Anika's POV
ALAS-OTSO na ng umaga pero hindi pa rin ako lumalabas ng kuwarto. Ayaw kong umalis dito sa dalawang kadahilanan. Una, ayaw kong makipag-usap kay Don Enrico. Gusto kong ipakita dito na hindi ko tanggap ang relasyon nila ni Mama. At pangalawa, nahihiya akong magkita kami ni Daryl matapos ng nangyari kagabi.
Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang nasaksihan. He was having sex and I saw it live. Live na live!
Napapikit ako nang maalala ang malaki at ma-muscle nitong katawan. Heto na naman at nag-iinit na naman ako. Since last night, ayaw nang matanggal sa isip ko ang senaryong iyon. Ayaw rin akong tantanan ng init na unti-unting bumabalot sa akin.
Para makalimutan ang live sex na napanood ko, I decided to go outside. Pero ginawa ko ang lahat para hindi magtagpo ang mga landas namin nina Mama at Don Enrico.
Nakalabas ako ng mansion nang walang nakakakita sa akin. "Fresh air!"
Lumanghap ako ng sariwang hangin habang naglalakad sa labas. Hindi sasapat ang salitang malaki at malawak para ilarawan ang Hacienda Altagrasia. Bukod roon ay napakaganda rin ng paligid. Maraming puno, street lights at water fountain.
Lakad ako nang lakad habang pinagsasawa ang mga mata ko sa magandang tanawin sa paligid. Sa kakalakad ko, napadpad ako sa isang bukas na gate na may malaking sign board sa gilid. Nakalagay roon ang pangalang 'Altagrasia Horse Ranch'.
"Rancho?" sabi ko sa sarili ko at pumasok sa loob.
Kung horse ranch ito, syempre, may kabayo! Bigla akong na-excite. Gusto kong makakita ng kabayo. Siguradong imported ang mga kabayo rito dahil mayaman sila.
Nadaanan ko ang mga stables, grooming place, hanggang sa mapadpad ako sa racecourse. Pero ang excitement na nararamdaman ko kanina, mabilis na naglaho nang matanaq ang nangyayari sa hindi kalayuan.
Humihiyaw ang mga lalaki at parang tuwang-tuwa ang mga ito sa nangyayari. Sa unang tingin, aakalain mong may horse race na nagaganap, pero laking-gulat ko nang makitang kinakaladkad ng tumatakbong kabayo ang isang lalaki!
"Hooo! Sige pa, Kifer! Run!"
"Teach that dog a lesson!"
"Good boy, Kifer!"
Ilan lang ito sa hiyaw ng mga lalaki habang pinapanood ang nangyayaring karahasan. Nang makita ko sa gilid ng racecourse si Daryl, nakaupo na parang hari habang umiinom ng beer, mabilis ko itong nilapitan.
"Daryl, anong ginagawa nila? Puwedeng mamatay ang taong iyon! Help him!"
Tumigil ito sa pag-inom at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Why would I? It's his punishment."
"Punishment?"
Nilapag niya ang bote ng beer at tumayo para harapin ako. "Dahil pinagnakawan niya ako. Kaya iyan ang parusa niya."
Umawang ang mga labi ko sa narinig. Pinagnakawan siya? Dahil lang doon? Pero ang parusa ay sobra-sobra? Magkano ba ang halagang ninakaw rito? Milyon?
"Kung may kasalanan siya, dapat sa police station n'yo siya dinala! Hindi iyong ilalagay n'yo ang batas sa kamay n'yo!"
Tiningnan lang ako nito na parang wala lang sa kaniya ang mga sinabi ko.
"This is a crime!" bulyaw ko sa pagmumukha niya.
Tuluyan itong lumapit sa akin, madilim ang mukha, matalim ang mga mata. Napaatras ako sa takot dahil sa ibinibigay nitong madilim na aura.
"Teritoryo ko ito, dito ako ang batas! Kapag may ginawa kang kasalanan sa akin, ganyan ang mangyayari sa iyo." Napasinghap ako nang hapitin ako nito sa baywang. "Maliban na lang kung ibang parusa ang gusto mo."
My eyes widen with what he said. Lalo pa nang pisilin nito ang isang pisngi ng puwet ko. Sa sobrang gulat ay malakas ko siyang sinampal.
"Bastos!"
Itinulak ko ito sa dibdib bago mabilis na tumakbo palayo.
Narinig ko pang tumawa ito nang malakas. "Run, baby girl! Wasak ka kapag naabutan kita!"
***
Mabilis akong pumasok sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. Pakiramdam ko, pulang-pula ang mga pisngi ko dahil sa init ng aking mukha.
"Ano raw? Baby girl? At wasak? Anong wasak ba ang pinagsasabi ng mayabang na iyon?"
