Share

Mistake 2

Author: Writer Zai
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-04 18:29:19

NASA kalagitnaan ng meeting si Tyler with his new investor pero hindi siya mapalagay. Nagliliwaliw ang kaniyang isipan. He was nervous. Ramdam niyang may nangyayaring mali. Nitong mga nakaraang araw, matapos niyang malaman ang nangyayari sa asawa, nagiging paranoid siya. Kung anu-ano ang pumapasok sa kaniyang isipan, but this time, iba ang pakiramdam niya. Parang may nangyayaring hindi maganda sa kaniyang asawa.

Daig pa ang nilalagyan ng sili ang kaniyang paa. Hinihila pabalik ng bahay. Ngali-ngali na niyang tapusin ang pakikipag-usap pero hindi puwede. Hindi pa naaayos ang kanilang usapan.

Inip na inip siya. Bawat segundo, bawat minutong lumilipas ay parang sasabog ang dibdib niya. Paikot-ikot ang dagundong sa loob. Bibilis at hihina ang tibok. Para na siyang temang sa kinuupoan niya. Umiikot ang kaniyang pang-upo.

Finally... after one, two, three... ten thousand years, natapos na rin ang kanilang pag-uusap. May ilang bagay na sinabi sa kaniya kaya ang bagong investor kaya nagpatawag ng meeting. Sa lugar nito itatayo ang susunod na hotel and restaurant ng kompanya niya, na tiyak na dudumugin ng mga tao. Bukod sa malawak, matao ang lugar ng Sta. Barbara, nasasakupan din iyon ng Hacienda Del Carmen... ang pinakamalawak na hasyenda sa lugar na 'yon, at si Sebastian, pamangkin ng may-ari ng hasiyenda ang kaniyang bagong investor.

"Thank you, Mr. Armona." Malaki ang ngiting nakapaskil sa labi niya kasabay ang paglahad ng kamay. Sa kabila ng nararamdaman ay pilit siyang ngumiti sa harap nito.

"Seb na lang, p're. Actually, si tito ang may kagustuhan nito, naging kasangakapan lang niya ako. Nakita niyang malaki ang potential na mas makikila ang bayan ng Sta. Barbara kung kayo ang magiging partner namin."

"Oh, wow! Pakirating sa kaniya ang malaking pasasalamat ko. Makakaasa kayong hindi namin kayo bibiguin."

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagdudumali siyang sumakay sa kaniyang sasakyan. Para siyang hangin sa bilis, at matuling pinatakbo ang sasakyan, hindi pabalik sa office kundi sa kanilang tahanan. Iba talaga ang kutob niya.

Sa labas ng gate inihimpil niya ang sasakyan. Maingat na binuksan ang gate. May duplicate key siya kaya hindi na niya kailangang kalampagin ang asawa. Tinakasan siya ng balahibo sa pagtapak pa lamang sa bukana ng bahay. Sa bawat hakbang ay bumibigat ang atmospera. Tahimik ang paligid. Sinuri niya ang mga gamit. Wala ni isang nagalaw. Tinungo niya ang kusina, hindi niya nakita ang asawa roon. Bumalik siya sa sala.

"Paranoid lang ako siguro." Ilang beses siyang umiling.

Papaupo na sana siya nang makarinig ng ingay sa itaas. Tila nabasag. Muling nabuhay ang takot sa dibdib niya. Tinungo niya ang hagdan. Humakbang paitaas ang kaniyang mga paa. Sa bawat tapak niya sa baitang ay lalong nilulukob ng takot ang kaniyang loob. May pagmamadali pero may kasamang pag-iingat ang bawat hakbang niya. Tumapak ang paa niya sa sahig na nalalatagan ng brown carpet, mas lalong dinaga ang dibdib niya. Pero ganoon na lamang ang panlalamig ng kaniyang katawan nang makaulinig na nagmumula sa kanilang silid.

Moaning.

Ungol na nasasarapan ang kaniyang naririnig. Hindi siya batang grade one para hindi malaman ang ibig sabihin ng kaniyang naririnig. Kumuyom ang dalawa niyang kamao. Nasa right side ang kanilang silid ng mag-asawa at bahagyang nakaawang ang pinto. Parang bombang sumabog iyon sa pandinig niya.

"Victor..."

