Share

Chapter 10

last update Last Updated: 2021-09-18 19:54:53

Callie’s POV

"Narealize ko na...mas gusto kita."

            Pambingi naman ‘tong sinabi ni Carter.

            "A-Ano’ng mas gusto mo ko?" tanong ko kay Carpenter nang mahamig ko ang sarili ko sa pagkabigla.

            Ngumiti siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ano ba naman ang lalaking ‘to? Ugali ba talaga niyang tumitig at ngumiti nang ngumiti?

            "What I mean is…mas gusto kita ngayon. The last time we met you seem so distant. Di ko alam kung paano kita iaapproach pero ngayon parang mas open ka na. Hindi na ko masiyadong nangangapa."

            "Uhm…ayaw mo ba sa taong mahiyain?" curious na tanong ko. Shy type kasi si Hailey kaya siguro feeling ni Carter may pader na nakapagitan sa kanila nung nag-usap sila last time.

            "Di naman, iba-iba naman kasi ang personality ng tao, pero sino ba namang tao ang ayaw makasama iyong mas madaling kausapin at pakisamahan? Mahirap din kasi minsan manghula."

            "Ah…Carter may sasabihin sana ko?" lakas loob na sabi ko.

            "About?" kaswal na tanong niya at sumimsim ng green mango shake na inorder niya para sa amin.

            "Tungkol sa kapatid ko…" panimula ko. Wala namang point kung itatago pa. Isa pa ang hirap naman ng may itinatago.

            "Ah, yeah. Nasabi mo nga sa’kin last time na may kapatid ka, ano na nga ulit ang pangalan niya?"

            "H-Hailey." sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

            "Hailey? What do you mean by Hailey? Hailey?"

            "Ako kasi si Call-" napatda ako nang tumunog ang cellphone ko.

            Hays! Ano ba aamin na ko, eh! Pagsilip ko sa LCD si Renato pala. Kaya sumenyas ako kay  Carter na sasagutin ko iyon. Tumango lang naman siya.

            "Hello? Irene?"

            "Ano’ng hello? Asan ka bang babaita ka? Nahilo na ko kakahanap sa’yo, bigla ka na lang nagdisappear-appear, one half one-fourth! Di ba sabi ko you wait for me sa labas ng boutique? Akala ko naabduct ka na, eh." talak niya kaya natawa ko.

            "Sorry beks, may emergency lang. Kita na lang tayo bukas. Ingat ka sa pag-uwi."

            "O siya! Ano fa nga va? Sige babu!"

            "You were saying?" usisa ni Carter nang matapos ang tawag.

            "Ah, iyon nga may kapatid ako. Ang pangalan niya ay Ha-"

            Anak ng ina, tumunog na naman cellphone ko.

            Hailey Calling…

            Speaking of which…

            "Hello?"

            "Cal, asan ka na? Gabi na di ba dapat kanina ka pa?"

            Napatingin ako sa relos ko. 8:00 pm na! Jusko naman kasi itong si Carter tinangay-tangay pa ko!

            "Saka ko na explain pero may sasabihin pala ko sa’yo," seryosong sabi ko saka napatingin kay Carter na kumakain.

            "Okay ano ‘yon?"

            "Sakama ko tayta ng kana mo," panimula ko. May secret language kami ni kambal kapag may pinag-uusapan kaming hindi pwedeng marinig ng iba.  Reverse letter lang naman ng bawat salita.

            "S-Si Carter?" paniniguro ni Hailey nang maintindihan ang sinabi ko.

            "Nadale mo! Maya ko explain. Tosgu ko nasa bisahin na balkam yota?"

            "Sasabihin mong kambal tayo?"

            "Oo, wala naman sigurong masama?"

            "Saka na lang siguro Callie, ako na lang ang magsasabi. Baka kasi mamaya magalit siya, at least kung kasama mo ko, tulong tayong magpapaliwanag." sagot ni Hailey matapos ang ilang segundong pag-iisip.

            "Sigurado ka?" paniniyak ko.

            "Oo, next time na lang. Ako na lang ang magsasabi."

            "Okay, ikaw bahala. Pauwi na rin ako."

