Share

PROLOGUE 2

Penulis: Anna Marie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-26 06:37:34

HABANG lumilipas ang minuto ay lalong lumalakas ang hampas ng hangin na may kasamang malakas na ulan at sunud sunod na rin ang kulog at kidlat.

Ilang metro pa bago dumating sa interseksyon ay may tubig na sa kalsada. Tanaw niya ang mga pasaherong stranded sa gilid ng kalsada at mga nakasilong sa gilid ng mga establisimento.

Nakaramdam ng kaba si Ceryna dahil tiyak na pahirapan din ang pagsakay ng pampasaherong jeep sa interseksyon. Pag ganitong may tubig na sa kalsada sa bandang intersekyon, tiyak na malalim na din ang tubig sa kahabaan ng Mc Arthur papuntang Alabang.

"Dito na lang ako, Sir. Pakibaba na lang ako sa may waiting shed," sabi niya at nagsimula nang bitbitin ang bag at ang payong na sira.

Nilingon ni Adrian si Ceryna.

"Pa-Alabang din ako. Sumabay ka na sa aking hanggang doon." kaswal sa turan ni Adrian.

When Ceryna looked at the man, their eyes met.

Kahit madilim nabanaag niya ang anyo ni Adrian.

At hindi nga siya nagkamali, his tone of voice is just reflecting his appearance. Matalim kung makatingin at seryoso ang mukha. Tila hindi marunong ngumiti.

"P-pero hanggang dito-"

"Be practical, sweetheart. Mas mahihirapan kang magcommute sa sobrang lakas ng ulan," bahagya itong nagmenor at maingat na pinaandar ang sasakyan dahil may konting tubig na sa kalsada.

Parang nag-iba ang dating ng boses ng lalaki nang bigkasin nito ang endearment na iyon. O baka naman nagkakamali lang siya ng pandinig.

"Pagbinaba kita dito, tiyak na makikipag-unahan ka naman sa mga pasaherong iyan na makasakay." itinuro pa nito ang mga nag-aabang na pasahero.

Pinasadahan niya ng tingin ang tinuro nito.

"At hangga't bumubuhos ang ulan hindi huhupa ang tubig sa kalsada," dagdag pa nito.

Natahimik siya at napatingin sa labas ng sasakyan. Gumuguhit ang kidlat sa kalangitan at tila hindi na matatapos ang malakas na ulan. Bumibigat na rin ang daloy ng traffic dahil ang iba ay nagmemenor na sa pagmamaneho sanhi ng matubig na sa kalsada.

Napangiti si Adrian nang hindi na nagpilit pa si Ceryna.

Ibinabang muli ni Ceryna ang payong at ipinatong naman sa kandungan ang bag. May kinuha siya mula sa loob ng bag.

"You want some?" tanong niya kay Adrian at inilapit dito ang bagay na inaalok.

"Chocolate?" umiling ito. "I don't eat chocolates." saad nito. "I hate sweets," dugtong pa nito at tumingin sa kanya.

Tila naman napahiya si Ceryna kaya ibinaba na lang ang kamay na may hawak na chocolate at siya na lang ang kumain.

Mas dapat nga sigurong kumain ito ng chocolate para naman magkaroon ng konting sweet ang tono ng pananalita nito.

"Favorite mo ba ang chocolate?" maya maya ay tanong ni Adrian.

"When I'm stressed and feeling burned out, I usually eat chocolate," tugon niya habang nginunguya ang kinagat na chocolate.

Feeling niya ay gumagawa na lang ito ng pag-uusapan para malibang silang pareho at hindi mainip.

"So, you're stress and burn out, right now?" tanong ulit nito.

Bumuntong hininga si Ceryna.

"Yeah." maikling sagot niya at kinuha mula sa gilid ng bag ang tumbler at uminom.

"From work?"

Tumingin siya dito.

"From people that I have been working with," wala sa loob niyang sagot.

Narinig niya ang pagtawa nito.

"So, why are you staying in that job?"

"Because I'm torn between my passion for the job and hating my workmates," natawa siya sa sarili niyang sagot. "Masyadong maraming tagapagmana sa hospital na pinagtatrabahuhan ko." dugtong pa niya.

"Kahit saan namang trabaho may ganun talagang mga ugali," seryosong sabi nito.

