LOGINMAY ngiti sa labi ni Erin habang isa-isang tinitingnan ang mga naka-display na watch sa isang store. Balak niyang regaluhan ang boyfriend, 'sakto dahil second year anniversary nila ngayon. Nang makapili ay dali-dali siyang lumabas. Sa paglalakad ay napadaan siya sa kilalang restaurant. Marami-rami ang tao sa loob. Hindi pa siya nakararamdam ng gutom at alam niyang pricey ang mga pagkain doon, pero tila ba may magnet ang kainang 'yon, hinihila siya papasok.
"Ma-check nga kung masarap ang mga pagkain dito. May pera pa naman ako." Kinapa niya ang sling bag, 'tsaka'y napangiti. Pagkapasok ay naghanap siya ng bakanteng mesa. Agad siyang napangiti nang makahanap at dagling nagtungo doon. Ngunit agad ding napalis ang ngiti sa kaniyang labi nang 'di sinasadya ay magawi ang paningin niya sa nasa may sulok ng kainan. May babae at lalaki ang nakaupo roon. Hindi man niya nakikita ang mukha ng lalaki pero kilala niya ito. Likod pa lang ay alam niya kung sino iyon. Humakbang siya palapit. Nag-ekis pa ang kaniyang mga tuhod, kaya't binagalan niya ang paghakbang. Sa bawat lapat ng kaniyang paa ay unti-unting kumakabog ang kaniyang dibdib. Ang mata'y hindi inaalis ang tingin sa lalaking nakatalikod sa kaniya. "M-Miguel?" Si Miguel, ang boyfriend niya. Magkadaop ang palad nito at ng babaing kasama sa ibabaw ng mesa. Humigpit ang hawak niya sa paper bag may lamang relo. "Stella, ibibigay ko sa iyo ang lahat-lahat. Bahay, kotse o kahit pa alahas, sagutin mo lang ako." Nanlaki ang mata niya sa lumabas sa bibig ng binata. Bahay? Kotse? Alahas? Nahihibang na ba ito? Siya na girlfriend nito'y hindi man lang magawang regaluhan kahit simpleng pabango. "Hmm, baka naman sa una lang 'yan." Napabaling ang paningin niya sa babae. Hindi siya mataray, hindi rin mapangmata sa kapwa, but this time, sinuri niya ang kabuohak nito. Maganda, maputi, mahaba ang tuwid na buhok na mukhang kare-rebond lamang. Natigil lamang ang pag-aanalisa niya sa mukha nito nang muling magsalita si Miguel. "Of course not, sweetheart. Ibibigay ko sa iyo maging buhay ko." Umasim ang anyo niya at agad ding nahugot ang sariling hininga para pakalmahin ang sarili. Hindi na sana niya gagambalain ang dalawa ngunit hindi nakiayon sa kaniya ang tadhana. Bago pa siya nakaalis sa kinatatayuan ay tumunog ang cellphone niya. Napalingon ang kaniyang boyfriend... "Correction, ex-boyfriend!" pagtatama ng kaniyang isipan. "E-Erin?" Nanlaki ang mata nito sa labis na gulat. "Oh, do you know her?" Dumako ang paningin niya sa babaing kasama nito, pero hindi siya nagsalita, bagkus ay hinintay kung ano ang isasagot ng boyfriend niya. "A-ano... siya si--" "Ah!" Napalatak ang babae, kasabay ay pagpitik ng daliri. "Natatandaan ko na. Siya yung sinasabi mong pinsan mong masungit. Tama ba ako?" Tumaas ang isang kilay ni Erin sa narinig. "Pinsan mo pala ako, Miguel." Lumapit siya sa binata at nginisihan ito. "Oo, ako nga ang pinsan niyang masungit." Matalim niyang tinitigan ito, 'tsaka ay binalingan ang babaing ngayon ay ngiting-ngiti sa kaniya. Nagulat na lamang siya sa sumunod na pangyayari. Tumayo ito, nilapitan siya at nakipagbeso-beso sa kaniya. "Thank po, ate. Thank you po dahil inaalagan niyo si Miguel and don't worry, ako po ang bahala sa kaniya. And