"Gabby, matalino ka naman! Bakit ka pa pumayag sa arranged marriage na iyan kung masasaktan ka lang? Ano yan? Super-mega-duper desperation?! Napaka-masochist mo e." Sermon sa'kin ni Amy habang nilalaklak ko ang isang bote ng wine sa counter ng kusina niya. Nilingon ko siya matapos kong sapilitang lunukin ang mapait na wine.
"He'll learn to love me easily once we're married, no. Isa pa, kaya ko pa. Kaya ko pa!" Sabi ko na tila pati sarili'y kinukumbinsing mangyayari ang imposible para kay Amy. Umiling siya dahil sa sinabi ko. My friends knew all along how much I endured for Jude. Lahat ng oras ko ginugugol ko roon. Ultimo lunch, pinagluluto ko at pinadadala sa opisina niya. In return, resentment. Hindi ko alam kung bakit ayaw sa'kin ni Jude kahit wala naman akong ipinakitang mali sa kan'ya. Ilang beses na rin akong pinaalalahanan ng mga kaibigan ko na itigil ko na ang kahibangan ko kay Jude pero hanggang ngayon hindi ko sila pinakikinggan. Marahil ay inis na inis na sila sa mga life choices ko lalo na sa araw-araw kong pagpili kay Jude kahit wala itong pakialam sa'kin. "Alam mo, malala ka na. Pa-check-up ka pag may oras ka." Bilin nito na ikinairap ko. We stayed quiet for a while until someone rang Amy's doorbell. Nagmadali ang kaibigan ko upang pagbuksan ang sinumang kumakatok. Mabilis rin naman silang nakapasok sa kusina. "Have you checked your socials, already?" Nagtaas ng kilay sa'kin si Kurt, our gay friend, na kararating lang. Umiling ako sa kanya pagkatapos ay tinungga ulit ang bote ng wine. "Hindi niya iche-check iyan. Bulag-bulagan na naman ang ate mo!" Sagot ni Amy na padabog nang inilalagay sa oven ang whole chicken na igi-grill niya. "Ay 'te! Hindi pwede iyan! Hindi pwedeng ikaw lang ang miserable. Ano nang nangyari sa strong-willed and independent woman?" Panenermon naman ni Kurt. Hindi ako kumibo. "Kanina ko pa nga gustong ipakita riyan yung chukchakan-" Hindi na natapos ni Amy ang sasabihin dahil sumenyas na si Kurt na tumahimik ito. Natahimik kaming tatlo hanggang sa may ipakita sa'kin si Kurt mula sa phone niya. It was an i*******m post of a woman named Catherine. Her and Jude were kissing like there's no tomorrow. I stared at it not feeling anything. Sawang-sawa na ako at manhid na manhid na ako sa mga ganito. Parang wala na lang sa'kin iyon dahil alam kong sa'kin pa rin babagsak si Jude. Both our parents have a strong bond together. Family ties will win at the end of the day. "'Te, hindi na gagana sa kan'ya iyan! Sobrang lala na ng katangahan ni Gabby para pa maiyak riyan. Gasgas na rin iyan e, college pa nga tayo nang huling maiyak iyan dahil sa kagaganyan ni Jude. Sobrang endured na niya yung pain." Naghihisteryang paliwanag ni Amy. Nagkibit-balikat naman si Kurt pagkatapos ay ibinulong ang salitang 'sabagay'. "He'll eventually outgrow it. Besides, sa'kin pa rin naman ang bagsak niya. Wala siyang magagawa kasi kagustuhan ng parents namin na magpakasal kami." Paliwanag ko na ikinagulat pa rin ng dalawa kong kaibigan. Laglag ang mga panga nila dahil sa kawalan ko ng pakialam sa mga kalokohang pinaggagagawa ng long-time crush at fiancé ko na si Jude. "Eh 'yun naman pala e! Bakit ka naglalasing ngayon kung hindi ka naman pala apektado sa katarantaduhan niya?" Prangkang tanong ni Kurt. Tila natigilan naman ako sa tanong niya. Marahil ay hindi ko rin alam ang isasagot ko. Bakit nga ba kasi ako naglalasing? Hindi naman ako alcoholic. Maybe, it's all because his actions still break me. Kahit na sabihin kong sanay na sanay na ako, hindi ko pa rin matanggap na walang-wala akong binatbat sa ibang babaeng kinagigiliwan niya ngayon. Hindi naman siya