Mag-log in
UMIIGTING ang panga ni Tyler. Kinakain ng galit at poot ang sistema niya. Nakamamatay na titig ang ibinibigay niya sa dalawang taong nasa loob ng restaurant. He saw his wife. She's with another man. Masaya at walang pakialam sa paligid. Hindi siya pansin ng mga ito dahil nasa tagong puwesto siya, kaya kitang-kita niya ang paglalampungan ng dalawa.
Nagsisilabasan ang ugat niya sa sa leeg at braso. Nanginginig man sa galit ay nagawa pa rin niyang kuhaan ng video ang dalawa. Ebidensiya niya sa ginawang pag-ipot sa kaniyang ulo. Saktong h******n ng lalaki ang kaniyang asawa at talagang sa lips pa! Put*ng-ina! Pakiramdam niya'y pulang-pula ang mukha niya sa sobrang galit. Parang sasabog ang ulo niya. Halos magbuhol-buhol ang paghinga niya. Nagrarambulan ang dibdib. "Mga walanghiya!" Matapos ma-i-save ang video ay muli niyang isinuksok ang cellphone sa bulsa. Matiyaga pa rin siyang nagmamasid, kahit masakit, kahit nadudurog ang puso niya sa nakikitang kasiyahan ng dalawa. Ang kaniyang asawa, si Katrina, almost two years na silang kasal. Hindi sila nabibiyayaan ng supling dahil may problema ito sa matris, pero kahit ganoon, mahal na mahal niya ito. Dito lang umikot ang buong buhay niya. Tanggap niya ang kakulangan nito. Ni minsan ay hindi siya tumingin sa ibang babae. Ito lang ay sapat na. Pero sa kabila ng kakulangan nito bilang isang babae, nagawa siyang lokohin. Ito pa talaga ang may ganang magloko? Bullshit! Tumayo ang dalawa, mukhang tapos nang kumain. Naging mabilis ang pagkilos niya. Nagkubli siya sa sasakyang naka-park sa gilid nang dumaan ang mga ito malapit sa kaniya. Sumakay sa sasakyan ng lalaki. He followed them. Hindi ang sariling sasakyan ang ginamit niya, kundi pumara siya ng taxi para hindi makalahata ang kaniyang asawa. Literal na umawang ang kaniyang bibig nang mapagtanto kung saang lugar huminto ang sinasakyan ng dalawa. Sa isang hindi kilalang hotel. Pumasok ang mga ito sa loob at alam na niya kung ano ang gagawin ng mga ito. Mas lalong naghurumintado ang puso niya, ganun pa man ay hinintay niya pa rin niyang makapag-check-in ang dalawa bago siya nagtanong sa information. Hiningi niya ang room na papasukan ng dalawa, sa una ay ayaw pang ibigay pero nadala sa kaniyang pananakot. "Room 69!" 69 pa talaga ang numero ng room nila! H*yop! Nasa tapat na siya ng room. Kasabay ng panginginig ng kalamnan, ang panlalamig ng buong sistema niya. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng dalawang tao sa loob ng room ng hotel. Hindi sila basta manunuod ng movie lang. Puwede silang kumain at isa na rin sa kakainin ng traydor na lalaki ang kaniyang asawa. Nakakapanginig ng kalamnan. Hindi niya masikmura. Parang gusto niyang magwala. Pero sa halip na guluhin ang dalawang nasa loob, pinili na lang niyang umalis. Bago siya tuluyang lumabas ng hotel, nag-request siya na dalahan ng pagkain ang nasa room 69, siya na rin ang nagbayad ng in-order para sa dalawa. Nagpahatid siya sa restaurant upang balikan ang sasakyang iniwan doon. Nasa harap na siya ng nakahimpil pang sasakyan, ang mga mata'y nakatutok sa kamay na nakahawak sa manibela. Nandoon ang wedding ring. Ang wedding ring na sumisimbolo sa kanilang pagmamahalan. Tsk. Bakit pumayag itong