CHAPTER 3
"Kalimutan mo na ang nakaraan, Celine. Nagsisi na ang daddy mo and wala ka ng magagawa dahil iyon ang kapalaran mo. Patawarin mo na siya at tanggapin ang nangyari," sabi niya sa akin. Pinandilitan ko siya ng mata.
"Sa tingin mo mapapatawad ko siya? Hindi! Kahit mamatay pa siya sa harap ko," galit na sabi ko. Nakita ko na naaawa siya sa sitwasyon ko.
Hindi ko maaaring patawarin ang katulad niya. Sinira niya ang kaligayahan ko. Sinira niya ang bagay na dapat mayroon ako.
Nakarating na rin kami sa isang cafe.
"Ikaw ang bahala," pagsuko niya.
"Alam mo ang pinagdaanan ko. Nakita mo paano nasira ang pamilya namin at nakita mo ang pagdudusa ko," sabi ko sa kaniya.
"Naiintindihan naman kita pero kahit anong gawin mo ama mo pa rin siya. Kahit baliktarin mo ang mundo, magka-dugo pa rin kayo at mag-ama," paliwanag niya.
Hindi ako nakakaramdam ng awa sa kaniya. Galit at pagkamuhi, iyan ang nararamdaman ko.Take out nalang ginawa namin dahil pinapa-uwi na siya ni daddy
Habang pauwi ay nakikita ko sa peripheral view ko ang pag-sulyap niya sa akin. Hindi na siya nagsalita dahil baka ano pa ang maisagot ko sa kaniya. Isa sa mga ayaw kong mabuksan at maalala ay ang nakaraan ko. Pero hindi ko rin ito kayang kalimutan nalang. They say you'll heal if you forgive. But I can't forgive my father.
After a long ride, we arrive in our house. I saw a man sitting on our couch. Then I saw my father going downstairs.
"Iha andito ka na pala," nakangiting sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin.
"Akyat na ako sa taas," sabi ko kay Kio. Nilagpasan ko si daddy at hindi nalang siya pinansin. Habang paakyat ako ay nakita ko na tumayo iyong lalaki. Saka nakipagkamay kay daddy. Bagong kasosyo na naman niya? Or baka may ipapa-patay na naman siya.
Tsss sana dumating ang karma mo.
Pumasok nalang ako sa loob ng kwarto. I want to sleep because I am tired.
Kaya naman nagpalit ako ng pambahay na damit saka nahiga sa kama ko. Inantay na makatulog ako.
Nagising ako ng maaga kaya pumasok ako CR para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas ako ng kwarto. Iyon nga lang ay pagtapat ko ng hagdan nakita’t narinig ko ang hiyaw ni daddy.
"What the hell? Is that person think I am threatened? No, I'm not," rinig kong hiyaw niya.
Nang makababa ako nakita ko ang galit na mukha ni daddy.
Ano kayang problema?
Hindi ko nalang siya tinanong dahil busy sila mag-usap kasama iyong lalaki na nakita ko. Wala rin naman akong pakialam.
Teka, Anong oras na ba?
Nakita ko na may naka-handa nang pagkain sa lamesa.
"Ay mabuti naman po ma'am bumaba na kayo. Tatawagin pa lang po sana kita para kumain ng hapunan," biglang sabi ng isang yaya namin na nag-aayos ng lamesa.
Ibigsabihin gabi na pala.
"Anong oras na?" Tanong ko sa kaniya.
"8pm po ma'am," sagot naman niya sa akin.
Hindi na ako nag-respond. Binuksan ko ang refrigerator saka naghanap ng maiinom. Nakakita chuckie kaya naman kinuha ko na ito. Nagsalin ako nito sa baso saka ibinalik sa ref. Umupo naman ako at ipinatong sa lamesa ang inumin ko.
"Manang anong niluto niyo?" Tanong ko sa tagaluto namin habang nakatingin ako sa kaniya.
"Nagpaluto ang senyorito ng Beef steak at adobong baboy," sagot naman niya na hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.
Mga paborito ko ang ipinaluto niya. Tsk kunwari nagsisi.
Maya-maya ay inilapag nila ang adobong baboy.
"Kain na raw po kayo ma'am, may pinag-uusapan pa ang daddy mo at mga bisita niya," sabi ni Klarisa. Ang mayordoma namin.
"Salamat manang, ano bang pinag-uusapan nila?" hindi ko alam bakit na-curious ako.
"Ang narinig ko po ay isa sa tauhan ng daddy niyo ang pinatay. May nagbigay rin po ng death threat sa daddy niyo," sagot naman niya.
"He deserve," bulong ko sa sarili ko.
"Hindi niyo pa rin po ba napapatawad ang ama ninyo?" Naaawang tanong sa akin ni Manang Klarisa. Tiningnan ko siya.
"Manang magiging masaya pa ako kung mamatay na siya," sagot ko sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko. Sumandok naman ako ng kakainin ko.