maloko, he's reserved and serious. Kilala ko siyang kuntento na sa isa dahil mula high school kami hanggang college, hindi niya pinalitan si Sol. Nito lang siya tumikim ng iba't-ibang babae, nang layuan siya nito matapos malaman na nakatakda kaming ikasal ni Jude para sa negosyo. Unfair man ito para kay Jude at Sol, alam kong mas naging unfair ang panahon at tadhana sa'kin. All my life, I feel like I'm not enough. Madalas iparamdam sa'kin ito hindi lang ni Jude kung 'di pati ni Mom and Dad. Hindi ako kasing galing ng mga kapatid ko, hindi ako kasing ganda ng mga kapatid ko, at lalong hindi nila ako kasing bait. Para sa kanila, I'm stupid, ill-tempered, spoiled. Kaya ngayong sira na ang relasyon ni Jude at ni Sol, pakiramdam ko umaayon na sa'kin ang tadhana. Pero bakit ganun? Bakit hindi pa rin ako masaya kahit na alam kong ikakasal sa'kin ang lalaking matagal ko nang pinangarap? Ano bang kulang? Was it the attention? Or the validation from him? Hindi ko na alam. "Sis, kahit hindi mo sabihin, we know that you're still hurting." Marahang sabi ni Amy pagkatapos ay niyakap ako mula sa likod. Namuo ang luha sa aking mga mata dahil sa pag-comfort niya. "True. Kaya dapat, gumanti ka. Subukan mong huwag isipin si Jude kasi in the first place, wala naman siyang pakialam. Humanap ka rin ng lalaki o ng kahit sino na makakapagpakita sa'yo ng halaga mo." Sabi naman ni Kurt habang hinihimas ang aking likod. "Correct! Humanap ka rin ng saya!" Suhestiyon ni Amy habang kumakalas ng yakap. "May ka-fubu ako ngayon, itatanong ko kung may kakilala pa siya na pwede sa'yo." Dagdag pa nito na ikinairap ko. "Huwag na no! Wala akong balak maghanap ng lalaking makaka-sex." Utas ko na ikinahagalpak ng dalawa. "Sus, 'di na uso ang conservative at celibate like you no! Masarap ang sex cause it feels free. Plus, it validates you as a woman." Paliwanag ni Amy with her erotic hand gestures. "May point! Tsaka sa tingin mo ba, french kissing lang talaga yung ginawa ni Jude at Catherine? Or ni Jude at- ano nga ulit pangalan nung nag-iisa niyang ex?" Sabi ni Kurt pagkatapos ay pilit na iniisip ang pangalan ng ex ni Jude. "Ah, nung Solenn!" Bulalas nito nang maalala ang iniisip. "O di'ba! Kaya pagkatapos ng dinner, we'll skip the slumber party! We'll have a search for a handsome man with a freakin' big D." Sabi ni Amy. "Ngayon agad? Pwede bang pag-isipan ko muna?" Nag-aalinlangan kong sabi. "Bakla, wititit! Keribels mo na iyan. Baka kailangan mo lang ng dilig para sumaya at makalimutan iyang sakit na nararanasan mo dahil sa walang hiyang Jude na 'yon!" Kumento ni Kurt na tatawa-tawa.Hindi na rin ako nagtagal sa lunch na iyon. Nagpaalam na ako agad pagkatapos kong kumain dahil alam kong kapag nagtagal ako ay baka pumayag ako sa trabahong inaalok sa'kin ni Sebastian. Hindi iyon kasama sa plano ko. Dalawang buwan lang kami dapat rito ng mga bata. Baka kapag nagtagal pa kami ay malaman ng lahat ang tungkol sa kanila. Ngayon pa lamang bumabango muli ang pangalan ni Daddy sa mga investors. At natatakot ako na baka kapag nakarating na naman sa media na nagka-anak kami ni Sebastian ay hindi na makaangat muli ang negosyo ng pamilya namin. "Think about it. I'm willing to wait." Seryosong sabi ni Baste bago ako bumaba ng kan'yang sasakyan. Hindi madaling makasama ulit siya. Hindi pa rin malinaw kung bakit iniwan niya ako sa ere noon. At ayoko nang ungkatin pa iyon. It's best not to be involved with him again. Pagdating ko sa unit ay wala pa ang mga anak ko roon maging si Manang Lydia. Wala rin namang mensahe kaya tinawagan ko na si Ate Caroline. Ngunit hindi rin ito s