Pakiramdam niya'y tumalsik sa purgatoryo ang kaniyang kaluluwa. Daig pa ang sinipa siya ng sampong dem*nyo. Halinghing iyon ni Katrina. Mariin siyang napapikit. At sa pagmulat ng mata'y nagsilitawan ang litid niya... sa kamao, leeg at ibang parte ng katawan dahil sa sumisiklab na galit.

"Hanggang dito ba naman sa bahay? Dinadala mo pa rin ang kakatihan mo!" hiyaw ng kaniyang isipan.

"Oh, sh*t! Harder, Victor! Faster!"

Parang isang batang nagmamakaawa ang kaniyang asawa. Naririnig pa niya ang pagsasalpukan ng katawan. Kahit masakit, kahit parang sasabog ang dibdib niya sa galit, pinili na lamang niyang tumalikod at hayaang makaraos ang dalawa.

Sa sala, doon siya matiyagang naghintay. Sa dulo ng sofa pinili niyang umupo, naka-de-kuwatro ang paa, animo'y hari na nag-aabang sa kaniyang reyna. Nagbubungguan ang kilay at ang dalawang braso ay magka-ekis sa tapat ng kaniyang dibdib. Inabot siya nang ilang minutong paghihintay. Mukhang hindi pa nararating ng dalawa ang langit ng kaligayahan o baka'y humihirit pa ang kaniyang kapatid. Oo, kapatid niya si Victor.

Pero, t*ng-ina! Sa silid pa talaga nila! Umuusok sa galit ang kaniyang ilong. He wants to kill them!

After a couple of minute, narinig niya ang hagikgik ng kaniyang asawa, mukhang tapos nang magpasarap.

"Ang galing mo talagang mag-romansa, Victor."

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Magaling? Really? At siya, hindi ba magaling? Pero, gano'n din ang sinasabi nito sa kaniya. Ibig bang sabihin... hindi ito nasasarapan sa kaniya? Peke lamang ang ipinapakita nito kapag kaniig niya?

Umalon ang kaniyang lalamunan. Nagpipigil ng luhang kanina pa gustong umagos. Muling narinig niya ang paghagikgik ng asawa at ang yabag pababa sa hagdanan. Heto na ang hinihintay niya.

Huminga siya ng malalim at sinalubong ng matalim na titig ang dalawang pababa. Hindi pa siya pansin dahil hanggang sa paghakbang ay naglalampungan pa rin ang mga ito. Daig pa ang mag-asawa kung magturingan. Ang braso ng kapatid niya'y naka-angkla sa baywang ng kaniyang asawa at ganoon din ito.

"Tomorrow again, ha. Call me if umalis na si kuya."

Ngumisi siya. Hanep sa strategy ang dalawa. Kapag wala siya at busy sa trabaho, tinatrabaho naman ng magaling niyang kapatid ang kaniyang asawa. Magaling! Mahusay! Pero, h@yop! Gustong-gusto na niyang paduguin ang bibig ng traydor na kapatid.

"T-Tyler..."

Mabilis pa sa hangin ang ginawang paglayo ni Katrina sa kapatid niya.

"Surprise!" Ngumisi siya at mabilis na tumayo. Lumapit sila sa dalawang itinulos sa hagdanan. Isinilid niya sa bulsa ang dalawang palad at matikas na humarap sa mga ito. "Hindi ko na kayo ginambala kanina, mukhang sarap na sarap kasi kayo." Pilit niyang pinakalma ang sarili. "At base naman sa nakikita ko'y successful kayo. Narating niyo ika-pitong langit."

Kanina lamang ay nag-uumapaw ang kasiyahang nakikita niya sa asawa, ngayo'y para itong pinahiran ng ipot sa bibig. Yukong-yuko ang ulo. Ang kapatid niya'y nakatitig lang sa kaniya na parang balewala lang rito ang presensiya niya.

"L-let me explain, T--"

"Ano pang ipapaliwanag mo, Katrina!" sumigaw na siya. "Don't tell me, sasabihin mong nagkakamali ako ng aking iniisip? Kitang-kita ng dalawang mata ko at dinig na dinig ko pa ang hakinghing mo!"

"Kaya nga, hayaan mo muna akong mag-- ahhh..."

Napatid ang kakarampot na pisi niya. Nasampal niya ito. Maagap itong sinakluluhan ng kaniyang kapatid.

"Mahal niya ako, kuya."