Natigilan ako nang maalala ang nakita kagabi. I shook my head countless times. Hindi iyon dapat ang iniisip ko, kundi ang mga nakita kanina. Krimen iyong ginagawa nila! Halos patayin na nila ang kawawang lalaki!
Ang paghanga ko kay Daryl kahapon dahil sa guwapo nitong mukha at matikas na pangangatawan, mabilis na napalitan ng pagkadisgusto. Baliw siya!
Muli pa akong uminom ng tubig para tuluyang mawala ang init na nararamdaman ko. Nasa ganoon akong akto nang biglang may humablot sa braso ko at marahas along sinandal sa pader.
"D-Daryl?"
"Sabihin mo nga sa akin, anong kailangan kong gawin para umalis na kayo dito?" pinapungay pa nito ang mga mata at ngumisi.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong sabi mo?"
"Convince your whore mother to get away from here."
Natigilan ako bigla. Did he just call my mother whore? Hayop! Iyong init ng mukha ko kanina, mabilis na bumalik! Pero sa ulo, hindi na sa mukha!
"Bastos ka!"
"Kailangan n'yo ng pera? Tell me how much money do you need? I'll give it to you."
Malakas ko itong itinulak palayo sa akin. "Hindi ko kailangan ng pera mo!"
Tumawa ito na parang nang-uuyam. "Puwede ba? Huwag ka nang magpanggap! Alam kong mga mukhang pera kayo. Pera lang ang habol n'yo kay dad."
Natigilan na naman ako at sandaling napalunok. Hindi ko naman maitatanggi na may tama ito. Pera at tirahan ang habol ni Mama kay Don Enrico, pero ako, hindi!
"See? You're guilty."
"H-hindi!"
"Ah, I see."
Nagtaka ako nang sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
"Anong 'I see, I see'? Gago ka!"
"You don't want money? So, what do you want? Ito ba?"
Nanlaki ang mga mata ko nang hubarin nito ang suot niyang damit at ipinakita sa akin ang mga muscles at abs niya sa tiyan.
"You wanna get under me, baby girl?"
Buwiset na—sa sobrang inis, bigla kong binuhos dito ang malamig na tubig mula sa baso ko. Buong akala ko, magagalit ito pero parang mas tamang sabihin na nagulat siya.
"Ugok ka! Anong akala mo sa akin, pakangkang? Hayok sa sex? Magdamit ka nga! Ang pangit ng katawan mo!"
Magnus' POV"Good morning, sir!"Nginitian ko ang dalawang babaeng bumati sa akin nang makalabas ako ng elevator. Pinamulahan ang dalawa at kilig na humagikgik nang madaan ko sila."Good morning, Sir Magnus! Do you want your coffee or just a glass of tea?" tanong ng sekretarya ko. Nagmamadali itong tumayo at lumapit sa akin."No, thanks. I'm good, Elsa."Papasok na sana ako sa office ko nang matigilan ako at muli siyang harapin."Give me 10 minutes before you enter my office, okay?"She nodded at me, smiling from ear to ear. I winked at her before going inside my office. Hindi pa ako nakakalapit sa work desk ko nang marinig kong muling bumukas pinto."Magnus!"I turned and a smile formed on my lips when I saw a familiar face. "Darius? Kuya!""Bro!"Agad ko siyang nilapitan at niyakap. It's been what? 2 years since we last saw each other? Mula nang ihatid niya kami rito, iyon na rin ang huling beses na nagkita kami."To be honest, bro, I didn't think you'd survived. Sa lakas nang pagka
Magda's POVMARAHAN akong nagpahid ng face powder sa mukha ko para itago ang pasa na nakuha ko mula kay Enrico. Nang puntahan niya ako sa condo unit ni Daryl ay halos patayin na niya ako sa bugbog. Kung hindi pa siya napigilan ng mga tauhan niya.Huminga ako nang malalim. Matapos kulayan ng pula ang mga labi ko ay tumayo na ako at dinampot ang maliit na maleta kung saan nakasilid ang mga inimpake kong gamit."What is the meaning of this?"Huminto ako sa pagkilos nang marinig ang malalim na boses ni Enrico. Marahan ko siyang nilingon at nakita ang madilim pero nag-aalala niyang mukha."Aalis na ako."Nagmamadali niya akong nilapitan at isang sampal ang ibinigay sa akin. Napaatras ako sa lakas no'n, pero pinilit kong hindi matumba at saka matapang na sinalubong ang mata niya."Anong pinag-usapan n'yo ni Daryl no'ng araw na iyon? Na sasama ka na sa kaniya at iiwan ako?! Idiot! Walang pera ang anak ko! Wala kang mahihita sa kaniya!""Pumunta ako kay Daryl dahil gusto kong humingi ng tulon
