CHAPTER 4
Nakatulog na pala ako sa ka-iiyak kagabi dahil sa ala-alang hindi ko makakalimutan.
Hindi pa sana ako babangon kaso narinig ko ang tunog ng phone ko. Nakapikit kong kinapa ang cellphone ko para hanapin kung saan ko ito inilagay. Then nakuha ko siya sa ilalim ng unan ko. Agad kong iminulat ang mata ko nang makuha ko ang phone ko and I saw the name calling. Editor ko pala ang tumatawag.
"Hello," inaantok na sagot ko sa call.
"Celine you need to finish your novel as soon as possible because we need to publish it," bilin naman ni Rina. Ang editor ko sa isang publishing house.
Isa akong writer sa isang publishing company. Ayaw ko magtrabaho sa company ng daddy ko dahil hindi ko gustong magtrabaho sa pag-aari niya.
Alam ko balang araw ay mamanahin ko rin iyon. Pero wala naman akong pakialam sa kompanya niya eh. Mas mahal ko ang pagsusulat. Mas gugustuhin kong magsulat kaysa makita siya sa office.
"Okay fine," tamad na sagot ko. Pinatay niya na ang call. Bumangon naman na ako sa aking pagkakahiga. Saka ako dumeretso sa banyo para maghilamos at mag-tooth brush. Nang matapos na ako sa morning routine ko ay lumabas na akong kwarto at bumaba sa may kusina at nakita ko namang patapos nang kumain si daddy.
"Kumain ka na Celine," malambing na sabi niya nang mapansin ang presensya ko.
"Morning," malamig na bati ko sa kaniya. Nagtimpla akong milk saka kumuha ng oat meal. I am on my diet kaya oatmeal lang. Inilagay ko ito sa tray para sa office nalang kakain.
"Ma'am ako na po ang magdadala niyan sa opisina niyo," presinta ng isa sa katulong namin. Ngumiti ako sa kaniya.
"Hindi na, ako na," nakangiting pagtanggi ko.
Hindi na ako nagpaalam kay daddy, tumalikod na ako't naglakad. Nakita ko sa peripheral view ko ang pagsulyap niya sa akin bago niya tapusin ang pagkain niya.
Dumeretso ako sa working room ko, kung saan ako nagsusulat. Ang kwarto kong ito ay puno ng mga aklat. W*****d books, novel from different writers and my books. Pagpasok mo ay makikita mo ang aklatan na nasa tapat ng lamesa kung saan ako nagsusulat. Ang lamesa ko ay makikita sa kanan at ang aklatan ko ay nasa kaliwa. Magkaharap sila pero kapag nagsusulat ako nakatalikod ako sa aklatan ko. Ang bintana ko ay nakatapat sa aking pintuan. Sa may harap naman nito ay isang drawer kung saan andoon ang mga notes and scratch ko. Mga unang pinagsulatan ko ng book. Maayos ang kwarto ko. Napalilibutan ng mga aklat ang kwartong ito. Ang space lang ata ng kwarto ko ay ang papunta sa bintana ko.
Sa may lamesa ko ay may isang computer ako. Sa computer ako nagsusulat. Sa tabi ng pintuan ko may akalatan din. And sa may kabila ng lamesa ko ay ang kabinet nga. Yong aklatan ko na nasa gilid ay pa-L ang ayos. Kaya napapalibutan talaga ako ng mga aklat.
Simula high school ako nangongolekta na ako ng iba't ibang libro. Halos karamihan sa mga nakoleta ko ay mga nabasa ko na.
Bookworm daw ako sabi ng mga kaklase ko dahil madalas ay nasa isang gilid lang ako nagbabasa. Bihira ako lumabas ng room namin nong high school ako. Madalas ay nasa classroom na ako kumakain. Andiyan lagi si Kio para bilhan ako ng foods kaya hindi ko na kinailangan pang lumabas. Madalas kahit naglalakad ay nagbabasa ako. Mas gugustuhin kong magbasa kaysa makipag-usap sa ibang tao.
