Share

Loving the Betrayed wife
Loving the Betrayed wife
Penulis: NicsTag

Surprise party

Penulis: NicsTag
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-10 22:05:39

Sabay na bumaba si Keane at Allyana sa kotse, nang nasa harap na sila ng isang hotel. Napatingin naman si Allyana sa hotel at nagtatakang tumingin kay Keane.

"W-What are we doing here?" naguguluhan niyang tanong sa kaibigan.

Napangisi lang si Keane sa kanya at hinawakan siya sa braso at hinila papasok sa loob ng hotel.

"Woi, ano bang gagawin natin dito?" muling tanong niya dito.

"We're having a surprise for you. Tomorrow will be your wedding, that's why we granted you a surprise," nakangiting sabi nito habang hawak siya nito sa braso.

Kahit naguguluhan ay sumunod na lang siya dito. Sumakay sila sa elevator at nang nasa loob na sila ay muli siyang tumingin kay Keane.

"A-Ano bang klaseng surprisa iyon, Keane? B-Bakit parang kinakabahan ako?" tanong niya dito.

"Duh? Surprise nga di ba? Well, kailangan mo talagang kabahan, dahil mawawala na ang pagiging inosente mo," pabirong sabi nito sa kanya.

Nanlaki naman ang mata niya habang nakatingin kay Keane. Natawa naman si Keane sa naging reaksyon niya. Alam nito na masydong inosente ang kaibigan, kaya naman naisipan niyang isurprisa ito at nasisiguro siyang hindi agad ito makakalimutan ang mangyayari ngayong gabi.

"Ang O.A mo ha, naroon naman ang ilan sa kaibigan natin. We are all girls, okay? No boys allowed, because that's for a girls surprised," sabi ni Keane sa kanya.

Ngunit mas lalo lang siyang kinabahan sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano nga ba ang surprisa nito sa kanya. May tiwala siya kay Keane, dahil nga bestfriend niya ito simula pa noong bata pa sila hanggang ngayon. Ito pa nga ang tuwang-tuwa dahil ikakasal na siya bukas sa lalaking mahal na mahal niya, nang halos sampung taon din at iyon ay si Dylan McDaniel. Ang lalaking nagpatibok sa puso niya at pinakamamahal niya.

Nang bumukas ang elevator ay lumabas na sila at muling pumasok sa isang silid. Pagpasok nila ay bumungad sa kanila ang dilim ng paligid. Mayamaya ay bumukas ang munting ilaw at natigilan si Allyana sa kanyang nakita.

"Surprise!"

Napalingon siya sa biglang pagsigaw ng mga tao na nasa loob, kasabay ang pagsabog ng isang confetti. Napalunok si Allyana, habang nakatingin sa mga kaibigan niya. Nakita niya pa ang isang maliit na stage sa gitna at mga alak sa dalawang mesa, na may mga pagkain.

"You like it?" sabi sa kanya ni Keane.

Napapangiti naman si Allyana habang nakatingin sa mga kasama niya. Bumaling siya kay Allyana.

"A-Anong klaseng surprisa naman ito, bakit may stage pa sa gitna?" tanong niya dito.

Napaikot naman ni Keane ang kanyang mga mata dahil sa sinabi niya. Hinawakan siya nito at hinila palapit sa mga kaibigan nila.

"Oh guys! Alam niyo na ang gagawin huh? Kailangan maging handa si Allyana ngayong gabi para kay Dylan. So, let's start the show!" sigaw ni Keane sa mga kasama nila.

Nagsigawan sila at mayamaya ay biglang may lumabas na mga lalaki mula sa likod ng stage. Nanlaki ang mga mata ni Allyana dahil sa kanyang nakita. Naka-boxer lang ang mga ito at may suot na maskara. Napalunok si Allyana at bahagyang umiwas nang tingin. Siniko siya bigla ni Keane, na natatawa sa naging reaksyon niya.

"Ano ka ba, ikakasal ka na bukas. Kaya sulitin mo na ang pagiging dalaga mo at pagka-inosente. Kaya mag enjoy na lang tayo ngayong gabi. Halika na!" nakangiting sabi ni Keane at hinila na siya malapit sa mesa. Sumunod na rin ang mga kasama niya at tuwang-tuwa sa nakikita nila.

Nagsimulang sumayaw sa harapan ng stage ang mga lalaki. Habang napapahiyaw naman ang mga kaibigan ni Allyana sa show na kanilang nakikita. Kaya naman hinayaan na lamang niya ang sarili na mag enjoy, kahit alam niyang hindi siya sanay na may nakikitang naka-boxer lang na nasa harapan nila.

Hindi alam ni Allyana, na ganoon din ang nangyayari sa mga lalaki na magiging abay nila sa kasal at maging si Dylan; ang lalaking pakakasalan niya. May mga babae rin, na tulad sa nagaganap sa kanila ay sumasayaw rin ang mga babae habang nakatingin sa mga ito ang lalaki.

