Home / Romance / Loving Sebastian / Chapter 6: Cappuccino

Share

Chapter 6: Cappuccino

Author: @Crappylette
last update Last Updated: 2024-09-25 11:23:42

"Miss, have you decided on your order?" Tanong ng pamilyar na boses.

I looked up to him and saw his beautiful smile. Aside from his pretty face, I've noticed his new haircut. May dala rin siyang order slip at ballpen habang nakaipit sa kabilang kili-kili ang bilog na tray.

"N-nagpagupit ka?" I stuttered. He leaned closer to me kaya napasandal ako sa inuupuan ko. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi nang marealize kung gaano kalapit ang mukha niya. Sinuri niya naman ang aking mukha. Nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko na siya matagalan pagkatapos ay ngumusong tinuran ang order na nagustuhan, "Cappuccino."

Umayos siya sa pagkakatayo at isinulat ang order ko sa papel pagkatapos ay nakangiti niyang tinuran ang "Right away, Miss." bago ako talikuran.

Bago pa siya makahakbang ay ipinulupot ko ang kanang kamay ko sa braso niya. Bumalikwas siya para maharap ulit ako. Kunot ang kanyang mga kilay na tila nagtataka sa ginawa kong marahang paghatak sa kan'ya.

"May kailangan ka pa ba, Miss?" He asked gently while staring at my hand wrapped in his arms. Binitawan ko siya at napayuko. Umiling ako kaya akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili siya roon at nagsalita. "May sasabihin ka?"

I lift my head to meet his eyes. Tumango ako at nagsalita na nauutal pa sa kaba. "I j-just want to k-know kung anong oras ka m-matatapos rito." Napangiti siya sa sinabi ko at bahagyang napahawak sa namumulang tainga.

Doon ko napagtanto ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Mabilis akong umiling. "I-I just want to pay for the drinks I spilled last night. Nothing more." Mabilis kong turan. Tumango siya.

"Hindi na kailangan, Miss. Ayos lang." He politely said.

Alam kong nahihiya lang siya pero mas malaki ang pangangailangan nito. After all, naisip ko rin naman kanina kung ano na ang nangyari sa kan'ya. Kasalanan ko pa rin na natanggal siya sa trabaho at kailangan kong bayaran sa kan'ya ang mga natapon ko.

"Ibinigay man lang ba ng bar ang huling sahod mo? If not, then you should take my payment. Di'ba may mga kapatid ka? Baka kailangan nila." Pagpupumilit ko ngunit umiling siya.

"Ayos lang talaga, Miss." Sagot nito. "Ihahatid ko na lang yung order mo rito." Dagdag niya pagkatapos ay patuloy nang lumayo.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa ibigay niya na sa nagpapa-cute na barista ang order ko. Humilig siya sa counter habang hinihintay matapos ang inuming ginagawa ng pabebeng babae. Napairap ako sa pwesto nila at pumangalumbaba na lang din habang naghihintay. Maya-maya pa ay naagaw ng mga pumasok na college students ang atensyon ko. Maiingay silang pumasok sa coffee shop. Agad na naagaw ng presensya ni Baste ang atensyon ng mga ito. Naghagikgikan pa sila nang batiin sila ni Baste at ng ilang crew. Napailing ako.

What else would they do if they'd taste him? Baka mabaliw lalo sila. Kinurot ko ang sarili ko nang sumagi ulit ang mga halik ni Baste sa utak ko. Pinilit ko na lamang huwag mag-isip at laruin na lamang ang buhok habang nakapangalumbaba roon.

After a few minutes, naramdaman ko na ang presensya ni Baste sa gilid ko. Nag-angat ako ng tingin at marahan niyang inilapag sa table ang inorder kong kape. Bumagsak sa tasa ng kape ang mga mata ko.

"Can I wait for you? What time will your shift end?" Tanong ko habang hinahalo ang mainit na kape.

"10 o'clock pa, Miss. Baka mainip ka." Sabi nito.

"Then I'll just come back for you. May bibilhin lang ako sa malapit na mall." I said without looking at him again.

