Teilen

Mistake 25

last update Veröffentlichungsdatum: 17.03.2026 21:10:01

Wala kibo si Erin sa loob ng sasakyan, kasalukuyang tinatahak na nila ang daan pauwi. Ang mata niya'y nakatuon ang paningin sa labas at maya't maya rin ang pakawala ng malalim na hininga. Sa tuwing bumabalik sa kaniyang balintataw ang tagpong nakita ay parang sasabog ang puso niya. Parang babaha ng luha.

"Are you okay, mahal?"

Naagaw ang pagmumuni-muni niya nang magsalita si Tyler. Inabot nito ang kaniyang palad na nasa kandungan. Dinala iyon sa labi. Siguro, kung hindi niya narinig at nakita
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel
Kommentare (3)
goodnovel comment avatar
Jaslly Parana
i'm sure pinapaikot lang ni katrina c Tyler.baka mgkasabwat pa sila ni victor dahil sa kumpanya.naku Erin hwag ka ng mgpakatanga kay tyler..thank you,author..
goodnovel comment avatar
Iza May
salamat miss A sana isa pang update
goodnovel comment avatar
Iza May
wag ng pahirapan ang sarili mo erin umalis kna dyan at bumalik sa dady mo, tanga lng tlaga c tyler kay katrina
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 32

    MASAYANG nakikipagkuwentuhan si Erin kay Dorothy, aminin man niya o hindi, giliw na giliw siya sa ginang. Marahil, nami-miss niya ang kalinga ng isang ina. Hanggang sa nagsimula na ang party. Nagsalita ang ama ni Tyler, nagpasalamat sa pagtangkilik sa Green Ivory at maging sa bagong kasosyo sa negosyo... si Seb at Mr. Del Carmen. Luminga ang kaniyang paningin, hinahanap ang lalaking nagsama sa kaniya sa event na ito, pero hindi na niya ito mahagilap. Nang matapos ang ginoo, si Tyler naman ang humarap sa microphone. Tulad ng ama, nagpasalamat lang din ito. Tinawag nito si Seb, nasa sulok ang lalaki at may kausap sa phone. Matapos ang pasasalamat ng dalawa ay umalis na si Tyler sa harap ng mikropono. Tinanaw niya kung saan ito papunta. Palabas ito at sumunod si Katrina. Gumuhit ang pamilyar na kirot sa dibdib niya. Naalala pa niyang tinawag na 'honey' ni Katrina si Tyler."Well, congrats! Sila na palang muli," anas ng isipan niya. Pero hindi pa niya napapansin si Victor. "Kumusta kaya

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 31

    NALAGLAG ang panga ni Tyler habang nakatitig sa babaeng naglalakad, ang babaeng matagal na niyang hinahanap... si Erin. Ngunit mas nagulat siya sa taong kasama nito, si Mr. Armona. Nakaangkla ang kamay nito sa lalaki, dinaig pa ang mag-asawa."Totoo ba ito? O isang panaginip lamang?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.Hindi pa siya napapansin ni Seb, abala pa ito sa hawak na cellphone. Nahinto ang paghakbang niya para salubungin ang dalawa nang may humawak sa braso niya."Honey..." Nag-iba ang awra niya matapos siyang tawaging 'honey' ni Katrina kahit may ibang tao. Binabakuran siya na para bang pag-aari nito. Simula nang umalis si Erin sa poder niya, hindi pa sila nagkakausap. Nagpapadala ito ng text message sa kaniya at may oras na tumatawag din, pero hindi niya sinasagot. Simula rin nang umalis si Erin ay hindi na niya binibigyan ng pansin ang dating asawa. May dahilan siya kung bakit siya nakipaglapit dito, pero hindi niya alam na ang babaeng minamahal ang magiging kapal