"Okay! Let's drink! Here besty, enjoy yourself okay?" sabi ni Keane at inabutan ng alak si Allyana.

Natatawang inabot naman iyon ni Allyana at muling tumingin sa mga lalaking sumasayaw na nasa gitna. Habang patuloy itong sumasayaw ay naghihiyawan naman ang mga kaibigan niya. Napapailing na lang siya at patuloy na umiinom sa alak na binibigay ni Keane. Nang lumalim na ang gabi ay mas lalong naging wild ang mga kaibigan niya. Maging siya ang tinamaan na rin ng alak. Sumasabay na siya sa mga kaibigan niya. Mayamaya pa ay bumaba ang mga lalaking sumasayaw at lumapit sa kanila. Tumabi ang mga ito at sumayaw ng malapitan sa kanila. Sinabayan naman nila ang mga ito, lalo na si Allyana na medyo lasing na. At dahil hindi sanay sa inuman si Allyana ay nauna itong nakatulog sa mga kaibigan niya.

Madaling-araw na, nang matapos ang kasiyahan nila at umalis na rin ang mga lalaking binayaran nina Keane para kay Allyana. Umuwi na rin ang kaibigan nina Allyana, para na rin maghanda sa gaganaping kasal nito. Naiwan si Keane at Allyana sa hotel room, kung saan ginanap ang party.

Nakahiga na si Allyana sa kama at mahimbing na natutulog. Nakatingin siya dito at napailing na lang. Mayamaya ay narinig niya ang pagtunog ng doorbell sa silid kung nasaan sila.

Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan ito. Nabungaran niya ang lalaking kilalang-kilala niya at napangisi siya dito.

"Where is she?" tanong nito sa kanya.

"She's sleeping, come in," sabi niya dito.

Hindi ito nagsalita at pumasok na. Pinuntahan nito si Allyana na natutulog sa kama. Lumapit na rin si Keane at mula sa likod ay yumakap si Keane dito.

"Did you enjoy the party?" tanong niya dito.

Hinawakan nito ang kamay niya na nakayakap dito at marahang pinisil. Humarap ito kay Keane at hinawakan ang pisngi ng dalaga.

"Oo, lalo na at makakasama kita ngayon," sabi nito at biglang hinalikan si Keane.

Agad ding tumugon si Keane sa ginawang paghalik nito sa kanya. Hindi nila alintana ang natutulog na si Allyana, na sa anumang oras ay makikita nito ang ginagawa nila.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Loving the Betrayed wife    Last Chapter -Epilogue

    Masayang binabati ng mga bisita ang bagong kasal na sina Sebastian at Allyana. Hindi man makapaniwala ang iba na ikinasal muli si Allyana ay nalaman rin naman ng mga ito ang dahilan sa nangyari sa kanila ni Dylan. Ganoon pa man ay makikita sa mga ito ang tuwa at saya para sa kanilang dalawa. Noong kunin ni Seb ang kamay ni Allyana sa harapan ng magulang niya ay walang naging totol ang mga ito at sa halip ay natutuwa pa para sa kanilang dalawa. Wala na rin silang balita kay Keane at Dylan. Naisip niyang tinupad ng mga ito ang kagustuhan niya, kaya magaan na rin ang loob at balang araw ay mapapatawad rin niya ang mga ito. Naging made of honor naman si Chelsea sa kanilang kasal, habang si Dion rin ang naging partner nito. Hindi pa rin maiwasang mag asaran ang dalawa, ngunit, nakikita nila Allyana na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa dalawa. Para kay Allyana ay matutuwa siya kung magkatuluyan ang mga ito, tulad nila ni Seb. Sa reception ng kasal, naging abala ang bagong kasal s

  • Loving the Betrayed wife    Chapter 85

    Matapos mailipat ng magkahiwalay na kwarto sina Keane at Allyana ay halos ayaw namang umalis ni Seb sa tabi ni Allyana. Hinihintay niya itong magising at nais niyang siya ang unang makita nito kapag nagising. Hinahayaan na lamang siya ng magulang ni Allyana at tila naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman dahil nalaman na rin naman nila kung anong mayroon sa kanila ni Allyana. Nakikita nila ang saya sa mga ni Seb habang nakatingin kay Allyana at nakikita rin nila kung gaano nito kamahal ang kanilang anak.Sa mga oras na iyon ay hinayaan na muna ni Dion si Seb sa gusto niya at siya na ang kumilos para tugisin si Albert. Nalaman niya mula kay Dylan na siya ang huling nakakita dito at sinabi rin nito kung anong ginawa niya kay Albert. Hindi naman nagreklamo si Dion sa ginawa nito at naiintindihan kung anong nararamdaman ni Dylan. Hinanap nila si Albert at nalaman nilang nasa isang hospital ito at nag aagaw buhay dahil sa natamo nitong mga tama ng baril. Nakita niya pa kung p