Anika's POV"Ma?"Tuluyan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata nang makita ako."Hanggang ngayon... hanggang ngayon pala... ""Anika, hindi. Walang ibig sabihin ito." Mabilis siyang naglakad papunta sa akin.Mama tried to hold my hand but I refused. Umiwas ako sa kaniya na parang may pandidiri."I hate you! Hanggang sa kahuli-hulian, pinatunayan mo sa akin na hindi kita dapat ituring na magulang!"Mabilis na namasa ang gilid ng mga mata niya. "Anika, you don't understand.""Hindi mo na nga ako mabigyan ng kompletong pamilya, pati sarili kong pamilya, pilit mo pang sinisira! What did I do to deserve this? Bakit ikaw pa ang naging ina ko!""Anika?"Natigilan kami at napalingon sa gawi ni Daryl. Gising na ito pero parang nahihirapan sa pagbangon dahil sa kalasingan.Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Tiningnan ko sila nang masama bago patakbong umalis. Narinig ko pa ang boses ni Daryl na tinatawag ako, pero hindi na ako lumingon pa.***Da
Anika's POV"Saan ka pupunta? Bakit ka nag-iimpake?"Tumigil ako sa ginagawa at nilingon si Adela na halata ang gulat sa mukha nang makita ang ginagawa ko."Aalis na.""Aalis? Bakit ka aalis?"Muli ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. "Hiwalay na kami ni Daryl. Puwede ka nang lumipat dito kung gusto mo."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Mabilis niya akong nilapitan, pero ibinaling ko ang atensyon ko sa pagliligpit ng mga gamit."Ano? Ano naman ang ibig mong sabihin do'n, ha? At saka, saan ka pupunta? Buntis ka pero aalis ka dito? Saan ka titira?""May business trip ang boss ko na kailangan kong samahan. Isa pa, hinanapan na niya ako ng apartment na malilipatan.""Ang boss mo?" Halata ang gulat at pagtataka sa boses niya. "Bakit niya gagawin iyon? Bakit ka niya kailangan hanapan ng malilipatan? May bahay ka naman.""This is not mine, Adela." Muli ko siyang binalingan. "Sa boyfriend mo ito.""Wait a minute, bakla! Galit ka ba sa akin?"Matalim ang mga matang tiningnan ko s
Anika's POV"Po?" iyon lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko alam ang ire-react sa kaniya. Is he... for real?Tumayo siya at ipinasok ang mga kamay sa sariling bulsa. "I need to find a woman to marry, Anika.""Bakit? Naguguluhan po ako. Bakit naghahanap kayo ng babaeng pakakasalan? At ako... bakit ako? Alam n'yo naman po ang gulo ng buhay ko.""My father wants me to marry the daughter of his business partner. I don't want to marry her."Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya. To be honest, I've never seen him this serious before."Pero assistant n'yo lang ho ako, Sir Isaac.""Yes, but I like you."Muli akong natigilan sa mga narinig. Pinag-initan ako ng mukha. "Sir Isaac, paano n'yo naman po ako magugustuhan? May sabit na po ako. Hindi pa ako hiwalay sa asawa at buntis pa ako. Puwede kayong maghanap ng dalaga at walang sabit.""Yeah, I know, but I don't like them, Anika. Mapili ako sa babae, ayaw kong basta magpakasal lalo sa hindi ko kilala.""Bakit n'yo po ako gusto?"Nagkibit
Anika's POV"Gawin mo kung anong gusto mo. Wala akong pakialam."Nanginginig ang mga tuhod na iniwan ko si Daryl at bumalik sa mall. Malapad na ngiti mula kay Adela ang sumalubong sa akin.Never in my life na nakaramdam ako ng galit sa kaibigan kong si Adela. Isa siya sa kakaunting taong natatakbuhan ko sa tuwing may problema ako noon. But now, I don't know. Nasasaktan ang puso ko kaya nakakaramdam ako ng inis sa kaniya.Pumasok kami sa isang restaurant at kumain na muna. Kahit gusto ko nang umuwi ay nagpaunlak na lang ako. Ayaw kong isipin nila na sobrang affected ako sa dalawa."Here, try this," nakangiting sabi ni Adela at akmang susubuan si Daryl."No, it's okay," nakangiti rin nitong tanggi."Ano ka ba? Sige na. Masarap ito, parang ako."Sandaling natigilan si Daryl at tumingin sa akin. Nang makita niyang sa kanila nakatuon ang atensyon ko, titig na titig siya sa akin nang tanggapin niya ang isinusubo ni Adela.Umiwas ako ng tingin habang sunod-sunod sa paglunok. Bakit ba ako nag