แชร์

Lucky Me, Instant Daddy
Lucky Me, Instant Daddy
ผู้แต่ง: Katana

Chapter 1 - Ipinagkasundo

ผู้เขียน: Katana
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-07-23 20:38:45

“Lola, ayaw ko. Gagawin ko po ang lahat ‘wag lang po iyong ganito,” pakiusap ni Fern sa abuela nang sabihin nitong kailangan niyang magpakasal sa apo ng amiga nito upang maisalba ang kumpanya ng mga magulang.

Halos isang buwan pa lamang ang nakalipas nang ilibing ang daddy niya at isang buwan lang din ang pagitan nang mawala rin mommy niya dahil sa isang car accident.

Sa kalagayan niya ngayon ay parang siya naman ang pinapatay. Ulila na siya sa mga magulang, pati ba naman sa lalaking mamahalin wala siyang karapatang sumaya?

“Ano? May paraan ka pa bang iba, Fern? Itong kumpanya na lamang ang alaala ng mga magulang mo. Hahayaan mo na lang ba na mawala ito sa iyo?”

“Hindi po, gagawan ko naman po ng paraan eh. Bigyan niyo lang po ako ng sapat na panahon,” muling pakiusap niya. Ngunit bakas sa mukha ng abuela ang pagka-dis-gusto.

“Tama na! Nagkasundo na kami ng amiga ko, ikakasal ka sa kaniyang apo sa lalong madaling panahon. Hindi na makapaghihintay ang kumpanya dahil marami na ang nagsi-alisan at bumaba na rin ang sales. Ayaw ko ng apong pupulutin ko sa kangkungan!”

“Pero–”

“‘Wag mo nang subukang umapila pa! Sundin mo ang pinag-uutos ko kung ayaw mong itakwil kita!” pagkasabi ng abuela niya ay agad na itong tumalikod.

“Ahhh!” sigaw niya nang malakas dahil sa galit nang tuluyan na itong makaalis.

Hindi niya matanggap na kuntrolado siya nito subalit wala naman siyang mapupuntahan kapag umalis siya mansyon. May pera naman siya subalit ayaw niyang gumastos sa kung ano-ano lang dahil mahirap na para sa kalagayan niya ang mawalan ng pera.

“Mom, dad, bakit niyo pa kasi ako iniwan? Balikan niyo ‘ko rito,” mahinang sambit niya habang tumatangis. Hindi pa tuluyang naghihilom sa puso sa pagkawala ng mga magulang, nagluluksa pa siya pero tila walang pakialam ang mga tao sa paligid niya.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan. Gusto niyang makalimot sa problema kahit sandali lang, kailangan niya ang mga ito.

“Yes, buhay ka pa?” bungad agad ng kaibigang si Vina sa kan'ya.

“Pupunta ‘ko riyan, shot tayo,” aniya sa malungkot na boses. Ilang linggo rin siyang hindi nagparamdam sa mga kaibigan dahil gusto niyang mapag-isa, kaso lang ay biglang hinatiran siya ng problema.

“Busy ako– kami pala. Balikan ka na lang namin after 10 years.”

“Uy, dali na… Sorry na nga eh,” pagpapakumbaba niya dahil alam niyang nagtatampo ang dalawa.

“Akin na nga iyan, Vina! Ako ang kakausapin sa bruhang ‘yan,” dinig niyang boses ni Annasity at mukhang inagaw ang cellphone. ,”hoy! Anong Akala mo, maganda ka? Lakas mong mang-ghost ‘di ba? Ba’t nagparamdam ka na? Hindi ka tinanggap sa langit?”

Napanguso siya upang pigilang umiyak pero dahil sa bigat ng kaniyang dibdib ay bigla na lamang siyang umatungal na parang bata.

“Ay, putang *na!” mura pa ni Annasity nang marinig na sa kabilang linya ang malakas niyang sugahaw.