"Mahal? So, ano palang ganap ko sa buhay niya? Palamuti, ganoon ba?"

Nginisihan siya nito. "Kulang ka raw sa karenyo, kaya humanap ng iba ang asawa mo--"

Umigkas ang nakakuyom niyang kamao sa panga nito. Narinig niya ang pagtili ni Katrina. Bumalandra ang katawan ni Victor sa ibaba ng hagdan.

Lumapit dito ang asawa na ngayon ay tumatangis. "Victor, huwag ka nang magsalita pa. Please. Nakikiusap ako sa iyo."

"H*yop ka! Of all people, ikaw pa talaga ang sisira sa relasiyon naming mag-asawa? Damn you, Victor!" Namumula siya sa galit. Kulang pa ang isang suntok na ipinadapo niya rito pero pinigilan na niya ang sarili.

Humarap sa kaniya si Katrina. Lumuhod. Nagmakaawa. "I'm sorry, Tyler. P-patawarin mo ako."

Agad siyang pumantay sa asawa. Inapuhap niya ang panga nito't mahigpit na hinawakan iyon. "Patawad? Naririnig mo ba ang 'yong sinasabi, Katrina? Sa kabila ng kakulangan mo bilang isang babae, ganito pa ang igaganti mo sa akin? Or maybe, pakana mo lang ang iyong kalagayan para mapagtakpan niyong dalawa ang kahayupang ginagawa niyo?!"

Binalewala niya ang pagguhit ng lungkot sa mata nito. Hindi siya dapat magpaapekto sa titig nito. Binitiwan niya na rin ang panga ng asawa. Binalingan niya si Victor na ngayo'y nakatayo na. Sapo nito ang pangang nasaktan.

"Kung papipiliin kita, Katrina, who will you choose?" Masakit man sa kaniyang damdamin, iyon ang naisip niya. Baka sakaling kapag siya ang pinili nito'y mabawasan ng sampong porsiyento ang kasalanang nagawa nito sa kaniya.

Kita niya ang gulat na rumihistro sa anyo nito. Tumingin ito kay Victor. Dinig na dinig niya ang dagundong ng kaniyang dibdib habang naghihintay siya ng kasagutan. But what if, siya ang piliin nito? Sigurado bang hindi na ito maliligaw ng landas? At kung hindi siya...

"Tyler... I'm sorry."

Mariin siyang pumikit. Parang sinaksak nang paulit-ulit ang puso niya. All this time, pinaglalaruan lang pala siya ng kaniyang asawa. Isinuksok niya ang nakarolyong kamao sa magkabilang bulsa ng pantalon. Tumingala't bumuga ng hangin.

"Umalis na kayo."

"T-Tyler..."

"Bago pa ako tuluyang makalimot, leave my house!"

"Tyler... please--"

"Now!" nanlalaki ang matang sigaw niya. Namumula rin ang mukha niya sa galit.

Nilapitan ito ni Victor at inalalayang tumayo. Pinakinggan niya ang yabag papalabas. Sa kaniyang isipan, hiniling niyang muling bumalik ang asawa. Mahal na mahal niya ito. Nangako sila sa harap ng Diyos na magsasama sa hirap at ginhawa. Magsasama sila hanggang sa pagtanda. Pero bigo siya. Narinig niya ang pagpinid ng pinto.

Paluhod na bumagsak siya sa marmol na sahig. Wala na. Tapos na. Naglaho na parang bula ang binuo niyang pangarap. Hindi na niya ito makakasama sa hirap at ginhawa. Hindi na ito ang makakaagapay niya sa pagtanda. Tanggap niya ang kakulangan nito, pero bakit? Saan siya nagkulang?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
hillary
sakit naman nun
goodnovel comment avatar
Val Erie
sheshh grabeng sakit
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 103

