Share

Chapter 3

Anika's POV

NAPAKUNOT-NOO ako nang bumukas ang pinto ng silid ko at sumilip sa loob si Mama. Nang makita ako nitong nakaupo sa dulo ng kama, agad-agad itong pumasok at maingat na isinara ang pinto.

"Ano pang ginagawa mo rito? Kakain na ng hapunan! Bumaba ka!"

Hindi ako sumagot sa mga sinabi nito. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"Salbahe ka talagang bata ka! Gusto kang makilala ni Enrico, sumabay kang kumain sa amin!"

"Hindi ko kayang tumira dito, ma."

Pinanlakihan ako nito ng mga mata dahil sa sinabi ko, pero hindi niya ako masisisi. Pagkatapos ng ugaling ipinakita sa amin kanina ng anak ni Don Enrico?

"Ano na naman bang dina-drama-drama mo dyan! Nandito na tayo! Tingnan mo, oh! Ang laki nitong kuwarto mo! De-aircon pa!"

"Hindi ko ito kailangan!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inis siyang tinitigan.

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi niya bago ako hinila sa braso at pinaghahampas.

"Napakatigas ng ulo mo! Maliit na bagay lang, hindi mo pa magawa! Pagtiisan mo na lang ang anak ni Enrico kung siya ang inaalala mo! Ganoon talaga ang mga mayayaman!"

"Palibhasa, malaki ang pakinabang mo sa bago mong asawa! Hindi mo ba narinig ang sinabi ng lalaking iyon kanina? Binabalaan niya tayo!"

"Wala akong pakialam sa kaniya! Ito na ang matagal nating hinihintay, Anika! Sa wakas, makakaahon na tayo sa hirap. Kaya puwede ba? Makisama ka!"

Muli ako nitong hinampas sa braso. Masama ko siyang tiningnan bago dinampot ang cellphone ko at mabilis na lumabas ng kuwarto.

Gusto kong umiyak sa sobrang inis. Bakit sa dinami-rami ng nanay sa mundo, ang katulad pa niya ang ibinigay sa akin ng Diyos?

Nanggagalaiti akong naglakad palayo. Kung puwede lang magbenta ng magulang, matagal ko nang ginawa. Mahal ko si Mama, pero hindi ko kayang tiisin ang ginagawa niya.

Mahabang pasilyo ang tinatahak ko ngayon. May ilang figurines at mamahaling vase ang naka-display sa bawat gilid ng daan. At naka-hang naman sa wall ang mga painting na mukhang mamahalin din.

Sa yaman ni Don Enrico, siguradong hindi basta-basta ang halaga ng paintings at figurines na nandito. Hindi ba sila natatakot na manakaw ang mga ito? Baka nga kung magnakaw ako ng dalawa hanggang tatlo ay hindi nila mapansin.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid, nakarinig ako ng mga ungol. Napansin kong nanggagaling ang ungol ng parang nasasaktan na babae sa isa sa mga silid. Hinanap ko iyon hanggang sa makita ko ang isang kuwarto na bahagyang nakaawang ang pinto.

Dahil sa curiosity, natulak akong sumilip sa loob at alamin ang nangyayari. Hanggang sa tumambad sa akin ang eksenang hindi ko inaasahan na masasaksihan.

"Fuck! Suck it, bitch! Suck it!" utos ni Daryl habang hawak nito sa ulo ang babaeng nakaluhod sa harap niya.

Umawang ang mga labi ko sa gulat. Halos manlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa babaeng subo-subo ang naghuhumindig na alaga ng bunsong anak ni Don Enrico!

Ilang ulit akong napakurap-kurap bago sumandal sa pader na katabi lamang ng pinto. Hawak ko ang dibdib ko at hindi makapaniwala sa mga nakita.

Hindi ko napigilang hindi maalala ang nangyari sa condo ng ex kong manloloko. Ganitong-ganito rin ang eksena. Gusto ko na sanang umalis nang muling makaramdam ng kirot sa puso, pero ayaw mawala sa pandinig ko ang ungol at sigaw na ginagawa ng dalawa sa loob ng kuwarto.

"Iyan, ganyan! Isubo mo pa!" Daryl growled. Napalunok ako nang marinig ang malaki at malalim nitong boses.

Ewan ko ba pero kahit hindi ko aminin, hindi ko maitatanggi na pati ako ay nag-init ang katawan sa nasaksihan. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at muling sumilip sa loob.

Iba na ang posisyon nila nang muli kong tingnan ang nangyayari sa loob ng kuwarto. Ang babae ay nakaharap sa gawi ng pinto, nakapikit ang mga mata habang nakatuwad. Si Daryl ay nasa likuran nito, marahas na gumagalaw.

Bawat bayo nito ay siyang ungol naman nang malakas ng babaeng kaniig niya. Mula sa nakapikit at nasasarapang mukha ng dalaga, nabunton kay Daryl ang paningin ko.

Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang makitang nakatingin ito sa akin. Ngumisi ito matapos akong kindatan.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Hanxhei Klyde Gacu
Yung bago ka mg sleep bibisitahin mo muna mga stories ni author then paggising goodnovel unang app bbuksan at titingnan kung my update na,,
goodnovel comment avatar
Hanxhei Klyde Gacu
Na cucurious ako sa storues nito saka sa twist
goodnovel comment avatar
Hanxhei Klyde Gacu
Xciting sa updates
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status