Share

Chapter 3

This can’t be. How did this happened? Buong buhay ko, wala akong kaalam-alam na may kapatid si dad. Ni wala man lang silang nabanggit sa akin.

But that's not the problem here. The problem is, my uncle was the man that I met in that club! He kissed me and bit my lips as my punishment!

That’s...so gross! I kissed my uncle for fucking sake! Bakit ang pangit maglaro ni destiny? Nakakabaliw ‘to!

“Mama, I promised that I’ll go here early so here I am. Happy golden anniversary to you and papa.”

Sumulyap siya kay lolo pagkatapos sabihin iyon. Sunod niyang tiningnan sila mama at papa bago nagtama ang paningin naming dalawa. Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil hindi ko magawang kumilos.

Nakatitig lang ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Malamang nagulat din siya na makita ako dito. Kasi ako, gulat na gulat ako!

Tinawag niyang mama at papa ang grandparents ko so it means, Dela Vega talaga siya! Kapatid nga siya ni dad! Shit!

Mas malala pa ‘to kaysa sa malaman mong pinsan mo ang crush mo e.

“Umupo muna tayo habang hindi pa nagsisimula ang party,” sabi ni lolo.

Kung hindi pa ako kinalabit ni mommy ay hindi pa ako makakagalaw sa kinatatayuan ko. Umupo ako sa mahabang sofa katabi ang parents ko. Habang nasa kabilang sofa naman si lola at si Markus. Si lolo naman ay nakaupo sa single sofa na nasa gitna.

Lumapit ako kay dad para bumulong.

“Dad, may kapatid ka po pala,” sabi ko.

He sighed. “Yes. He was adopted by your lolo and lola when he was four years old. But we’re not close. You don’t have to be close to him also.”

My lips parted with the information that I received. So, he’s an adopted son. Ampon siya at hindi tunay na Dela Vega.

Para akong nakahinga kahit papaano sa nalaman ko. Wala pala akong nalabag na kahit anong batas dahil hindi ko siya kadugo. Ang akala ko ay malaking kasalanan na ang nagawa ko.

Sumulyap ako kay Markus—or should I say Tito Markus, that's so cringe, at nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at gano’n din ang ginawa niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya inirapan ko siya.

Bakit ba siya nakatitig? At bakit ba naiilang ako?

“Oo nga pala, Markus, this is Savrinna, the only daughter of your Kuya Peter,” lola introduced me to him. “Savrinna, this is your Tito Markus.”

Muntik pa akong masamid sa laway ko. Talagang kailangan ko siyang tawaging Tito Markus? E mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad namin.

Hilaw akong ngumiti pero tumango lang siya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdan ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Mukha namang hindi iyon napapansin ng mga tao sa paligid namin kaya hindi ako kinakabahan.

The party started and we all went to the pool area. The visitors were already gathered there and I could say that my grandparents were quite famous. Marami kasi silang bisita at mukhang mga may kaya rin sa buhay.

Humiwalay sa amin si Markus nang umakyat sa mini stage sila lolo at lola. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang may nilapitan siyang babae. Nakangiti iyon sa kanya habang may sinasabi. Magkatabi silang umupo sa isang mesa at nakakapit pa siya sa braso ni Markus.

Girlfriend niya ba ‘yon?

Kung girlfriend niya nga ‘yon, kailan pa naging sila? At kung matagal na sila, bakit siya pumupunta sa club at nanghahalik ng ibang babae? Cheater ba siya?

Porke't nasa probinsya ang girlfriend niya, nagagawa niyang magloko sa Manila. Sinasabi ko na nga ba, hindi siya matinong lalaki!

“Sav, masama ba ang pakiramdam mo?”

Napatingin ako kay mommy nang bigla niya akong tanungin. Natawa ako nang peke bago umiling.

“No, mom. Bakit po?” tanong ko.

“Nakasimangot ka kasi samantalang nag-s-speech ang lolo mo sa harap,” sabi ni mom.

“Ayos lang po ako.”

I focused my attention to my grandparents. Pinigilan ko ang sarili ko na lingunin ang dalawa dahil baka lalo lang akong mairita. Pagkatapos mag-speech nila lolo at lola ay nagsimula na ring kumain ang mga bisita.

May mga kinuha rin silang singers at entertainers para sa anniversary nila. Tumayo ako at nagtungo sa buffet table para kumuha rin ng pagkain.

Malapit nang dumilim ang paligid kaya nakabukas na ang mga ilaw. Pakiramdam ko nasa senior ball ako ngayon. Ang mga matatanda ay nag-uusap tungkol sa mga negosyo at kung ano-ano pa. Ang mga kaedad ko naman ay kanya-kanyang kain at inom sa mesa.

Wala naman akong kilala sa mga bisita kaya wala akong makausap. Magsisimula na sana akong kumain pero napatingin ako sa pwesto nila Markus. Wala na sila sa mesa kaya inilibot ko ang paningin sa paligid.

Nasa’n sila? Umalis na kaagad?

