Share

CHAPTER 22 MEET THE PARENTS

ERICA

Pagbaba namin ay naabutan naming kumakain na sila ng tanghalian. Napansin kami ni Rix at ngumingiti ito ng makahulugan habang nakatingin samin.

Guys kain na kayo, hindi na namin kayo tinawag baka maistorbo pa namin kayo," Aniyang nakangiti pa rin. Hinampas siya ni Fatima sa braso. "Bunganga mo," ani Fatima. Ngumiti ako ng hilaw dahil bigla akong nahiya. Alam kaya nila?

Binitawan ni Troy ang kamay ko at pinaghila ng upuan katabi niya.

“Have a sit, baby," usal niya. Pinagsandok din niya ako ng kanin at ulam. Naninibago ako kay Troy dahil hindi niya ito gawain noon. Palagi lang siyang nakasimangot noon at kapag kakausapin ko naman ay sisinghalan ako.

“By the way sister in law can I talk to you?" Baling sakin ni Rix. Napatingin ako sa gawi niya. Ngunit napalingon rin ako kay Troy ng sumabat ito.

“No! you can talk to me Rix," ani Troy na sumusubo na.

Napangiti na lamang si Rix sa tinuran ng kapatid. "You're so possessive bro, may sasabihin lang naman ako," aniyang todo ngiti kay Troy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status