Hindi ako interesado sa ibang tao maliban kay Kio. Marami ang gustong makipagkaibigan sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Hindi ako masungit pero hindi talaga ako interesado sa pakikipag-usap sa mga kaklase ko. Kaya naman nagdecide ako pasukin ang mundo ng pagsusulat noong ako ay mag-fourth year. Sa w*****d ako unang nagsulat. Noong una ay walang pa akong maraming mambabasa. Pero habang tumagal ay dumadami na rin. Hanggang sa maging official writer ako ng isang publishing house.
At ngayon eto ang trabaho ko. Kumuha akong Bussiness Ad kahit taliwas sa ginagawa ko, iyon ay kagustuhan ko at hindi ako pinilit ni daddy. Suportado nila ako sa lahat ng gusto ko. Sunod ako sa luho dahil nag-iisang anak.
Iyon nga lang ay wala akong masayang pamilya na.
Naubos ko agad ang oatmeal na kinuha ko at ang milk na tinimpla ko. Kaya nagsulat na nga ako. Ang isinusulat ko ngayon ay ang The True Love. Isang romance story na may halong adult scenes.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko ang oras at tanghali na kaya bumaba ako sa baba. Wala si daddy dahil nasa kompanya na siya.
Nakita kong nagluluto pa sila. Inilagay ko ang hugasin ko sa lababo saka dumeretso sa ref.
"Ma'am baka gutom na po kayo. May niluto ho kaming kare-kare," biglang sabi ni Serenity. Ang anak ni Manang Klarisa. Nginitian ko siya.
"Salamat," sagot ko naman.
Umupo na ako sa lamesa upang kakain na. Mayroong kare-kare sa lamesa at mayroon ding adobo. Mayroon ding dessert ang nakalagay. Habang kumakain ako ay biglang pumasok si Kio.
"Bilisan mo na riyan at malelate ka na senyorita," paalala ni Kio. Kinunutan ko siya ng noo.
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Ay, nakalimutan mo ba na ang book signing mo ay ngayon?" sarkasitikong tanong niya. Napahawak ako sa noo ko at napapikit nang maalala.
"Oo nga pala, kumain ka muna riyan," sabi ko naman. Binilisan ko ang pagkain at siya ay kumain na rin.
Umakyat ako agad sa kwarto ko para mag-ayos na. Nagmadali akong maligo at saka nagbihis. Nag-make up lang akong kaunti at isinuot ang relo ko pati ang gold necklase ko. Nag-silver earing naman ako na hugis puso. Nang makontento na ako sa ayos ko ay bumaba na ako. Nakita ko si Kio nag-aantay sa salas sa akin. Tumayo naman siya nang makita akong nakababa na.
"Let's go?" Inalok niya ang kamay niya at inabot ko rin ito.
Siya ang driver ko ngayon. Sa lahat ng book signing ko ay kasama ko siya. Siya na rin siguro ang sekretaryo ko.
Nang makarating kami sa mall at nakita na namin sa taas ang dami ng tao. Karamihan ay mga kabataan. Pinagbuksan ako ng pinto ni Kio at saka ako bumaba.
"Daming fans ah," sabi niya.
"Yeah," kibit-balikat ko naman na sagot.
Nag-elevator nalang kami to make sure na hindi ako maiistranded sa aking pupuntahan. Inalalayan ako ni Kio nang makarating na kami sa floor saan ako mag-bobook signing. Napaka-raming tao ang andito. Nakalimutan ko magdala ng bodyguards. Buti nalang may guards na naka-assign sa book signing ko. Sila ang humahawi ng mga tao sa daraanan ko. Marami rin ang nakikipagkamay sa akin.
Sa wakas nakarating na ako sa table ko. Nakita ko si Rina roon at naka-kunot na ang noo.
"Sorry nakalimutan ko," nakangiting sabi ko.
"Next time do a notes," bilin niya. Umupo na ako sa upuan ko upang magsimula nang magpirma.