“Sav.”

Napalingon ako kay mommy nang lumapit siya sa akin.

“Yes, mom?” I asked.

“Can you get my flat shoes upstairs? Bigla kasing sumakit ang paa ko. Nasa room lang naman ‘yon,” sabi ni mommy.

Tumango ako kaagad. “Okay, mom.”

Tumayo ako at pumasok sa loob ng mansyon. May ibang bisita na nakatambay sa living room at nginitian ko lang sila bago ako umakyat. Dumiretso ako sa kwarto ng parents ko para kunin ang flat shoes ni mommy. Nakita ko kaagad iyon sa gilid ng kama kaya kinuha ko iyon kaagad.

I was about to go back to the pool area when I heard some weird noises in one of the rooms here. And being a curious cat, I followed where the noise was coming from.

Sa bandang dulo ng hallway ay bahagyang nakabukas ang pinto at doon nanggagaling ang ingay na naririnig ko. Dahandahan akong naglakad palapit doon habang bitbit ang sapatos ni mommy. Habang mas lumalapit ako ay mas nagiging malinaw sa akin ang tunog.

Ungol ba ‘yon? May gumagawa ng kababalaghan sa guest room? Sino naman?

At dahil nakabukas naman ang pinto ay sumilip ako doon. Napasinghap ako nang makita sila Markus at iyong babaeng kasama niya sa mesa kanina. Nakaupo si Markus sa kama at nakakandong sa kanya ang babae habang hinahalikan niya ito sa leeg.

Shit!

A strange image flashed in my mind that made me confused for a while. What was that?

Nabitiwan ko ang hawak kong sapatos at gumawa iyon ng ingay. Napatigil sila bago lumingon sa pinto. Nagmamadali kong pinulot ang sapatos bago ako tumakbo papasok sa kwarto ni mommy. Kung didiretso kaagad ako sa hagdan ay mahuhuli nila ako pagbukas pa lang ng pinto.

Pinakinggan ko ang ingay sa labas at nang lumipas na ang ilang minuto ay saka ako lumabas. Siguro naman itinuloy na nila ang ginagawa nila.

Pero pagkabukas ko ng pinto ay saktong dumaan din si Markus sa tapat nito. Nanlaki ang mga mata ko nang magkatinginan kami pero umakto pa rin akong walang nangyari. Bumaba ang tingin niya sa sapatos na hawak ko na bahagya kong itinago sa likuran ko.

“Aren’t you supposed to be at the pool area?” he asked.

I nodded. “Yes. I just get my mom’s shoes. And you? What are you doing here?”

“I’m looking for someone.”

Now that I’m staring at him, I remembered what flashed into my mind earlier. It was him... cornering me on the wall while...kissing me.

Nangyari ba talaga ‘yon? Pero imposible. Ang tanging paghalik niya lang sa akin na naaalala ko ay noong kinagat niya ang labi ko. O baka guni-guni ko lang iyong kanina? Baka nadala lang ako dahil nahuli ko silang may ginagawang kababalaghan.

“Okay. Babalik na ako sa pool area,” kaswal kong sabi at lalampasan na sana siya nang bigla niyang iharang ang braso niya sa dadaanan ko.

Sinubukan kong dumaan sa kabila pero hinarang niya rin ang isang braso niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil na-corner niya na ako.

“What’s your problem?” I asked.

“It’s you.”

My forehead creased but I kept my serious face.

“Who?”

“The curious cat who peeked in my room,” he answered.

“Really?” I asked before I laughed. “What will you do if it’s me? You should be nervous by now. P’wede kitang isumbong kila lolo at lola. Sa araw pa ng anniversary nila? Hindi mo na ba mapigilan ‘yang katawan mo? You're unbelievable.”

He smirked. “Is that how you pay someone who saved you? If it wasn't because of me...you would be dead already.”

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Siya ang nagligtas sa akin? Pero hindi ko maalala kung anong nangyari kaya paano ako maniniwala sa kanya?

“Do you even remember what you did that night?” he asked. I didn't answer. “You were really wild. You were begging me to kiss you and touch you. You even undressed—”

“Stop. I wasn't in the right state of mind that night. I was drugged, okay?”

He nodded. “I know. That's why you will not tell anything about what you see—”

“Why? Are you ashamed? Hindi ba nila alam na girlfriend mo siya? Kung alam nila, for sure maiintindihan nila na may gusto kayong gawin sa guest room—”

“She’s not my girlfriend.”

Natahimik ako sa sinabi niya. Dahandahang kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan. Hindi niya girlfriend ang babaeng ‘yon? Pero kung hindi ko sila naistorbo, baka may ginawa na silang kung ano.

“Then what? Fling? Or fuck buddy?” I asked straightforwardly.

His lips parted with my question. “Your mouth...do you want to be punished again?”

I sighed and crossed my arms. I saw how his eyes glanced to my cleavage that's why I glared at him.

