Home / Romance / Loving, Mr. Chef / CHAPTER 1 ( PECHAY )

Share

CHAPTER 1 ( PECHAY )

last update Huling Na-update: 2022-11-30 17:42:57

BEA'S POV

Isa akong simpleng babae na nangangarap na makaahon sa kahirapan. Kaming dalawa na lang ng aking inay ang magkasama sa buhay. Lumaki ako na hindi ko nakasama ang aking tatay pero kahit na ganoon binuo at ibigay sa akin ni inay ang sobra sobrang pagmamahal.

Ako si Beatrice Vallencia 21 years old na ako at NBSB ako (No boyfriend since birth) hindi ko pa kasi nakikita ang lalaking para sa akin. Crush crush lang muna ako sa ngayon. Mas mahalaga sa akin na may makain at makabili ako ng gamot para kay nanay. Hindi na rin kasi ako nag-aaral tumigil ako simula nang nagkasakit si nanay.

Palipat lipat din ako ng trabaho dahil kadalasan hindi ako natatanggap dahil wala naman daw bakante minsan pag meron naman pinapaalis ako kasi nagiging dahilan ako ng away dahil sa mga lalaking papansin at gustong manligaw sa akin. Madalas rin babae kapag inggit sila sa akin. Hindi naman sa pag mamayabang pero may height ako na pang beauty queen at ganda na pang artista hahaha.

Sa ngayon ay nagtitinda muna ako sa palengke. Madaling araw pa lang ay umaalis na ako ng bahay para maaga rin maubos ang paninda ko dahil maglalako pa ako ng meryenda mamayang hapon.

Habang naglalakad ako papunta sa palengke ay napadaan ako sa isang sikat na bar. Madalang ang tao sa daan at medyo madilim ang dinadaanan ko ng may biglang humila sa akin. Nagpumiglas ako at humingi ng tulong dahil natatakot na ako malaking lalaki ang humihila sa akin.

Laking pasasalamat ko dahil may lumabas mula sa bar. Ang gwapo niya at kilala ko siya dahil sikat ito dito sa Iloilo siya lang naman ang may-ari ng Griffin's Diner si Chef Jeff. Halos lahat dito sa amin ay may gusto sa kanya. Simula noong dise otso ako ay naging crush ko na siya ang balita ko ay wala pa itong girlfriend at napaka babaero nito.

Ito na naman ang puso ko sobrang bilis ng tibok nito ngayon hindi dahil sa takot kundi sa kilig ko. Dahil papalapit ito sa amin habang ang walang hiyang lalaki ay hindi parin ko binibitawan. Humingi ako ng tulong pero siyempre pabebe muna ako dahil nasa harapan ko si crush.

"Manong buligi ako," sabi ko sa kanya. (kuya tulungan mo ako). Hindi naman ako nabigo dahil tinulungan niya ako at sinuntok lang naman niya ang lalaki at ngayon ay nakabulagta sa sahig.

Ang buong akala ko ay patay na ito kaya tinanong ko pa si Chef.

"Kuya sa tingin mo, buhay pa ba siya?" Kabadong tanong ko kay Chef.

"Tsk! Inaalala mo pa siya eh," naiinis na sagot niya sa akin. At nagsuplado pa ito sa akin pero para sa tenga ko ay malambing parin ang pagkakasabi niya. Hibang nga siguro ako kong anu-ano na kasi ang naiisip ko at naririnig ko.

Super gwapo at hot niya talaga at napaka manly ng tindig niya. "Ano ba naman Bea umayos ka sa harapan niya?" saway ko sa sarili ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang dumukot ang kamay ko sa bayong at binigyan siya ng pechay na paninda ko. Nang makalapit ako sa kanya ay nalanghap ko ang mabangong amoy niya. Sobrang bango niya na parang ayaw ko ng lumayo sa kanya. Inilagay ko sa kamay niya ang pechay ko este pechay na gulay. May bigla na lang may kung anong kiliti ang dumaloy sa buo kong katawan.

Alam ko na nagtataka ito pero alam ko rin na hindi niya ako makikilala kaya mabilis kong dinampot ang bayong at tumakbo palayo sa kanya. Nang huminto ako sa pagtakbo ay napahawak na lang ako sa dibdib ko na ngayon ay malakas parin ang kabog.

