LOGIN"YOU'RE such a disgrace to our family! How could you do this, Victor?" Umiigting ang panga ng ama ni Tyler. Sinisermunan nito si Victor, katabi rin nito si Katrina na yukong-yuko ang ulo. Tinamaan din yata ng kahihiyan ang makati niyang asawa.
Wala siyang balak sabihin sa iba ang nangyari, pero sadya yatang may pakpak ang balita. Nalaman ito ng kanilang magulang. Sinulyapan niya ang ina, iyak ito nang iyak. Tumayo siya't lumapit dito. "Ma, tama na po. Baka'y mapaano ka pa." Tumingin ito sa kaniya. Punong-puno ng luha ang mata. Seeing his mother crying... parang may sumasakal sa puso niya. Niyakap niya ito. Close ito kay Katrina. Tulad niya, tanggap din nito ang kakulangan ng asawa. Kahit pa gustong-gusto nang humawak ng apo, hindi nagreklamo ang kaniyang magulang. Tulad niya, matiyaga ring naghihintay ang dalawa. "Pa, kami naman po talaga ang nagmamahalan. Napilitan lang si Katrina." Literal na umawang ang bibig niya sa narinig. Anong ibig nitong sabihin? Almost two years niyang girlfriend ang asawa bago ito niyayang magpakasal. At ngayo'y sasabihin ng babaerong kapatid na sila ang nagmamahalan. How did that happen? "Napilitan? Sinong sira-ulo ang maniniwala sa iyo, Victor?" hiyaw ng kanilang ama. Kilala rin nito si Katrina. Kahit no'ng nanliligaw pa lang siya ay isinasama na niya ito at ipinakilala sa magulang. Nagkakilala sila sa event na pinuntahan niya noong college pa lang siya, at nang mga panahong iyon ay nasa probinsiya ang barumbado niyang kapatid. Ipinadala ito sa lolo't lola nila para magtino. "Ten years ago, nagkakilala kami ni Katrina. Friends sa una at nahulog ang loob sa isa't isa." Binitiwan niya ang ina at humarap sa dalawa. "Whatever you say, Victor, asawa ko na si Katrina. Sagrado ang pagsasama namin. Sa mata ng tao at higit sa lahat, sa mata ng Diyos, legal kami! May kasulatan, and we have a ring!" hiyaw niya. Tumingin ito ng deritso sa kaniya. Yung tinging walang kinatatakutan. "Pero ako ang kaniyang mahal. Sa akin siya maligaya at higit sa lahat... ako ang kaniyang pinili." Umalsa ang tinitimping galit niya. Kahit kaharap ang magulang ay nasuntok niya ang kapatid. Muntik na itong mabuwal. Ang galit na kaniyang nararamdaman ay napalitan ng selos. Nakita niya ang takot at awa sa mata ng asawa nang daluhan nito ang kapatid. Parang gusto niyang umiyak. Gusto niyang maglupasay. Hindi ba mahalaga rito ang kaniyang damdamin? Hindi ba siya nito minahal? Ang sakit... ang sakit-sakit! Siya ang tunay na asawa, sa kaniya ito nagpakasal pero parang siya ang lumalabas na mang-aagaw. Ilang buga ng hangin ang pinakawalan niya. Tumingala't pilit na pinapayapa ang kalooban. "Kung nagmamahalan kayo, I'll file an annulment. Sino ba naman ako para pigilan ang kaligayahan nito?" "Tyler!" hiyaw ng kaniyang ama. Alam niyang tutol ito. Ayaw nito ng annulment. Ayaw ng kaniyang ama na maging center of attraction ang pamilya nito kung dahil sa hindi magandang pangyayari. Tanging gusto nito'y laging magandang balita ang alam ng mga taong nakakikilala sa kanila. "Pa, wala na po akong magagawa pa. Isa pa'y hindi ko maaatim na pakisamahan pa ang babaing nalawayan na ng iba. Hindi ako isang aso na kumakain ng tira-tira." "Does it hurt, Tyler? Does it hurt to hear that I'm better at bed than you are?" "Are you insulting me?" "What if I say yes? What will you do?" Mabilis na hinawakan niya ang kuwelyo nito. Ang mata niyay nagbabaga pero ang kaniyang kaharap ay tila lalo siyang ginagalit. "Enough!" saway ng