“I’m not scared of you. And I’m not a dog that will follow your orders. So, don’t threaten me,” I told him. “And yes, ganito ako magbayad ng utang na loob. Hindi ko kasi naaalala na niligtas mo ‘ko pero naaalala ko na pinagbintangan mo akong masamang tao.”

He leaned closer to me that I could smell his breath. Something inside me moved—probably the butterflies in my stomach. This is not good.

Why do I feel like this? Am I attracted to him? No.

“Okay. Do whatever you want, my little niece. But don't ever come near me again. I hate talking to a brat like you.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Little niece? Brat? Fuck him!

Tinalikuran niya ako at hindi ko namalayang nabitiwan ko na naman pala ang sapatos ni mama. Padabog ko siyang sinundan at hinila ang braso niya.

“How dare you to call me a brat? And what? Little niece? For your information, I’m not going to accept you as my uncle. Hindi ka naman totoong Dela Vega.”

His eyes darkened after I said those words. And I hate to admit this bit I got a little nervous. Especially when he started stepping towards me slowly.

Yeah, I know. Below the belt ang nasabi ko. Pero paulit-ulit niya kasi akong tinatawag na brat! Nakakainis na!

Napaatras ako at muntik pang matapilok. Mabuti na lang ay nasalo niya ako sa paghawak sa beywang ko. Susubukan ko sanang lumayo ulit pero mas inilapit niya ako sa katawan niya.

“You’re really testing my patience. And what did you say? You won't accept me as your uncle? So, I’m allowed to do this?”

My eyes widened when he suddenly kissed me. Napakapit ako sa braso niya sa takot na baka kagatin niya na naman ang labi ko. Pero hindi niya ginawa. Instead, his lips moved gently against my lips. And that's when I closed my eyes to kiss him back.

The kiss lasted for a few seconds then we stopped to catch our breaths. He stared at me for awhile and he was about to kiss me again but I looked away. His lips landed on my cheek.

“Sumosobra ka na yata. My kisses are expensive. Hindi ko basta-basta binibigay pero palagi mong ninanakaw. You keep pushing me away but you're doing the exact opposite. Just admit that you like me.”

His lips turned upward. “I don't like you. I just want you to shut up. I’m sorry if you misunderstood that.”

I smirked too. “Well, the feeling is mutual. So let's just treat each other as a stranger. You may remove your arms on my waist now.”

Nakangisi ako pero kumukulo talaga ang dugo ko sa sama ng loob. Nang pakawalan niya ako ay tinalikuran ko siya kaagad. Bumalik ako sa pool area at agad na ininom ang wine na isinalin ko kanina.

“Sav, what took you so long?”

Tumingin ako kay mommy at inabot sa kanya ang sapatos niya. Hindi ako kumibo at umupo na lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap dahil nasaktan ang pride ko sa sinabi ni Markus.

Ang kapal niya! Kung hindi niya pala ako gusto bakit panay ang halik niya sa akin? I get it, he’s my uncle in the eyes of other people but I know that he also don't see me as his niece. Dahil kung pamangkin ang turing niya sa ‘kin, hindi niya ako ulit hahalikan!

Binuksan ko ang phone ko at kahit pinagbawalan ako ni mom na mag-scroll sa social media ay ginawa ko pa rin. Agad ko namang pinagsisihan iyon. Dahil sumasabog pa rin ang notifications ko sa mga comments ng mga nakapanood ng video.

'Wow! Dancer na din pala sa club si miss model'

'Miss magkano ka kaya i-table? Sana affordable ka lang!'

'Magkano ang isang gabi? Mangungutang pa 'ko para makasama ka!'

My hands trembled and my phone fell. I turned off my phone to stop the notifications from coming. Nangilid na naman ang luha sa mata ko.

Hindi ko pala kaya. Sana hindi ko na lang binasa ang comments nila. Parang gusto ko na lang maglaho sa mundo.

Inisang lagok ko ang wine sa wineglass ko at naglagay ako ulit. Hindi ko namalayang naubos ko na kaagad ang isang bote ng wine. The party ended at eight-thirty and I was a little tipsy already. Nauna nang umakyat ang parents at grandparents ko kaya sumunod na rin ako pagkaalis ng mga bisita. Hindi ko na ulit nakita si Markus at wala na akong pakialam sa kanya.

Mabagal akong umakyat sa hagdan dahil inaantok na ako. Maaga pa naman pero dahil siguro uminom ako ng wine kaya gusto ko nang matulog. Pagdating ko sa itaas ay nakasalubong ko na naman ang lalaking paulit-ulit akong iniinsulto.

“Ikaw na naman, Mr. Perfect?” sarkastikong tanong ko.

Kumunot ang noo niya. Mukhang kagagaling niya lang sa guest room kung saan ko sila nahuli ng fuck buddy niya.

“You keep on insulting me but you have a bad taste with girls! You know what? I despise you! Sana hindi mo na lang ako niligtas that night! Sana hinayaan mo na lang akong mamatay dahil sa drugs na ‘yon! Because right now...my life is a mess!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status