“Gag* ka kasi. Ikaw nagsabing ‘wag nating batiin, ‘yan tuloy umiyak,” sabi pa ni Vina at sinisisi si Annasity.

“Sandali nga! Ang gulo mo rin eh! Fern, anong nangyari? Patay na rin ba lola mo–”

“Tang*na naman, Anna. Ayusin mo nga ang pagtatanong,” inis na saway pa ni Vina.

“Bakit? Maayos naman iyong tanong ko, ah. Lakas umiyak eh, ‘di may patay ulit.”

“Tsk!” asik ni Vina kaya ito na lamang ang kumausap sa kan'ya. ,”pumunta ka rito. Magluluto akong pulutan, tumahan ka na.”

Agad na nag-asikaso si Fern upang puntahan ang mga kaibigan, nagdala siya ng ilang mga damit at balak niyang magtago baka biglang magbago ang isip ng abuela.

Pero pagkarating niya sa condo ni Vina ay bihis na bihis na ang dalawa at nakapustura, siya na lamang ang hinihintay.

“Hala, sa’n lakad niyo? Ang sabi ko ay iinom tayo ah. Bakit aalis kayo?” reklamo niya. Nakatinginan naman ang dalawang kaibigan at may nakakalokong ngiti sa mga labi.

“Haysst… Bilisan na natin, pasok sa kuwarto. Pagagandahin kita dahil ang chaka mo na. Nasaan ang kaibigan namin? Ilabas mo!”

“Teka, san– anong–”

“Shut up! Hindi ka pa namin napapatawad kaya umayos ka!”

Wala na siyang nagawa at hinayaan ang mga kaibigan sa gustong gawin. Hindi rin naman siya mananalo sa dalawa.

“Perfect!”

“That's our girl!” sabay na nag-apir pa ang dalawa at tuwang-tuwa habang nakatingin sa kan'ya.

Nakasuot lang naman siya ng revealing and fitted black above the knee dress na talagang hulmang-hulma ang hubog ng kaniyang katawan. Lalong lumakas ang sex appeal niya at sigurado ang dalawang kaibigan na lahat ng kalalakihan na naro'n sa pupunta nila ay kay Fern lang mahuhumaling

Nasa kilalang sikat na bar silang tatlo. Habang nag-iinuman ay doon nila pinag-usapan ang problema niya at maging ang dalawa ay nagulat din.

“What? Grabe naman iyong lola mo. I can't imagine, Fern! Virgin ka pa tapos ipapamigay ka lang nang basta-basta. Masakit pa naman iyon–”

“Putang *na mo, Anna. Iyan talaga iyong concerned mo? Masakit? Kalbuhin ko iyang bulb*ol mo!”

“Easy, pinapatawa ko lang naman si Fern. Pero seryoso, ‘wag kang pumayag. Itatanan ka namin!” Nagtawanan na lang silang tatlo, ayaw niya na munang isipin ang bagay na iyon. Magsasaya sila buong gabi!

“Come on, let's go to the dance floor!” sigaw ni Annasity at niyaya na sina Vina at Fern.

Tila mga reyna silang tatlo dahil nahawi ang daanan nila patungo sa gitna. Hawak ang bote ay sumayaw at gumiling silang tatlo sa gitna na parang sila lang ang taong naro'n.

Lingid sa kaalaman ng tatlong dalaga ay may napukaw silang kalalakihan na ngayon ay sila lamang ang pinagmamasdan.

“Oh! She's so hot, dude! That lady will surely be mine tonight,” sabi ng isang lalaki na hindi tinatantanan nang titig si Fern.

“Who?” tanong naman ng isang seryosong lalaki habang sumisimsim ng alak.

“That sexy lady in black. So, back off if you are interested in her too. She's mine.”

“I'm not, bastard. Do your business and I'll do mine too.”

Pero mas matinik pa pala iyong isa nilang kasama dahil naro'n na ito sa dance floor at may kasayaw. Napa-iling na lamang silang dalawa at nagkatinginan, mabuti na lang at hindi iyong mga type nila ang nilapitan nito.