"Anak na ang turing ko sa iyo. Celine, hindi mo maaaring sabihin yan. Daddy mo pa rin siya at alam kong mahal ka niya pati ang mommy mo. Alam ko iyon dahil saksi ako sa kanilang dalawa," tiningnan ko lang siya habang nagsasalita. "Mahal na mahal ng ama mo ang nanay mo. Kahit na gumagawa siya ng masama hindi ko nakita na sinaktan niya ang mommy mo. Hindi rin niya naisip mambabae. Oo hindi siya mabuting tao pero mabuting ama at asawa siya," kwento ni manang. Hindi ko alam pero galit pa rin ako.
"Manang alam naman natin na siya ang dahilan kung bakit namatay si mommy," magalang na sabi ko sa kaniya. Sumubo naman ako ng kanin at ulam.
Hinaplos niya ang likod ko pati ang buhok ko.
"Iha hindi man ngayon, alam ko mapapatawad mo rin ang daddy mo. He always thinks about you. About your safety," she said.
Hindi ko alam pero tumatak na sa akin ang nakaraan. Tumayo na siya bago siya pumunta sa sala ay may sinabi siya.
"May mga masasamang tao ang nagmamahal din," naka-ngiti niya iyong sinabi sa akin .
Itinuloy ko naman ang pagkain ko. Nakita kong pumasok na ang daddy kaya kumuha akong tubig sa pitsel at nagsalin sa baso ko. Uminom lang ako tubig saka tumayo at binitbit ang chuckie ko na nasa baso.
"Are you done?" my dad ask me.
"Yes dad," malamig na tugon ko.
Nakita ko naman sa tabi niya ang naawang mukha ni manang Klarisa kasunod nila ay si Kio.
"Okay," narinig kong sabi ni daddy.
Dumeretso na ako at pumunta sa kwarto ko para magsulat. Pag-upo ko sa working table ko nakita ko ang family picture namin nila mommy. Nakayakap silang pareho sa akin at masaya kami. Naka-ngiti ako at kasama pa namin si mommy. Bigla ko siyang naalala kaya tumulo na-naman ang mga luha ko.
"Mommy I miss you," umiiyak na sabi ko habang hawak ang picture frame namin.
Hindi kami ganito sana kung sinunod mo lang ang gusto ni mommy. Sana hanggang ngayon masaya pa tayo kahit ganyan ang gawain mo. Naaalala ko ang mga ala-alang kaysarap balikan. Bakit kasi si mommy pa. May ama bang nagmamahal sa anak na hinayaan niyang masira ang pamilya niya? If I could choose who I want to die, i'll choose him.
Ilang araw kong pinag-isipan ang magiging desisyon ko. May parte sa akin ang gusto na siyang bigyan ng chance pero mayroon sa akin na huwag kasi baka maulit lang din ang nakaraan. Palaisipan din sa akin paano napatawad nila tita si Kio gayong galit siya sa kanila. Alam ko naman na hindi naman talaga siya masamang tao pero the fact na pinagkatiwalaan siya ng pamilya ko pero trinaydor kami isa na iyong redflag sa pagkatao niya. “Anak,” tawag pansin sa akin ni tita na umupo sa tabi ko at sinamahan akong tumingin sa kawalan. “Alam ko na hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga nangyari noon at alam ko na nasasaktan ka pa rin. Pero kung hindi ka magpapatawad mananatili ka lang sa nakaraan. Kailangan mong lumakad pasulong pero hindi para kalimutan ang nagyari kung hindi magpatawad ka,” mahabang litanya niya sa akin. Huminga ako ng malalim. “Pero sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang lahat pero hindi ko alam,” frustrated na sagot ko. Hinawakan ni tita ang balikat ko. “Ano ba ang narar
Nagpaalam naman na si Kio nang may tumawag sa kaniya mula sa phone bago umalis. After ng pag-alis niya ay nagising naman si Tita Rica. Tiningnan siya ng doktor at okay na raw siya at pinayagan na siyang umuwi. Pag-uwi namin sa bahay ay doon lang ako chinika ni Serenity habang nagpapahinga si Tita sa kwarto niya. “Ano iyon teh?” Malisyosong tanong niya. Tiningnan ko siya ng blangko. “Wala,” sagot ko. “Wala? Hindi ka umuwi kagabi, alalang-alala sa iyo si tita pagkatapos pupunta ka ng ospital na siya ang kasama mo?” Tila nanay na nagdududa sa anak niya. Napairap na lang ako sa hangin dahil para akong nasa isang hot sit. “Inabot niya ako sa club okay but nothing is happen. May gf na yata siya or asawa,” sagot ko sa tanong niya. Umirap din siya sa hangin. “Sabi mo ei,” sabi niya pero alam kong hindi siya satisfied. Hindi na siya nag-usisa pa at hindi na rin namin sinabi kay Tita Rica dahil ayaw ko rin naman ma-stress siya. Hindi naman na siya nagparamdam pagkatapos ng araw na iyon k
