LOGINILANG gabi nang tumatambay si Tyler sa bar na pinapasukan ni Erin. Hindi rin niya alam kung bakit sa tuwing nakikita ang babae ay sumasaya ang pakiramdam niya. Tulad nang gabing 'yon, papunta na naman siya para lang masilayan ang mukha ng babae. Isiningit niya ang sasakyan sa mga nakaparada roon.
Sinuri muna niya ang sarili bago pumasok. Plain navy blue t-shirt, at black pants ang kaniyang suot... okay lang naman ang kaniyang outfit ngayon, parang aakyat lang ng ligaw sa babaing napupusuan. Nasa bungad pa lang siya ng pintuan ay hinahanap na ng mata niya ang babae. Nasa dulo ito, may inaasikasong costumer. Ngumiti siya. Humanap na rin siya ng bakanteng upuan. Papaupo na siya nang may lumapit, pero hindi waitress, kundi ang traydor niyang kapatid. At ang damuhong, nauna pang umupo sa kaniya. "It's a miracle! Anong ginagawa ng isang Tyler Samaniego sa isang cheap na lugar tulad nito?" Pinag-ekis nito ang braso sa tapat ng dibdib, animo'y nagsesermong magulang niya. Nginisihan lang niya ito. Muling hinanap ng mata niya si Erin na abala sa paglalagay ng inumin sa kabilang mesa. Nang makitang tapos na ay tinawag niya ito. "Good evening, Sir!" nangingiting bati nito. What a beautiful smile! Nadala siya ng ngiting iyon, kaya ginantihan niya ito ng ngiti. "Yung iniinom ko," aniya. Napansin niya ang pagngisi ng kapatid, napailing pa ito. "Imagine, si Tyler Samaniego, umiinom sa isang low-class na bar--" "And how about you, Victor?" Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita. "Nandito ka rin sa sinasabi mong low-class na bar, hindi ba? Sandali... are you following me?" "Na-ahh! Nagkataon lang na niyaya ako ng isa kong kaibigan dito. Mukhang madalas ka rito, ah!" "Uhm, yeah! Dito ako tumatambay. Nagpapalipas nang gabi. Maganda naman dito at nag-e-enjoy ako. At hindi sila low-class tulad ng inaakala mo. Right, Erin?" Tumingin siya sa dalaga. "Yes po, Sir. At kung low class ang bar na ito, sana'y hindi ito dinarayo ng mga bigating costumer tulad niyo, Sir Tyler." Hindi niya napigilang tumawa sa sinabi nito, pero hindi niya tinugon ang sinabi nito. "Masarap tumambay dito, Victor. Kahit sinasabi mong low-class ang bar na ito, pero totoong tao ang mga nandirito. Unlike sa iba, na panlabas lang maganda." Tinaasan siya ng kilay ng kapatid. Mukhang natamaan sa kaniyang sinabi. Sinundan niya ng tingin ang pagtayo nito. Akala niya'y aalis na pero hindi pa pala. Itinukod nito ang dalawang palad sa braso at inilapit ang mukha sa mukha niya. "I know the reason kung bakit ka pumupunta sa lugar na tulad nito. Hirap bang mag-move-on?" "Tsk. Hindi ko alam na marites ka na rin pala ngayon, Victor. Pati pala ang pagiging tsismosa ay sinalo mo na." Nginisihan niya ang kapatid nang makitang sumama ang timpla ng mukha nito. Lumayo ito na hindi muli pang nagsalita. Binalingan niya si Erin na nananatiling nakatayo sa gilid. Tulad nang dati ang in-order niya. Wala naman siyang balak maglasing, pumunta lang siya sa bar para makita ang babae. "HOY, Erin! Pansin ko na madalas dito ang isang 'yon." Sinundan ng tingin ni Erin ang deriksiyon ng nguso ni Carla. Ang puwesto ni Tyler. "Ah, si Sir Tyler ang isang 'yon. Iniligtas niya ako no'ng hindi ka pumasok sa isang costumer. Pilit akong pinapatabi pero tinanggihan ko kaya nasampal ko. Gagantihan ako, buti na lang dumating si sir. Kilala niya ang lalaki. Mukhang employee niya, kaya ayun, nasabon niya nang todo yung