“Don't forget about tomorrow, grandma’s expecting us to come for lunch,” sabi ng seryosong lalaki bago sila maghiwalay upang magkan'ya-kan'ya.

“Sure, I won't be late. But for now– Let's enjoy the night.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Micthiyeos Eos
writer katana fun pla kayo ni fyang
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 105 - The Twins Real Father

    Nang makarating si Vina sa trabaho ay agad na sinalubong na siya ni Damon nang may matamis na ngiti. "Good morning, beautiful," bati nito sa kanya at h******n na siya sa noo. "Good morning, kanina ka pa?" Yumakap siya 't nakangiting bumati rin kay Damon. "Nope, karararing ko lang. Let's date later, hmmn?" "Huh? Eh, sabi mo ay ngayon ang dating ng pinsan mo na boss ko?" "Yup, that's why I'm free. Saan mo gustong pumunta?" Tinaasan niya agad ito ng kilay. Tila ba makalimot itong siya ang secretary ng pinsan niya kaya mahinang kinurot niya si Damon sa tagiliran. "Hoy! May trabaho ako kaya hindi puwede! Hindi porket fiance kita ay basta-basta ko na lang iiwan ang obligasyon ko rito? Nakakahiya sa boss ko, ngayon pa nga lang kami magkakakilala tas iiwan ko pa!" Agad naman na nagsalubong ang kilay ni Damon sa narinig. "Bakit ka naman atat na makita iyong pinsan kong iyon?! 'Di hamak na mas guwapo naman ako ro'n!" Kung kanina ay ang sweet nila, ngayon ay tila aso 't pusa naman n

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 104 - Meet

    "Damon, wait for me at the company. Papunta na 'ko ngayon diyan. Tapos na ang kaso, nanalo ako. Sa ngayon ay pagtutuonan ko muna ang kumpanya habang hinahanap diyan sa Tarlac ang asawa ako," ani nito habang kausap ang pinsan na si Damon sa cellphone. Naro'n pa rin kasi ito sa Tarlac na pansamantalang pumalit sa kanya. "That's good to hear, dude! Congratulations. I hope anytime soon ay mahanap mo naman na ang asawa mo,", tugon naman ni Damon. Masaya siya para sa pinsan at mas lalong pa dahil hindi na siya magiging busy, mas magkakaro'n na siya ng time para sa fiance niyang si Vina. Nalalapit na rin ang kanilang kasal at tila hindi na siya makapaghintay pa! Sabik na rin siyang magka-anak, sa totoo ay nai-inggit siya sa anak ni Fern na kambal, isip nga niya napaka-ganda ng lalaking nang iwan rito. Paano umano na atim na pabayaan ang mag-iina? Napaka-walang puso! Kaya madalas din siya do'n bumisita dahil sobrang gaan ng loob niya saga kambal. Kung papayagan nga lang umano siya ni Fern

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 103 - Justice

    "Haahhhh!" Napabalikwas ng gising si Fern sa kanyang naging panaginip. Kinapa ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok no'n. "Panaginip! Panaginip lang ang lahat!" Hinihingal na sambit niya pa. Sa sobrang daming nangyari sa panaginip niya iyon ay tila ba totoo Ang pangyayaring iyon. Biglang pumasok naman si Vina sa kuwarto niya upang silipin siya. "Oh, mabuti gising ka na. Kumusta na Ang pakiramdam mo?" "A-ayos lang ako, nasa'n ang kambal?" agad na hinanap niya ang mga anak. Gusto niya iyong makita at mayakap. "Naro'n kay Tita. Grabe, nabinat ka na! Sabi ko naman sa iyo ay 'wag ka Muna magpupuyat at gisingin mo lang ako kapag hindi mo na kaya. Ayan tuloy at bumigay na iyang katawan mo! Hindi mo kakayanin ang kambal mag-isa girl," paninermon pa ni Vina sa kanya. Dahil sa pagpupuyat nga sa dalawang kambal Ng ilang gabi dahil nilagnat ang mga ito dahil sa vaccination nila at iyak nang iyak dahil masakit siguro ang tinusukan ng karayum. Nahihiya naman siya na gisingin si Vi

