LOGINNanumbalik ang kirot sa dibdib ni Erin, kahit may trabaho ay hindi pa rin niya maiwasang hindi isipin si Miguel. Isang taon na niya itong kasintahan at inalok siya ng kasal. Kaya pala masyado itong atat na maikasal sila, hinuhuthutan lamang pala siya. Ginawa siyang sugar mommy. Masakit man pero nagpasalamat na rin siya sa Itaas dahil nalaman niya nang maaga ang totoo.
"Erin, hoy!" "H-ha?" "Kanina ko pa pansing wala ka sa iyong sarili. May problema ba?" "Huh! Ahm, wala. Iniisip ko lang yung costumer ko kanina. Mukha kasing malaki ang problema," dahilan niya. "Imagine, humingi ba naman sa akin ng Ginebra." Napailing siya habang natatawa. "What? Seryoso?" Tumango siya. Papauwi na sila ni Carla. Dumaan muna sila sa palengke upang bumili ng kanilang lulutuin. "Sabagay, sa dami ko nang nakasalamuha sa bar, madalas nagdurugo ang puso nang karamihan. Pero hindi ko kinaya ang sinasabi mong costumer na humingi ng Ginebra." Humagalpak ng tawa si Carla. "Tulad ko. Nagdurugo rin ang puso ko, kaya nga ako napadpad dito sa Manila." Nilingon siya ni Carla. Naikuwento na niya rito kung bakit niya piniling pumunta ng siyudad. Niloko siya ng kaniyang fiance. Iyon ang dahilan kung bakit lumuwas siya sa Manila... para makalimot sa sakit na idinulot ng fiance. Hindi siya tulad ng ibang babae na basta na lamang iiyak kapag naloko ng kasintahan o asawa. "Hayst! Bakit kasi ang gago ng syota mo? Maganda ka, mabait, may--" "Good morning, Carla!" Natigil ang pagsasalita ng dalaga nang may nakiagaw ng eksena. "Kumusta ang babaing mababa ang lipad?" Umiling siya at hinila papalayo si Carla. Ang mga babaing iyon ang nam-bu-bully sa dalaga. Sinasabing bayarang babae ito at kapag nagkataon maging siya ay madadamay. "Bakit mo ako hinila? Hindi pa ako nakakaganti sa babaing yun. Pagkakataon ko na sana e." Nanlalaki ang mata ni Carla at para bang gusto pang balikan ang mga babaing nagpaparatang ng mali rito. "Hayaan mo na sila. Hangga't maaari ay huwag mo na silang patulan. Alam mo sa sarili mo kung ano ka at hindi mo obligasyon na magpaliwanag sa kanila-- teka anong ginagawa mo?" Tinapig niya ang kamay na nasa kaniyang noo. "Akala ko kasi ay may lagnat ka." "Puro ka kalokohan. Tayo na nga," yaya niya rito. Sumakay na sila sa nakaparadang tricycle at nagpahatid sa boarding house. Kinagabiha'y mag-isa siyang sumakay ng dyip patungong 'High Delight'. Hindi pumasok si Carla. Nagpaalam ito sa manager na pupunta sa bahay ng kapatid. Isinuot na niya ang itim na apron at binitbit ng tray. Alas diyes pa lamang kaya hindi pa gasinong matao. "TYLER, anak, dumito ka na lamang sa bahay para hindi ka mainip sa inyo." "Ma, okay lang po ako. Isa pa'y sayang ang bahay kung walang titira." "Pero, anak--" "Ma, don't worry about me. I'm okay." Lumapit siya sa inang halos maiiyak na. "Uhm, balak ko nga na ibenta na lang ang bahay after na ma-annul ang aming kasal. At sa condo ko na lamang ako mag-i-stay," pahayag niya sa ina. "Anak, you don't have to do that. Maluwang ang bahay para sa iyo." "Ma, alam mo naman po na simula pa lamang ay independent na ako. Gusto kong mamuhay mag-isa." Gamit ang kamay ay pinunasan ng ginang ang pisnging nabasa dahil sa luha. Alam niyang hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyari. Pinagbigyan niya ang hiling ng ina na maghapunan kasalo