Maraming kamera ang nakapalibot sa akin. Nasa tabi ko ay si Rina at si Kio. Habang nagpipirma ako may iba ang nakikipagkamay sa akin. Nginingitian ko naman sila at ang iba ay napapapicture.
"Pwede pong pa-picture miss Z?" Tanong ng isang lalaki. Nginitian ko siya at nagpa-picture naman ako.
"Salamat po miss. Matutuwa ang girlfriend ko nito," abot tenga ang ngiti ng lalaki.
"Goodluck sir. I hope so," nakangiting sabi ko.
Ang karamihan sa mga andito ay nasa malalayo nanggaling. Nagpunta sila sa SM Baguio para lang sa book signing ko. Kaya naman binigyan ko sila ng souvenir. Nagbigay ako ng Merchandise sa kanila. Meron nang naka-handa kanina pa kaya naman hindi na ako nahirapan magbuhat.
Habang nagpipirma ako ay may biglang nangyaring hindi namin inaasahan.
Ilang araw kong pinag-isipan ang magiging desisyon ko. May parte sa akin ang gusto na siyang bigyan ng chance pero mayroon sa akin na huwag kasi baka maulit lang din ang nakaraan. Palaisipan din sa akin paano napatawad nila tita si Kio gayong galit siya sa kanila. Alam ko naman na hindi naman talaga siya masamang tao pero the fact na pinagkatiwalaan siya ng pamilya ko pero trinaydor kami isa na iyong redflag sa pagkatao niya. “Anak,” tawag pansin sa akin ni tita na umupo sa tabi ko at sinamahan akong tumingin sa kawalan. “Alam ko na hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga nangyari noon at alam ko na nasasaktan ka pa rin. Pero kung hindi ka magpapatawad mananatili ka lang sa nakaraan. Kailangan mong lumakad pasulong pero hindi para kalimutan ang nagyari kung hindi magpatawad ka,” mahabang litanya niya sa akin. Huminga ako ng malalim. “Pero sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang lahat pero hindi ko alam,” frustrated na sagot ko. Hinawakan ni tita ang balikat ko. “Ano ba ang narar
Nagpaalam naman na si Kio nang may tumawag sa kaniya mula sa phone bago umalis. After ng pag-alis niya ay nagising naman si Tita Rica. Tiningnan siya ng doktor at okay na raw siya at pinayagan na siyang umuwi. Pag-uwi namin sa bahay ay doon lang ako chinika ni Serenity habang nagpapahinga si Tita sa kwarto niya. “Ano iyon teh?” Malisyosong tanong niya. Tiningnan ko siya ng blangko. “Wala,” sagot ko. “Wala? Hindi ka umuwi kagabi, alalang-alala sa iyo si tita pagkatapos pupunta ka ng ospital na siya ang kasama mo?” Tila nanay na nagdududa sa anak niya. Napairap na lang ako sa hangin dahil para akong nasa isang hot sit. “Inabot niya ako sa club okay but nothing is happen. May gf na yata siya or asawa,” sagot ko sa tanong niya. Umirap din siya sa hangin. “Sabi mo ei,” sabi niya pero alam kong hindi siya satisfied. Hindi na siya nag-usisa pa at hindi na rin namin sinabi kay Tita Rica dahil ayaw ko rin naman ma-stress siya. Hindi naman na siya nagparamdam pagkatapos ng araw na iyon k
Hindi ko na inisip pa paano nakuha ni Kio ang number ko dahil wala naman na akong pakialam lalo na sa kaniya. Ngunit hindi ko alam pero kusa siyang iniisip ng utak ko. Hanggang sa panaginip ko ay naririnig ko ang boses niya. Hindi rin ako makapag-trabaho sa company dahil naiisip ko siya. Hindi na ako makapag-concentrate kaya mas pinili ko na pumunta sa isang club malapit sa opisina ko after ko pirmahan lahat. Malapit naman ng dumilim nang pumunta ako kaya ayos lang. Umorder akong alak vodka, mga 5 shots siguro hanggang sa nasundan pa iyon dahil hindi pa ako nakokontento. Habang mag-isang umiinom ay pinanunuod ko lang ang mga nagsasayawan at ang ikot ng mga disco lights. Habang tumatagal din ang oras ko at dumadami ang naiinom ko ay nararamdaman ko na ang mga talukap ko na parang babagsak. Hindi ko na rin maiayos ang lakad ko dahil parang nanghihina ang mga tuhod ko. Kahit pilitin kong maglakad ng tuwid ay hindi ko magawa. Dama ko na gumegewang akong naglakad palabas ng club na ito p