Simula nang una ko siyang nakita ay sinabi ko sa sarili ko na ang "Pechay ni Beatrice ay para lang kay Chef hahahaha ang landi mo self," ani ko sa sarili ko.

Isang araw habang nagwawalis ako sa bakuran namin ay may lumipat sa katabi naming bahay. Nang bumaba sila sa sasakyan ay hindi ko mapigilan na magandahan kay ate. Dahil ang kinis niya at ang ganda-ganda niya para itong artista sa telebisyon. Katamtaman lang ang tangkad niya at ang sexy rin niya.

Ngumiti ito sa akin ng nakita niya ako. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Hi neighbor, ako gali si Bea kamo ang bag-o nga maestar diri?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako maintindihan kasi galing pala sila ng Maynila kaya nagtagalog na ako.

"Hi po kapitbahay ako po si Bea kayo po ang bagong titira dito?"

"Hi Bea ako naman si Caye pwede mo rin akong tawagin na ate Aye. Sorry ha hindi kita maintindihan galing kasi kaming Maynila. Oo kami ang titira dito nabili ko ito sa kakilala ni Tita sa Maynila, ito naman si Tita Nene at sila ang mga anak ko si Fae at Blair. Mga anak say hi to ate Bea," sabi niya sa dalawang magandang batang babae.

"Hi po ate Bea ang pretty niyo naman po at ang tangkad niyo para po kayong model," papuri sa akin ni Fae.

"Welcome to Iloilo ate Caye, tita Nene at mga magagandang bata Fae at Blair hindi naman ako model pero pangarap ko maging FA as Flight Attendant someday po," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Thank you Bea."

Bubuhatin niya sana ang mga dala nila ng pinigilan ko siya. "Tulungan na po kita ate," ani ko.

"Salamat talaga Bea tara pasok tayo," nakangiting sabi sa akin ni ate.

Napakabait ni ate Caye pinapasok niya ako. Malinis ang bahay dahil bago pala sila lumipat ay nilinis na nang caretaker.

Kahit may dalawa na siyang anak ay hindi halata dahil ang fresh at ang bata niya tignan.

"Bea sino ang kasama mo sa bahay?" Tanong niya sa akin.

"Ang inay ko po ate kami po ang magkasama sa bahay hindi ko po kasi nakilala ang papa ko," sagot ko sa kanya.

"Sorry ha kung naitanong ko gusto ko lang naman kasi alamin para malaman ko kung sasakto ba ang ibibigay ko," medyo malungkot na sabi ni ate.

"Naku ate okay lang po. At ate nag-abala kapa nakakahiya po," saad ko.

"H'wag kana mahiya magkapitbahay na tayo ngayon."

"Maraming salamat ate kung may kailangan ka tawagin mo lang ako at itanong mo lang sa akin kapag may gusto ka malaman," sabi ko sa kanya.

"Okay Bea thank you," sagot sa akin ni ate Caye.

Umuwi ako sa bahay at ibinigay ko ang pagkain kay inay kasama na rin ang iba pa na ibinigay ni ate Caye.

"Nay may bago tayong kapitbahay galing sila ng Maynila at ang bait nila ito oh binigyan nila tayo nito," masayang kwento ko kay inay.

"Naku! nakakahiya naman anak talaga bang may lumipat na sa kabila.?"

"Opo inay sila ate Caye ang ganda po niya at ang bait bait pa po niya.Sila po kasi ang nakabili ng bahay nila Aling Sita," dagdag na sabi ko.

"Ganu'n ba anak? Kumuha ka ng mga gulay sa bakuran para may maibigay naman tayo sa kanila nakakahiya dahil alam ko ang mahal ng mga ito at ang dami pa," utos sa akin ni inay.

"Opo inay kukuha po ako ng pechay at iba pang gulay para may maibigay tayo sa kanila."

Pumunta ako sa bakuran na kumuha ng gulay pagkatapos ay dumiretso ako sa bahay nila ate Caye.

"Ate pinapabigay po ni inay maraming salamat daw po sa mga binigay niyo kanina."

"Naku! Bea nag abala kapa. Bigay ko talaga  'yon sa inyo at dahil masama ang tumanggi sa blessing tatanggapin ko ito sakto dahil kanina pa ako nag iisip na bumili ng pechay magluluto kasi si tita ng kare kare. Kung okay lang sa inyo ng inay mo sabay na tayo dito kumain mamayang gabi masaya kasi kapag marami tayo," sabi niya sa akin.