magpakasal, lolokohin din naman pala! Mariin niyang ipinikit ang mata kasabay ang pagsandal ng tila pagal na katawan sa sandalan. Ilang beses umalon ang kaniyang lalamunan. Kahit anong pigil n'ya sa sarili, may umalwas pa ring butil ng luha. "Why, Katrina? Why?" Hindi n'ya alam kung saan siya nagkamali? Kung nagkulang ba siya o sadyang hindi lang siya mahal ng asawa? Pero kung sasabihing nagkulang siya sa atensiyon at pagmamahal... no! Wrong! Dahil, sobra-sobrang pagmamahal ang iniaalay niya rito. Nag-uumapaw pa nga. Mas mahal pa niya ito kaysa sa kaniyang buhay. Biglang pumasok sa isipan niya, hindi kaya gawa-gawa lang ng asawa niya ang sakit nito? "Imposible! Kasama ako at sinabi sa harapan ko mismo ng doctor na may problema ito," anas niya sa sarili. Naglumikot ang isipan niya. Parang sasabog ang ulo niya, hanggang sa hindi na niya nakayanan ang kirot sa dibdib. "Ahhh..." Isang sigaw ang kumawala sa kaniyang bibig. Sigaw na may kasamang pighati't galit. Nanginginig sa galit ang kalamnan niya. Parang gusto niyang magwala, manuntok ng tao. "Minahal kita, Katrina! Mahal na mahal, pero bakit? Mas masarap ba siyang humalik kaysa sa akin? Masarap ba siyang umindayog sa ibabaw mo? F*ck!" Nagngangalit ang bagang niya. Isinubsob niya ang mukha sa manibela. Hinayaang pumatak ang luha. Hindi na niya mabilang kung ilang oras siyang nakahimpil sa labas ng restaurant, maging ang pagluha ay hindi maampat-ampat. Naagaw ang nalulumbay niyang sistema nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Si Katrina. Mukhang tapos nang magpakasarap at ngayon ay siya ang tinatawagan. Galit man ay sinagot n'ya rin ang tawag nito. "Hi, mahal! What time ka uuwi," tinig ng nasa kabilang linya. Lint*k! Nauna pa pala ito sa kaniya! "M-malapit na. Tinatapos ko lang ang ginagawa ko." "Okay. Magluluto ako ng masarap na hapunan." Ngumisi siya. 'Masarap na hapunan? O ikaw ang naging hapunan ni Victor?' katagang lumabas sa isipan niya. Wala sa loob na pinaandar niya ang sasakyan. Habang minamaneho ang sasakya'y samo't sari ang pumapasok sa isipan niya. Kung paano mapapaamin ang dalawa. Base sa nakita niya'y mukhang matagal nang may lihim na relasyon ang mga ito. Ngayon lang niya napagtanto, na ang ipinapakitang pagkadisgusto ng kaniyang asawa kay Victor ay peke lamang. Paraan lang nito para hindi siya maghinala. "Mahusay. Tsk! Galingan niyo pala!" anas ng isipan niya. Pansamantalang inalis niya sa sistema ang nalaman nang marating ang tapat ng tahanan nila. Ang tahanang naging saksi sa kanilang pagmamahalan, huwad lang pala. Pilit niyang pinasigla ang awra. Simple lang ang tahanan nila, ayaw nito ng masyadong malaki. Two storey; sa ibaba ay nandoon ang sala, kitchen, may isa ring bedroom. Sa second floor ay two bedroom at office room niya. Wala rin silang kasambahay, dahil ayaw kumuha ni Katrina. Sa pintuan ng kusina, humahalimuyak na ang mabangong niluluto ng kaniyang asawa. Masarap itong magluto. Lahat ng inihahain nito'y nagugustuhan niya, at tiyak na maging si Victor ay nasarapan din. Sinilip niya ito. Bagong ligo. "Ibang klase. Pagkarating ay naligo upang hindi ko maamoy ang umaalingasaw na amoy," bulong niya. Busy ito sa paghahalo, kaya nama'y hindi siya pansin. Pinagmasdan niya