Indie Emerson Humigpit ang yakap ko sa aking bag nang mapansin ang kakaibang titig ng lalaking kaharap ko. Nakasakay ako sa isang pampasaherong jeep ngayon, patungo kasi ako sa mall kung saan gaganapin ang Art Exhibit na pupuntahan ko. Nag-commute lang kasi ako. Umalis kasi sila Mama at Papa, inihatid sila ng driver namin kaya walang pwedeng maghatid sa akin. Pinagalitan pa ako ni Manang kanina kasi sabi niya antayin ko na lang daw na makauwi ang driver pero nagpumilit na ako makaalis. Marunong naman ako mag-commute, hindi lang talaga ako sanay kasi palagi akong hatid sundo ng driver namin. Ayoko pa namang ma-late pero na-stuck na ako sa traffic ngayon. Hindi naman rush hour ngayon, siguro ay lagi talagang traffic dito sa way na dinaanan namin. Punuan ang jeep na nasakyan ko at hindi ako komportable. Nasa pangalawa sa dulo ako. Nakakainis dahil nagiging paranoid na naman ako. Pakiramdam ko ay may biglang papasok sa jeep at gagawing mang-holdap. O 'di kaya may hahablot ng hikaw na suot-suot ko. Iyong nakatabi ko pa kanina ay medyo may amoy kaya nairita ako. Buti na lang ay bumaba na iyon sa may simbahan at may pumalit sa kanya na estudyante. Ang problema ko naman ngayon ay itong Manong na kaharap ko, kanina pa iba ang tingin niya sa akin kaya sobra akong naiilang at 'di mapakali. Ibinaling ko na lang ang tingin sa crochet pouch na hawak ko at pinaglaruan sa kamay ang crochet balls na nakasabit doon. These small round crochets in color acid blue become my stress balls kapag nasa labas ako. Wala naman sigurong mali sa panlabas ko ngayon? I'm wearing a very comfortable outfit for this day, balot na balot nga ako. Wide leg pants, long sleeve knitted top in shade of black and white converse. "Bayad po!" Napaayos ako ng upo at ramdam ko ang pagkagulat ko sa sigaw ng katabi kong babae na nasa kanan. Inabot niya ang bayad, akmang aabutin ko 'yon pero naunahan ako ng lalaking nasa kaliwa na katabi no'ng estudyante. Masyado na ata talagang napaparami ang pag-inom ko ng kape sa umaga. O sadyang nakagugulat lang talaga ang pagsigaw niya. Napatingin ako sa harapan and I saw how the old man smirked because of my reaction. Nanayo ang balahibo ko at mas hinigpitan ang yakap sa mga hawak. His reaction is giving me goosebumps and I don't like it! Why is he like that?! Ayoko talaga kapag tinititigan ako ng ibang tao lalo na kapag hindi ko kakilala. I calmed myself by shutting my eyes tightly and sighing. Hindi ko na lang itinaas muli ang mukha para masalubong ang titig niya. Ilang minuto pa ang lumipas at isinigaw na ng driver ang pangalan ng mall. Mabilis akong umalis sa pagkakaupo at bumaba ng jeep. Maraming jeep ang huminto at nagbabaan ang mga sakay nito. Maraming tao dahil paniguradong papasok ang iba at ang iba ay mamamasyal. Napapitlag ako ng may bumangga sa akin. "Sorry, miss!" sigaw nung lalaki at mabilis na nagpatuloy sa pagtakbo. Napatingin ako sa entrace ng mall at nakitang may pila pa kaya dali-dali akong naglakad para makatawid at umakyat sa hagdan kung saan andoon ng entrance. Dali-dali akong nakipag-unahan sa pila dahil nagtatakbuhan din ang mga kasabayan ko. Late na rin talaga kasi ako! Ilang minuto pa ang itinagal ko sa may entrance dahil napatagal sa pagsusuri ng gamit. Nasa fifth floor ang convention hall, mabilis kong tinakbo ang right wing dahil andoon ang elevator na bihira lang din gamitin ng mga tao. Mostly kasi, papunta sa parking o 'di kaya mga mayayamang tao ang gumagamit nito. Iyon ang napansin ko everytime na papasok ako sa mall na 'to at dito ako sumasakay. Nang makalabas ng elevator ay tumakbo na ako para makarating sa hall at agad na dumiretso sa isang table an andoon for artists. Nakita ko agad si Maya na ngumiti nang makita ako. Kilala ko siya dahil siya lagi ang nasa front desk kapag may events. "Good morning, Indie!" Nginitian ko lang siya at hinabol ang hininga dahil hiningal ako sa pagtakbo ko. Napansin iyon ni Maya kaya bahagya siyang natawa. "Tumakbo ka?" she asked. Tumango ako sa ipinatong sa mesa na nasa harap ang bag ko at saka inabot ang panyo na nasa bulsa no'n para ipamunas sa noo kong nabasa na ng pawis. Maya smiled. "I sent you a text message kaya! Sabi ko kahit huwag ka na magmadali kasi hindi pa naman nagsisimula! Hindi mo nabasa?" aniya. Hindi ko siya sinagot at dali-daling inilapag sa mesa ang hawak na crochet pouch. Binuksan ko ang bag at kinuha ang phone ko. Ini-swipe ko 'yon at napansin na naka-silent pala ang phone ko. Ipinakita ko 'yon kay Maya. "Kaya naman pala! Bakit kasi naka-silent ang phone mo?" tanong pa niya. Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko maalala kung paano naging silent mode ito. Hindi ko naman kasi nagagamit ang phone ko. Kapag may importanteng gagawin lang. Pinasulat na ako ni Maya sa may logbook for the attendance ng mga artist. Inabutan niya ako ng access pass at isinukbit ko 'yon sa leeg ko. Napansin ko na may mga tao na sa loob pero hindi naman sobrang crowded. Muli kong ibinalik sa bag ang phone at isinara ito nang maayos, muling isinabit sa balikat ko at ipinuwesto sa harapan ko. Inabot ko ang crochet pouch ko at inilabas ang laman no'n. Hindi naman 'yon mahuhulog 'yon dahil nakatali rin sa may mismong crochet pouch. Sumenyas ako kay Maya na papasok na ako sa loob at tumango naman siya. Ang malaking hall ay napapaligiran ng mga portraits na nakasabit sa itinayong puting wall. Sa gitna no'n ay may mababang stage na itinayo para sa mini program na inihanda. May mga round wood cocktail table rin sa paligid. May nag-aayos din na catering for the food later. May nag-iikot na waiter for the drinks. This Art Exhibit was sponsored by Art Bar, kung saan ako nagtatrabaho as their painter. May kinuha rin silang iba't ibang art painter to showcase their masterpiece. May magaganap din na auction mamaya kaya magiging masaya ito. Sana mapunta sa magandang offer at kamay ang dalawa kong gawa. Pinilit lang din talaga ako ni Madam Sonya na may-ari ng Art Bar na sumali. Nahiya na lang din ako kaya pumayag na ako. Ayoko pa naman sa maraming tao pero lalakasan ko na lang siguro ang loob ko. "Oh my gosh!" Napapikit ako nang tumama ang kanang bahagi ng katawan ko sa kung ano. Nakarinig pa ako ng malakas na tunog, tanda na may bumagsak sa sahig at isa pang pagtili. Sa pagmulat ay nakita ko ang babae na nakayuko at inaabot ang cellphone niyang nalaglag. Mabilis kong inilapit sa akin ang white board na hawak at binuksan ang takip ng white board marker saka nagsulat, wala na akong pake kung panget man ang kalalabasan no'n. Mabilis kong ipinakita ko 'yon sa babae. "I'm sorry po! Hindi ko sinasadya!" Halatang nagulat siya sa ipinakita ko at napakurap pa siya. Kalaunan ay tumikhim siya at ngumiti sa akin. "Uh, it's okay!" aniya, ipinakita niya ang phone niya sa akin. "Wala namang basag!" Kinakabahan na tumango ako at tiningnan mabuti ang phone niya. Wala iyong basag. Shit, kinabahan ako ro'n ha! Mabilis na nagpaalam sa akin ang babae at naiwan ako sa kinatatayuan. Pinunasan ko ang hawak na white board gamit ang sleeve ng suot ko, itim din naman 'to kaya 'di mahahalata. Ibinalik ko rin ang takip ng marker ko, nang matapos ay muli akong humakbang pero agad din na napatigil nang makarinig ng kung ano. "Pipi pala siya." "Oo nga!" Nasundan pa iyon ng paghagikgik. "Maganda siya pero pipi pala." "Sayang." Naging biglaan ang pagkabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas no'n, pakiramdam ko ay aalis na sa kinalalagyan ang puso ko. Nagpatuloy ako sa paglakad at pumwesto na lang sa isang table doon. Umikot ang mata ko sa paligid at napansin ko na may napapatingin sa akin na agad din nag-iiwas ng tingin. Kinuha ko na lang ang phone ko at doon ibinaling ang atensyon. Their words keep echoing in my mind kahit na ilang minuto na ang nakalilipas. Gusto kong maiyak sa narinig kanina. Dapat sanay na ako pero hindi ko pa rin magawa. Ang lakas talaga ng epekto sa akin. This is the reason why I hate public and crowded places. The reason why I hate people looking or staring at me, 'cause once they got the chance to know my situation... may lalabas sa bibig nila at mostly ay hindi talaga magaganda. Kawawa raw ako kasi hindi ako nakakapagsalita. Malaking sayang o 'di kaya problema ang dulot kasi... kasi Pipi ako.