"Sige po ate sasabihin ko po kay inay maraming salamat po uuwi na po ako," paalam ko sa kanya.

"Salamat din sa pechay mo Bea."

Ngayong gabi ay pumunta kami sa kanila ate dahil nakakahiya naman ang tumanggi dahil napakabait niya. Si inay at tita ay talagang magkasundo agad nagkukwentuhan na silang dalawa natapos ang hapunan na masaya at puno ng tawanan.

Ngayon lang ako nakaranas na may tumanggap sa amin ni inay dahil kahit ang mga kapamilya niya ay ayaw sa amin.

Masaya ako dahil may bago kaming pamilya ni inay.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat Ms. Callie
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH JULY
Hello po, sorry po kung may iba na chapters na unedited. Thank you po sa pagbabasa at pag-unawa. Ingat po kayo palagi.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Loving, Mr. Chef   SPECIAL CHAPTER

    AFTER SO MANY YEARSBEA'S POV Lumipas ang maraming taon at naging masaya ang pagsasama namin ni Jeff. Kung gaano siya kalambing sa akin noon ay hindi man lang nagbagonkahit na may mga dalaga at binata na kaming mga anak.Kagaya ngayon na lang ngayon ay pinagsasaluhan namin ang isang mainit na tagpo."Uhmm langga ang sarap mo.." Ungol ng asawa ko sa edad niya ay malakas pa rin stamina niya pagdating sa sexy time namin."Daddyy ang galing mo.. Ohhh!" Hindi magkamayaw na hiyaw ko dahil pabilis ng pabilis ang bawat galaw niya.Sobrang bilis ng galaw niya. Pagabi pa lang at wala ang mga anak namin. Pumunta sila sa bahay ng tita Caye nila. Ngayon pa lang natuloy ang balak pa niyang gawin kagabi. Madalas kasing matulog ang kambal naming anak dito sa silid namin.After seven years ay nasundan ang triplets at kambal na babae sila. Identical twins at talagang magkamukha si lang dalawa.Si Akira ay may balat sa likod at si Aira naman ay walang balat."F*ck! Langga.. I'm coming again ohh.." sabi

  • Loving, Mr. Chef   WAKAS

    BEA'S POV Lumabas kami sa kwarto at inalalayan nila ako."Saan tayo pupunta? Tulungan niyo naman ako. Siguro hinahanap na ako ng asawa ko," pakiusap ko sa kanila pinipigilan ko rin na umiyak."Nandito na po tayo madam," sabi sa akin ni love na siyang nag make-up sa akin.Tinanggal nila ang takip sa mata ko. Hindi ko muna binuksan dahil may pangamba ako. Nang wala akong marinig sa paligid ay idinilat ko na ang mg mata ko.At bumungad sa akin ang isang garden na punong-puno ng mga butterflies at mga ilaw na kumikinang. Ganitong-ganito noong first date namin sa bahay nila.Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napansin agad ang suot ko. Napaupo ako sa gulat ng tignan ko ang damit ko. Naka wedding gown ako at 'yong wedding gown na ako mismo ang gumihit. Ito 'yong drawing ko noong high school ako na gusto ko isuot kapag ikasal ako. Nang tumingin ako sa harap ay nakita ko ang asawa ko mayroon pa lang chapel doon.Tinulungan naman ako nakatayo ng mga kasama ko kanina. Nag-unahan ang mga luha kong p

  • Loving, Mr. Chef   CHAPTER 83 ( NEW HOUSE, NEW YEAR )

    JEFF'S POVMasaya ang araw ng binyag ng triplets. Nandito ang buong pamilya ko at mga kaibigan ko. Hindi ko lang maiwasang magalit noong nakaraang gabi. Pero nagkaayos na kami ng pinsan ko. Ayoko lang ang ginawa niya pamamahiya sa asawa ko.Dito sa Griffin's ang venue. Nakakatuwa dahil hands-on ang asawa ko pag dating sa mga decorations. Gabing-gabi na kami nakauwi sa bahay ng parents ko. Dito muna kami mag stay for one week.Itataon kasi namin na new year ang paglipat sa bagong naming bahay. Sobrang saya ko dahil ito na talaga ang simula ng pamilya namin. May makakasama naman ang asawa ko sa bahay para mag alaga ng mga anak namin at ako naman ay patuloy na magtatrabaho sa Griffin's. After one week ay nakabalik na kami sa Manila. Bukas ay new year na. Dito na kami dumiretso pagdating namin.Naghanda si inay ng munting salo-salo.Masaya ang naging hapunan namin. Ito ang unang gabi namin sa bagong bahay at katulad ng inaasahan ay pinagsaluhan namin ang isang mainit na gabi. Simula rin n