ito. Mula sa buhok na lampas balikat lamang. Ang baywang na may kaliitan, na dati'y kamay lang niya ang nakadadantay. Ngayon, may Victor pa! Lumingon ito. "Oh, nandiyan ka na pala!" bati nito. Tuluyan na siyang pumasok. Sinalubong siya nito't dumukwang para humalik pero umiwas siya. Ayaw niyang mahawa sa mikrobyong pumasok dito. Kumuha siya ng baso at kunwaring iinom. Hindi naman ito nakahalata. Bumalik ito sa harap ng kaldero at muling hinalo ang niluluto. "I'm starving," sabi niya kahit hindi naman. "Sige, upo ka na. Malapit na 'tong matapos. Sinunod niya ito. Pagkaupo'y matiim siyang tumitig dito. Kulang na lang ay pasabugin sa sobrang galit. Naglalagay na ito ng ulam sa mangkok. Maingat iyong dinala at ipinatong sa mesa. Sunod naman ang kanin. Chicken afridata. Mukhang masarap pero wala siyang gana. Naiisip niya ang ginawa ng asawa sa hotel. Marahas siyang huminga. "Are you okay?" "Huh!" "Kanina ka pa wala sa sarili, a. Is there any problem?" Gustong sumigaw ng isip niya. Nais niyang ipaglandakan dito na alam niyang may ginagawa itong kalokohan. Umiling na lang siya. "May problema lang sa office." Pilit siyang ngumiti. "Ah, kain na tayo." Kahit walang gana at gustong masuka, pinilit niyang lunukin ang pagkain. Kunti lang ang kinain niya, bagay na ipinagtaka ni Katrina. Sinabi na lang niyang masama ang kaniyang pakiramdam at gusto nang magpahinga. Pagkatapos kumai'y pumanhik na siya sa second floor pero hindi sa silid, kundi sa office na kadikit lang ng master bedroom. Doo'y nilunod niya ang sarili sa pagbabasa ng report. Siya ang namamahala ng Green Ivory Hotel and Resort, na kilalang-kilala sa bansa. Maraming branch ang hotel nila at balak na niyang magtayo sa ibang bansa. Ipinamahala iyon sa kaniya ng yumaong lola. Lumagatik ang pinto at unti-unting bumukas iyon. Iniluwa ang magandang mukha ng asawa. Nakangiti ito. "Hindi ka pa ba matutulog?" Lumapit ito sa kinaroroonan niya. Umikot at pumwesto sa likuran ng kinauupoan niya. Naramdaman niya ang paglapat ng palad nito sa kaniyang balikat. Marahan iyong minasahe. "Pahinga na tayo, mahal. Bukas mo na ipagpatuloy ang ginagawa mo." Kapag ganoon ang ipinapahayag nito, alam na niya ang gustong mangyari ng asawa. Sa halip na mabuhay ang kaniyang pagnanasa, kabaliktaran ang nararamdaman niya. Para babaliktad ang sikmura niya. "Mauna ka na. Kailangan kong tapusin ito ngayon," sabi na lamang niya. "Uhm, sige. Hihintayin na lang kita." Hindi umalis sa likuran niya. Daig pa ang mata naka-pokus sa kaniya. "Okay. If thats what you want." Ibinalik niya ang tingin sa binabasang papel, ngunit hindi pumapasok sa isip niya dahil sa malandi niyang asawa. Para itong sawang nakalingkis sa kaniya. Pinapatakan ng halik ang kaniyang earlobe. Sa ginagawang iyo'y naisip niya ang lalaki nito. Ganito rin kaya ito kay Victor, o mas higit pa. "Uhm, Kat, si Victor ba, hindi nagagawi rito?" Huminto ito sa ginagawa. "Hindi. At alam mo naman kung bakit. Hindi ko siya close para i-entertain dito." Kumuyom ang palad niya na ikinubli sa ilalim ng mesa. Tang-*na! Hanggang kailan siya nito lolokohin? Hanggang kailan magkukunwaring hindi ito close sa kapatid niya? Tumindi ang pagkakakuyom ng kamao niya. Pigil na pigil ang sarili. Pero, kunting-kunti