Hindi na siya sumagot.

Pagdating nila sa interseksyon ay kumanan sila. Bahagyang lumuwag ang traffic pero ang tubig sa kalsada ay medyo tumataas na.

Alas-nueve na ng gabi at hindi man lang niya namalayan ang oras dahil sa mga pinagdaanan niya sa pag-uwi.

"Shit!" biglang preno nito.

Muntik nang masubsob si Ceryna sa dashboard at napatingin sa harap nila.

Ang sasakyan na nasa harapan nila ay tumurik na dahil mukhang inabot na ng tubig ang tambutso nito. Hindi akalain ni Adrian na lalalim pa ng ganoon ang tubig sa bahagi ng kalsadang iyon.

"Are you okay?" tanong nito kay Ceryna.

Tumango lamang ang dalaga at nag-alinlangan ang mukha. May mga sasakyan na din ang huminto at tila hindi na umandar dahil sa taas ng tubig.

Bago pa abutin ang sasakyan ni Adrian ay mabilis niyang isinampa ang sasakyan sa nakita niyang abandonadong commercial stall na natatambakan ang harapan ng mga basura. Maliit lamang ang space na iyon ay mabutinay nagkasya ang sasakyan niya.

"It's better this way... beside some garbage... kesa tumirik ang sasakyan ko." sabi nito at naghandbrake para masecure ang tatag ng sasakyan.

"We're stranded here," nasa mukha ni Ceryna ang pag-aalala habang pinagmamasdan ang mga sasakyan na hindi na umusad at ang iba naman ay pinilit paandarin ngunit sa sobrang init ng makina ay nagawang umusok na.

Tuloy pa rin ang paghagupit ng ulan at hangin.

"For a while," maiksing sagot ni Adrian at napabuga ng hangin.

Napasandal si Ceryna at niyakap ang sarili. Kanina pa niya pinipigilan ang panginginig ng katawan. Tila naman nahalata ni Adrian iyon kaya inadjust nito ang lamig ng aircon at inadjust din ang fan na nakatutok kay Ceryna.

Kahit nahinaan ni Adrian ang buga ng aircon ay hindi nabago ang temperatura ng katawan ni Ceryna.

Hinubad ni Adrian ang suot na jacket at akmang isusuot kay Ceryna.

"No! It's okay," tanggi niya.

"Just wear it," matigas na utos nito sa kanya at ito na mismo ang nagsuot.

Walang nagawa si Ceryna kundi isuot ang jacket.

"Thank you," mahinang sabi niya.

Pakiramdam niya ay lalagnatin siya.

Dinukwang ni Adrian ang gilid ng inuupuan ni Ceryna upang irecline ang sandalan nito.

Pigil ang hininga ni Ceryna nang magkalapit ang mukha nila ni Adrian. Nakaramdam siya ng pagkainlang at kasabay noon ay ang pagbilis ngnyinok ngbpuso niya. Nakaharap ang mukha niya dito at si Adrian ay nakasideview sa kanya. Hindi niya alam kung paanong iwas ang gagawin niya.

Halos konting espasyo na lamang ang pagitan ng mga labi niya sa pisngi nito. Ang mainit niyang hininga ay tumatama sa pisngi nito.

Unti unting humarap ang mukha ni Adrian at bahagyang napasiksik ang ulo ni Ceryna sa sandalan upang iwasang huwag tumama ang labi nito sa labi niya.

Halos sabay silang napalunok habang nakatitig sa mga labi nila. Ang mga labi ni Ceryna na bahagyang nakaawang ay tila inaanyayahan si Adrian na tikaman ito.

"Are you still feeling cold?" halos paanas na sabi ni Adrian habang nakatitig sa labi niya.

"I-I... I don't know," sagot ni Ceryna at napakapit ng mahigpit sa suot niyang jacket.

"I feel so hot that I wanted to take you," anas nito.

Saglit na napapikit si Ceryna, at nang idilat niya ay mabilis na inangkin ni Adrian ang mga labi niya. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. Tila siya napako sa kinauupuan niya at hindi makakilos.

Ang mga halik nito ay tila nag-iimbita sa kanya na gantihan niya. Wala sa loob na naibuka niya ang mga labi niya at sinamantala iyon ni Adrian. Lumalim at lalong naging mapusok.

