako," sabi nito sa akin.

"O kita mo 27 kana mas matanda ka sa akin puwede na kitang maging kuya," sabi ko sa kanya.

"Tsskk, Mas bata ako kaysa sa mga pinsan ko at good boy pa ako," nakabusangot na sabi nito sa akin.

"Boss po kita kaya dapat lang na igalang kita," sagot ko naman sa kanya.

"Fine, pero kapag tayo lang dalawa tawagin mo akong Ced. It's's that clear?"

"Okay po ayy– Ced pala," nakangiting sabi ko.

Ngumiti naman ito halatang naaliw siya sa akin.

Nag uusap kami habang nasa biyahe. Mukha lang siyang suplado pero pala biro pala siya. Magaan din ang loob ko sa kanya. Hanggang nakarating kami sa bahay.

"Maraming salamat sa paghatid mo sa akin Ced ingat ka sa pag uwi mo," pasasalamat ko na saad sa kanya.

Ngumiti lang ito sa akin bago siya umalis. Pumasok na ako sa bahay pero gising pa si inay lumapit ako para magmano dito.

"Nay, bakit gising pa po kayo? Madaling araw na hindi kapa ba natulog?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako makatulog anak. Nag-aalala ako sayo. Sino ang naghatid sayo?" Tanong nito bigla sa akin.

"Ang boss ko po. Pauwi na rin kasi siya kaya isinabay na niya ako. Okay naman po ako inay magaan lang po ang trabaho ko at mag iingat po ako palagi. Kaya 'wag na po kayong mag alaala sa akin.Tara na po inay matulog na po kayo," sabi ko sa kanya.

"Mabuti naman kung gano'n anak mag iingat ka palagi," paalala niya.

"Opo maganda kong nanay," paglalambing ko sa kanya.

Ihinahatid ko muna si inay sa silid niya. May kalumaan lang ang bahay namin pero maayos pa naman ito. Pinatayo ito ni inay noong nag abroad siya at doon niya nakilala ang tatay ko. Pumasok mo na ako sa banyo para maglinis ng katawan bago matulog.

Humiga ako sa higaan ko na may manipis na kutson. Iniisip ko na pagtitiisan ko muna ang ganitong buhay. Dahil kapag nakapag-ipon ako ay mag aaral ulit ako. Para matupad ko ang pangarap ko na maging isang flight attendant at makasakay sa eroplano.

Sa pag iisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil na rin siguro sa pagod ko. Nagising ako ng alas nuebe ng umaga.

"Anak, bakit nagising kana? Ano oras pa lang kulang pa ang tulog mo," saad sa akin ni inay.

"Ayaw niyo ba akong magising nay? Dapat po magpasalamat kayo kasi magising ako. Si inay talaga hahaha!" pagbibiro ko sa kanya.

"Loko ka na bata ka! Seryoso ako dinadaaan mo na naman ako sa kalokohan mo pasaway ka talaga," nakangiting bulalas nito.

"Si inay talaga hindi na mabiro hahaha."

"Tumigil kana sa kakatawa mo at kumain na tayo para maka tulog ka ulit," saway niya sa akin.

"Sige po inay pero hindi na po ako matutulog. Magtitinda po muna ako ngayong hapon. Pagkatapos po ay matutulog ulit ako mamaya.

"Sige ikaw bahala. Nasta anak alagaan mo ang sarili mo huwag ka masyado magpagod," paalala niya sa akin.

Nginitian ko si Inay para hindi na siya mag alala sa akin. Ramdam ko na mahal na mahal niya ako. Kahit noong maliit pa ako ay ganyan na siya.

Lumabas na ako at pumunta sa bahay nila ate Caye dahil bibili daw ito ng meryenda.

"Ate nandito na po ang masarap niyong meryenda!" Masayang tawag ko sa kanya.

"Thank you Bea kanina ko pa gusto kumain niyan eh kami ng baby," nakangiting sabi ni ate sabay hawak sa tiyan niya.

"Baby po ate? Buntis ka ate?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo buntis pala ako. At itatanong ko na rin kung saan may ob-gyne dito," bigla na lang naging malungkot si ate habang nagtatanong.

"H'wag kana malungkot ate dapat masaya ka para maging palangiti ang baby niyo. Dahil diyan ililibre ko na lang ito ate. Gusto niyo po ba samahan ko kayo pumunta doon?"

"H'wag na Bea kunti na lang ang tinutubo mo diyan ililibre mo pa ako. Ito ang bayad ko dagdag mo sa pambili ng gamot ng inay mo. At kaya kong pumunta doon maabala pa kita," sabi niya sa akin.

"Okay lang ate ngayon lang kita ililibre saka may trabaho na ako. At kahit kailan hindi ka abala sa akin ate," saad ko sa kanya.