            "Sige, ingat ka, ah?"

            "Okay bye."

            "Uwi na tayo?" yaya ko pa kay Carter.

            "Uhm sige, teka hindi ko na aalamin kung sino ‘yong kausap mo, pero curious lang ako kung ano’ng klaseng lenggawahe o dialect ang ginamit niyo sa pag-uusap?"

            Napangiti ako at napailing.

            "Ah, ‘yon ba? Ang tawag do’n Ferean."

            "Ferian?" maang na tanong niya.

            "Oo. Ferean as in Feeling Korean," sagot ko at nagfinger heart pa.

            Napabungisngis siya dahil parang pinigil niyang matawa, pero di naman niya nagawa.

            "Sari-sari ka na. Ferean ah?"

            "Tawa ka naman diyan?"

            "Eh, nakakaaliw ka naman talaga."

            "Sus, gawin ba naman akong clown. Lika na uwi na tayo." naiiling na sabi ko.

            "Okay, wait." sumenyas ito sa waiter.

            Ilang saglit pa may lumapit na para kunin ang bill namin. Nagsipit si Carter ng ilang lilibuhin.

            "I’ll just go to the restroom, hintayin mo ko. Ihahatid kita pauwi." bilin niya at tumayo matapos magbayad.

            "H-Ha? ‘Di bale na lang. Madali na lang magcommute," tanggi ko kaagad.

            "I insist. Hintayin mo ko dito." pinal na turan nito saka nagtungo sa banyo.

            Napabuntong-hininga ako. Ang bait ni Carter. Kakaguilty tuloy. Luminga ako sa paligid. Sumenyas ako sa isang waiter at dagli naman itong lumapit.

            "Yes ma’am?" magalang na tanong ng lalaki na medyo kulot ang buhok.

            "May ipapakiusap sana ko sa’yo. Pwede bang dito ka muna? Kapag bumalik dito iyong lalaking kasama ko, pwedeng pakiabot mo ito sa kanya? Nagcr lang siya pero pabalik na rin. Pakisabi salamat pero hindi ko matatanggap ‘to," sabi ko at iniabot ang isang tissue kung saan nakaipit ang perang ibinigay ni Carter kanina na ipinambili niya ng mga beauty soap na ibinibenta ko.

            Hindi ko kayang tanggapin ang pagmamagandang loob niya lalo na at hindi naman niya talaga ako kilala. Na may itinatago ako.

            "Wala pong problema."

            "S-Sige salamat, Jacob, ah?" paalam ko matapos mabasa ang pangalan niya sa nameplate na nakakabit sa kaliwang dibdib niya.

            Nagmamadali na akong tumayo habang bitbit ang mga beauty soap ko. Hay parang penguin na naman akong nagmamadaling maglakad.

            Nang makasakay na ako ng jeep ay tumunog ang cellphone ko. Si Carter. Hindi ko pa pala nabubura ang number niya.

            "O?" bungad ko.

            "Onion? Oracle? Oranggutan?" pang-aasar niya.

            "Ah ‘yong huli kamukha mo!" ganti ko na ikinahalakhak naman niya.

            "Asa. Gwapo ko para maging oranggutan. Anyway asan ka?"

            "Sakay na pauwi."

            "Di ba sabi ko ihahatid kita?"

            "Wag na. Hassle lang. Nakuha mo ba sa waiter iyong pinaabot ko?"

            "Oo, bakit mo nga pala isinoli? Labo, ah."

            "Eh, para naman kasing instant ang nangyari. Di man lang ako nagpawis. Saka di mo naman ako kargo. Okay lang. Salamat nga pala sa libre."

            "Wala ‘yon. Anyway I’ll be away for three days. May event ang publishing sa Davao. After that punta tayo ulit sa DNA center para kunin ang resulta. Okay ba ‘yon?"

            "S-Sige. Ingat ka, ah." tanging nasabi ko.

            "Ikaw rin. Ingat sila sa’yo." tatawa-tawang sagot niya.

            "Loko! Sige na babye na. Salamat ulit,"

            "Welcome and thank you rin."

            "Ha? Thank you ka diyan, eh, ako nga ‘yong nakikain."