ito. Mag-iisang buwan na matapos niyang malaman ang panloloko ng asawa. Umuusad na rin ang kaso para mapawalang bisa ang kanilang kasal. Ipinakita niya sa kaniyang attorney ang video na kinuha niya. Unti-unti ay matatanggap rin niya ang katotohanang niloko lamang siya ni Katrina. Makakaya niyang wala ito sa tabi niya. "Ma, I have to go." "Sige, anak. Ingat ka sa pag-uwi." Para siyang batang pinapaalalahanan ng ina. Pino siyang ngumiti habang sumasakay sa sasakyan. Papalabas na ang sasakyan niya nang makita ang sasakyan ni Victor. Kita niya ang nakasakay sa loob. Kasama nito si Katrina. Para makaiwas sa sakit ay matulin niyang pinatakbo ang sasakyan. Iisang lugar lamang ang nais niyang puntahan. Alam niyang pinagtagawanan siya ng kapatid. Dati pa itong may inggit sa kaniya, palibhasa't lumaking sira-ulo kaya palaging napapagalitan ng kanilang magulang. Ayaw magtino at ngayon ay alam niyang nadagdagan ang galit ng papa niya rito. "Sa 'yo na si Katrina!" may diin niyang sabi, ngunit kahit ganoon ay may kirot siyang naramdaman. Inihimpil niya ang sasakyan sa tapat ng High Delight Bar. Umibis siya at deritsong pumasok. Malapit sa gitna na kung saa'y sakop ng ilaw siya pumuwesto. Hindi pa gasinong nag-iinit ang puwet niya nang makarinig ng kaguluhan malapit lang sa puwesto niya. Nilingon niya iyon. Isang grupo ng kalalakihan ang pilit na humihila sa isang babae. "Miss, kapag sinabi naming maupo ka, susundin mo. Magbabayad naman kami." "Sir, hindi nga po puwede. Kung gusto niyo po, ikukuha ko po kayo ng magiging kapareho niyo." "Ikaw ang gusto namin," giit ng lalaking malaki ang tiyan at kilala niya kung sino ang lalaking yun. "Hindi nga po puwede, bakit ba ang kulit niyo?" Mukhang hindi na nakapagtimpi ang babae, nasampal na nito ang lalaking pilit na humihila rito. "Aba't..." Kaagad siyang tumayo. Mukhang gaganti ang lalaki. "P're, hindi ba kayo nakakaintindi? Sinabi na niyang hindi siya nagpapatable sa tulad niyong mga pangit!" "At sino ka naman? Ang lakas ng loob mong kalabanin ako-- Sir Tyler!" Ngumisi siya, ngunit ang mata ay halos lunukin na ng buhay ang lalaki. Hindi siya nagsalita pa, bagkus ay hinila ang kamay ng babae. "Are you hurt?" Umiling ito, pero halatang maiiyak na. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa ng lalaki? Kahit siya na lalaki rin ay hindi nasiyahan sa nakita. "Where's your manager?" "N-nasa itaas po, Sir." Nakita niya ang name tag na nakakabit sa tapat ng dibdib nito. Erin. Ito pala ang babaing nagsilbi sa kaniya. Maganda ha! Kaya pala pinag-iinteresan ng kalalakihan. Ngumisi siya habang pinagmamasdan ang mukha nito. Hanggang sa nakaisip siya ng isang plano.PRENTENG nakaupo si Tyler sa bangkong yari sa plastic. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Erin. Walang kamalay-malay sa sigalot na naganap. Lihim siyang napapangiti sa tuwing pumapasok sa isipan ang huling sinabi ng ina kay Katrina. Walang bahid ng pagpapaawa ang naaninag niyang takot sa mata nito. Nawalan ng salita si Victor, nawala rin ang kayabangan nito. Ngayon ay mag-isa na lamang siya, hinihintay na muling magkamalay ang babaeng minamahal. Ang kapatid niya at nobya nito'y sumunod sa ina at nakatitiyak siya na patuloy na magsesermon ito sa dalawa. Tumayo siya't lumapit sa babaeng nahihimbing. Ginagap ang palad , masuyong hinaplos at saka'y hinagkan yun. Alam niyang kapag nagising ito'y magagalit ito sa kaniya, pero tatanggapin niya ang lahat ng ibabatong salita nito. Nang mga panahong wala siyang maalala, hindi ito umalis sa tabi niya, hindi siya iniwan kahit sinisigawan na niya. "I'm sorry, mahal. Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali kong nagawa sa 'yo."Ngayo