  • Loving the Betrayed wife    Chapter 84

    Nang malapit na sina Seb sa lokasyon kung saan naroon sina Allyana ay pinahinto niya saglit ang kotse at sinabing hahanap siya ng daan patungo sa building. Hindi agad sumang ayon si Dion, ngunit, desidido si Seb sa kanyang nais gawin kaya wala na siyang nagawa pa. Napag usapan nilang maghiwa-hiwalay bago makarating sa gate. Sina Dion na ang bahala sa pagpasok nila sa gate, habang sina Dylan naman ay naghanap rin ng daan para makapasok sa loob ng building, ganoon rin si Seb na dumaan sa kabila, kasama ang ilang tauhan nito.Nang nasa gate na sina Dion ay inutusan niya ang isa niyang tauhan na pasabugin ang malaking gate. Ginawa naman iyon ng kanyang tauhan at naghagis ng dalawang granade, kasunod noon ang malakas na pagsabog. Sinundan agad nila ito ng magkasunod na putok ng baril at ang ilan niyang kasama ay nagsimula nang pumasok sa loob, habang nagpapaputok. Narinig niyang nagpaputok na rin ang tauhan ni Albert. Mabilis ang naging kilos nila, hanggang sa nagtago sila sa gilid

  • Loving the Betrayed wife    Chapter 83

    Sabay na napatingin sina Seb at Dion, sa taong biglang dumating. si Dylan. Pareho silang napakuno't noo at lumapit dito."Bakit ka nandito? At paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ni Seb."Hindi na kailangan kung paano ko nalaman ang lugar na ito. Napagkasunduan namin ni Keane na tumulong sainyo," tanging sabi ni Dylan at kumuha ng baril na nakalatag sa mesa, kung saan naghahanda sila para sa pag alis."Nasaan si Keane?" tanong ni Dion at lumapit rin dito.Hindi agad nakapagsalita si Dylan at tila maging siya ay hindi sang ayon sa kung anumang ginawa nito."Pumunta siya kay Albert. Iniwan ko lang siya saglit pero bigla siyang nawala. Nag iwan lang siya ng sulat na pupuntahan niya si Albert upang malaman kung saan naroon sina Allyana. Maging ito ay iniwan niya," sabi ni Dylan at may nilapag na isang maliit na device sa mesa. Agad na nakilala iyon nina Seb."Sabi sa sulat, malalaman natin ang kinaroroonan nila at tatawag siya upang siguraduhin na nasa lugar siya kung saan naro

  • Loving the Betrayed wife    Chapter 82

    Nang marinig nina Seb at Dion ang malakas na sigaw ng ama ni Allyana ay mabilis silang tumakbo patungo sa itaas. Nakita nila sa dulo na nakatayo si Keane at Dylan, kaya pumunta sila doon.Ngunit, pareho rin na natigilan nang makitang nakahandusay ang ginang sa sahit at walang malay."Kinuha nila si Allyana. Kinuha nila ang anak ko!" umiiyak na sigaw nito.Hindi naman magawang kumilos ni Seb dahil sa kanyang narinig at tila bumalot muli ang kaba takot sa kanyang puso. Napatingin si Dion kay Seb at nakita nito sa kanyang mga mata ang kakaibang galit."I-I will put her in the bed," mayamaya ay sabi ni Dion at binuhat ang ginang patungo sa kama. Tiningnan nito ang kalagayan ng ginang at nakahinga siya ng maluwag dahil ayos lang ito. Ngunit, alam niyang lahat sila ay hindi maayos ang isip at nararamdaman."She's okay. This is unexpected and we are not prepared for it. But we will do anything to get them back," saad ni Dion at bumaling kay Seb na hindi pa rin nakapagsalita.Lumapit si Di

  • Loving the Betrayed wife    Chapter 81

    Naglakad si Seb at tumabi kay Allyana, habang nakatingin ngayon kina Keane at sa magulang ni Allyana. "Anong pinagsasabi mo? Hindi purket kamping-kampi kayo kay Allyana ay gagawa kayo ng ibang storya," inis na sabi ni Keane dito."Inaamin namin na may kasalanan din kami saiyo, dahil hindi namin nasabi ang totoong nangyari kay Tita. Isinama kami ni Mommy sa ibang bansa upang makalayo kay Albert at hindi ka na namin naisama dahil hindi ka namin nahanap. Iyon pala hawak ka na ni Albert, hindi ka na namin nakausap pa. Ngunit, sa pagkakataong ito ay kailangan naming sabihin saiyo ang totoo, upang malinawan ka na mali ang ginawa mo sa mga Buanafe, na dapat sila ang magiging kaagapay mo dahil bahagi ka ng pamilya nila. Si Albert ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay mo at hindi sila," paliwanag ni Seb kay Keane.Napamaang naman si Keane at napatiim-bagang na nakatingin ngayon kay Seb."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Hindi iyan totoo! Sila ang sumira ng buhay ko! Sila!" ga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status