    HINDI sa loob ng sasakyan natapos ang pag-iisa ng katawan ni Erin at Tyler. Matapos nilang magising ay dumiretso na sila sa loob. Wala pa ring pinagbago, ganoon pa rin n'ong hindi pa siya umaalis. Isa-isa niyang pinagmamasdan ang mga gamit, mula sa sa sofa, dalawang cabinet nasa sala, ang chandelier. Nahinto ang pag-iisa-isa sa gamit niya nang magsalita ito."Gusto mo bang magpahinga muna habang nagluluto ako ng makakain natin?" Napangiti siya. "Hindi ko alam na ang isang Tyler Samaniego ay marunong pala sa kusina.""And who said I can't cook for you? FYI, Ms. Del Carmen, when I was alone, I learned how to cook--" Hinalikan niya si Tyler sa labi, kaya nakamulagat na huminto ito. Tila walang anumang nangyari umupo siya sa sofa, pinag-ekis ang binti."Go na, mahal. Ipagluto mo na ako. Nagugutom na ako," ani pa niya, hindi binigyan ng pansin ang pagbuka ng bibig nito, halatang nagulat sa ginawa niya."M-mahal..." Nabubulol ito. Humakbang palapit sa kaniya. "What?"Sinalubong niya ang

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 102

    MAKAPUGTONG-HININGA ang iginawad na halik kay Erin ni Tyler. Bawat hagod ay puno ng pananabik, pero may pag-iingat at may kaakibat na pagmamahal. Pinupunan ang mga sandaling nagkawalay sila ng matagal na sandali. Walang nais bumitaw at kahit masikip, hindi siya nagreklamo. Nakapatong siya sa kandungan nito sa loob mismo ng sasakyan. Pilit nilang pinagkakasya ang sarili. Naramdaman niya ang paggapang ng palad nito, patungo yun sa kaniyang likod, inaapuhap ang hook ng kaniyang bra. Sa halip na tumutol ang kaniyang katawan ay parang na-excite pa. Nananabik na muling madama ang init ng katawan ng lalaki. Sa pagkakataong yun ay pansamantalang naghiwalay ang kanilang mga labi habang patuloy na ginagalugad nito ang kaniyang bra. Magkadikit ang kanilang mga noo at kapwa naghahabol ng hininga. A sweet moan escaped to her mouth as he accomplished what he wanted. Dinadama ng magaspang nitong kamay ang dalawa niyang matayog na bundok. Unti-unti ay minamasahe 'yon. Napapikit siya sa kakaibang se

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 101

    NAGHIHIMUTOK ang kalooban ni Erin. Parang gusto niyang manampal ng babaeng pa-victim. Parang ang sarap hilahin ng dila nito. Bago siya pumasok sa silid ay sinamaan muna niya ng tingin si Tyler. Hindi na niya pinansin ang reaksyon nito, kung galit ba ito sa ginawa niya kay Katrina. Kumikibot-kibot ang kaniyang labi habang pumapasok. Naabutan niyang masinsinang nag-uusap ang mag-asawa. Nang mapansin siya ni Dorothy ay agad tumikom ang bibig nito. Lumangitngit ang pinto, hudyat na pumasok na rin si Tyler."Pa, uuwi po muna ako."Agad sumang-ayon ang mag-asawa. Ipinasabay na rin siya rito, ngunit tumanggi siya. Gusto niyang bantayan ang ginang pero mapilit ang matandang Samaniego. Sa huli ay sumama na rin siya kay Tyler. Habang naglalakad palabas ng hospital kapwa sila tahimik. Walang nais magsalita. Tunog ng sapatos ang tanging maririnig at ang mangilan-ngilan nilang nakakasalubong. Hanggang sa makaramdam sa kinahihimpilam ng kotse nito. Hindi na rin siya naghintay na pagbuksan ng pinto

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 100

    "AAHHH..." Naibato ni Katrina ang phone. Tinawagan niya si Tyler, ipinaliwanag niya rito ang nangyari sa pagitan nila ni Dorothy pero sinigiwan siya nito. Hindi siya pinaniwalaan. Ngunit ang mas nakakagalit at parang sasabog ang dibdib niya'y ang ginawang pagkausap sa kaniya ni Erin. Hindi niya alam na nasa tabi pala ito. "Bullshit!" angil niya sa sarili. Hindi niya nakontrol ang sarili kaya napagsalitaan niya ng kung anu-ano si Dorothy. Pero malas niya dahil nandoon pala si Erin at kinuhaan siya ng video. "L*ntik ka, Erin! Ikaw ang buwisit sa buhay ko!" Sa bawat bigkas ay lumalaki ang butas ng ilong at matalim ang titig sa kung saan. Nagparoo't parito siya sa loob ng silid. Kailangan niyang umisip ng paraan kung paano mapaniniwalang muli ang mga Samaniego. Isa pang iniisip niya ay si Hernan. Bumalik na ito at galit na galit sa kaniya. Kailangan niyang paamuin muli ito para maisakatuparan na ang plano at 'yon ay mabawi ang Green Ivory. "But, how?" Paano niya mapapaamong muli an