Indie Emerson Isabelle and Nicholas Emerson adopted me at the age of two. Ang mag-asawa na 'yan na tinatawag kong Mama at Papa ngayon ay hindi makapagsilang noon kaya naisipan nilang pumunta sa isang ampunan sa San Juan City, at ako ang napili. I was too young and naive. Hindi ko alam kung bakit nasa lugar ako kung saan maraming bata. Maingay, magulo pero masaya dahil nakapaglalaro ako. Hanggang sa ang mag-asawa na Emerson na ang nakasama ko. Naging masaya because they showered me love and attention. I was born mute. I was five when I finally realized na hindi ako nakakapagsalita, wala ni isang salita o letra na lumalabas sa bibig ko. Akala nila late lang daw ako sa gano'ng stage pero hindi. Swerte pa nag dahil hindi ako bingi, may iba kasi na sabay nararanasan ang pagkabingi at pipi. Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha nila no'ng mga panahon na 'yon. Hindi ko alam pero nauwi ako sa pag-iyak that time. Kalaunan ay nabuntis si Mama at ipinanganak si Ingrid, tuwang-tuwa ako kasi may
Indie Emerson "Grabe! Ayoko na talaga sa earth! Lagi na lang talaga pinapamukha sa akin ang kulang!" Mabilis kong siniko si Maya nang isigaw niya 'yon. May napatingin sa amin kaya bigla akong nahiya. Nakapila kasi kami sa isang milktea shop ngayon at napansin niya na puro raw couples ang andito sa loob. Ang dami niyang sinabi pero isa lang ang naalala ko, naiinggit daw siya! "Ayoko na sa earth kasi ang init!" dagdag pa niya saka natawa.Nayakap ko na lang sa dibdib ang hawak na crochet pouch at ngumuso. Minsan talaga hindi ko masakyan ang trip ni Maya pero sanayan na lang talaga. Minsan lang din naman kasi kami nagkikita, kapag may events lang talaga. Minsan dumadalaw siya sa Art Bar para manggulo. Tumingin si Maya sa akin at hinaplos ang maiksi kong buhok. Gawain niya talaga haplusin ang buhok ko, nagagandahan daw kasi siya. "Eh, ikaw? Wala ka bang balak mag-jowa?" aniya. Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa kanya. In my 25 years of existence, wala namang nagkainteres sa ak
Indie Emerson My heart is pounding so wildly when Mama asked me to sit. Tumayo si Papa at ako ang unang pinaupo. Katapat ko na ang lalaking sinasabi ni Mama. Kahit hindi ko pa talaga alam ang reason ng dinner na 'to ay ramdam ko na kung saan 'to patutungo lalo na andito si Judge Lagdameo. This is probably not a simple dinner. "Let's order?" Mama asked. "Sure!" the woman said happily then looked at me. Naging maliit ang ngito niya but I don’t find it terrifying or scary. Ganoon din ang titig ng matandang lalaki. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa lalaking kaharap ko. He’s now looking at me intently. We have the same blue eyes but I can say na mas malamig ang mga mata ko at mas maganda ang pagka-blue ng akin. I was looking at him emotionless and blandly. I don’t know him but I feel that I already saw him somewhere, I just can’t remember where it was. Hindi talaga ako matandain sa mga mukha at saka hindi ko naman kasi siya kilala. Wala akong kaibigan. Wala ako masyadong kilala. Hi
Indie Emerson I know that Mama Isabelle wanted me to get married because that's her own way to get rid of me. Alam kong iniisip niya na kapag kinasal na ako ay mawawala na ako sa pamamahay na 'yon dahil isasama na ako ng lalaking mapapangasawa ko, kung sinoman iyon. Hindi ako tanga para hindi maisip 'yon. I stayed with them because of gratitude and love, na kahit itaboy nila ako ay mananatili ako. Isa rin 'yon sa ipinangako ko kay Ingrid. When people got the chance to know my situation, magpapakita sila ng emosyon na mahirap ipaliwanag, nakakalito. Hindi ko tuloy mahinuha kung nagugulat ba talaga sila o nanghihinayang. Minsan naiisip ko nilalait na nila ako sa isipan nila. Hindi rin naman nakakagulat dahil naranasan ko na ang malait at masabihan ng kung anu-ano. Nanginginig ang kamay kong hawak-hawak ang board habang ipinapakita 'yon sa lalaking kaharap. Halatang nagulat siya. I don't know if how long we've been staring to each other until I decided to looked away. Napakurap ako at