  • Loving, Mr. Chef   CHAPTER 82 ( PREPARATION )

    BEA'S POVMabilis umusad ang kaso laban sa mommy ni Hanna. Naging maayos ang lahat sa pamilya ko. Nakulong ang mommy ni Hanna at napatunayan din na walang kasalanan si Hanna sa nanyaring aksidente sa akin.Ang mommy niya pala ang may pakana ng lahat. Si Hanna naman ay kasama ni Steven ngayon tinutulungan niya ito para gumaling. Iba ang nagagawa ng pag-ibig dahil kaya ka niyang baguhin. Napapasaya at dahilan din minsan ng kalungkutan.Umuwi kami sa Iloilo dahil doon gaganapin ang binyag ng kambal. Napagkasunduan kasi namin na magpabinyag na.At dahil karamihan sa pamilya ni Jeff ay nakatira sa Iloilo doon namin ito gaganapin. Masaya kaming sinalubong ni mommy at ng mga pinsan niya.Medyo nailang pa ako sa kanila kasi alam ko na alam nila ang tungkol sa nakaraan namin ni Cedrick. Pero humanga ako ng husto sa pamilya ng asawa ko dahil hindi nila pinaramdam sa akin na dapat akong mangamba o mahiya. Napaka bait din ng mommy ni Ced.Ako ang nahihiya sa sobra nilang kabutihan sa akin. Sa sus

  • Loving, Mr. Chef   CHAPTER 81 ( SAFE )

    Warning Matured content!!BEA'S POVNagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Hindi ako alam kong nasaan ako. Ang alam ko ay natulog ako sa kama namin. Nagtampo pa nga ako sa asawa ko dahil nagpunta ito sa bar at may marka ng lipstick sa leeg niya.Bumukas ang pinto at pumasok ang mommy ni Hanna. Ngayon ay alam ko na siya ang may kagagawan ng lahat."Ow! The Heiress is now awake. Ano kayang gagawin nila kapag nalaman nilang nawawala ka? Kasalanan ito ng mga magulang mo," nakangising saad niya sa akin."Baliw kana!" Sigaw ko sa kanya."Hahaha ako baliw! Akala ko nga mamatay kana. Ang laki pa naman ng binayad ko doon sa sumagasa sa 'yo. Hindi nila nalaman na ako ang may kasalanan at hindi si Hanna. Kasalanan ng ama mo ang lahat kung minahal lang sana niya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi sana tayo hahantong sa ganito," sabi niya."Ang sama mo! Pati anak mo hinayaan mong mapagbintangan sa kasalanan na hindi niya ginawa," galit na sabi ko sa kanya."At ano ang gusto mo. Magpakul

  • Loving, Mr. Chef   CHAPTER 80 ( KIDNAPPED )

    JEFF'S POV Walang pagsidlan ang saya ko ng malaman ko na nakakaalala na ang asawa ko."Langga, baka pwede na tayong lumipat sa bahay natin?" Tanong ko sa kanya dahil tapos na ang bahay na pinagawa ko para sa pamilya namin."Daddy, puwede ba sa new year na lang dalawang buwan na lang 'yon." Sagot niya sa akin."Okay langga," sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.Ayos lang naman sa akin. Siya pa rin kasi ang boss ko. At maganda rin naman na new year kami lilipat para bagong bahay at bagong simula para sa amin. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Jackson na nahuli na ang nakabangga sa asawa ko kaya nagpaalam muna ako sa kanya bago ako umalis."Langga, may pupuntahan lang ako." Paalam ko sa kanya."Saan naman ang lakad mo at gabi na?" Nag-aalalang tanong niya sa akin."Pupuntahan ko lang si Jackson," sagot ko sa kanya."Ganu'n ba, ingat ka daddy." Nakangiting sabi niya.Mabuti naman at hindi na ito nagtanong pa. Ayaw ko kasi na mag-alala siya. Gusto kong protektahan ang asawa ko."

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status