by the way, gusto ko na rin pong magpasalamat sa gift mo na necklace. Ito nga po, suot ko na. Promise po, iingatan ko ito. I love it!" Literal na naglaglag ang kaniyang panga sa sinabi nito. Hinimay-himay niya sa isipan ang narinig. Binigyan niya ito ng necklace? Kailan? Ang tanging natatandaan lang niya ay n'ong nagsabi sa kaniya si Miguel na birthday ng pinsan nito. Ayon pa sa binata ay super close ang dalawa, kaya hindi siya nag-atubili na abutan ito ng pera na pambili ng necklace. Nakataas ang kabilang gilid ng nguso ay dahan-dahan niyang nilingon ang binatang ngayon ay pinagpapawisan na. Kita niya ang pangamba sa mata nito. Kahit gusti na niyang basagin ang itlog nito'y pinigil niya ang sarili. Nanunubig na rin ang kaniyang mata dala ng sobrang galit, idagdag pa ang nalamang niloloko lang pala siya nito. Piniperahan lang pala siya. Nanginginig ang buo niyang katawan at anumang oras ay bibigay na siya, kaya naman nagpaalam na siya sa babae. Sinabing may lakad pa siya. Aaminin niyang gusto na niyang sampalin ang bababe, pero dahil sa narinig ay tiyak na wala itong alam sa tunay na relasyon niya kay Miguel. Biktima lang din ito ng mapanlinlang na dila ng binata. Dumiretso siya sa bahay at nagkulong sa silid. Kinahapunan ay nakatanggap siya ng bisita at walang iba kundi ang sinungaling niyang boyfriend. "Babe, let me expla--" Hindi na niya pinatapos ito sa pagsasalita, 'sing bilis ng hangin na dumapo sa pisngi nito ang palad niya. "Ang kapal ng mukha mo!" Namumula sa galit ang kaniyang mukha. "At ano na namang kasinungalingan ang sasabihin mo? Ginawa mo pa akong pinsan sa paningin ng babae mo! Totoo ngang kakambal ng sinungaling ang manloloko. Lumayas ka at huwag nang magpapakita sa akin!" "Babe naman-- let me explain, please!" Ngunit hindi na niya ito pinakinggan pa. Muli siyang pumasok sa silid. Sa unan siya umiyak nang umiyak hanggang sa makatulugan na ang nangyari. Nang magising ay isang plano ang pumasok sa isipan niya, masyadong malaki ang naging pinsala ng kaniyang puso niya... luluwas siya Maynila para makalimot. Huminga ng malalim si Erin. Sapo niya ang backpack at masusing nakatanaw sa paligid. Nasa terminal siya ng bus sa Cubao. Pansamantalang sa kaibigan niya muna siya maninirahan. Malayong-malayo ang malaking siyudad sa nakagisnan niyang lugar. Doon, tahimik, malinis ang tubig at hangin. Samantalang sa kinalalagyan niya, nagkalat ang plastik, upos ng sigarilyo at isang oras pa lamang siyang nakaupo sa konkretong upoan, pakiramdam niya'y sampung kilo na ang hanging kaniyang nalanghap. Kahit nakasuot ng face mask ay amoy na amoy pa rin niya ang kakaibang amoy ng paligid. Nanunuot iyon sa bawat himaymay ng katawan niya. Nagpakawala siya ng hangin. "Masasanay rin ako." Tumayo siya't humanap ng taxi. Magpapahatid na lamang siya sa kaniyang tutuluyan. Hindi pa man siya nakakatawag ng taxi ay narinig n'ya ang pagtawag ng kung sinuman. Agad niyang hinanap ang tumatawag sa kaniya. "Erin..." Ang kaibigan niyang nakikilala sa f******k. Kaninang-kanina pa niya ito hinihintay. Nais sana niyang magreklamo pero wala siyang karapatan. Usapan nila'y ika-sampo nang umaga, ngayo'y malapit nang mag-twelve. "Sorry.. na-late ako." Hinihingal ito, halatang nagdumali sa paglalakad. "Okay