kanilang ama. "I'm sorry, Pa." Kusa siyang sumuko. Hindi na dapat niyang patulan ang pang-aasar ni Victor. "Nagmahal ako ng malandi at nagkaroon kayo ng isang anak na magaling mang-akit at magromansa. I'm leaving." Lumapit siya sa ina, humalik sa pisngi't nagpaalam dito. Hindi niya binigyang-pansin ang tawag ng ama. Deritso siyang lumabas ng bahay ng magulang. Sumakay sa sasakyan at matuling pinatakbo ito. Kung saan siya papunta, 'yon ang hindi niya alam. Madilim na nang bumalik sa sariling tahanan si Tyler. Mula sa labas ay pinagmasdab niya ang bahay na naging kanlungan nila ni Katrina. Ang dating makulay, ngayon ay madilim pa sa kalangitan. Wala na itong buhay. Tila wala sa sariling pumasok siya. Umupo sa sala at doo'y humiga. Doon na rin piniling matulog. Hindi niya kayang humiga sa kamang pinaglampungan ng asawa at kapatid. "HONEY..." Nahugot ni Tyler ang hininga, kasabay ang mariing pagpikit. Papalabas na siya ng building nang may humarang sa kaniya. Si Katrina. Nasa gilid ito ng sasakyan niya. Nagmamakaawa ang anyo. Pero, hinding-hindi siya magpapadala. Hinding-hindi na siya magpapalinlang pa. "What are you doing here, Katrina?" Matiim ang tinging pinakawalam niya rito. "Let's talk, please!" "Kung tungkol sa annulment ang ating pag-uusapan, huwag kang mag-aalala, pinapaayos ko na. Pinapadali ko na ang proseso para mapawalang bisa ang ating kasal." "Hindi ang tungkol sa annulment ang sadya ko. Please, forgive me." "Forgive?" he chuckled. "Sa iyo lang umiikot ang mundo ko, buong buhay ko, buong pagmamahal ko... ibinigay ko sa iyo. Tapos anong ginawa mo? You just fooled me! And now, you are in front of me, begging to forgive you! Well, shame on you, Katrina! Hindi ka nakuntento. Tinanggap kita pero ano ang iginanti mo? Ginago mo ako. Ginago niyo akong dalawa! At kapatid ko pa talaga. Tell me, Katrina, kailan niyo pa ako ginagago?" Hindi na niya nakontrol ang sarili, kahit nasa gilid ng kompanya at maraming dumaraang employee ay nasigawan niya ito. "I'm sorry, Tyler. Pero tama si Victor. Siya ang unang nagmahal sa akin." "Kung ganoon, bakit ka nagpakasal sa akin?" "Dahil sa parents ko. May utang si Papa sa ama mo, Tyler. Seventeen years old pa lang ako, nakilala ko na si Victor. Almost three years kaming magkaibigan. Niligawan niya ako. Naging kami. Pinaghiwalay lang kami ni Papa dahil mas karapat-dapat daw ako sa iyo, dahil ikaw ang magmamana ng Green Ivory Hotel and Resort." Parang punyal iyong tumarak sa dibdib niya. Muntikan pa siyang mawalan ng balanse, mabuti na lamang nasa likuran niya ang kaniyang sasakyan. "A-alam ba ni P-papa ang r-relasyon n-niyo?" Para siyang baklang nanginginig at nabubulol. Umiling ito. "Hindi ko alam--" Hindi na niya tinapos ang iba pa nitong sinasabi. Mabilis siyang sumakay at matuling pinatakbo iyon. All this time, nakikiamot lang pala siya ng pagmamahal. Siya pala ang nang-agaw. Siya pala ang third wheel. Siya pala ang kabit. "T*ng-ina!" Hindi siya pinalaking palamura ng ina pero nang dahil sa panloloko ni Katrina at nang dahil sa nalaman mula rito'y nagiging balahura ang bibig niya. Dumiretso siya sa bahay ng magulang. Kailangan niyang malaman sa ama kung ano ang totoo.PRENTENG nakaupo si Tyler sa bangkong yari sa plastic. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Erin. Walang kamalay-malay sa sigalot na naganap. Lihim siyang napapangiti sa tuwing pumapasok sa isipan ang huling sinabi ng ina kay Katrina. Walang bahid ng pagpapaawa ang naaninag niyang takot sa mata nito. Nawalan ng salita si Victor, nawala rin ang kayabangan nito. Ngayon ay mag-isa na lamang siya, hinihintay na muling magkamalay ang babaeng minamahal. Ang kapatid niya at nobya nito'y sumunod sa ina at nakatitiyak siya na patuloy na magsesermon ito sa dalawa. Tumayo siya't lumapit sa babaeng nahihimbing. Ginagap ang palad , masuyong hinaplos at saka'y hinagkan yun. Alam niyang kapag nagising ito'y magagalit ito sa kaniya, pero tatanggapin niya ang lahat ng ibabatong salita nito. Nang mga panahong wala siyang maalala, hindi ito umalis sa tabi niya, hindi siya iniwan kahit sinisigawan na niya. "I'm sorry, mahal. Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali kong nagawa sa 'yo."Ngayo
"SORRY..."Mabilis na lumuhod si Katrina sa harapan ni Tyler. Nagsimula itong tumangis. Nagmakaawang patawarin na niya, ang mukha'y parang isang anghel na nahulog sa lupa.Subalit, hindi niya maramdaman ang pagsisisi nito. Angel man ang mukha nito , pero sa likod n'on ay nagtatago ang makamandag na ahas, anumang oras ay puwedeng manuklaw. Mabilis siyang yumukod, inapuhap ang panga nito. Mahigpit ang hawak niya, yung tipong walang makakabuwag sa pagkakapit niya, kahit hangin ay hindi makalulusot."Patawad?" Nanlisik ang kaniyang mata. "When I woke up in the hospital... na wala ang alaala, sa harap mismo ni Erin, nagkaroon ka ba ng awa nang nagawa mong magsinungaling? Nagkaroon ka ba ng katiting na awa nang sabihin mo sa kaniya na nagkabalikan na tayo? Nagkaroon ka ba ng awa nang walang habas mong itulak siya sa hagdan? You didn't even think about her condition!" sunod-sunod niyang sabi rito. Halos bumaon na ang daliri niya sa panga nito dahil sa pagkakahawak niya.Si Victor ay hindi si
NAGNGANGALIT ang bagang ni Tyler, ang mata niya'y matalim ang titig sa dalawang sinisermunan ng ina. Si Katrina, napakasinungaling talaga nito. Napakagaling magdrama. Magaling magpaawa. At si Victor, ang kapatid niyang suwapang. Sinasabi nitong hindi na siya ang nagmamay-ari ng Green Ivory, ang negosyong pinapalago niya nang ilang taon. Lihim siyang ngumisi. Akala yata ng kapatid niya'y ganoon lang kadali nitong makuha ang negosyong itinataguyod niya, at mabuti na lang dahil bumalik na ang alaala niya. "Mahal..." Isa ang salitang 'yan sa nagpabalik sa nawala niyang alaala at marahil sa dugo na rin ni Erin. Kanina, habang papunta sila dito sa hospital, doon bumalik ang nawalang alaala niya. "Tyler!" Bumaling ang paningin niya sa ina. Wala na ang galit doon. "Yes, Ma?" Hindi pa man tuluyang nakakasagot ang kaniyang ina ay humahangos na pumasok ang nurse. "Ma'am, Sir, gising na po ang pasyente sa kabilang room, pero nagwawala po ito." Nakabahad ang matinding takot sa mukha ng babae
PINAGMAMASDAN ni Tyler ang walang malay na si Erin. Ang kaniyang ina ay nasa kabilang silid lamang. Tumaas ang blood pressure nito at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinaaalam sa ama ang nangyari. Alam niya na malulumbay ang dalaga kapag nagkamalay ito, 'pag nalaman na wala na ang kanilang anak. Baka nga'y magalit pa sa kaniya. "Sigurado 'yan," anas ng isipan niya. Itinaas niya ang paningin, ilang beses na kinurap ang mata. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, kung sana'y pinakinggan niya ang sinabi nito tungkol sa Green Ivory, hindi sana agad ito aalis. Hindi sana nito makakasalubong si Katrina. Dumilim ang anyo niya nang maalala ang sinabi nito. Nagdesisyon siyang iwan muna si Erin, hahanapin niya si Katrina. Ramdam niyang pawang kasinungalingan ang sinabi nito. Pumasok siya sa silid ng ina, nakita niya roon si Victor at ang babaeng hinahanap niya. Halos isahing hakbang na niya ang pagpasok para lang makaharap ito. "Katrina!" "T-Tyler..." Nanlilisik ang kaniyang ma