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 102

    "Uh? Ano to?" Nanigas si Fern sa kanyang kinanatayuan nang biglang suutan siya ng blindfold ni Manang Lucia pagkatapos niyang maisuot ang gown. "Hindi ko rin alam, hija, pinag-uutos lamang ni Mr. D ang lahat sa 'kin, napaka-romantic niya hindi ba?" Halata sa boses ni Manang Lucia ang excitement."Manang, baka naman ki-kidnapin n'yo ako ah!" Ayaw niya sanang kumilos pero marahan siyang hinawakan ng ginang sa magkabila niyang balikat at dahan-dahan siyang itinulak patungo kung saan sa takot na mapatapilok dahil nakasuot din siya ng 2 inch na high heels. Kasama iyon sa loob ng box, may mga accessories pa nga pero hindi naman niya kailangan iyon.Nadinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad sumalubong sa kanya ang hangin batid niyang dinala siya sa labas ng ginang pero wala siyang naging imik. Sumunod na lamang siya dito. Nangangapa siya kaya naman hinawakan siya sa kamay ng matanda at iginaya kung saan, sobra ang kabog ng kanyang dibdib, di niya alam kung ano ba ang nangyayari."Manang, I'm

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 101

    Alas otso ng nabi nang makabalik na sila sa mansyon. Hindi nila inaasahan ang madadatnan na panauhin doon. "Anong ginagawa mo dito?" madilim ang mukha na tanong ni Doss kay Julia. Nasa labas ito at nag-aabang sa pagdating nila dahil hindi ito pinahintulutan ng mga tauhan niya na makapasok. "Nasaan ang fiance ko? Pakiusap, ilabas mo na siya, Doss!" nanikluhod si Julia sa harap nilang mag-asawa. Napakapit naman si Fern sa braso ng asawa. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Bakit sa akin mo hinahanap ang lalaki mo?! matalim na saad ni Doss sa babae."Babe," mahinang bulong ni Fern. Nilingon naman siya ng lalaki. "Wag kang maniwala sa kanya, wala akong kinalaman sa kanila," paliwanag nito."Sinungaling! Damon told me everything! Pinadukot mo siya at dinala sa basement!" sigaw ni Julia habang umiiyak at matalim ang tingin sa kanila. "Huh! 'Di nga ako nagkamali, nagsabwatan pa kayong dalawa para lang masira kaming mag-asawa at ngayon pinagbibintangan mo ako na kinuha ang fiance mo?

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 100

    Ang nagdaang mga araw ay naging maayos naman sa kanilang mag-asawa, gumaling na ang mga sugat niya sa buong katawan. Inalagaan talaga siyang mabuti ni Doss. Hindi din ito umaalis ng bahay paghindi siya kasama.Tungkol naman kay Damon ay ilang buwan din itong nanatili sa ospital, napuruhan daw kasi ang mga ugat nito sa kamay. Sadly, he is not able to use his both hands forever. Wala naman daw matukoy na iba pang paraan ang mga doctor Walang pag-sa ika nga , kahit sinong doctor ang tumingin sa kanya dito sa pilipinas pero hindi sumuko ang mga magulang niya. Dinala siya sa ibang bansa at Ddoon magpapatuloy ng pagpapa-gamot.Sa totoo lang ay hindi pa sapat ang ginawa ni Doss upang pagbayarin ito, kulang na kulang pa.. Pero dahil sa pakiusap at pagiging mabuting tao ni Fern ay hinayaan na lamang niya ito, wala naman na itong gagawa pa. Sana nga hindi na bumalik at muling manggulo si Damon.About a month ago, pinagtapat ni Doss ang lihim sa asawa ukol sa tita at pinsan niya. Matagal na pal

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status