Hindi ko na inisip pa paano nakuha ni Kio ang number ko dahil wala naman na akong pakialam lalo na sa kaniya. Ngunit hindi ko alam pero kusa siyang iniisip ng utak ko. Hanggang sa panaginip ko ay naririnig ko ang boses niya. Hindi rin ako makapag-trabaho sa company dahil naiisip ko siya. Hindi na ako makapag-concentrate kaya mas pinili ko na pumunta sa isang club malapit sa opisina ko after ko pirmahan lahat. Malapit naman ng dumilim nang pumunta ako kaya ayos lang. Umorder akong alak vodka, mga 5 shots siguro hanggang sa nasundan pa iyon dahil hindi pa ako nakokontento. Habang mag-isang umiinom ay pinanunuod ko lang ang mga nagsasayawan at ang ikot ng mga disco lights. Habang tumatagal din ang oras ko at dumadami ang naiinom ko ay nararamdaman ko na ang mga talukap ko na parang babagsak. Hindi ko na rin maiayos ang lakad ko dahil parang nanghihina ang mga tuhod ko. Kahit pilitin kong maglakad ng tuwid ay hindi ko magawa. Dama ko na gumegewang akong naglakad palabas ng club na ito p
Kinabukasan ay nagplano ako na bumili ng gamit ko at mabuti na lamang ay pinahiram ako ni Kairus ng sasakyan at pera. Babayaran ko na lang daw kapag nakapag-simula na ako sa trabaho ko. Mabuti na lamang dahil nandyan si Kairus at tinutulungan niya ako. Pumunta na nga ako sa mall para bumili ng gamit ko. Habang naglalakad ako bitbit ang mga pinamili ko ay biglang may tumama sa akin na isang babae dahil busy ito sa kanyang telepono. May kausap siya sa phone habang hirap na hirap siya sa kanyang mga bitbit. Nahulog ang mga dala niya nang mabunggo siya sa akin kaya naman pinulot niya ang mga ito habang nag-sosorry siya sa akin nang hindi tumitingin. Ako naman ay tinulungan siya dahil naawa ako sa kaniya. Nang ibalik ko sa kaniya ang gamit niya saka lang siya tumingin sa akin.“Salam-” Napahinto siya sa sasabihin niya nang magkatinginan kaming dalawa habang ako ay tila tumigil din ang mundo nang mapatingin ako sa mga mata niya. Dahan-dahan kaming tumayo na tila hindi naalis ang mga mata
KIO’S POVMakalipas ang limang taon. Huminga ako ng malalim at unti-unting ngumiti habang nakatingin sa kalangitan pababa malawak na paligid. Sariwang hangin mula sa labas ng selda ang sumalubong sa akin sa labas ng opisina ng mga pulis. Limang taon na ang nakalipas simula ng araw na iyon. Kamusta na kaya siya?“Oh Kio sana ay hindi na tayo muling magkita ha,” nakangiting bilin sa akin ni Sargeant Erfe. “Yes Sarge,” sagot ko saka sumaludo sa kaniya. Naglakad na ako palayo sa gusaling iyon at lumingon muli saka kumaway kay Sargeant Erfe bilang pamamaalam. Pinalaya nila ako dahil nakatanggap akong parol sapagkat naging mabait ako sa loob ng selda. Dapat ay habang buhay ang sintensya ko pero dahil buong pag-stay ko sa loob ay wala naman silang nakitang problema sa akin ay binigyan nila akong pagkakataon na magbagong buhay na at palayain na. At ngayon ang araw ng paglaya ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin dito sa labas pero isa lang ang gusto ko. Bumalik sa buhay ni Celi
Inuwi nila ako nang hapon na iyon. Na-discharge ako agad pero kailangan ko mag-undergo sa medication ko dahil nga may mental health is not healthy. Mayroon akong PTSD then having depression. Because of the past experiences at iyong mga na experience ko. Kaya nagkaroon akong post traumatic stress disorder. Kaya naman inalalayan talaga nila ako. Binabantayan nila ako ng sobra. Hindi nila ako hinayaang asikasuhin ang hustisya para kay daddy. Umuwi si tita Rica para samahan ako. Then bigla pagdating niya nalaman niya ang ginawa ko kaya mas nag-aalala siya kung iiwan niya ako rito at kung ako pa ang lalakad sa mga requirements para sa libing ni daddy. And hindi rin ako makalapit kay Kio at kay Krystel dahil nga sa ginawa nila.Hindi ko matanggap ang ginawa nila sa akin. Nasasaktan ako ng sobra. I can't believe this is happening.I feel I am alone. Even there are people around me letting me feel that they are beside me. "Celine you need to drink your medicine. Bago tayo pupunta sa memo