Anika's POV
AGAD kong tinalikuran si Daryl at halos takbuhin na ang hagdan at pasilyo, makabalik lang agad sa kuwarto ko.
Mabilis kong ni-lock ang pinto nang makapasok. Mahirap na, baka sundan ako.
Grabeng kaba ang naramdaman ko ngayon! Para akong nakipaghabulan sa mga unicorn sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko!
"Ay." Napansin kong hawak ko pa pala ang baso na pinag-inuman ko kanina.
Nako! Paano kung magsumbong iyon kay Don Enrico? Mukhang hindi naman niya gagawin ang magsumbong. Parang wala sa ugali nito, pero ang pumatay ng tao? Oo! At lagot ako! Baka ako ang isunod niyang ipakaladkad sa kabayo dahil sa ginawa ko sa kaniya!
Dahil sa takot kay Daryl, hindi na ako lumabas ng kuwarto, ni hindi ako nag-dinner. At ang magaling kong ina, hindi pa bumabalik. Kung saan-saan na siguro nakarating kasama si Don Enrico.
Pagsapit ng alas-diyes ng gabi, tapos na akong mag-impake at nakahanda nang umalis. Ayaw kong manatili rito kasama ang matapobreng anak ni Don Enrico. Tutal, kaya ko nang mag-isa kaya aalis na lang ako.
Walang ingay akong lumabas ng kuwarto, ganoon din nang lumabas ako ng mansion. Tinahak ko ang mahabang driveway na napaliligiran ng mga puno.
"Sandali lang, ma'am, saan po kayo pupunta?" pigil sa akin ng guard nang akmang bubuksan ko ang gate.
"Aalis po."
"Hindi ba, ikaw ang anak ng bagong asawa ni Don Enrico? Nako, walang sinabi ang don na aalis kayo. Hindi puwede, ma'am."
Mabilis na nalukot ang mukha ko sa narinig. "Ano? Bakit? Kailangan pa ba ng permiso niya para umalis dito?"
"Opo."
Hindi makapaniwalang napairap ako. "Manong guard, hindi niya ho ako anak. Hindi kami magkaano-ano kaya may karapatan akong gawin ang gusto ko nang walang pahintulot niya!"
"Pasensya na, ma'am. Sumusunod lang kami sa utos. Delikado ho rito, baka kung sino pa ang—"
"Ang ano? Ang dudukot sa akin? Ay, manong, wala ho akong pera! Walang magkakainteres na dukutin ako! Buksan n'yo na!"
"Pero ma'am—"
"Bubuksan n'yo ba o magwawala ako rito?!"
"Pero ma'am, gabi na ho. Delikado na sa daan."
"Mas delikado ang buhay ko rito dahil sa manyakis na chonggong iyon!"
"Ano, ma'am?"
"Ay, wala. Basta, buksan n'yo na ang gate!"
Napakamot na lang ito sa pagmamatigas ko. Gusto pa sanang tumanggi ni Manong guard, pero nang magtaas na ako ng boses, napilitan na itong sumunod sa akin.
Tinahak ko ang daan paalis sa Hacienda Altagrasia. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong naglalakad, pero sigurado akong malalim na ang gabi.
Tahimik ang paligid at tanging ang huni ng mga panggabing insekto ang naririnig ko. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang sinabi ni Manong Guard kanina. Bakit naman kaya delikado rito? E, mukha naman payapa ang hasyendang ito?
Sa gitna ng pag-iisip ko, nakarinig ako ng ingay ng sasakyan. Mula sa malayo, nakita ko ang isang kotse na paparating. Pinili kong gumilid. Ewan ko ba, pero bigla akong kinabahan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, pero nagtaka na lang ako nang mapansing prumeno sa tabi ko mismo ang kotse. Saka lang ako natigilan nang makilala ang sasakyang ito.
"Anika!"