"Wow! Saan ang trabaho mo?" Masayang tanong sa akin ni ate.

"Sa bar po ate. Waitress ako sa maayos po na bar. Sikat po dito sa atin bar na iyon. Bar po ng mga mayayaman," saad ko sa kanya.

"Mabuti naman at maayos na bar. Pero mag iingat ka sa trabaho mo lalo na sa pag uwi mo. Maraming loko-loko sa paligid," paalala niya sa akin. Para rin siyang si inay.

"Opo ate masaya ako dahil nandoon lagi ang crush ko," kwento ko sa kanya.

"Basta sinasabi ko sayo crush ka na lang muna. Alam ko na nasa tamang edad kana pero tuparin mo muna ang mga pangarap mo."

"Opo ate crush lang po muna. Magiging FA muna ako bago maglandi hahaha," sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganu'n. Magbubukas pala ako ng bakeshop sa tapat ng Griffin's Diner sinisimulan ko na ang pagpapagawa," pagbigay alam niya sa akin.

"Wow!" parang naghugis puso ang mga mata ko sa nalaman ko. Kaya kinapalan ko na ang mukha ko.

"Ate pag nag-open ka ate hire mo naman ako hahaha," walang hiya-hiyang sabi ko sa kanya.

"Kahit hindi mo sabihin kukunin talaga kita para hindi ka magpuyat sa gabi," nakangiting sabi ni ate.

"Sige po ate. Ano ba 'yan excited na ako. Sige ate aalis na ako napasarap ang kwetuhan natin. Kailangan ko na pala maglako haha bye muna sa inyo," paalam ko sa kanila.

Lumabas na ako sa bakuran nila ate at nagsimula na akong maglako. Mabuti at naubos kaagad ang swerte kasi ng bwena mano ko si ate Caye na buntis.

Nalungkot rin ako kay ate nang malaman ko na hindi siya tanggap ng pamilya ng boyfriend niya dahil mayaman pala ito.

Si Jeff kaya? Ang pamilya kaya niya kaya din kaya nilang tanggapin ang mahirap na kagaya ko. Kung sakaling kami ang magkatuluyan. Nag over think na naman ako kahit alam ko na hindi ako mapapansin ng lalaki na 'yon.

Hindi ako ang tipo niya. Walang-wala ako sa mga babae na nakakasama niya ngayon. Nawalan na agad ako ng pag-asa sa kanya lalo na nawalan ako ng kumpyansa sa sarili.

Umidlip muna ako. Pagkatapos ay nagising ako. Nakahain na si inay kaya kumain na kami bago ako mag ayos papunta sa trabaho ko.

Paglabas ko sa silid ko nagulat ako dahil nandito lang naman ang boss ko sa bahay namin.

"Anak mabuti naman at lumabas kana. Ito pala ang boss mo napa kagwapong bata at magalang pa. Papasok na daw siya kaya naisip niya na isabay kana," nakangiting sabi ni inay.

"Naku! boss nakakahiya naman po sana hindi na kayo nag abala pa. Yakang-yaka ko po pumasok sa bar ng mag-isa. Saka po maaga pa," sabi ko dito.

Ngumiti ito sa akin. "It's fine Bea dito rin naman ang daan ko papunta sa bar," sagot niya sa akin.

"Hmmp ganu'n!" Sabay nguso ko."Okay tara na po," sabi ko sa kanya.

"Sige po inay aalis na po kami," magalang na paalam niya kay inay. Teka lang kailan pa niya naging inay ang nanay ko? Feeling 'to, saad ko sa sarili.

"Sige ingat kayo. Ikaw na bahala sa anak ko Ced. Ingat kayo," habilin ni inay dito. Bigla akong nahiya sa mga sinabi ng nanay ko.

"Opo makakaasa po kayo," nakangiting sagot niya kay inay.

Magka sabay na kami lumabas sa bahay pinag-buksan niya ako ng pinto ng kotse. Napaka gentleman niyang tao.

Maswerte din ang magiging girlfriend nito dahil mabait rin. Gwapo na mabait pa, parang si Jeff-jeff ko lang. Pero sa tingin ko gwapo lang mayro'n siya.

Nakarating kami sa bar. Nagsimula na naman ang gabi ko sa pagtatrabaho. Kahit na hindi kaaya-aya sa mata ko ang nakita ko kahapon ay hinahanap pa rin ng paningin ko si Jeff.

Nahihibang na nga siguro ako. Kasi kahit na nasasaktan ako ay nais ko pa rin siyang makita.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms. Callie
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH
Hello po sa inyong lahat na readers ni Chef. Sana po ay samahan niyo po sila hanggang dulo. Hindi po kayo magsisi dahil worth it po ang pagbabasa niyo hanggang wakas.. Ingat po kayo palagi. :)
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status