LOGINKINASTIGO ni Tyler ang ama tungkol sa sinabi ni Katrina. Ayon dito, totoong may utang ang ama ng asawa niya at para mabayaran ay nangako itong ipakakasal ang anak na babae sa kaniya. Pero itinanggi ng kaniyang ama na may alam ito sa relasyon dati ng asawa at Victor. Malaking halaga ang utang ng ama nito-- two million pesos. Napangisi siya habang umiiling. Sa halagang dalawang million peso, ibinayad ni Conrad ang anak sa kaniyang ama.
Matapos ang pag-uusap ay nilisan na rin niya ang tahanan ng magulang, dahil kung matatagalan ay tiyak na magku-krus pa ang landas nila ni Victor. Sa bar siya humantong. Kung saang bar, 'yon ang hindi niya alam. Hindi rin niya napansin ang pangalan. Basta na lang siya sumunod sa ilang kalalakihang naglalakad papasok. Nasalo niya ang ibinugang usok ng sigarilyo ng naunang mga lalaki, kamuntikan pa siyang mapaubo. He hates smoke. Sumalubong ang nakabibinging ingay ng musika at natanaw ang mga taong nagsasayaw sa gitna. Pinili niya ang nasa sulok na upuan. Nang makaupo ay saka pa lamang niya sinuri ang paligid. Maganda ang ambiance. Mula sa pendant light sa counter at ang aesthetic neon light ng ceiling, humanga siya roon. Natigil ang pagmamasid niya nang may lumapit na babae sa gilid niya. Nagtatanong kung ano ang gusto niya. "You!" "Po?" "I want you!" Kusang lumabas sa bibig niya ang katagang 'yon nang hindi pinag-iisipan. Siguro ay nadala siya ng galit. Tumaas ang kilay ng babae. "I'm sorry, Sir, but the only thing I can serve is wine, not me!" He chuckled. Lahat ba ng babae ay ayaw sa kaniya. Hindi naman siya kapangitan para tanggihan. He shrugged his head. "Wine, please!" nasabi na lamang niya. Wala siya sa mood para makipagtalo. At kung merun mang manggulo sa kaniya, tiyak na sa hospital iyon pupulutin. "What kind of wine, Sir?" Matiim niyang tiningala ang babae. Hindi niya masyadong makita ang hitsura nito dahil may kadiliman sa puwesto niya. "Sabi nila malakas daw ang tama ng Ginebra." Narinig niya ang mahinang tawa ng babae. "Sir, wala kaming Ginebra rito. But if you like, we have Casa Noble Tequilla. Nanggaling pa pong France." Nakadama siya ng pagkapahiya sa babaing nasa harap. "Okay," tipid niyang tugon. Tumalikod na ang babae. Narinig pa niyang may kung anong ibinubulong ito. Habang naglalakad palayo ang babae ay sinusuri niya ang likuran nito. Maumbok ang pang-upo. Halatang may kaliitan ang baywang. Matangkad. Maayos na nakapusod ang buhok. Pero hindi niya naaninag ang mukha nito. "Stop it, Tyler!" saway niya sa sarili. "Pare-pareho lang ang mga babae. Mga manloloko!" Muli niyang binalingan ang paligid. Hindi halatang cheap ang lugar. May ikalawang palapag iyon at mukhang VIP ang mga naroroon. Hindi nagtagal ay dumating ang order niya. "Here's your order, Sir. Enjoy!" Akmang aalis na ito pero maagap niyang napigilan. "Wait!" "Sir?" "What is your name?" "Erin po, Sir." "Sit next to me, Erin!" utos niya rito habang binubuksan ang alak. "Sir, waitress po ako, hindi bayaran. If you want, may mga available po kaming babae sa itaas! Ihahanap kita. "Bayarang babae, hah! Tss. All I want is someone to talk to, not a cheap woman like my fvcking wife!" Naging mahina ang huling binitiwan niyang salita. Hindi rin niya alam kung narinig ba yun ng kaharap. "S-sorry po--" "Leave!" Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang babae. Mabilis niyang tinungga ang alak na halos kalahati sa baso. Sumigid ang kirot sa kaniyang lalamunan, pero balewala iyon. Mas matindi ang kirot sa dibdib niya. Muli siyang nagsalin ng alak at muling inisang tungga iyon. Pabagsak na ibinaba niya ang baso. "Si Victor ang unang minahal mo?" Ngumisi siya na animo'y may kaharap. "Pero sa akin ka ikinasal. Legal tayong nagsama. Sinungaling ka, Katrina! Pinaniwala mo lang pala ako. Pero kung balak mong makihati sa Green Ivory Hotel, puwes, hinding-hindi kita pagbibigyan!" Nilaro-laro ng daliri niya ang baso. Pang-ilang order na niya iyon. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak upang makalimot sa sakit na idinulot ng asawa, pero lint*k... hindi siya tinatablan. Gising na gising pa rin ang kaniyang diwa. Ilang oras na siyang nakaupo at ilang bote na ang nasa harapan niya. Hanggang sa napagpasiyahan niyang umuwi na lamang. Tinawag niya ang babaing nag-serve sa kaniya, nag-abot siya ng lilibuhing pera rito. Hindi na niya hinintay kung may sukli ba siya. Sisiray-siray siyang naglakad palabas ng bar. Hinanap ang kinaroroonan ng sasakyan. Sumisipa na ang alak sa ulo niya at pakiramdam ay anumang oras ay babagsak na siya. Ibinagsak niya ang katawan sa upuan ng sasakyan at mariing ipinikit ang mata. Hindi siya palainom pero nang dahil sa ginawa ni Katrina, mukhang magiging laman siya ng bar. 'High Delight', iyan ang nabungaran niya nang magmulat ang kaniyang mata. Pangalan ng bar na pinasukan niya. "Ikaw lamang ang bar na papasukan ko," sabi niya kasunod ang pagbuhay sa makina ng sasakyan. "KATRINNAAA..." hiyaw ni Tyler habang matiyagang pinagmamasdan ang tahanang naging saksi sa kanilang pagmamahalan... pagmamahalang hindi naman pala para sa kanya. Dati, umuuwi siyang may mabangong asawang naghihintay, nakalatag na sa hapag-kainan ang pagkain, ready na ang kaniyan tutulugan at ang damit na susuotin kinakabukasan. Ngayon, kadiliman ang sumalubong sa kaniya. Kadiliman na hindi alam kung hanggang kailan maghahari. Mahigit isang taon niyang pinag-iipunan ang perang ginamit para lang mapagawa ang bahay na yun. Nagsisimula pa lang siya sa Green Ivory at kung kelang ipinasa sa kaniya ng ama ang kompanya ay saka pa nawala ang asawa. "Para saan pa ang pagpapakahirap ko? Para saan pa ang lahat ng ito?" Nahawakan niya ang vase na binili ni Katrina at inihagis yun. Kumalat sa sahig ang pira-prasong vase, ngunit hindi siya natinag. Muli siyang dumampot ng bagay at sa pagkakataong yun ay ang pictutre frame ni Katrina ang kaniyang nahawakan. "Hayop ka, Katrina!" buong lakas niyang ibinato yun. "Hayop ka, Victor! Sinira mo ako, sinira niyo ako!" Padausdos na umupo sa sofa at doon na rin siya natulog. Simula nang malaman ang tungkol sa kababuyan ng asawa ay hindi pa siya natutulog sa sariling higaan, dahil hindi mawaglit sa isipan ang nakita. Pumapasok lang siya roon para kumuha ng damit at sa kabilang room diyan siya naliligo.PRENTENG nakaupo si Tyler sa bangkong yari sa plastic. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Erin. Walang kamalay-malay sa sigalot na naganap. Lihim siyang napapangiti sa tuwing pumapasok sa isipan ang huling sinabi ng ina kay Katrina. Walang bahid ng pagpapaawa ang naaninag niyang takot sa mata nito. Nawalan ng salita si Victor, nawala rin ang kayabangan nito. Ngayon ay mag-isa na lamang siya, hinihintay na muling magkamalay ang babaeng minamahal. Ang kapatid niya at nobya nito'y sumunod sa ina at nakatitiyak siya na patuloy na magsesermon ito sa dalawa. Tumayo siya't lumapit sa babaeng nahihimbing. Ginagap ang palad , masuyong hinaplos at saka'y hinagkan yun. Alam niyang kapag nagising ito'y magagalit ito sa kaniya, pero tatanggapin niya ang lahat ng ibabatong salita nito. Nang mga panahong wala siyang maalala, hindi ito umalis sa tabi niya, hindi siya iniwan kahit sinisigawan na niya. "I'm sorry, mahal. Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali kong nagawa sa 'yo."Ngayo
"SORRY..."Mabilis na lumuhod si Katrina sa harapan ni Tyler. Nagsimula itong tumangis. Nagmakaawang patawarin na niya, ang mukha'y parang isang anghel na nahulog sa lupa.Subalit, hindi niya maramdaman ang pagsisisi nito. Angel man ang mukha nito , pero sa likod n'on ay nagtatago ang makamandag na ahas, anumang oras ay puwedeng manuklaw. Mabilis siyang yumukod, inapuhap ang panga nito. Mahigpit ang hawak niya, yung tipong walang makakabuwag sa pagkakapit niya, kahit hangin ay hindi makalulusot."Patawad?" Nanlisik ang kaniyang mata. "When I woke up in the hospital... na wala ang alaala, sa harap mismo ni Erin, nagkaroon ka ba ng awa nang nagawa mong magsinungaling? Nagkaroon ka ba ng katiting na awa nang sabihin mo sa kaniya na nagkabalikan na tayo? Nagkaroon ka ba ng awa nang walang habas mong itulak siya sa hagdan? You didn't even think about her condition!" sunod-sunod niyang sabi rito. Halos bumaon na ang daliri niya sa panga nito dahil sa pagkakahawak niya.Si Victor ay hindi si
NAGNGANGALIT ang bagang ni Tyler, ang mata niya'y matalim ang titig sa dalawang sinisermunan ng ina. Si Katrina, napakasinungaling talaga nito. Napakagaling magdrama. Magaling magpaawa. At si Victor, ang kapatid niyang suwapang. Sinasabi nitong hindi na siya ang nagmamay-ari ng Green Ivory, ang negosyong pinapalago niya nang ilang taon. Lihim siyang ngumisi. Akala yata ng kapatid niya'y ganoon lang kadali nitong makuha ang negosyong itinataguyod niya, at mabuti na lang dahil bumalik na ang alaala niya. "Mahal..." Isa ang salitang 'yan sa nagpabalik sa nawala niyang alaala at marahil sa dugo na rin ni Erin. Kanina, habang papunta sila dito sa hospital, doon bumalik ang nawalang alaala niya. "Tyler!" Bumaling ang paningin niya sa ina. Wala na ang galit doon. "Yes, Ma?" Hindi pa man tuluyang nakakasagot ang kaniyang ina ay humahangos na pumasok ang nurse. "Ma'am, Sir, gising na po ang pasyente sa kabilang room, pero nagwawala po ito." Nakabahad ang matinding takot sa mukha ng babae
PINAGMAMASDAN ni Tyler ang walang malay na si Erin. Ang kaniyang ina ay nasa kabilang silid lamang. Tumaas ang blood pressure nito at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinaaalam sa ama ang nangyari. Alam niya na malulumbay ang dalaga kapag nagkamalay ito, 'pag nalaman na wala na ang kanilang anak. Baka nga'y magalit pa sa kaniya. "Sigurado 'yan," anas ng isipan niya. Itinaas niya ang paningin, ilang beses na kinurap ang mata. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, kung sana'y pinakinggan niya ang sinabi nito tungkol sa Green Ivory, hindi sana agad ito aalis. Hindi sana nito makakasalubong si Katrina. Dumilim ang anyo niya nang maalala ang sinabi nito. Nagdesisyon siyang iwan muna si Erin, hahanapin niya si Katrina. Ramdam niyang pawang kasinungalingan ang sinabi nito. Pumasok siya sa silid ng ina, nakita niya roon si Victor at ang babaeng hinahanap niya. Halos isahing hakbang na niya ang pagpasok para lang makaharap ito. "Katrina!" "T-Tyler..." Nanlilisik ang kaniyang ma