Napaatras ako. "Stanley? Anong ginagawa mo rito? P-paano mo nalaman na nandito ako?"
"You're going back to Manila with me!"
"What? After what you did? Are you insane?!"
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit mo ba ito ginagawa! Anong kasalanan ko sa iyo!"
Huminto ako at puno ng inis na hinarap siya. "Alam ko na ang tungkol sa inyo ng Elizabeth mo, Stanley! Hayop ka! Niloko mo ako!"
Sandali naman siyang natigilan. "Kung ano man ang narinig mo, it's not true. May umaakit sa akin sa work, pero hindi ko sila pinapatulan."
Natawa ako sa mga narinig. "Puwede ba, Stanley? Buking ka na! Nakita ko kayo mismo! Nandoon ako sa condo unit mo noong anniversary natin!"
Hindi ito nakapagsalita sa mga sinabi ko.
"Oh, ano? Natulala ka? Wala ka nang mairason? Umalis ka na dahil tapos na tayo!"
Natigilan ako nang mapansin na nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Biglang dumilim.
"Nakikipaghiwalay ka sa akin? Wala pang babae ang gumawa niyan!"
"Well, it looks like I'm the first!"
"At sa tingin mo, hahayaan kita?"
Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin dito. Parang hindi ko na ito kilala. Ang ilang taong pinagsamahan namin, nawalan ng halaga ang mga iyon. Ngayon, parang ibang tao na ang nasa harap ko.
"Marami na akong inaksayang pera at oras sa iyo, Anika! Hindi ako papayag na makipaghiwalay ka na lang nang hindi ko nakukuha ang gusto ko!"
Napaatras ako sa mga sinabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?"
"I'll leave you alone, sure, pero pagsasawaan muna kita!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Binalak kong tumakbo pero mabilis ako nitong naabutan. Nagsisigaw na ako at nagpumiglas, pero mas malakas siya. At nakabibinging katahimikan ang maririnig sa paligid. Walang ni isang bahay rito!
Nagawa akong ipasok ni Stanley sa backseat ng kotse niya at inumpisahan halikan.
"Tulong! Tulungan n'yo ako! Stanley, hayop ka! Bitiwan mo ako!"
"P*****a kang babae ka! Binigay ko sa iyo ang lahat, pero makikipaghiwalay ka lang pala nang hindi binibigay ang gusto ko!"
Akmang huhubaran niya ako pero malakas ko siyang sinampal para mapigilan.
"Ano ba!"
Umangat ang kamay niya sa ere. Nang lalapat na iyon sa mukha ko ay mabilis akong pumikit.
Natigilan ako nang d*****g si Stanley, kasabay no'n ang pagkawala ng bigat sa ibabaw ko. Nang magmulat ako ng mga mata, wala na si Stanley sa loob ng kotse.
Nanginginig akong bumangon at sumilip sa labas. Nakita kong nakabulagta na si Stanley sa daan, nakaibabaw rito ang isang lalaking nakasuot ng checkered na polo na hindi ko makilala kung sino dahil nakatalikod mula sa akin. At binubugbog nito si Stanley!
Mabilis akong lumabas ng sasakyan at nanginginig na lumapit sa isang puno para doon magtago. Sinubukang kumawala ni Stanley sa lalaki, pero masyado itong malakas.
Kinuwelyuhan ng lalaki si Stanley. "You come back here again and I'm gonna slit your throat! You understand me?!"
"O-oo!"
Sa wakas ay umalis na ang lalaki sa ibabaw ng hayop kong ex-boyfriend. Halos gumapang na pabalik sa kotse nito si Stanley. Ni hindi na nito naisara ang pinto sa backseat nang paharurutin nito palayo ang kaniyang sasakyan.
Tumingin ako sa lalaking nakatalikod pa rin mula sa akin. Nakatingin lang ito sa papalayong sasakyan. Dahan-dahan akong lumapit dito.
