Chapter 6
"So, iyan ang mga bago kong dating na Mercedes. Anong trip mong kuhanin, Priam? " Tanong ni Anton kay Sir. "That one, can you change the color? I want it in Matte black." Seryosong sabi ni Sir Magnus sa kaibigan nito. "Sure. Give me a week." Ngiti naman ni Antonious at saka nakipagkamay sa kaibigan niya. "Wala ka pa rin bang balita kay Lucious? " Pag iiba naman ng usapan ni Anton. "Nakausap ko siya noong isang araw. Busy daw maglayag sa karagatan ng mga Briton." Nakangising sabi ni Sir Magnus. "Tsk, he's being crazy again." Ngiwi ni Anton. "Bakit hindi mo sinamahan? " "Nah, bahala siyang ayusin ang gusot niya sa babae niya. " Napabuntong hiningang sabi ni Anton. "Okay. Sabi ko rin naman sa kanya ay tawagan na lang niya ako kapag nagkaproblema siya." Tumatango tango pang sabi ni Sir Magnus. "Punta muna tayo sa office ko? " " No need, aalis na rin kami ni Vicenthia." Sagot naman ni Sir Magnus. "Hmm, okay. Di ko alam na first name basis pala kayo ng secretary mo." Kita ko ang pagdaan ng pilyong ngiti sa labi ni Anton. "Don't go there, baka mabugahan ka ng apoy ng dragon. Wala pa naman itong pinipiling tao." Natatawang sabi ni Sir Magnus at saka tumingin sa akin. Sinamaan ko lamang siya ng tingin pero hindi na ako umimik. "Oh, the new mother of dragons." Halakhak ni Antonious. "Nah, she's the dragon herself." Naiinis ko naman na hinampas si Sir Magnus. "Oa." Inis na sabi ko. Pinisil niya lamang ang pisngi ko na mas lalo ko namang ikinainis. "Alis na kami. " Paalam lang ni Sir Magnus kay Anton. "Tsk." Sabi ko at saka tiningnan ang sarili ko sa compact mirror na dala ko. "Dadalhin na lang ni Anton ang kotse mo sa Condo mo, Vicenthia. Kumain na muna tayo." Imik ni Sir Magnus habang naglalakad kami. "May meeting ka pala mamayang 5 pm." Sagot ko na lamang sa kanya. "Okay." Tamad na tamad na sabi nito. "Sir, huwag ka namang mawala sa trabaho. Mga one month, gusto ko munang magbakasyon." Parang bigla kong gustong pumunta sa Boracay o kaya sa Palawan. Tsk, tagal ko na ring nakapag out of town. "May pupuntahan akong Convention next week, Vicenthia. Nakalimutan mo ba? Kasama ka roon." "Huh? " Napakunot ang noo ko at saka inaalala ang mga schedule ni Sir Magnus. Oh, shit. Naalala ko na... "You reall forgot? " Nanlalaking mata na tanong sa akin ni Sir Magnus. Halatang gulat na gulat siya dahil doon. Damn! Ngayon lang ako nakalimot ng mga ganitong ganap niya. "Sorry, Sir. " Dismayadong sabi ko. Dismayado ako sa sarili ko dahil doon. Ayoko namang isipin niya na nagpapabaya ako sa trabaho. "May problema ka ba? " Kita ko ang pag aalala sa mukha niya. "Wala, Sir. Medyo na-stress lang din ako." "That's new. Cancel my meeting, may pupuntahan tayo." Seryosong sabi niya sa akin. Agad ko namang tinawagan ang sekretarya ni Mr. Chavez at icinancel ang meeting nito. " Saan naman tayo pupunta? " Kunot noog tanong ko. " Sa beach house ko sa Batangas. Malapit lang naman iyon." Napamulagat naman ako sa kanya. " Seryoso ka ? " Gulat na sabi ko. " Yes. I don't want you to be stressed, baka pati ako ay makalimutan mo." Ngisi nito sa akin. " Here, i-type mo diyan ang mga kailangan mo at i-send mo kay André. He'll get whatever you want." Sabi niya at saka iniabot sa akin ang cellphone