na lang mapapatid na ang pisi niya. Malapit nang lumipad ang kaniyang palad sa mukha ng malanding asawa. "Bakit mo pala itinatong?" "Uhm, wala naman. Na-mi-miss ko lang siya," aniya. Pinakiramdaman niya ito, pinapakiramdaman pero wala itong reaksiyon. Panay halik lang ito sa kaniya, kaya lalo siyang nairita. Nadagdagan ang galit niya rito. Nais na niya itong sigawan at ipamukha ang pagkululang at sa halip ay nagawa pa rin siyang lokohin, pero lint*k, hindi niya magawa!Pagkatapos niyang maligo ay inihatid na sila nito sa bar. Nagpaalam na rin ito sa kaniya pero nangakong susunduin sila sa oras ng out nila kahit pinagsabihan na niyang magahinga na lamang. Nang magsimula itong manligaw sa kaniya, hindi na ito gasinong umiinom. Pero tumatambay pa rin to sa bar. Nakausap na rin nito ang manager na nila, at tuwang-tuwa ito, maging ilang kasama niya sa bar. Tulad ng ipinangako ni Tyler, nandoon na nga ito nang lumabas sila ni Carla. Nag-aabang sa kanila. Ipinagbukas siya nito ng pinto na ikinahagikgik ng kaibigan niya. Sa tabi rin nito siya pinauupo hindi tulad nang una silang sumakay sa sasakyan nito. "Uhm, Erin, puwede ka bang ma-invite mamayang gabi?" "Ha?" "May kunti kasing salo-salo sa bahay ng magulang ko, invite sana kita." Sumikdo ng kakaibang pintig ng dibdib niya. Ini-invite siya nito? Ipakikilala ba siya sa magulang nito? "Pumayag ka na, Erin." Sinundot siya sa tagiliran ng nasa huling si Carla. "P-pero, p-paano ang trabaho k
Dalawang buwan ang lumipas, ganoon pa rin si Tyler. Mas naging close sila. Hatid-sundo siya sa bar na pinapasukan. Pero hindi na niya ito gasinong pinatatambay doon, pinauuwi na na niya ito para makapagpahinga. Imagine, pagkalabas sa opisina ay dederitso ito sa tinutuluyan para ihatid naman sila sa pinapasukan, at tuwing umaga bago ito pumasok ay kailangang sunduin sila sa trabaho. Siya ang naaawa sa ginagawa nito. Kasalukuyan siyang nagtutupi ng mga damit, maaga pa para mag-ayos ng sarili kaya iyon muna ang inatupag niya. Si Carla ay naghuhugas ng kanilang kinainan. Ang kanilang tinutulugan ay natatabingan pa rin ng kurtina. Nagpaplano na rin silang humanap ng maayos na malilipatan tutal malaki-laki na rin ang kita nila sa bar. "Tapos ka na?" Nag-angat siya ng mukha. "Malapit na. Mauna ka nang maligo, ako na ang bahala rito," aniya kay Carla. "Sige." Kinuha nito ang naka-hanger na towel, maya't maya pa ay nakarinig sila ng katok. "Oh, ayan na ang prince charming mo. Ako na
TULALA si Erin. Pakiramdam niya'y nakalutang sa hangin ang kaniyang isipan. Isang linggo nang pumupunta sa boarding house si Tyler, hinahatid sila sa bar at hinihintay na makalabas at ihahatid sa boarding house. Mukhang desidido ito sa panliligaw, at dahil sa kaibigan niyang saksakan ng tabil ang dila ay napapayag siyang ligawan nito. Hindi naman niya isinasara ang puso sa larangan ng pag-ibig, pero ang isang Tyler Samaniego iyon. Anong laban niya sa mga matang nakapalibot dito? Gayung isang hamak na waitress lang siya, at sa bar pa. Anong iisipin ng mga taong kakilala nito? Balita pa niya'y may-ari ito ng kilalang restaurant and resort. Tiyak na mapapahiya lamang ang lalaki kapag nagkataon. "Hoy!" Isang sigaw at pitik sa noo ay nagpabalik sa reyalidan sa kaniya. "Aray! Masakit 'yon, ha!" angil niya sa kaibigang si Carla. "Ang lalim kasi ng iniisip mo. Kasing lalim ng pag-ibig ni Sir Tyler sa iyo." "Baliw!" Inirapan niya ito at kinuha ang tray. "Yei... but deep inside, kini