"KATRINA..." Naglalakad na sa labas ng silid si Tyler, balak niyang tanungin si Erin hinggil sa sinabi nito, nang biglang makarinig siya ng pagsigaw. Nagdumali siyang nagtungo sa hagdan dahil doob nanggaling ang sigaw. Mula sa ibaba, tanaw niya ang dalaga, nakahandusay sa sahig. Si Katrina, nakatayo lang sa baitang ng hagdan. "Ang baby ko..." Mahina man ang boses ni Erin dahil nasa ibaba ito pero sapat na para maintindihan niya ang sinabi nito. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito, hindi alintana ang baitang-baitang na hagdan paibaba. "T-Tyler..." narinig niyang sabi ni Katrina nang maparaan siya sa kinatatayuan nito. Hindi niya pinansin, mas lalo siyang nagmadali paibaba. Pansin agad niyang namimilipit sa sakit si Erin. Ang luha nitong umaagos, ang pagdaing nito... parang may kung anong lumalakumos sa puso niya. Gusto niyang magalit kahit hindi alam kung bakit."E-Erin," tawag niya rito. Halatang nahihirapan ito nang tumingin sa kaniya. "Ang baby ko, iligtas mo siya. An
PARANG nasa pageant si Erin at kasalukuyang nasa swimsuit attire. Matapos ang ilang minutong pagbabad sa tubig, slow motion siyang umahon sa pool. Ang lahat ng mata'y sa kaniya nakatuon, kahit si Katrina. Bakas sa mata ang inggit. Si Tyler na titig na titig sa kaniya, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito. Hinanap niya ang bath robe na ipinatong lang niya sa gilid, pero hindi niya mahanap. Tatawagin na sana niya si Jelyn, pero nauna siyang tawagin ni Dorothy. "Erin, come here muna, hija. Ang papa mo, may sasabihin sa iyo." "Anak naman ng..." Nakadama siy ng inis. Sinusubok talaga siya ng pagkakataon. At ang roba niya, hindi pa niya mahanap. Nakita niya sa may 'di kalayuan si Jelyn, nakangisi sa kaniya. Alam na niya kung bakit. "Humanda ka sa akin mamaya," bulong niya sa hangin.Sa halip na sa bukana ng kubo pumunta, sa gilid siya huminto, kung saan ay nakapuwesto si Dorothy. Pilit niyang kinuha roon ang phone, mabuti na lamang hindi naghinala ang ginang at agad na ibini
HABANG abala ang lahat, masinsinang kinausap ni Seb si Tyler. Hinila niya ito sa room na pinasukan bago pa dumating ang tito niya. Hindi pa niya nalalaman ang dahilan dito kung bakit nagawang saktan ang damdamin ng pinamakamamahal niyang pinsan. Hindi pa humuhupa ang galit niya rito. Nakita sila ni
"HE'S here!" Naumid ang dila ni Tyler nang sabihin ni Sebastian na dumating si Mr. Del Carmen. Hindi puwedeng malaman ng ginoo ang gusot na nangyayari sa pamilya niya. Tiyak na mapapasama ang image nila sa ginoo. Pero paano niya paplantsahin ang gusot? At si Erin, matagal na pala nitong alam ang n
NAGISING si Tyler na wala na sa tabi si Erin. Gumuhit sa labi niya ang malaking ngiti, naalala niy ang naganap nang nagdaang magdamag. Ilang beses na nag-isa ang kanilang katawan. May siglang bumangon siya, nagtungo sa banyo. Matapos makapaglinis ng katawan ay nagdumali siyang lumabas na ng room. Su
SA sulok ng restaurant piniling umupo ni Erin, sa puwesto na walang makakapansin sa kaniya. Wala siyang kilala sa mga naroroon kaya wala siyang makausap. Hindi naman niya puwedeng tawagan si Carla dahil may trabaho ito. Kahit gusto na niyang lisanin ang restaurant ay pinili pa rin niyang mag-stay r