"T-thank you sa ginawa mo. Utang ko sa iyo ang buhay ko."
Hindi ito sumagot. Maya-maya lang, mahina itong tumawa. Nagtaka ako sa ginawa niya, pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang lumingon ito.
"Hindi ako tumatanggap ng 'thank you' lang."
"Daryl?!"
"Yes, baby. It's me! And you, you'll have to pay me for what I did."
Mabilis na nalukot ang mukha ko habang nakatingin sa nakangisi nitong mukha. Hindi ko naman alam na demonyo pala ang nagligtas sa akin. Kung alam ko lang, sa halip na mag-thank you, e tumakbo na sana ako!
"Kung ayaw mo ng thank you, anong gusto mo?!" pagtataray ko sa kaniya.
Nginisian niya ako. "Be my maid."
Magnus' POV"Good morning, sir!"Nginitian ko ang dalawang babaeng bumati sa akin nang makalabas ako ng elevator. Pinamulahan ang dalawa at kilig na humagikgik nang madaan ko sila."Good morning, Sir Magnus! Do you want your coffee or just a glass of tea?" tanong ng sekretarya ko. Nagmamadali itong tumayo at lumapit sa akin."No, thanks. I'm good, Elsa."Papasok na sana ako sa office ko nang matigilan ako at muli siyang harapin."Give me 10 minutes before you enter my office, okay?"She nodded at me, smiling from ear to ear. I winked at her before going inside my office. Hindi pa ako nakakalapit sa work desk ko nang marinig kong muling bumukas pinto."Magnus!"I turned and a smile formed on my lips when I saw a familiar face. "Darius? Kuya!""Bro!"Agad ko siyang nilapitan at niyakap. It's been what? 2 years since we last saw each other? Mula nang ihatid niya kami rito, iyon na rin ang huling beses na nagkita kami."To be honest, bro, I didn't think you'd survived. Sa lakas nang pagka
Magda's POVMARAHAN akong nagpahid ng face powder sa mukha ko para itago ang pasa na nakuha ko mula kay Enrico. Nang puntahan niya ako sa condo unit ni Daryl ay halos patayin na niya ako sa bugbog. Kung hindi pa siya napigilan ng mga tauhan niya.Huminga ako nang malalim. Matapos kulayan ng pula ang mga labi ko ay tumayo na ako at dinampot ang maliit na maleta kung saan nakasilid ang mga inimpake kong gamit."What is the meaning of this?"Huminto ako sa pagkilos nang marinig ang malalim na boses ni Enrico. Marahan ko siyang nilingon at nakita ang madilim pero nag-aalala niyang mukha."Aalis na ako."Nagmamadali niya akong nilapitan at isang sampal ang ibinigay sa akin. Napaatras ako sa lakas no'n, pero pinilit kong hindi matumba at saka matapang na sinalubong ang mata niya."Anong pinag-usapan n'yo ni Daryl no'ng araw na iyon? Na sasama ka na sa kaniya at iiwan ako?! Idiot! Walang pera ang anak ko! Wala kang mahihita sa kaniya!""Pumunta ako kay Daryl dahil gusto kong humingi ng tulon
Anika's POV"Ma?"Tuluyan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata nang makita ako."Hanggang ngayon... hanggang ngayon pala... ""Anika, hindi. Walang ibig sabihin ito." Mabilis siyang naglakad papunta sa akin.Mama tried to hold my hand but I refused. Umiwas ako sa kaniya na parang may pandidiri."I hate you! Hanggang sa kahuli-hulian, pinatunayan mo sa akin na hindi kita dapat ituring na magulang!"Mabilis na namasa ang gilid ng mga mata niya. "Anika, you don't understand.""Hindi mo na nga ako mabigyan ng kompletong pamilya, pati sarili kong pamilya, pilit mo pang sinisira! What did I do to deserve this? Bakit ikaw pa ang naging ina ko!""Anika?"Natigilan kami at napalingon sa gawi ni Daryl. Gising na ito pero parang nahihirapan sa pagbangon dahil sa kalasingan.Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Tiningnan ko sila nang masama bago patakbong umalis. Narinig ko pa ang boses ni Daryl na tinatawag ako, pero hindi na ako lumingon pa.***Da