"I hate sweet chocolates but I like the sweetness of your kisses," bulong nito at muli siyang hinalikan.

Napahawak siya sa kwelyo ng damit ni Adrian nang unti unting ibinababa nito ang sandalan niya kasama silang dalawa.

Hindi alam ni Ceryna kung bakit siya nagpatangay sa agos ng init ng katawan nilang dalawa. Kapwa sila estranghero sa isa't isa ngunit ang mga katawan nila ay tila matagal na nagkawalay at nang magkita ay nasabik na madama ang init ng bawat isa.

Adrian takes control over Ceryna's body. He managed to remove Ceryna's clothes in an instant even his clothes, too. Pinagsawa ni Adrian ang mga mata niya sa magandang hubog ng katawan ni Ceryna. Tama siya ng iniisip nang matanglawan ng headlights ang katawan nito kanina. She has a body like a goddess

Hindi malaman ni Ceryna kung paanong takip sa katawan niya ang gagawin niya dahil sa tingin niyong sobrang lagkit.

"Please, don't stare," hindi mapigilang sabi ni Ceryna sa sobrang hiya at itinaas ang dalawang kamay upang takpan ang mata nito.

Nagpasalamat si Ceryna na madilim sa loob ng kotse at sa mismong naparadahan nila.

Hinawakan ni Adrian ang dalawang kamay ng dalaga at itinaas iyon sa ulunan nito.

"You're so beautiful, that I can't help but stare," lantarang papuri nito sa kanya.

Nag-init ang magkabilang pisngi ni Ceryna.

"P-Please..." hindi na niya alam kung paano itatago ang kahihiyan dito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 10

    NAKABIBINGING katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan sa pagitan nilang dalawa. Seryosong nagdadrive ito habang si Ceryna naman ay nagkunwaring busy sa paggamit ng cellphone. Magsasalita lamang si Ceryna pag ituturo niya ang lilikuan dito. Walang balak magpahatid si Ceryna hanggang sa entrance ng subdivision na tinitrhan nila. "Sa may kanto mo na lang ako ibaba," kaswal na sabi niya at inayos na ang sarili. Sinukbit ang bag at binitbit na ang paper bag na pasalubong sa anak. Tahimik na iginilid nito ang sasakyan bago sa sinabi niyang kanto na hindi gaanong nakakasagabal sa mga dadaan. "Salamat," wika niya na hindi tinitingnan ang mukha nito. Bubuksan na lamang niya ang pinto ng sasakyan nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. Napalingon siya dito at nagtama ang kanilang mga mata. "I'm Adrian, at least you know my name by now." sabi nito at inabot ang ilang hibla ng buhok niya upang iipit sa likod ng tenga niya. Napalunok si Ceryna at tumango. Bakit

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 9

    HINIHINTAY lamang ni Ceryna na makatulog ang lalaking estranghero at balak na niyang umalis sa lugar na iyon. Nagkunwari siyang tulog upang huwag nang magkaroon pa ng pagkakataong magkakilala sila ng mas higit pa. Pinakiramdaman niya ito habang mahigpit na nakayakap sa kanya na para bang ayaw na siyang pakawalan pa. Nang sa palagay niya ay mahimbing na itong natutulog ay unti unti niyang inalis ang mga braso nitong nakayakap sa baywang niya. Mag-aalas otso na ng gabi at tiyak na kanina pa tumatawag ang yaya ng anak niya. Sana lang ay hindi din maisipan ni Anthony na tawagan siya at icheck kung nakauwi na siya ng bahay. Nang maisip niya ang mga ito ay hindi siya mapakali. Ngayon siya nakaramdam ng guilt para sa asawa at anak. Pero wala siyang pagsisising nadarama sa ginawa niya. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng taong nagtataksil? Tahimik siyang nagbihis pero ang mga kilos niya ay may pagmamadali. Hinahanap niya ang underwear niya ngunit hindi niya iyon matagpuan. Napatigil siya n