"Miss, basta hindi tungkol sa sex, sige ba. Payag akong maghintay ka." Bulong nito na may halong pang-aasar. Mabilis ko siyang nilingon.

"Huwag ka ngang bastos! Tsaka, stop talking about it!" Sabi ko na tila naiinis. I rolled my eyes and his smiles became wider. "Magtrabaho ka na nga doon." Pagtaboy ko sa kan'ya. He made a slight bow na tila isa akong prinsesa. Napairap ako sa ginawa niya at nagkunwaring hindi naapektuhan.

Alam ko kung gaano kapula ang pisngi ko sa ginawa niya. That's also the reason why I didn't bother to look at him when he served my order. Alam kong madi-distract ako dahil papasok na naman sa isip ko ang hubad niyang katawan. The nerve of that guy!

I observed the place while savoring my coffee. Sinusubukan kong ma-distract ako para huwag nang isipin ang presensya ni Baste ngunit grabe naman talaga ang lagkit ng titig ng mga college students sa pogi at matangkad na bagong waiter. Pinagtaasan ko sila ng kilay nang mapunta sa'kin ang atensyon nila. He's not free, children!

Nang maubos ko ang kape ay tumayo na ako dala ang aking bag. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa'kin ni Baste habang palabas ako sa coffee shop. Hindi ko siya tiningnan, basta diretso lang ako sa paglabas na parang hindi naapektuhan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving Sebastian    Chapter 45: Brat

    I survived that first day at work. I was so exhausted because aside from dealing with work, I was also overthinking the rumors. After my worries about my supposed confrontations with Baste, I'm here again to worry about something. This is an emotional and a mental torture. I wanted to raise it to Perry but it was obvious that she was also clueless about the rumors. Mukhang walang alam yung mga employee ni Baste. Or maybe, they are just silent about it. Friday came and Ate Caroline wanted me to join her and the kids to lunch. Kaya nagpaalam na muna ako kina Perry na hindi ako makakasabay sa kanila. Kahit na nahihiya akong mag-lunch out nang maaga ay nagpaalam pa rin ako Kay Sebastian. It was so hard entering his office. Para akong yelo na nanigas na lang sa hamba ng pintuan ng kan'yang opisina. Kumakatok pa lang ako ay ramdam ko na ang kaba. Most days, hindi naman kami nagkaka-engkwentro dito sa trabaho dahil pareho kaming may pinagkakaabalahan. It's a good thing not to see him

  • Loving Sebastian    Chapter 44: Rumors

    "A-ate Gabby?" Halos pabulong na nasabi ng gulat na si Macy. Tila hindi pa siya nakakaahon mula sa mga nakikita. Nangilid ang mga luha sa mata ko dahil sa takot. I'm scared that Baste might find out right away since I never prepared myself for this kind of situation. This isn't what I expected. Bumping into Baste's sister isn't on my bingo card. I froze at the moment at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I want to run away and hide. "Y-you have kids." Kumento nito na lalong ikinatuyo ng lalamunan ko. This girl has a hunch already. My kids look like her brother. She was a bright girl, as I remember. At alam kong hindi na maikakaila lalo pa at siya ang nakakita sa'min. She knew the moment she saw me with them. "T-they look like Kuya..." She said, almost like a whisper. Doon na tumulo ang mga luhang pinipigilan ko sa pagtulo. Hindi ko na malaman ang gagawin ngunit dumating si Kurt at tinawag ako. Nilingon ko siya kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha. Ha

  • Loving Sebastian    Chapter 43: Unexpected Encounters

    Every time I see Sebastian, it's like I'm walking on thin ice. He almost busted me when he saw me carrying Josiah at the party. Parang divine intervention na nga lang ang pagdating ni ate Caroline para iligtas kaming mag-ina sa sitwaston na iyon. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa'kin ang susunod na magiging hakbang ni Dad. Pero, dahil nakuha na niya ang gusto niya, naniniwala ako na malayo pa sa katotohanan si Sebastian. My dad won't let me down unless he's got something from it. "What are you thinking?" Tanong ni Jude upang mabasag ang katahimikan. Halos hindi ko na namalayan na nakatulala pala ako at hindi ko na nagagalaw ang pagkain ko. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at hilaw na ngumiti. "Wala naman," tugon ko na medyo nahihiya. After weeks of calling me, napaunlakan ko rin si Jude para sa isang dinner. It's just a friendly dinner for me. But I know that deep within him, it's something different. Ito pa ang isa sa mga hindi ko maintindihan- how my feelings for him chan