lalaki." "Wow! May knight in shining armor ka na pala! In fairness, guwapo siya. Bagay kayo." "Baliw!" "Tsk. Kunwari, baliw ang sagot pero deep inside ay kinikilig siya." "Temang! Tumigil ka nga, Carla. Mukhang nagpapalipas lang siya nang gabi rito, at isa pa, hindi pa ako handang pumasok sa isang relasiyon." "Sige. Sabi mo, e." Tumalikod na ito. Naiwan siyang naiiling sa harap ng counter bar habang naghihintay ng order ni Tyler. Ilang gabi na niyang napapansin ang at madalas ay siya ang tinatawag nito. Dinala na niya ang inumin sa mesa nito. Habang patungo siya ay naraanan niya ang mesang ukupado ng lalaking kausap ni Tyler, at kung hindi siya nagkakamali ay Victor ang pangalan nito. Napalunok siya ng laway habang lumalampas sa mesa nito. Pansin niya ang kakaibang titig na ipinupukol nito sa kaniya. Lampas sa buto. Pakiramdam niya'y binabalatan siya ng buhay. Kaano-ano kaya ito ni Tyler? Bakit pati sa kaniya'y parang galit ito? "What's the matter?" "Po? Ahm, w-wala po, Sir." "Are you sure?" Tumango siya. Inilagay na niya sa harap nito ang inumin. Pagkatapos makapagpaalam ay umalis na siya sa mesa nito. Marami ang tao ngayon sa bar, kaya nama'y pagod na pagod ang binti niya sa kapaparoo't parito sa mga mesa. Malapit na silang magsarado at pansin na nandoon pa rin si Tyler. Sinulyapan niya ang mesa ng lalaking nakausap nito, pero wala na ito. Bakante na ang mesa. Nakahinga na siya ng maluwag. Naglilinis na sila ng mesa ni Carla at ng iba pang kasama nang lumapit ang manager sa kaniya. "Erin, kilala mo pala si Mr. Tyler Samaniego?" "Ah, hindi po, Ma'am. Iniligtas lang po niya ako sa isang costumer ilang araw na ang dumaan. Bakit po?" "Wala naman. Alam mo bang crush ko siya at may bali-balitang niloko siya ng asawa. Kaya siguro nagpupunta siya rito." Bahagyang mawang ang bibig niya. 'May asawa na pala siya. Ang guwapo ni sir para lokohin pa,' anang isipan niya. "At may balita na kapatid pa niya ang pinatos ng kaniyang asawa." Tuluyan nang nalaglag ang kaniyang panga sa narinig. Hindi siya mahilig makisagap ng tsismis pero nang dahil sa baklang manager ay nagiging tsismosa na rin siya. Parang gusto niyang malaman ang nangyari. Tulad din pala niya ito. May pinagdaraanan. Ang saklap ng buhay... Sabay na lumabas si Erin at Carla ng bar. Nakakailang hikab na siya habang naglalakad nang may biglang sumabay na sasakyan sa paglalakad nila. Bumaba ang windshield at iniluwa ang mukha ni Tyler. "Ihahatid ko na kayo." Kamuntikan pa siyang matapilok, hindi niya napansin ang butas sa dinaraanan dahil ang mata niya'y nakatutok sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan. Kahit madilim ay litaw ang umbok sa braso nito, mukhang batak sa exercise. "Ay bongga! Halika na, Erin. Antok na antok na ako. Huwag ka nang mag-inarte pa. Samantalahin natin ang pagkakataon habang may nag-aalok pa ng biyaya sa atin." Natampal na lang niya ang sariling noo dahil sa kadaldalan ng kaibigan. Hindi na siya nakatanggi pa dahil sapilitan siyang ipinasok nito sa sasakyan ni Tyler. "Thank you po, Sir. Ang bait niyo po pala." Malapit na n'ya mapasakan ng bote ng inumin ang bibig ng kaibigan. Siya ang nahihiya sa inaasal nito. Baka kung ano ang isipin ni Tyler sa kanila. Habang nasa biyahe ay panay daldal si Carla, tuwang-tuwa naman ang lalaki na kung minsan ay naririnig pa niya ang tawa nito. Ang kaibigan niya rin ang nagturo ng daan patungo sa tinutuluyan nila. "Sir, dito na lang