lang, Carla. Hindi pa naman ako natatagalan." Hindi pa, pero ilang oras siyang naghintay. "Sorry, late na kami pinalabas ng boss ko. Alam mo naman ang trabaho ko, hindi ba?" "Okay nga lang. At isa pa, wala akong karapatang umangal, makikitira lang ako sa iyo," aniya na may kasamang mahinang tawa. Ngumiti na rin ang kaibigan niya. Maganda ito kahit may kaliitan. Hanggang tainga lang niya ito. Maliit ang hugis-bilog na mukha. Samantalang siya, morena. Kulay-probinsiya. Niyakag na siya nito. Hindi pala taxi ang sasakyan nila... mahal daw ang bayad do'n. Nag-bus sila patungong Makati, bawat pangalan ng street na makikita ay tinatandaan niya. Pagkababa ay sumakay pa sila ng tricycle patungong Evangelista St. Umawang ang kaniyang bibig habang sinusuri ang dinaraanan. Dikit-dikit ang bahay. "Kaya pala kapag nagkakasunog dito ay hindi lang sampung bahay ang nadadamay," mahinang sabi niya. Huminto ang tricycle sa tapat ng maliit na apartment. Ayon kay Carla ay per room ang inuupahan doon at share sila sa isang room. Tumambad sa paningin niya ay pa-square na silid. Nandoon na ang lutuan, sala at ang tinutulugan ay natatabingan lamang ng manipis na tela. May isang pinto pa ang naroroon na sa tingin niya'y banyo. "Okay lang ba na share tayo o ihahanap kita ng matutuluyan mo?" "Ay naku...huwag na. Okay na ako rito. Maganda nga 'yong may kasama ako kasi hindi pa ako sanay dito." "Sabi mo, e. Pero kung nasisikipan ka at kung gusto mo nang mapag-isa, magsabi ka lang, ihahanap kita ng matutuluyan mo." Tumango lang siya habang inaayos ang laman ng backpak. Binigyan siya ni Carla ng lalagyan ng gamit, maliit pero sapat na. Hindi naman karamihan ang dala niya. Madali lang siyang natapos at nagtungo sa lutuan na nasa kaliwang bahagi. Tinulungan niya ito na maghanda ng kanilang pananghalian. Habang naghahanda ay nagkukuwento ito hinggil sa trabaho. Balak niyang pumasok. Isa itong waitress sa isang bar. Alas nuwebe ang pasok nito kaya alas siyete ay naghanda na siya. Tinawag na nito sa manager ng bar at sabing iti-train muna siya. Mangilan-ngilan pa lang ang tao sa loob ng beer. Tinuruan siya ni Carla kung paano ang tamang pag-serve ng order ng mga costumer. Madali siyang natuto. Isang gabi lang ay nakuha na niya. Bilin sa kaniya ng kaibigan na hanggang serve lang ang gagawin niya, iyon din ang kanilang sinabi sa manager. Kung sakaling may ibang hilingin ang costumer, ang manager ang kaniyang kakausapin. Iisa lamang ang nasa isipan niya, kayanin kaya niya?PRENTENG nakaupo si Tyler sa bangkong yari sa plastic. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Erin. Walang kamalay-malay sa sigalot na naganap. Lihim siyang napapangiti sa tuwing pumapasok sa isipan ang huling sinabi ng ina kay Katrina. Walang bahid ng pagpapaawa ang naaninag niyang takot sa mata nito. Nawalan ng salita si Victor, nawala rin ang kayabangan nito. Ngayon ay mag-isa na lamang siya, hinihintay na muling magkamalay ang babaeng minamahal. Ang kapatid niya at nobya nito'y sumunod sa ina at nakatitiyak siya na patuloy na magsesermon ito sa dalawa. Tumayo siya't lumapit sa babaeng nahihimbing. Ginagap ang palad , masuyong hinaplos at saka'y hinagkan yun. Alam niyang kapag nagising ito'y magagalit ito sa kaniya, pero tatanggapin niya ang lahat ng ibabatong salita nito. Nang mga panahong wala siyang maalala, hindi ito umalis sa tabi niya, hindi siya iniwan kahit sinisigawan na niya. "I'm sorry, mahal. Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali kong nagawa sa 'yo."Ngayo