"SORRY..."Mabilis na lumuhod si Katrina sa harapan ni Tyler. Nagsimula itong tumangis. Nagmakaawang patawarin na niya, ang mukha'y parang isang anghel na nahulog sa lupa.Subalit, hindi niya maramdaman ang pagsisisi nito. Angel man ang mukha nito , pero sa likod n'on ay nagtatago ang makamandag na ahas, anumang oras ay puwedeng manuklaw. Mabilis siyang yumukod, inapuhap ang panga nito. Mahigpit ang hawak niya, yung tipong walang makakabuwag sa pagkakapit niya, kahit hangin ay hindi makalulusot."Patawad?" Nanlisik ang kaniyang mata. "When I woke up in the hospital... na wala ang alaala, sa harap mismo ni Erin, nagkaroon ka ba ng awa nang nagawa mong magsinungaling? Nagkaroon ka ba ng katiting na awa nang sabihin mo sa kaniya na nagkabalikan na tayo? Nagkaroon ka ba ng awa nang walang habas mong itulak siya sa hagdan? You didn't even think about her condition!" sunod-sunod niyang sabi rito. Halos bumaon na ang daliri niya sa panga nito dahil sa pagkakahawak niya.Si Victor ay hindi si
NAGNGANGALIT ang bagang ni Tyler, ang mata niya'y matalim ang titig sa dalawang sinisermunan ng ina. Si Katrina, napakasinungaling talaga nito. Napakagaling magdrama. Magaling magpaawa. At si Victor, ang kapatid niyang suwapang. Sinasabi nitong hindi na siya ang nagmamay-ari ng Green Ivory, ang negosyong pinapalago niya nang ilang taon. Lihim siyang ngumisi. Akala yata ng kapatid niya'y ganoon lang kadali nitong makuha ang negosyong itinataguyod niya, at mabuti na lang dahil bumalik na ang alaala niya. "Mahal..." Isa ang salitang 'yan sa nagpabalik sa nawala niyang alaala at marahil sa dugo na rin ni Erin. Kanina, habang papunta sila dito sa hospital, doon bumalik ang nawalang alaala niya. "Tyler!" Bumaling ang paningin niya sa ina. Wala na ang galit doon. "Yes, Ma?" Hindi pa man tuluyang nakakasagot ang kaniyang ina ay humahangos na pumasok ang nurse. "Ma'am, Sir, gising na po ang pasyente sa kabilang room, pero nagwawala po ito." Nakabahad ang matinding takot sa mukha ng babae
PINAGMAMASDAN ni Tyler ang walang malay na si Erin. Ang kaniyang ina ay nasa kabilang silid lamang. Tumaas ang blood pressure nito at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinaaalam sa ama ang nangyari. Alam niya na malulumbay ang dalaga kapag nagkamalay ito, 'pag nalaman na wala na ang kanilang anak. Baka nga'y magalit pa sa kaniya. "Sigurado 'yan," anas ng isipan niya. Itinaas niya ang paningin, ilang beses na kinurap ang mata. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, kung sana'y pinakinggan niya ang sinabi nito tungkol sa Green Ivory, hindi sana agad ito aalis. Hindi sana nito makakasalubong si Katrina. Dumilim ang anyo niya nang maalala ang sinabi nito. Nagdesisyon siyang iwan muna si Erin, hahanapin niya si Katrina. Ramdam niyang pawang kasinungalingan ang sinabi nito. Pumasok siya sa silid ng ina, nakita niya roon si Victor at ang babaeng hinahanap niya. Halos isahing hakbang na niya ang pagpasok para lang makaharap ito. "Katrina!" "T-Tyler..." Nanlilisik ang