po. Hindi na po kasya ang sasakyan niyo papasok sa boarding house namin." "Ganoon ba. Uhm, okay. Iiwan ko na lang ito. Ihahatid ko na kayo sa inyo." Inihinto nito ang sasakyan. "Ay naku...huwag na po, Sir--" "Halika na," pigil sa kaniya ni Carla. "Huwag ka nang mag-inarte pa. Minsan lang mangyari ang ganitong pangyayari kaya samantalahin mo na. Grasya na ang lumalapit sa atin," mahinang sabi pa nito. Pero alam niyang narinig iyon ni Tyler dahil ang laki ng ngiti nito. Hindi na naman siya nakatanggi nang hilahin na ni Carla ang kamay ni Tyler. Magkasabay na naglalakad ang dalawa, masayang nagkukuwentuhan, samantalang siya'y nasa huli, dinaig pa ang tsaperon. "Pasok ka po muna, Sir," anyaya ng kaibigan niya. Sumunod na rin ito kay Carla, siya nama'y iiling-iling lang. Binigyan nito si Tyler ng mauupuan, isang plastic chair. Bahagya pa siyang nakaramdam ng takot na baka'y hindi kayanin ito ng bangko. May kalakihan kasi ang pangangatawan nito. "Sir, gusto mo ng black coffee?" Hindi niya alam kung bakit lumabas iyon sa bibig niya pero tama lang din naman ang inialok niya rito. Hindi na niya hinintay ang sagot nito, kaagad siyang pumihit sa mesa na kung saa'y nakapatong ang kanilang kagamitan. Mabilis niya itong pinagtimpla ng kape. "Sir, with sugar po ba?" Hindi niya malaman kung bakit natataranta siya. Narinig niya ang pag-oo nito. Matapos malagyan ng asukal ay ibinigay na niya iyon sa lalaki. "Thank you." Tipid siyang ngumiti rito. Lumapit siya sa nakaupong kaibigan. Kung nakakatunaw lang ang titig nito'y tiyak na kanina pa naglaho si Tyler. Palihim niya itong siniko. "What?" "Ang mata mo. Magkakuliti ka," pabulong niyang tugon. "Ang guwapo pala niya sa malapitan, bakla." "Bakla ka, Erin?" "Po?" Muntik nang mawalan ng balanse ang inuupuan niyang bangko dahil sa narinig. At ang temang niyang kaibigan... ayun, humagalpak ng tawa. Binatukan na niya ito. "Ang sarap ng tawa mo, ah! Happy ka?" Pinandilatan pa niya ito. "Sorry, bakla...bakla ka pala!" Muli itong humagalpak ng tawa. "Narinig ko kasing sinabihan ka niya ng bakla, e, kaya akala ko--" "Tawagan lang ho namin iyon, Sir." Si Carla ang sumagot. "Babaing-babae ho ang kaibigan ko, from head to toe. Every month ay nagkakaroon ng menstruation at sa katunayan po ay katatapos lamang niya. Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan. Napakatabil talaga ng dila nito. Sarap hilahin. "Sorry." Napakamot na lang ito sa ulo. Ngumiti na rin ito. "Siya nga po pala, Sir, may itatanong lang po ako." "What is it?" Inilapit nito ang tasa ng kape sa bibig. "Nanliligaw ka po ba kay Erin?" Tumalsik ang kapeng nasa bunganga ni Tyler. Makailang beses na napaubo pa ito. "Aw! Nabigla po ba kita, sir. Sorry po, ha! Pero alam niyo po... bagay kayo nitong kaibigan ko." Nawalan na siya ng sasabihin. Alam niyang nagkukulay-kamatis na ang mukha niya sa labis na kahihiyan. Ang tabil ng dila ng kaibigan niya. Marites na marites ang dating, tulad din ng manager nila. Nahiling na lamang niyang lamunin siya ng kinatatayuan.PRENTENG nakaupo si Tyler sa bangkong yari sa plastic. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Erin. Walang kamalay-malay sa sigalot na naganap. Lihim siyang napapangiti sa tuwing pumapasok sa isipan ang huling sinabi ng ina kay Katrina. Walang bahid ng pagpapaawa ang naaninag niyang takot sa mata nito. Nawalan ng salita si Victor, nawala rin ang kayabangan nito. Ngayon ay mag-isa na lamang siya, hinihintay na muling magkamalay ang babaeng minamahal. Ang kapatid niya at nobya nito'y sumunod sa ina at nakatitiyak siya na patuloy na magsesermon ito sa dalawa. Tumayo siya't lumapit sa babaeng nahihimbing. Ginagap ang palad , masuyong hinaplos at saka'y hinagkan yun. Alam niyang kapag nagising ito'y magagalit ito sa kaniya, pero tatanggapin niya ang lahat ng ibabatong salita nito. Nang mga panahong wala siyang maalala, hindi ito umalis sa tabi niya, hindi siya iniwan kahit sinisigawan na niya. "I'm sorry, mahal. Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali kong nagawa sa 'yo."Ngayo
"SORRY..."Mabilis na lumuhod si Katrina sa harapan ni Tyler. Nagsimula itong tumangis. Nagmakaawang patawarin na niya, ang mukha'y parang isang anghel na nahulog sa lupa.Subalit, hindi niya maramdaman ang pagsisisi nito. Angel man ang mukha nito , pero sa likod n'on ay nagtatago ang makamandag na ahas, anumang oras ay puwedeng manuklaw. Mabilis siyang yumukod, inapuhap ang panga nito. Mahigpit ang hawak niya, yung tipong walang makakabuwag sa pagkakapit niya, kahit hangin ay hindi makalulusot."Patawad?" Nanlisik ang kaniyang mata. "When I woke up in the hospital... na wala ang alaala, sa harap mismo ni Erin, nagkaroon ka ba ng awa nang nagawa mong magsinungaling? Nagkaroon ka ba ng katiting na awa nang sabihin mo sa kaniya na nagkabalikan na tayo? Nagkaroon ka ba ng awa nang walang habas mong itulak siya sa hagdan? You didn't even think about her condition!" sunod-sunod niyang sabi rito. Halos bumaon na ang daliri niya sa panga nito dahil sa pagkakahawak niya.Si Victor ay hindi si
NAGNGANGALIT ang bagang ni Tyler, ang mata niya'y matalim ang titig sa dalawang sinisermunan ng ina. Si Katrina, napakasinungaling talaga nito. Napakagaling magdrama. Magaling magpaawa. At si Victor, ang kapatid niyang suwapang. Sinasabi nitong hindi na siya ang nagmamay-ari ng Green Ivory, ang negosyong pinapalago niya nang ilang taon. Lihim siyang ngumisi. Akala yata ng kapatid niya'y ganoon lang kadali nitong makuha ang negosyong itinataguyod niya, at mabuti na lang dahil bumalik na ang alaala niya. "Mahal..." Isa ang salitang 'yan sa nagpabalik sa nawala niyang alaala at marahil sa dugo na rin ni Erin. Kanina, habang papunta sila dito sa hospital, doon bumalik ang nawalang alaala niya. "Tyler!" Bumaling ang paningin niya sa ina. Wala na ang galit doon. "Yes, Ma?" Hindi pa man tuluyang nakakasagot ang kaniyang ina ay humahangos na pumasok ang nurse. "Ma'am, Sir, gising na po ang pasyente sa kabilang room, pero nagwawala po ito." Nakabahad ang matinding takot sa mukha ng babae
PINAGMAMASDAN ni Tyler ang walang malay na si Erin. Ang kaniyang ina ay nasa kabilang silid lamang. Tumaas ang blood pressure nito at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinaaalam sa ama ang nangyari. Alam niya na malulumbay ang dalaga kapag nagkamalay ito, 'pag nalaman na wala na ang kanilang anak. Baka nga'y magalit pa sa kaniya. "Sigurado 'yan," anas ng isipan niya. Itinaas niya ang paningin, ilang beses na kinurap ang mata. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, kung sana'y pinakinggan niya ang sinabi nito tungkol sa Green Ivory, hindi sana agad ito aalis. Hindi sana nito makakasalubong si Katrina. Dumilim ang anyo niya nang maalala ang sinabi nito. Nagdesisyon siyang iwan muna si Erin, hahanapin niya si Katrina. Ramdam niyang pawang kasinungalingan ang sinabi nito. Pumasok siya sa silid ng ina, nakita niya roon si Victor at ang babaeng hinahanap niya. Halos isahing hakbang na niya ang pagpasok para lang makaharap ito. "Katrina!" "T-Tyler..." Nanlilisik ang kaniyang ma
