Share

Chapter 2 Dream

ERICA

Sinundan ko siya sa labas pero hinarang ako ni Manang Cecelia. She looked worried again.

"Ma'am wag na po kayong lumabas umaambon po baka magkasakit kayo." May pag-aalalang sabi sa'kin ni manang.

Tumango ako sa kanya at sinundan na lang ng tanaw ang paalis na sasakyan ng asawa ko. Gusto ko siyang sundan pero nagdadalawang-isip ako baka mas lalo siyang magalit sakin.

Bumalik ako sa kwarto habang iniisip ang mga sinabi ni Dino. Sino kaya ang nasa ospital at ganun na lang ang pag-aalala ni Troy?

Wala naman siyang nababangit sa'kin. "Naku Erica tigilan mo na ang pag-iisip tungkol dyan baka isa lang sa mga empleyado ng kumpanya ang nagkasakit." Saway ko sa sarili.

Kinabukasan ay tinanghali na ako nagising. Siguro dahil hinintay ko si Troy na dumating para makapag-usap kami pero nakatulog na ako hindi pa rin siya dumarating.

I heaved out a sigh then I fix myself and go downstairs to help manang for breakfast.

Dumiretso na ako ng kusina pero nasa bukana pa lang ako ay nakita kong nandoon na si Troy sa mesa at nakaupo may nakahain na ding pagkain sa hapag-kainan.

Anong oras kaya siya nakauwi? Saan siya natulog? Pinukol niya ako ng masamang tingin.

Lumapit ako sa mesa at paupo na sana ng bigla siyang magsalita.

"Being late is a discipline problem. I think you need to go back in school but in your husband's house. Kailangan itama at ituwid ang ganyang pag-uugali mo. Upo." Bulyaw nito.

Umupo ako sa harapan niya hindi ko pinansin ang mga sinabi niya maaga pa para mag-away kami.

"Forget it. I think at this time you need to know about some data of the medical funds." Dugtong niya.

"What?" Gulat kong sagot sa kanya.Alam mo naman ang gusto ko di ba? Gusto kong maging author para sa mga bata." Dagdag ko.

"It's not simple as you thought."

"Pero gusto kong magsulat. To write good books for children at alam mong matagal ko ng pangarap to. Bata pa lang ako ito na ang gusto kong gawin sa buhay at ang tungkol sa medical fund I think it'll be well done with enough money besides meron na akong nahanap na tao mahusay siya at kaya niya itong ihandle." Mahabang litanya ko.

Tumayo siya at kinuha ang kulay pulang rosas sa flower base at hinagis sa harap ko kahit na alam niyang may allergy ako.

Parang baliwala lang sa kanya ang mga sinabi ko ng biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa red roses.

Sa pagkakarinig ko sa mga usapan ng mga tao dito. Namatay ang kapatid niya dahil sa pulang rosas na ito.

Hindi ko lang alam ang buong kwento kung paanong namatay hindi ko pa nakikita ang kapatid niya kahit sa litrato man lang at ayaw niya ring pag-usapan ang tungkol sa kapatid niya. Bakit kaya? Bigla akong tumayo.

"Troy I..." I paused my words ng hawakan niya ako sa baba.

"Pansin ko wala kang ganang kumain.okay I will remove the food manang!"

"Bakit po sir?"

"Pakiligpit na lang nitong pagkain ipamigay niyo kesa masayang lang." Usal niya saka ako binitawan at naglakad palabas ng kusina.

Hindi na niya inantay na sumagot si manang. Napatingin sa'kin si manang dahil nakita niyang hindi nagalaw ang pagkain.

"Maam kumain na po kayo."

"Busog pa po ako manang." Tanggi ko nilingon ko si Troy habang paalis napayuko ako sa sama ng loob ko sa kanya.

Ayaw kong ipakita kay manang na apektado ako bakit ba siya ganyan? Umalis siya ng hindi halos nagalaw ang pagkain niya.

Bigla na lang nagbabago ang mood niya ng hindi ko alam ang dahilan nag-uusap lang naman kami. Hindi ko na talaga siya maintindihan.

"Ikaw ha!" Sabay sundot ni Fatima sa noo ko.

"Paanong hindi alam ni Troy na allergic ka sa rose? Mag-asawa ba talaga kayo?" Tanong niya sakin.

Fatima is a family friend at bumisita siya sa mansyon. Hindi nagkakalayo ang edad namin kaya naman palagay ang loob ko sa kanya.

Yun sana ang sasabihin ko kay Troy kanina pero hindi ko na nasabi dahil bigla na lang niya akong tinalikuran.

"Pero kasi kung intensyon niya talaga na magkaayos kami at humingi ng tawad sakin bakit niya inutusan si manang na tanggalin ang pagkain nakita niya naman na hindi pa ako kumakain nagugutom tuloy ako ngayon." Sumbong ko sa kanya.

"Baka naman nagkamali ka lang ng akala. Sabi ni manang kagabi pa yung pagkain at ininit lang baka sumakit ang tiyan mo kapag kinain mo yun at concern lang sayo ang asawa mo ayaw ka niyang magkasakit." Pagtatanggol niya kay Troy.

"So mali ako?" Balik tanong ko sa kanya.

"Huwag mo ng isipin yun halika maglakad-lakad tayo sa labas ng maarawan ka naman tingnan mo nga ang sarili mo ang putla mo na oh."

Naglakad-lakad kami sa pathway sa labas ng mansyon hila-hila ni Fatima si Butter ang alaga naming aso.

Nakita naming palabas ng gate ang kotse ni Troy at dadaan ito sa harapan namin akmang tatalikod sana ako para makalayo ng hawakan ni Fatima ang kamay ko.

"Oh anong gagawin mo iiwasan mo na naman siya? Huwag ka ngang ganyan harapin mo siya mag-usap kayo." Sabi niya sakin.

"Hindi ko siya iniiwasan no gusto ko pang ipasyal si Butter doon oh turo ko sa damuhan." Sakto namang tumigil ang kotse ni Troy sa harap namin.

"Hi,Troy!" Kinawayan siya at binati ni Fatima.

"Huwag mo siyang kausapin napakaarogante ng lalaking iyan hindi ka niyan papansinin kahit narinig ka niya." Saway ko kay Fatima at binaba ko ang kamay niyang pakaway-kaway sa asawa ko.

Ibinaba ni Troy ang bintana ng kotse.

"Get in." He said habang diretso lang ang tingin.

"Me?" I asked him.

"I didn't talk to you. I'm talking to her." He added.

Nagtatakang tiningnan ako ni Fatima at parang naghihintay ng sasabihin ko. Tumango ako sa kanya bilang senyas baka mayroon silang pag-uusapan.

Inabot niya sakin ang tali ni Butter at walang lingon na lumakad at sumakay sa kotse ni Troy.

"Have a good walk with Butter right here and take good care of her sana mag-enjoy ka total sanay ka namang mag-isa." Habilin ni Troy at pinasibad ang kotse kasama si Fatima.

Saan sila pupunta? Bakit si Fatima ang isinama niya at hindi ako? Sinundan ko na lamang ng tanaw ang sasakyan hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

I heaved out a sigh at naglakad-lakad pa ng ilang minuto with a heavy heart and decided to go back to mansion.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status