"SORRY..."Mabilis na lumuhod si Katrina sa harapan ni Tyler. Nagsimula itong tumangis. Nagmakaawang patawarin na niya, ang mukha'y parang isang anghel na nahulog sa lupa.Subalit, hindi niya maramdaman ang pagsisisi nito. Angel man ang mukha nito , pero sa likod n'on ay nagtatago ang makamandag na ahas, anumang oras ay puwedeng manuklaw. Mabilis siyang yumukod, inapuhap ang panga nito. Mahigpit ang hawak niya, yung tipong walang makakabuwag sa pagkakapit niya, kahit hangin ay hindi makalulusot."Patawad?" Nanlisik ang kaniyang mata. "When I woke up in the hospital... na wala ang alaala, sa harap mismo ni Erin, nagkaroon ka ba ng awa nang nagawa mong magsinungaling? Nagkaroon ka ba ng katiting na awa nang sabihin mo sa kaniya na nagkabalikan na tayo? Nagkaroon ka ba ng awa nang walang habas mong itulak siya sa hagdan? You didn't even think about her condition!" sunod-sunod niyang sabi rito. Halos bumaon na ang daliri niya sa panga nito dahil sa pagkakahawak niya.Si Victor ay hindi si
NAGNGANGALIT ang bagang ni Tyler, ang mata niya'y matalim ang titig sa dalawang sinisermunan ng ina. Si Katrina, napakasinungaling talaga nito. Napakagaling magdrama. Magaling magpaawa. At si Victor, ang kapatid niyang suwapang. Sinasabi nitong hindi na siya ang nagmamay-ari ng Green Ivory, ang negosyong pinapalago niya nang ilang taon. Lihim siyang ngumisi. Akala yata ng kapatid niya'y ganoon lang kadali nitong makuha ang negosyong itinataguyod niya, at mabuti na lang dahil bumalik na ang alaala niya. "Mahal..." Isa ang salitang 'yan sa nagpabalik sa nawala niyang alaala at marahil sa dugo na rin ni Erin. Kanina, habang papunta sila dito sa hospital, doon bumalik ang nawalang alaala niya. "Tyler!" Bumaling ang paningin niya sa ina. Wala na ang galit doon. "Yes, Ma?" Hindi pa man tuluyang nakakasagot ang kaniyang ina ay humahangos na pumasok ang nurse. "Ma'am, Sir, gising na po ang pasyente sa kabilang room, pero nagwawala po ito." Nakabahad ang matinding takot sa mukha ng babae
PINAGMAMASDAN ni Tyler ang walang malay na si Erin. Ang kaniyang ina ay nasa kabilang silid lamang. Tumaas ang blood pressure nito at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinaaalam sa ama ang nangyari. Alam niya na malulumbay ang dalaga kapag nagkamalay ito, 'pag nalaman na wala na ang kanilang anak. Baka nga'y magalit pa sa kaniya. "Sigurado 'yan," anas ng isipan niya. Itinaas niya ang paningin, ilang beses na kinurap ang mata. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, kung sana'y pinakinggan niya ang sinabi nito tungkol sa Green Ivory, hindi sana agad ito aalis. Hindi sana nito makakasalubong si Katrina. Dumilim ang anyo niya nang maalala ang sinabi nito. Nagdesisyon siyang iwan muna si Erin, hahanapin niya si Katrina. Ramdam niyang pawang kasinungalingan ang sinabi nito. Pumasok siya sa silid ng ina, nakita niya roon si Victor at ang babaeng hinahanap niya. Halos isahing hakbang na niya ang pagpasok para lang makaharap ito. "Katrina!" "T-Tyler..." Nanlilisik ang kaniyang ma