"KATRINA..." Naglalakad na sa labas ng silid si Tyler, balak niyang tanungin si Erin hinggil sa sinabi nito, nang biglang makarinig siya ng pagsigaw. Nagdumali siyang nagtungo sa hagdan dahil doob nanggaling ang sigaw. Mula sa ibaba, tanaw niya ang dalaga, nakahandusay sa sahig. Si Katrina, nakatayo lang sa baitang ng hagdan. "Ang baby ko..." Mahina man ang boses ni Erin dahil nasa ibaba ito pero sapat na para maintindihan niya ang sinabi nito. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito, hindi alintana ang baitang-baitang na hagdan paibaba. "T-Tyler..." narinig niyang sabi ni Katrina nang maparaan siya sa kinatatayuan nito. Hindi niya pinansin, mas lalo siyang nagmadali paibaba. Pansin agad niyang namimilipit sa sakit si Erin. Ang luha nitong umaagos, ang pagdaing nito... parang may kung anong lumalakumos sa puso niya. Gusto niyang magalit kahit hindi alam kung bakit."E-Erin," tawag niya rito. Halatang nahihirapan ito nang tumingin sa kaniya. "Ang baby ko, iligtas mo siya. An
PARANG nasa pageant si Erin at kasalukuyang nasa swimsuit attire. Matapos ang ilang minutong pagbabad sa tubig, slow motion siyang umahon sa pool. Ang lahat ng mata'y sa kaniya nakatuon, kahit si Katrina. Bakas sa mata ang inggit. Si Tyler na titig na titig sa kaniya, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito. Hinanap niya ang bath robe na ipinatong lang niya sa gilid, pero hindi niya mahanap. Tatawagin na sana niya si Jelyn, pero nauna siyang tawagin ni Dorothy. "Erin, come here muna, hija. Ang papa mo, may sasabihin sa iyo." "Anak naman ng..." Nakadama siy ng inis. Sinusubok talaga siya ng pagkakataon. At ang roba niya, hindi pa niya mahanap. Nakita niya sa may 'di kalayuan si Jelyn, nakangisi sa kaniya. Alam na niya kung bakit. "Humanda ka sa akin mamaya," bulong niya sa hangin.Sa halip na sa bukana ng kubo pumunta, sa gilid siya huminto, kung saan ay nakapuwesto si Dorothy. Pilit niyang kinuha roon ang phone, mabuti na lamang hindi naghinala ang ginang at agad na ibini
"PA, sorry po. Inilagay ko sa kahihiyan ang 'yong pangalan." Humihikbi si Erin sa harap ng ama. Tinikis niya itong huwag tawagan, huwag kumustahin. Alam niyang tulad niya, nangungulila rin ito sa paglayo niya. Hindi ito sanay na mawalay siya nang matagal. Nang araw na nalaman niya na may ibang bab
HABANG abala ang lahat, masinsinang kinausap ni Seb si Tyler. Hinila niya ito sa room na pinasukan bago pa dumating ang tito niya. Hindi pa niya nalalaman ang dahilan dito kung bakit nagawang saktan ang damdamin ng pinamakamamahal niyang pinsan. Hindi pa humuhupa ang galit niya rito. Nakita sila ni
"HE'S here!" Naumid ang dila ni Tyler nang sabihin ni Sebastian na dumating si Mr. Del Carmen. Hindi puwedeng malaman ng ginoo ang gusot na nangyayari sa pamilya niya. Tiyak na mapapasama ang image nila sa ginoo. Pero paano niya paplantsahin ang gusot? At si Erin, matagal na pala nitong alam ang n
NAGISING si Tyler na wala na sa tabi si Erin. Gumuhit sa labi niya ang malaking ngiti, naalala niy ang naganap nang nagdaang magdamag. Ilang beses na nag-isa ang kanilang katawan. May siglang bumangon siya, nagtungo sa banyo. Matapos makapaglinis ng katawan ay nagdumali siyang lumabas na ng room. Su