What? A-are you sure about that, Ms. Brenda? Is that what he told you?" Sunod-sunod kong tanong sa amo ko habang unti-unting kumukulo ang dugo dahil sa nalamang impormasyon mula rito. "He liked you. And I don't see the need to turn down the offer. It will be more convenient for you. You are already there in the Philippines." Paliwanag ni Miss Brenda. Kagat-kagat ko ang aking labi at pakiramdam ko'y magdurugo na ito. "I will think about it, Miss." Sagot ko at mabilis na tinapos ang usapan. Ayon sa kan'ya, Sebastian learned a lot of insight from me and he wanted to hire me as his marketing executive. As far as I know, we didn't talk about business last night and he kept rubbing salt on my wounds. What a liar?! Halos magngitngit ako sa galit kaya nang matapos ang tawag na iyon ay malakas kong nasipa ang basurahan sa kwarto ko. Mabilis ko rin namang itinayo ang kawawang basurahan at lumabas na ng kwarto para ipagluto ng breakfast ang mga bata. "Para kang may kakatayin dahil sa
My mouth went dry as I sat down. His low voice is full of authority. Ano ba itong pinasok ko? I faked my composure habang hinihintay siyang makaupo sa harapan ko. Hinubad niya ang kan'yang suit at isinabit iyon sa likod ng kan'yang upuan pagkatapos ay niluwagan nang bahagya ang kurbatang sumasakal sa kan'yang leeg. Naupo siya sa upuang nasa harap ko pagkatapos ay nilingon ako. Our gazes met each other. Unlike before, I felt uncomfortable with his stares right now. Something has changed, I know. He's not the same anymore. "Do you want to order first before we talk about business?" Nagtaas siya ng kilay sa seryosong ekspresyon at tono ng pananalita. "Sure." Tipid kong sabi habang tinatantsya ang taong kausap. Tahimik ang paligid habang nakatingin ako sa menu. Ang totoo, walang pumapasok sa kokote ko dahil sa presensya niya. Hindi ko rin binabasa ang mga putaheng naroroon dahil ramdam ko ang bawat pagsulyap niya sa direksyon ko. I want to act casual as much as possible.
Author's Note: I am really sorry for not updating this story any sooner. I went through lots of silent battles last year so I didn't have the chance to complete this. Though, for all the readers out there who are patiently waiting for an update for this one, thank you so much. I promise to complete this story and try to update every other day. Happy reading! Muah
Sumakay si Baste sa driver's seat habang suot ang seryosong ekspresyon. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan habang naka-igting ang panga at mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya nang balingan niya ako. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pag-sulyap niya sa'kin nang paulit-ulit habang nasa biyahe kami. On the other hand, parang kakawala na sa dibdib ko ang kumakabog kong puso. It's hard to breathe when he's around like this. Para akong timang na paulit-ulit kinukurot ang sarili kong kamay upang kalmahin ang sarili. Itinuon ko rin ang pansin ko sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maisip ang presensya niya. Iniliko niya ang sasakyan sa parking space ng isang sikat na botika. Bumalikwas ako upang lingunin siya ngunit mabilis na siyang bumaba ng sasakyan nang huminto iyon. Sinundan ng mga mata ko kung saan siya pupunta. Malalaki ang kan'yang hakbang papasok sa loob ng botika. Hindi ko na rin nakita pa kung anong ginawa niya sa loob