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 99

    IPINALIWANAG ni Erin kay Hernan ang nangyari, kung paanong nawala ang anak na nasa sinapupunan niya. Kung bakit siya itinulak sa hagdan ni Katrina. At ipinaalam din niya ang narinig na sinabi nito sa telepono kausap ang ama. "What? Are you serious, Erin?" She nodded. "Ilang beses ko na pong narinig sa bibig ni Katrina na babawiin nito ang Green Ivory." Tahimik si Hernan, ang mukha ay halos hindi na maipinta. At nang magsalita ito'y bakas ang matinding pagkapoot. "Talagang ginagalit ako ng babaeng 'yan! Marami na siyang nagagawang kasalanan sa pamilyang ito. Dapat nang putulin ang kaniyang sungay. At kung sinasabi niyang babawiin niya ang Green Ivory, nagkakamali siya. Paanong magiging kanila ito? Ni isa sa pangalan ng mga shareholder ay wala roon ang pangalan ng ama niya at imposible ring siya ang owner, dugo't pawis ni Papa ang puhunan niya rito!" Nanggagalaiti ito sa galit. May diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Mabilis nitong hinugot ang phone sa bulsa. Ilang sand

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 98

    TUMAMBAD sa paningin ni Tyler ang masayang mukha ng ina, kausap nito si Carla. Kaagad na lumapit dito ang kanilang ama. Puno ng pag-alala ang mukha. Yumakap sa ginang. "Don't worry about me. I'm okay now." Paulit-ulit niyang narinig na sinasabi yun ng ina. Habang nag-uusap ang magulang ay iginala niya ang paningin. Huminto sa isang pegurang nasa pahabang sofa. "Katutulog lang niya. Napagod sa pagbabantay sa nanay mo," tinig ni Carla, nasa tabi na pala niya ito. Ngumiti siya at mabilis na sinulyapan ang katabing babae. "Salamat din sa pagbabantay sa kaniya." Bahagya siyang lumapit sa nakahigang si Erin. Ibinilin niya ito kay Carla. Pinakiusapan niyang samahan ito sa hospital at kanina lamang ay nagreklamo ang dalaga dahil sa pagkaing pinabibili ni Erin. Itinuro niya kung saan siya madalas bumili ng mais. "Sus! Wala 'yon. Number one fan ako ng love team niyo 'di ba?" "Kaya pala nagreklamo ka kanina," pambubuska niya rito."Ang layo naman kasi. Parang umakyat ako ng dalawang bundo

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 36

    "PA, sorry po. Inilagay ko sa kahihiyan ang 'yong pangalan." Humihikbi si Erin sa harap ng ama. Tinikis niya itong huwag tawagan, huwag kumustahin. Alam niyang tulad niya, nangungulila rin ito sa paglayo niya. Hindi ito sanay na mawalay siya nang matagal. Nang araw na nalaman niya na may ibang bab

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 35

    HABANG abala ang lahat, masinsinang kinausap ni Seb si Tyler. Hinila niya ito sa room na pinasukan bago pa dumating ang tito niya. Hindi pa niya nalalaman ang dahilan dito kung bakit nagawang saktan ang damdamin ng pinamakamamahal niyang pinsan. Hindi pa humuhupa ang galit niya rito. Nakita sila ni

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 34

    "HE'S here!" Naumid ang dila ni Tyler nang sabihin ni Sebastian na dumating si Mr. Del Carmen. Hindi puwedeng malaman ng ginoo ang gusot na nangyayari sa pamilya niya. Tiyak na mapapasama ang image nila sa ginoo. Pero paano niya paplantsahin ang gusot? At si Erin, matagal na pala nitong alam ang n

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 28

    NAGISING si Tyler na wala na sa tabi si Erin. Gumuhit sa labi niya ang malaking ngiti, naalala niy ang naganap nang nagdaang magdamag. Ilang beses na nag-isa ang kanilang katawan. May siglang bumangon siya, nagtungo sa banyo. Matapos makapaglinis ng katawan ay nagdumali siyang lumabas na ng room. Su

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status