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 8

    HINDI alam ni Ceryna kung paano sila humantong ng estrangerong ito sa apat na sulok ng silid na iyon. Ang alam lang niya ay ang kagustuhang palayain ang damdaming tinago niya ng dalawang taon na nag-umpisa lamang sa isang gabing hindi malilimutan. It was her first. He was her first in everything. And its always hard to forget the first time. But this time, it's different. She was married. And it's forbidden. Why does her life have to be so unfair? Paanong sa loob ng nakaraang dalawang taon ay ngayon lamang ulit sila nagkita? Bakit kung kailan na hindi na siya malaya? Kahit naman siya ay hindi na umasa na muli pa silang magkikita. Pero sadyang mapanadya ang tadhana, dahil heto siya ngayon, nagpapakalunod sa mga halik at haplos ng lalaking dalawang beses pa lamang niya nakikita. NANG makita ni Adrian ang nagpakilala sa kanya ng "Faye" dalawang taon na ang nakakaraan, walang pag-aalinlangan niyang hinintuan ito. He knew that it was her. At alam niyang nakilala din siya nito. Ang da

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 7

    SAKTONG alas tres ng hapon nang lumabas siya ng flower shop ni Celeste at dumeretso na sa malapit na mall. Hindi na siya nagpahatid pa sa kapatid dahil marami pa itong aayusing bulaklak na gagamitin bukas ng umaga kaya kailangan din nitong tapusin kaagad. Ilang oras din siyang naglibot sa loob ng mall pero wala din siyang nagustuhan bilin para sa sarili. Sinadya lang talaga niya sa mall ang ni-request ng anak niyang laruan. Pauwi na rin siya at nag-aabang ng taxi nang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niya itong sinagot sa pag-aakalang baka ang yaya ng anak niya ang tumatawag. Pagtingin niya sa screen ay si Anthony pala. Sinagot niya ang tawag nito. "Hello, Ceryna," bungad nito. "Yes, Anthony," tugon niya at tumingin tingin sa mga nagdadaang taxi. "Huwag mo na akong hintayin mamaya. Baka gabihin ako ng uwi." wika nito. "Okay, sige. Ingat ka," sabi niya. Hindi na ito sumagot at naputol na ang linya. Saktong may humintong taxi sa harap niya ngunit naunahan naman siy

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 6

    "SIGURADO ka ba na magcocommute ka na lang pag-uwi?" tanong ni Anthony kay Ceryna. "Hindi ka magpapasundo sa driver?" dugtong pa nito habang nadadrive at nilingon siya. "Hindi na. Pag hindi busy si Celeste mamaya, baka magpahatid din ako sa kanya sa bahay," tugon niyo. "Okay, don't forget your promise to your son," paalala nito nang malapit na sa flower shop ni Celeste. "I won't," sagot niya at sinukbit sa balikat ang bag na dala. Hininto ni Anthony ang sasakyan sa mismong harap ng shop ni Celeste. "Drive safely," sabi niya at humarap kay Anthony at humalik sa pisngi nito. "See you later," tugon nito at nginitian si Ceryna. Tumango lamang si Ceryna at dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Kumaway pa ito sa kanya bago pinasibat ang sasakyan. Pagpasok niya sa loob ng flower shop ay may ilang mga costumer na ang nandoon. Hinanap ng mga mata niya si Celeste. "Nasaan si Celeste?" tanong niya sa isang staff nito. "Nasa stockroom po, Ma'am. Nagchecheck po ng mga stocks roon." tug

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 5

    NASA mini bar silang dalawa ni Ricardo at inaya siya nitong uminom ng brandy pampatulog. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na rin si Mitch nang makapagpahinga saglit. Habang silang tatlo ay nagkwentuhan pa hanggang sa magpaalam na si Claire sa kanilang dalawa na magpapahinga na. Tila tinaon naman ni Ricardo na makaalis ang asawa bago siya nito ayain sa mini bar at mag-usap. "Parang kelan lang gatas ang pinaiinom ko sa iyo, hanggang sa naging juice at softdrinks... ngayon heto na tayong dalawa nag-one on one pa tayo sa brandy," natatawang sabi ni Ricardo habang tinitingnan ang basong may laman ng alak. Nilagok ni Adrian ang laman ng baso niya. Gumuhit ang pait at init nito sa lalamunan niya. Hindi siya palainom at wala siyang hilig sa alak. Nakakinom lang siya pag may okasyon o hindi naman kaya ay sa katulad ng pagkakataong ito. "Minsan lang naman ito, 'Pa," sabi niya at sinalinan ang baso niya. "Welcome home, son," aniya nito at tinitigan ang alaga. "Thank you," n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status