Kinabukasan ay nagplano ako na bumili ng gamit ko at mabuti na lamang ay pinahiram ako ni Kairus ng sasakyan at pera. Babayaran ko na lang daw kapag nakapag-simula na ako sa trabaho ko. Mabuti na lamang dahil nandyan si Kairus at tinutulungan niya ako. Pumunta na nga ako sa mall para bumili ng gamit ko. Habang naglalakad ako bitbit ang mga pinamili ko ay biglang may tumama sa akin na isang babae dahil busy ito sa kanyang telepono. May kausap siya sa phone habang hirap na hirap siya sa kanyang mga bitbit. Nahulog ang mga dala niya nang mabunggo siya sa akin kaya naman pinulot niya ang mga ito habang nag-sosorry siya sa akin nang hindi tumitingin. Ako naman ay tinulungan siya dahil naawa ako sa kaniya. Nang ibalik ko sa kaniya ang gamit niya saka lang siya tumingin sa akin.“Salam-” Napahinto siya sa sasabihin niya nang magkatinginan kaming dalawa habang ako ay tila tumigil din ang mundo nang mapatingin ako sa mga mata niya. Dahan-dahan kaming tumayo na tila hindi naalis ang mga mata
KIO’S POVMakalipas ang limang taon. Huminga ako ng malalim at unti-unting ngumiti habang nakatingin sa kalangitan pababa malawak na paligid. Sariwang hangin mula sa labas ng selda ang sumalubong sa akin sa labas ng opisina ng mga pulis. Limang taon na ang nakalipas simula ng araw na iyon. Kamusta na kaya siya?“Oh Kio sana ay hindi na tayo muling magkita ha,” nakangiting bilin sa akin ni Sargeant Erfe. “Yes Sarge,” sagot ko saka sumaludo sa kaniya. Naglakad na ako palayo sa gusaling iyon at lumingon muli saka kumaway kay Sargeant Erfe bilang pamamaalam. Pinalaya nila ako dahil nakatanggap akong parol sapagkat naging mabait ako sa loob ng selda. Dapat ay habang buhay ang sintensya ko pero dahil buong pag-stay ko sa loob ay wala naman silang nakitang problema sa akin ay binigyan nila akong pagkakataon na magbagong buhay na at palayain na. At ngayon ang araw ng paglaya ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin dito sa labas pero isa lang ang gusto ko. Bumalik sa buhay ni Celi
Inuwi nila ako nang hapon na iyon. Na-discharge ako agad pero kailangan ko mag-undergo sa medication ko dahil nga may mental health is not healthy. Mayroon akong PTSD then having depression. Because of the past experiences at iyong mga na experience ko. Kaya nagkaroon akong post traumatic stress disorder. Kaya naman inalalayan talaga nila ako. Binabantayan nila ako ng sobra. Hindi nila ako hinayaang asikasuhin ang hustisya para kay daddy. Umuwi si tita Rica para samahan ako. Then bigla pagdating niya nalaman niya ang ginawa ko kaya mas nag-aalala siya kung iiwan niya ako rito at kung ako pa ang lalakad sa mga requirements para sa libing ni daddy. And hindi rin ako makalapit kay Kio at kay Krystel dahil nga sa ginawa nila.Hindi ko matanggap ang ginawa nila sa akin. Nasasaktan ako ng sobra. I can't believe this is happening.I feel I am alone. Even there are people around me letting me feel that they are beside me. "Celine you need to drink your medicine. Bago tayo pupunta sa memo