Sa bahay ng magulang tumuloy si Tyler. Sinalubong siya ni Dorothy, ang kaniyang ina. Pansin pa rin niya ang lungkot sa mata nito. Kinumusta siya nito, kung okay lang daw ba siya at kung nakakakain ng maayos? Ang lahat ay payak niyang sinasagot. Ayaw nyang lalong malungkot ang ina, kaya kahait may kirot, kahit masakit pa rin ang ginawa ng dating asawa ay umaakto siyang maayos ang nararamdaman. Tumuloy sila sa dining area, eksaktong may nakahain nang pananghalian. Nandoon na rin si Hernan na ama niya. Papaupo na siya nang may sumulpot pang dalawang tao sa pintuan. Si Victor at Katrina. Umiling na siya. Itinatakda yata ng panahon na pagsasabungin silang magkapatid. Dito rin pala ang punta ng dalawa. Kung alam lang niya'y sa kalye na lamang sana siya tumuloy. "Pinapunta ko sila rito para magkausap kayo ng maayos," tinig ng kanilang ama. "Hernan, mamaya na iyan. Nasa harap tayo ng pagkain." "Wala ho namang problema sa akin, Pa, Ma. I'm okay now." Pero deep inside, sobrang sakit
HAWAK na ni Tyler ang annulment paper. May kaibigan siyang attorney kaya sa loob ng isang buwan ay napawalang-bisa ang kasal nila ni Katrina. Matagal na niyang naitapon ang wedding ring na simbolo ng kanilang pagmamahalan, maging ang mga picture nila'y sinunog n'ya na rin. Ang bahay na naging saksi sa kanilang pagsasama ay hindi n'ya magawang maibenta. May sentimental value iyon sa kaniya. Pinaghirapan n'yang buuhin iyon kaya hindi madaling bitawan. "We can do what we want to do now, darling. Wala nang bisa ang kasal niyo ni kuya. Matutuloy na ang pagpunta natin sa New York tulad ng ipinangako ko sa iyo." "Hindi pa ready ang aking passport, e." Umiling siya sa kaniyang narinig. Kanina, habang hinihintay niya ang result ay pinapalabas ng kaniyang kapatid na siya pa ang nang-agaw. How pathetic! Siya ang niloko at kung sinasabi ng dalawa na sila ang unang nagmahalan pero sa kaniya nagpakasal si Katrina. Legal. May basbas ng simbahan. Nang ipakitya niya ang mga dokumento sa judge at
HINDI patulugin si Erin, nakatutok lang ang mata niya sa kesame. Double deck ang higaan nila at si Carla ang nasa ibaba. Okay lang naman sa kaniya ang hindi matulog agad dahil wala siyang pasok mamayang gabi. Pero ang hindi okay ay ang laman ng isipan niya... si Tyler. Hindi siya ignorante pagdating sa ganoong bagay. Alam niyang hindi lang basta simpleng paghahatid ang pakay nito sa kaniya at kung totoo man, dapat na niya itong iwasan. Isa pa'y may asawa na ito, kahit pa sabihing niloko ang lalaki pero kasal pa rin ito. Tumagilid siya ng higa. Isang bagay ang pumasok sa isipan niya na nagpalungkot sa kaniya. "Kumusta na kaya si Papa?" Hindi siya sanay na mawalay nang matagal sa ama. Papa's girl siya. Anumang gustuhin ay ibinibigay nito kahit pa nga n'ong nabubuhay pa ang kaniyang ina. Pero kailangan niyang tikisin ang sarili na mawalay dito, kailangan niyang tumayo sa sariling paa. In case na magkita silang muli ni Miguel ay masasabi niyang mas matapang na siya. Okay lang naman sa