  • Loving Sebastian    Chapter 42: Devil's Pawn

    Hindi na rin ako nagtagal sa lunch na iyon. Nagpaalam na ako agad pagkatapos kong kumain dahil alam kong kapag nagtagal ako ay baka pumayag ako sa trabahong inaalok sa'kin ni Sebastian. Hindi iyon kasama sa plano ko. Dalawang buwan lang kami dapat rito ng mga bata. Baka kapag nagtagal pa kami ay malaman ng lahat ang tungkol sa kanila. Ngayon pa lamang bumabango muli ang pangalan ni Daddy sa mga investors. At natatakot ako na baka kapag nakarating na naman sa media na nagka-anak kami ni Sebastian ay hindi na makaangat muli ang negosyo ng pamilya namin. "Think about it. I'm willing to wait." Seryosong sabi ni Baste bago ako bumaba ng kan'yang sasakyan. Hindi madaling makasama ulit siya. Hindi pa rin malinaw kung bakit iniwan niya ako sa ere noon. At ayoko nang ungkatin pa iyon. It's best not to be involved with him again. Pagdating ko sa unit ay wala pa ang mga anak ko roon maging si Manang Lydia. Wala rin namang mensahe kaya tinawagan ko na si Ate Caroline. Ngunit hindi rin ito s

  • Loving Sebastian    Chapter 41: Lion's Den

    What? A-are you sure about that, Ms. Brenda? Is that what he told you?" Sunod-sunod kong tanong sa amo ko habang unti-unting kumukulo ang dugo dahil sa nalamang impormasyon mula rito. "He liked you. And I don't see the need to turn down the offer. It will be more convenient for you. You are already there in the Philippines." Paliwanag ni Miss Brenda. Kagat-kagat ko ang aking labi at pakiramdam ko'y magdurugo na ito. "I will think about it, Miss." Sagot ko at mabilis na tinapos ang usapan. Ayon sa kan'ya, Sebastian learned a lot of insight from me and he wanted to hire me as his marketing executive. As far as I know, we didn't talk about business last night and he kept rubbing salt on my wounds. What a liar?! Halos magngitngit ako sa galit kaya nang matapos ang tawag na iyon ay malakas kong nasipa ang basurahan sa kwarto ko. Mabilis ko rin namang itinayo ang kawawang basurahan at lumabas na ng kwarto para ipagluto ng breakfast ang mga bata. "Para kang may kakatayin dahil sa

  • Loving Sebastian    Chapter 40: Cruel

    My mouth went dry as I sat down. His low voice is full of authority. Ano ba itong pinasok ko? I faked my composure habang hinihintay siyang makaupo sa harapan ko. Hinubad niya ang kan'yang suit at isinabit iyon sa likod ng kan'yang upuan pagkatapos ay niluwagan nang bahagya ang kurbatang sumasakal sa kan'yang leeg. Naupo siya sa upuang nasa harap ko pagkatapos ay nilingon ako. Our gazes met each other. Unlike before, I felt uncomfortable with his stares right now. Something has changed, I know. He's not the same anymore. "Do you want to order first before we talk about business?" Nagtaas siya ng kilay sa seryosong ekspresyon at tono ng pananalita. "Sure." Tipid kong sabi habang tinatantsya ang taong kausap. Tahimik ang paligid habang nakatingin ako sa menu. Ang totoo, walang pumapasok sa kokote ko dahil sa presensya niya. Hindi ko rin binabasa ang mga putaheng naroroon dahil ramdam ko ang bawat pagsulyap niya sa direksyon ko. I want to act casual as much as possible.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status