"KATRINA..." Naglalakad na sa labas ng silid si Tyler, balak niyang tanungin si Erin hinggil sa sinabi nito, nang biglang makarinig siya ng pagsigaw. Nagdumali siyang nagtungo sa hagdan dahil doob nanggaling ang sigaw. Mula sa ibaba, tanaw niya ang dalaga, nakahandusay sa sahig. Si Katrina, nakatayo lang sa baitang ng hagdan. "Ang baby ko..." Mahina man ang boses ni Erin dahil nasa ibaba ito pero sapat na para maintindihan niya ang sinabi nito. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito, hindi alintana ang baitang-baitang na hagdan paibaba. "T-Tyler..." narinig niyang sabi ni Katrina nang maparaan siya sa kinatatayuan nito. Hindi niya pinansin, mas lalo siyang nagmadali paibaba. Pansin agad niyang namimilipit sa sakit si Erin. Ang luha nitong umaagos, ang pagdaing nito... parang may kung anong lumalakumos sa puso niya. Gusto niyang magalit kahit hindi alam kung bakit."E-Erin," tawag niya rito. Halatang nahihirapan ito nang tumingin sa kaniya. "Ang baby ko, iligtas mo siya. An
PARANG nasa pageant si Erin at kasalukuyang nasa swimsuit attire. Matapos ang ilang minutong pagbabad sa tubig, slow motion siyang umahon sa pool. Ang lahat ng mata'y sa kaniya nakatuon, kahit si Katrina. Bakas sa mata ang inggit. Si Tyler na titig na titig sa kaniya, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito. Hinanap niya ang bath robe na ipinatong lang niya sa gilid, pero hindi niya mahanap. Tatawagin na sana niya si Jelyn, pero nauna siyang tawagin ni Dorothy. "Erin, come here muna, hija. Ang papa mo, may sasabihin sa iyo." "Anak naman ng..." Nakadama siy ng inis. Sinusubok talaga siya ng pagkakataon. At ang roba niya, hindi pa niya mahanap. Nakita niya sa may 'di kalayuan si Jelyn, nakangisi sa kaniya. Alam na niya kung bakit. "Humanda ka sa akin mamaya," bulong niya sa hangin.Sa halip na sa bukana ng kubo pumunta, sa gilid siya huminto, kung saan ay nakapuwesto si Dorothy. Pilit niyang kinuha roon ang phone, mabuti na lamang hindi naghinala ang ginang at agad na ibini
SA sulok ng restaurant piniling umupo ni Erin, sa puwesto na walang makakapansin sa kaniya. Wala siyang kilala sa mga naroroon kaya wala siyang makausap. Hindi naman niya puwedeng tawagan si Carla dahil may trabaho ito. Kahit gusto na niyang lisanin ang restaurant ay pinili pa rin niyang mag-stay r
NAIWANG naiiling si Erin at nang wala na si Tyler sa kaniyang paningin ay saka pa lamang niya napagtanto ang nabitawang salita. Natampal niya ang noo. Dagli siyang bumaba sa countertop. Naalala niya ang ginawa nito sa kaniyang leeg. Sa gilid ng kitchen ay may banyo, agad siyang pumasok doon upang s
HINDi alam ni Erin kung bakit ganoong salita ang lumabas sa bibig niya, kung bakit ngayo'y naging matalas ang dila niya. Siguro'y nadala lamang siya ng bugso ng damdamin. Ngumisi ang babaeng kaharap niya. Humakbang pa ito palapit sa kaniya. "Relax, baka atakehin ka sa atay-atayan. Hindi ako kalaba
"TYLER...""Yes, mahal?""Sigurado ka ba na sa bahay mo na ako titira?"Narinig niya ang paghinga nito ng malalim. "At anong gusto mong gawin ko? Pabayaan kita sa lugar na 'yon? Paano kung hindi niyo ako kasama? Tiyak na napahamak na kayo!" galit nitong himig."Puwede naman akong humanap ng ibang m