  • Loving You Is A Mistake    Chapter 30

    KAHARAP ni Tyler ang ama't ina, kasama na si Victor at Katrina. Nasa sala sila para pag-usapan ang gaganaping event party ng Green Ivory. Ang kaniyang ama ay hindi maipinta ang mukha, samantalang ang ina ay nakaguhit ang pangamba. "I'm so disappointed, Tyler," tinig nito. "Imagine, ang isang matayog na Tyler Samniego, bumabalik-balik sa mababang uri ng bar--" "Papa!" awat niya rito. Pakiramdam niya'y umakyat ang dugo niya sa ulo. "Hindi mababang uri ang bar na yun, nang dahil sa lugar na yun nakilala ko ang babaeng nagbigay muli ng kulay sa buhay ko, ang babaeng nagpatibok muli ng puso ko." Hindi siya galit, mababa ang timbre ng boses, pero sapat na para maunawaan ng mga kaharap na totoo ang kaniyang sinasabi. Sa sulok ng kaniyang mata, kita niya ang pagdan ng kirot sa mukha ni Katrina. Hindi yata makapaniwala sa narinig. "Ipinagmamalaki mo pa rin ba ang babaeng yun, kuya?" biglang singit ni Victor. "Kaysa naman sa girlfriend mo, na ex-wife ko!" patutyang ganti niya. Tumalim ang

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 29

    HINDI pa man sumasapit ang seven ay nasa tapat na ng bar na pinasukan ni Erin si Tyler, nagbabaka-sakaling nandoon ito. Ilang araw na ba simula nang umalis ito at magpahanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam kung nasaan ito. Namalagi siya sa loob ng sasakyan, nakamasid lang sa pinto. Habang lumalalim ang gabi ay parami nang parami ang pumapasok. "Sana nandiyan ka sa loob, mahal ko," piping usal niya. Pinagpasyahan niyang lumabas na ng sasakyan. Sinalubong siya ng maingay at madilim na room. Ganun pa rin ito, walang pinagbago. Kung mayroon man, yun ay siya. Nang una siyang pumasok dito, malungkot at nagdurugo ang puso niya. Nanumbalik ang saya sa kaniyang pagkatao nang makilala ang waitress na si Erin. And now, here he is... malungkot pa rin. Durog na durog ang puso. Iisang tao lang makagagamot ng sugatang puso niya at si Erin yun. Umupo siya sa sulok, kung saan ay tanaw niya ang counter. Inisa-isa niya ang mga babaeng lumalapit doon, pero sadyang hindi niya makita ang pakay. S

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 28

    NAGISING si Tyler na wala na sa tabi si Erin. Gumuhit sa labi niya ang malaking ngiti, naalala niy ang naganap nang nagdaang magdamag. Ilang beses na nag-isa ang kanilang katawan. May siglang bumangon siya, nagtungo sa banyo. Matapos makapaglinis ng katawan ay nagdumali siyang lumabas na ng room. Sumisipol pa habang bumababa sa hagdan. Dumiretso sa kusina dahil alam niyang nandoon ang babaeng minamahal. Subalit, agad na napalis ang ngiti nang walang Erin siyang naratnan doon. May nakahaing pagkain sa mesa, mainit-init pa. "Ang aga namang matapos ni mahal," aniya at muling tinakluban ang lutong pagkain.Pinuntahan niya ito sa labas ng bahay. Tulad nang nakagawian nitong gawin, pagkatapos nitong magluto ay dumideritso ito roon para diligin ang mga bulaklak. Wala ito sa harapan. Inikot niya ang paligid ng bahay, ngunit hindi niya ito matagpuan. Bumalik siya sa loob, hinanap sa kung saan-saan, ngunit sadyang hindi niya ito makita. Nagsimula nang kumabog ang dibdib niya. "Mahal..." Wala

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 27

    "ORAS na ba para umalis ako? Na iwan ko si Tyler? Susuko na ba ako?" mga salitang namutawi sa bibig ni Erin. Nasa sofa pa rin siya, nakahigang yakap ang mga tuhod. Hindi maampat-ampat ang luha.Humingi siya ng sign sa Maykapal at kung ano ang ibigay Nito'y tatanggapin niya nang maluwag. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay tuluyan na siyang ginupo ng antok, nakalimutan na ring maghapunan at isa pa'y nawalan na siya ng gana. Nagkamalay na lang siyang may kung anong humahaplos sa kaniyang pisngi. Nanlalabong iminulat niya ang mata. Si Tyler. Akala niya'y isang panaginip lamang ang nangyayari, nahiling na huwag na sanang magising at manatili na lamang sa ganoon. "Bakit dito ka natulog, mahal?" Hindi pala panaginip, kundi totoong nangyayari. Totoong nasa harapan niya si Tyler. May pangamba siyang nababanaag sa mata nito, pero hindi niya mawari kung para saan at kung para kanino.Inalalayan siya nitong bumangon. Nais sana niyang sabihing 'ang sweet', pero minabuting sarilinin na lamang niy

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status