That Monday, dumaan si Ate Caroline sa tower namin. Naabutan niya kami ng mga anak ko sa pool. Iniahon ko ang mga anak ko sa pool para mapunasan na sila ni Manang Lydia. Binalot ko sa robe ang aking sarili pagkatapos ay nilapitan si Ate Caroline na nasa malapit na sun lounger. Malapad ang ngiti nito nang makalapit ako. "Ano? Tuloy tayo later?" Tanong nito matapos akong i-beso. "Sure, Ate." Sagot ko. "We'll be at their pre-dinner too. And my friend is very excited to meet you." Paliwanag niya sa excited na boses. "By the way, why don't you enroll my nephews to a swimming lesson? My son and my daughter are both taking swimming lessons twice a week. Pwede namin silang samahan ni Mark if you are too busy to do so." She offered. "I'll think about it, Ate." Sagot ko. Hindi na rin nagtagal pa si Ate dahil magpupunta pa siya sa grocery. Umakyat na rin naman kami ng mga bata sa unit matapos iyon. A dip in a swimming pool was all we needed. Lagi lang kasing nasa loob ang mga b
Hindi ko na tinapos ang party. Pagkababa ko sa stage ay pinatanggal ko na kay Mom ang suot kong kwintas. "Do you know that he would be here?" Tanong ko kay Mom habang tinatanggal niya ang kwintas sa leeg ko. Napalakas na ang boses ko dahil sa frustrations mula sa power tripping na nasaksihan kanina. Hindi kumibo si Mom. "Mom?! Him and Mr. Silvester are abviously the most anticipated people here. How come you didn't tell me?!" "Anak, they keep these charity programs running. Sa tingin mo, hihindi ang daddy mo?" Tanong ni Mom sa kalmadong boses. "Yeah! And you shouldn't let me come here. I barely held myself together just to survive this night." Reklamo ko. "Well, we're very sorry. Sasabihin ko sa daddy mo." Sabi nito habang inilalagay na sa magarang kahon ang kwintas."I'm going home." Utas ko. Hindi naman na ako pinigilan ni Mom kaya nagmadali na akong puntahan si Kurt para magpahatid. "Why? May ilang speech pa." Tanong ng nagtatakang si Kurt. "Kurt, I just want to go home." B
I excuse myself after a few greetings from other visitors. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ako from that single encounter with him. Nagpunta ako sa restroom pagkatapos ay nag-retouch ng makeup. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tinawagan si Manang Lydia. Kinumusta ko ang mga anak ko at ayon sa kan'ya ay mahimbing na ang tulog ng mga ito. I put on my confident facade. I just need to fake it until this night ends. Naupo ako sa tabi ni Mom pagkatapos ay nakinig na sa programa. Iniwasan ko ang sarili ko sa paglingon sa paligid at itinuon na lamang ang atensyon sa pakikinig. "Tulog na ba ang kambal?" Bulong ni Mom. Tumango ako sa kan'ya ngunit nagtagal pa ang titig ni Mom. "When will you tell him?" Nag-aalalang bulong nito. "I still don't know, Mom. He deserves to know but I think this is not the right time either." Bulong ko pabalik. After a few speeches from Dad's business partners, nagsimula na ang dinner. It's a bit late but dinner
"Mom, where's Dad?" Biglang tanong ni Gabriel noong gabing umuwi kami pagkatapos ng family dinner. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. I didn't expect that one of them would ask me this question sooner. They're too young to ask me this! Natuyuan ako ng lalamunan. How can I explain this to them? And I'm not prepared for this. Nagkatinginan kami ni Manang Lydia kaya tumikhim ako. "Uhm, h-he's working somewhere f-far." I stuttered. Natataranta ako habang pilit na nag-iiwas ng tingin kay Gabriel. "Gavin has a Dad." Gabriel commented again. Halos mapakamot ako sa aking batok dahil sa lumalabas sa bibig ni Gabriel. "Y-yes. And you too have a dad. H-he just have to work somewhere far." Sagot ko sa kan'ya. Kinalabit naman ako ni Josiah. "When he coming home?" Tanong naman ni Josiah na nakikinig pala sa pinag-uusapan namin ng kakambal niya."Soon. We'll see him soon." Sagot ko at binalewala ang usapan. "Did you enjoy our visit to grandma and grandpa?" Tanong ko