Share

KABANATA 14

KABANATA 14

Nagising ako sa malakas kong alarm. Agad kong pinatay ito at napabuntong hininga na lang. Sinadya ko talagang agapan ang alarm dahil baka sunduin nga ako ni Levi at ayaw kong makita kami ni mama. Hangga't maaari ay gusto kong itago kay mama. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niyang nakikipagrelasyon ako sa anak ng boss niya? At isa pa...alam ko namang hindi totoo itong relasyon na ito.

Hindi ko nga alam kung bakit ginagawa pa ito ni Levi. He's just wasting his time. Dahil sigurado naman akong hindi ako bibigay sa kanya. Mabilis akong nag-ayos at nagsuot ng uniform namin. Kulay puting long sleeves at kulay blue na vest ang uniform sa Hills University. Kulay blue din ang above the knee splits skirt. Naka long white socks at black shoes ang kadalasang bumubuo sa uniform. Samantalang sa lalaki naman ay kulay puting longsleeves at kulay blue rin na vest. Kulay blue din ang kanilang slocks.

Humikab ako habang sinusuklay ko ang aking itim na itim

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status