"KATRINA..." Naglalakad na sa labas ng silid si Tyler, balak niyang tanungin si Erin hinggil sa sinabi nito, nang biglang makarinig siya ng pagsigaw. Nagdumali siyang nagtungo sa hagdan dahil doob nanggaling ang sigaw. Mula sa ibaba, tanaw niya ang dalaga, nakahandusay sa sahig. Si Katrina, nakatayo lang sa baitang ng hagdan. "Ang baby ko..." Mahina man ang boses ni Erin dahil nasa ibaba ito pero sapat na para maintindihan niya ang sinabi nito. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito, hindi alintana ang baitang-baitang na hagdan paibaba. "T-Tyler..." narinig niyang sabi ni Katrina nang maparaan siya sa kinatatayuan nito. Hindi niya pinansin, mas lalo siyang nagmadali paibaba. Pansin agad niyang namimilipit sa sakit si Erin. Ang luha nitong umaagos, ang pagdaing nito... parang may kung anong lumalakumos sa puso niya. Gusto niyang magalit kahit hindi alam kung bakit."E-Erin," tawag niya rito. Halatang nahihirapan ito nang tumingin sa kaniya. "Ang baby ko, iligtas mo siya. An
PARANG nasa pageant si Erin at kasalukuyang nasa swimsuit attire. Matapos ang ilang minutong pagbabad sa tubig, slow motion siyang umahon sa pool. Ang lahat ng mata'y sa kaniya nakatuon, kahit si Katrina. Bakas sa mata ang inggit. Si Tyler na titig na titig sa kaniya, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito. Hinanap niya ang bath robe na ipinatong lang niya sa gilid, pero hindi niya mahanap. Tatawagin na sana niya si Jelyn, pero nauna siyang tawagin ni Dorothy. "Erin, come here muna, hija. Ang papa mo, may sasabihin sa iyo." "Anak naman ng..." Nakadama siy ng inis. Sinusubok talaga siya ng pagkakataon. At ang roba niya, hindi pa niya mahanap. Nakita niya sa may 'di kalayuan si Jelyn, nakangisi sa kaniya. Alam na niya kung bakit. "Humanda ka sa akin mamaya," bulong niya sa hangin.Sa halip na sa bukana ng kubo pumunta, sa gilid siya huminto, kung saan ay nakapuwesto si Dorothy. Pilit niyang kinuha roon ang phone, mabuti na lamang hindi naghinala ang ginang at agad na ibini
SA sulok ng restaurant piniling umupo ni Erin, sa puwesto na walang makakapansin sa kaniya. Wala siyang kilala sa mga naroroon kaya wala siyang makausap. Hindi naman niya puwedeng tawagan si Carla dahil may trabaho ito. Kahit gusto na niyang lisanin ang restaurant ay pinili pa rin niyang mag-stay r
HABANG abala ang lahat, masinsinang kinausap ni Seb si Tyler. Hinila niya ito sa room na pinasukan bago pa dumating ang tito niya. Hindi pa niya nalalaman ang dahilan dito kung bakit nagawang saktan ang damdamin ng pinamakamamahal niyang pinsan. Hindi pa humuhupa ang galit niya rito. Nakita sila ni
"HE'S here!" Naumid ang dila ni Tyler nang sabihin ni Sebastian na dumating si Mr. Del Carmen. Hindi puwedeng malaman ng ginoo ang gusot na nangyayari sa pamilya niya. Tiyak na mapapasama ang image nila sa ginoo. Pero paano niya paplantsahin ang gusot? At si Erin, matagal na pala nitong alam ang n
NAGISING si Tyler na wala na sa tabi si Erin. Gumuhit sa labi niya ang malaking ngiti, naalala niy ang naganap nang nagdaang magdamag. Ilang beses na nag-isa ang kanilang katawan. May siglang bumangon siya, nagtungo sa banyo. Matapos makapaglinis ng katawan ay nagdumali siyang lumabas na ng room. Su