            "Thank you. ‘Cause you made my day. Naaliw talaga ko sa’yo."

            "G-Gano’n? May ability pala ko maging clown? Sige na babye. Baka masnatch pa ‘tong phone ko." paalam ko at pinatay na ang tawag.          

            Ipinasa ko sa number ni Hailey ang number ni Carter saka ko blinock at binura.

            Ito na ang huling pag-uusap namin. Wala naman kami dapat na ugnayan. Sila lang dapat ni Hailey ang nag-uusap at nagkakasama. Ewan ko ba naman at nakasalubong ko pa siya dito sa mall. Well kung magiging bayaw ko siya saka na ko magpapakita ulit.

 Bye for now Carpenter.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Babylyn Porcioncula Borlado
ganda sna kaya lng lagi meed to unlock thw chapters.. nkktamad n tuloy ituloy kapag gamito n paputol putol ang basa...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
huwag nyo ng patagalin pa hailey at callie ang sekreto nyo ng kambal nyo kay carter pagnagkita uli kayo sabihin nyo na ang totoo na kambal kayo
goodnovel comment avatar
Jenilyn Horohoro Maylid-Gregorio
ang laki lang ng bonus kailangan sana babaan naman
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Epilogue

    Epilogue Wakas... Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot sa laptop ko. Napalingon tuloy ako. Si Carter pala. "Kagulat ka naman!" "Sorry. Just want to check kung okay itong magiging second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa damuhan sa tabi ko. Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?' Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa harap ko. May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalang nakaukit doon. Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya. Napakabata pa niya. Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa mundo. "Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?" tanong ni Carter kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor. "Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" follow up question niya.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 57 (Finale)

    "May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..." Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya. Napangiti ako habang naglalakad papasok sa simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng kasalan... Halos may isang oras pa bago magsimula iyon. Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang nagdadatingan ang mga bisita. Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid sa simbahan. Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang alpombra.

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 56

    CARTER’S POV Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang ginagawa ko. Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. I love my child. Pero kung susundin ko naman ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari. Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si Hailey at si Harlie. For the past three months hindi siya nawala sa isip ko. I love he

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 55

    JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO Iyon ang pangalan na nakalagay. Napatayo ako bigla. "Callie, where are you going?" takang tanong ni Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang table nina Jacob. "Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa kanila. "Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako. "Kamusta po?" nakangiting bati ko pero napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang mapalingon siya sa akin.&n

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 54

    "Tingin mo, wala talaga tayong pag-asa?" tila nahihirapang tanong niya. Yumuko ako at tumango-tango. "Tingin ko, kaya wala tayong pag-asa dahil hindi tayo para sa isa’t-isa. Sorry Carter. Hindi pa man kami naisisilang sa mundo ito, magkasama na kami ni Hailey. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako karapat-dapat sa’yo dahil hindi kita kayang ipaglaban."I walked away as fast as I can. Halos takbuhin ko na palabas. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ko hinabol.Naglakad ako sa daan na parang wala sa sarili. Ayaw maampat ng luha ko. Nanlalabo tuloy ang paningin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi na ko maiinlove ulit.Kung hindi rin lang si Carter,`wag na lang.~*~*~*~*~*~ "Hailey..." tawag ko

  • Lucky Me! Instant Mommy?   Chapter 53

    Medyo kabadong naglalakad ako papasok sa publishing company ni Carter, hawak ang business proposal na iniwan niya sa akin last week. Nagtext na ako sa kanya na darating ako. Lunch time kaya nagbababaan na ang mga empleyado para kumain. Halos walang tao akong naabutan sa second floor kung nasaan ang office ni Carter. Bago iyon ay madadaanan ko muna ang office ng mga editors, nagulat pa ako nang makitang lumabas doon si Jacob. Parang nagkagulatan pa kami dahil hindi kaagad siya nakapagsalita. Napansin kong mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng polo ang isang flash drive. "H-Hey, Callie!" tila malikot ang mga matang bati niya nang tila makabawi sa pagkabigla. "Uy. Ano’ng ginagawa mo diyan? Isa ka na rin ba sa mga editors?" takang tanong ko.&nb

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status