Anika's POV"Saan ka pupunta? Bakit ka nag-iimpake?"Tumigil ako sa ginagawa at nilingon si Adela na halata ang gulat sa mukha nang makita ang ginagawa ko."Aalis na.""Aalis? Bakit ka aalis?"Muli ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. "Hiwalay na kami ni Daryl. Puwede ka nang lumipat dito kung gusto mo."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Mabilis niya akong nilapitan, pero ibinaling ko ang atensyon ko sa pagliligpit ng mga gamit."Ano? Ano naman ang ibig mong sabihin do'n, ha? At saka, saan ka pupunta? Buntis ka pero aalis ka dito? Saan ka titira?""May business trip ang boss ko na kailangan kong samahan. Isa pa, hinanapan na niya ako ng apartment na malilipatan.""Ang boss mo?" Halata ang gulat at pagtataka sa boses niya. "Bakit niya gagawin iyon? Bakit ka niya kailangan hanapan ng malilipatan? May bahay ka naman.""This is not mine, Adela." Muli ko siyang binalingan. "Sa boyfriend mo ito.""Wait a minute, bakla! Galit ka ba sa akin?"Matalim ang mga matang tiningnan ko s
Anika's POV"Po?" iyon lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko alam ang ire-react sa kaniya. Is he... for real?Tumayo siya at ipinasok ang mga kamay sa sariling bulsa. "I need to find a woman to marry, Anika.""Bakit? Naguguluhan po ako. Bakit naghahanap kayo ng babaeng pakakasalan? At ako... bakit ako? Alam n'yo naman po ang gulo ng buhay ko.""My father wants me to marry the daughter of his business partner. I don't want to marry her."Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya. To be honest, I've never seen him this serious before."Pero assistant n'yo lang ho ako, Sir Isaac.""Yes, but I like you."Muli akong natigilan sa mga narinig. Pinag-initan ako ng mukha. "Sir Isaac, paano n'yo naman po ako magugustuhan? May sabit na po ako. Hindi pa ako hiwalay sa asawa at buntis pa ako. Puwede kayong maghanap ng dalaga at walang sabit.""Yeah, I know, but I don't like them, Anika. Mapili ako sa babae, ayaw kong basta magpakasal lalo sa hindi ko kilala.""Bakit n'yo po ako gusto?"Nagkibit
Anika's POV"Gawin mo kung anong gusto mo. Wala akong pakialam."Nanginginig ang mga tuhod na iniwan ko si Daryl at bumalik sa mall. Malapad na ngiti mula kay Adela ang sumalubong sa akin.Never in my life na nakaramdam ako ng galit sa kaibigan kong si Adela. Isa siya sa kakaunting taong natatakbuhan ko sa tuwing may problema ako noon. But now, I don't know. Nasasaktan ang puso ko kaya nakakaramdam ako ng inis sa kaniya.Pumasok kami sa isang restaurant at kumain na muna. Kahit gusto ko nang umuwi ay nagpaunlak na lang ako. Ayaw kong isipin nila na sobrang affected ako sa dalawa."Here, try this," nakangiting sabi ni Adela at akmang susubuan si Daryl."No, it's okay," nakangiti rin nitong tanggi."Ano ka ba? Sige na. Masarap ito, parang ako."Sandaling natigilan si Daryl at tumingin sa akin. Nang makita niyang sa kanila nakatuon ang atensyon ko, titig na titig siya sa akin nang tanggapin niya ang isinusubo ni Adela.Umiwas ako ng tingin habang sunod-sunod sa paglunok. Bakit ba ako nag