"KATRINA..." Naglalakad na sa labas ng silid si Tyler, balak niyang tanungin si Erin hinggil sa sinabi nito, nang biglang makarinig siya ng pagsigaw. Nagdumali siyang nagtungo sa hagdan dahil doob nanggaling ang sigaw. Mula sa ibaba, tanaw niya ang dalaga, nakahandusay sa sahig. Si Katrina, nakatayo lang sa baitang ng hagdan. "Ang baby ko..." Mahina man ang boses ni Erin dahil nasa ibaba ito pero sapat na para maintindihan niya ang sinabi nito. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito, hindi alintana ang baitang-baitang na hagdan paibaba. "T-Tyler..." narinig niyang sabi ni Katrina nang maparaan siya sa kinatatayuan nito. Hindi niya pinansin, mas lalo siyang nagmadali paibaba. Pansin agad niyang namimilipit sa sakit si Erin. Ang luha nitong umaagos, ang pagdaing nito... parang may kung anong lumalakumos sa puso niya. Gusto niyang magalit kahit hindi alam kung bakit."E-Erin," tawag niya rito. Halatang nahihirapan ito nang tumingin sa kaniya. "Ang baby ko, iligtas mo siya. An
PARANG nasa pageant si Erin at kasalukuyang nasa swimsuit attire. Matapos ang ilang minutong pagbabad sa tubig, slow motion siyang umahon sa pool. Ang lahat ng mata'y sa kaniya nakatuon, kahit si Katrina. Bakas sa mata ang inggit. Si Tyler na titig na titig sa kaniya, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito. Hinanap niya ang bath robe na ipinatong lang niya sa gilid, pero hindi niya mahanap. Tatawagin na sana niya si Jelyn, pero nauna siyang tawagin ni Dorothy. "Erin, come here muna, hija. Ang papa mo, may sasabihin sa iyo." "Anak naman ng..." Nakadama siy ng inis. Sinusubok talaga siya ng pagkakataon. At ang roba niya, hindi pa niya mahanap. Nakita niya sa may 'di kalayuan si Jelyn, nakangisi sa kaniya. Alam na niya kung bakit. "Humanda ka sa akin mamaya," bulong niya sa hangin.Sa halip na sa bukana ng kubo pumunta, sa gilid siya huminto, kung saan ay nakapuwesto si Dorothy. Pilit niyang kinuha roon ang phone, mabuti na lamang hindi naghinala ang ginang at agad na ibini
NAIWANG naiiling si Erin at nang wala na si Tyler sa kaniyang paningin ay saka pa lamang niya napagtanto ang nabitawang salita. Natampal niya ang noo. Dagli siyang bumaba sa countertop. Naalala niya ang ginawa nito sa kaniyang leeg. Sa gilid ng kitchen ay may banyo, agad siyang pumasok doon upang s
HINDi alam ni Erin kung bakit ganoong salita ang lumabas sa bibig niya, kung bakit ngayo'y naging matalas ang dila niya. Siguro'y nadala lamang siya ng bugso ng damdamin. Ngumisi ang babaeng kaharap niya. Humakbang pa ito palapit sa kaniya. "Relax, baka atakehin ka sa atay-atayan. Hindi ako kalaba
"TYLER...""Yes, mahal?""Sigurado ka ba na sa bahay mo na ako titira?"Narinig niya ang paghinga nito ng malalim. "At anong gusto mong gawin ko? Pabayaan kita sa lugar na 'yon? Paano kung hindi niyo ako kasama? Tiyak na napahamak na kayo!" galit nitong himig."Puwede naman akong humanap ng ibang m
MASAYANG nag-uusap si Erin at Dorothy sa terrace. Isinasalaysay ng ginang kung gaano kabibo si Tyler noong bata pa. Lagi itong nasa top sa klase. Marami pa itong sinabi na ikinatuwa niya. "Siyanga pala, iha, huwag mong kalilimutang dumalo sa birthday ko. Two months pa naman bago ang birthday ko,