Indie Emerson That night, I stayed in a hotel. Hindi ako umuwi sa bahay dahil magtataka sila Mama at Papa. Baka mauwi pa ang usapan namin sa pagtatalo at ako na naman ang lalabas na masama at hindi sumusunod. Inaasahan pa naman niya na pagkatapos ng dinner na iyon ay sasama na ako kay Weston. Kahit si Weston ay nagulat, he was not prepared! Nakakagulat pa dahil napakadali niyang tinanggap lahat ng 'to. Iyong tipong may plano na siya. Iyong ayos lang sa kanya kahit na maging magkaibigan kami. Ang bait niya at hindi ako sanay. Mahirap na dahil baka mamaya ay sa una lang siya mabait, baka nagkukunwari lang.Feeling ko alam ng Mommy niya na pipi ako at hindi lang nila sinabi kay Weston para hindi ito mag-back out. Namumukaan ko ang Mommy niya ngunit hindi ko lang maalala kung saan. Baka investor din nila Mommy or isa ring negosyante. Expected ko na 'yong ganito, pero hindi 'yong bibiglain kami sa pagpirma ng marriage certificate. May pre-nuptial din dahil alam kong may porsyento na ipina
Indie Emerson What happened to me for the past years and the way people treated me scarred me for life. There was a time in my life that I planned on taking my own life, but Ingrid caught me. Galit na galit siya sa ginawa ko at ipinaintindi niya na there's more to life. Nang mawala siya, nawalan ako ng kakampi sa lahat. Parang sinuntok sa akin ng mundo ang mga nararapat para sa akin— a dull life alone.Minsan iniisip ko na sana bingi na lang din ako para wala akong naririnig sa kanila patungkol sa kung ano ako. People seems to unaware of what we could entails. They were blinded by their prejudices. It was upsetting, actually. I felt like I'm trapped in a world of my own, trapped in my own mind. This condition of mine crushed me on a day-to-day basis. I felt useless and out of place. That's why I also choose to be alone... "Did you eat your breakfast?" I blinked twice when Weston talk. I looked at him and he's focused on driving because he was looking straight. And I can say that
Indie Emerson Drawing and painting become my comfort zone. My youth was constantly kinda frustrating up until now. My mind is always occupied with new thoughts and ideas, and I couldn't voice all of them. Painting become my way to peace in this cruel world. Kapag nakahawak ako ng brush at nakaharap ko na ang canvas ay para akong nabubuhayan lagi ng loob at nakakadama ng ginhawa. But not all the time. I also have bad days at kahit kaharap ko na ang mga bagay na nagpapatahimik sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-isip ng kung ano. I just know how not to pour it out in people. Kaya nasanay din akong hindi makihalubilo sa mga tao. Nasanay akong ako lang mag-isa. Okay lang naman dahil iyon naman ang sinuntok sa akin ng mundo... ang mag-isa. Kumunot ang noo nang makita na hindi maayos ang pagkakalinya ko sa mata ng babae na nasa drawing pad ko. Naiinis na pinunit ko ang pahina no'n at tinapon na lang sa kung saan. Sa paglingon ay nakita ko ang kumpol ng mga nagusot na papel
Indie Emerson "Edi wala tayong pasok sa katapusan?" Narinig kong tanong ng isang cashier staff habang pumipili ako ng paint brush sa gilid. May kausap kasi siyang isang sales staff. Mga katrabaho ko sila pero hindi naman kami close. Hindi ko rin naman kasi sila nakakausap dahil nga sobrang ilap ko sa mga tao. May iba kasi na ayaw din naman ako kausap kaya ako na lang ang kusang lumalayo. "Half day lang! Kasal nga kasi ng panganay niyang anak 'di ba?" "Ay, oo nga pala!" Lumapit ako sa pwesto nila at nilapag ang paint brushes na nakuha. Inabot ko rin ang debit card ko para iyon ang gawing pambayad."Paniguradong grande ang kasal nila! Vega at Ynares ang ikakasal!" Napakunot ang noo ko nang marinig ang Vega. Saan ko nga ba 'yon narinig? Inasikaso ng cashier staff ang binili kong brushes at nang okay na ay kinuha ko muli ang card at bumalik sa room kung saan andoon ang painting area namin. Nasa loob lang din naman kasi kami ng Art Bar. Dalawa lang kaming painter ngayon ang pumasok d