niya. " Sigurado ka ba? Ano na namang naiisipan mo, Boss? " Taas-kilay na tanong ko. " Are you hitting on me? " Bigla naman siyang napapreno dahil sa tanong ko. " Are you out of your mind, Milana Vicenthia? Ikaw na nga itong binibigyan ko ng pabor, kung ano-ano pang naiisip mo. " Hindi makapaniwalang sagot niya sa akin. " Eh, bakit? " Nagtataka ko pa ring tanong. "Baka umalis ulit ako, sayo ko ulit iiwanan ang kompanya. " Nagpipigil na tawang sagot niya. Hindi ko naman napigilan ang kamay ko at nakurot ko ang tagiliran niya. " Ouch! " Angil niya. "Ay, sorry. Nabigla, akala ko tropa kita." Sabi ko at saka hinilot ang tagiliran niya. Napatigil naman ako ng biglang tumahimik si Sir Magnus. Saka ko lang napagtanto ang ginagawa ko. Agad naman akong napatigil at napangiwi ng makita ang pagtitig niya sa akin. "Ay, hindi ako ulam, Sir." Nakangiwing sabi ko at saka umayos ng upo. Mukha namang natauhan siya sa sinabi ko, napaayos siya ng upo at saka tumikhim. " Just text André. Puro kalokohan ang nasa isip mo. " Seryosong sabi nito. Sinunod ko na lamang ang utos niya. Mabilis kong isinend kay André ang mga kailangan ko at saka ibinalik ang cellphone ni Sir Magnus. " Magdrive-thru muna tayo. " Tumango lamang ako sa sinabi niya. Hindi pa rin ako nakakabawi dahil sa nangyari kanina. " Anong gusto mo? Natahimik ka bigla? Mukhang hindi ka nga okay. " Sabi ni Sir ss akin. " Burger na lang sakin tsaka french fries. " Maikling sabi ko. " Anong drinks ang gusto mo? " " Iced tea." "Tsk." Mukhang naiinis na talaga si Sir Magnus sa akin. Natatawa na lang din ako sa isip ko. May kakaiba talaga sa kanya ngayon and it's concerning me. Hindi naman siya ganito dati. I need to find out kung anong trip ng lalaking ito ngayon. "Vicenthia, what are you thinking? Mukha kang may binabalak na masama." Seryosong tanong sa akin ni Sir Magnus. "Wala naman. Iniisip ko lang kung ilang anghel ang sumapi ngayon sayo at ang bait bait mo." Nakita ko ang pagdaan ng ngisi sa mukha niya. "Don't worry. Malalaman mo din iyon." Titig na titig na sabi nito sa akin. "Ah, dapat na ba akong kabahan? Damn, kinikilabutan ako." Ngiwi ko at saka hinimas ang mga braso ko. "Arte. Kumain ka na lang." Naiiling na sabi nito sa akin. Natatawa naman akong tumango sa kanya at saka kinuha ang inorder namin na pagkain. "Kumusta pala ang pamilya mo? " Natigilan naman ako sa biglaan niyang pagtatanong. "Okay naman, still the same.", kibit balikat na sabi ko. "Ganun pa rin ba ang mga kapatid mo?" Hindi na rin lingid sa kaalaman ni Sir Magnus ang nangyayari sa pamilya ko. Bukod kasi sa pagiging Boss niya ay naging kaibigan ko na rin si Sir Magnus. Yeah, he's cold and ruthless to other people... Pero pagdating sa akin ay hindi naman siya ganoon. I see him as my bestfriend. BESTFRIEND? Tangina, Milana Vicenthia! Landi ka. Sabi ko na lang sa sarili ko. "Sila ba ang iniisip mo? Kaya stress ka? " Tanong na naman sa akin ni Sir Magnus. " Tsismoso mo naman." Irap ko. "I need to know... Ayokong may nagiging problema ang Employee of the year ko." Saad niya sa sarkastikong tinig. "I'm just tired. Nakakapagod maging breadwinner ng pamilya. Akala ko kapag napatapos ko ang mga kapatid ko ay mas magiging magaan ang buhay namin. It turns out na nakalimutan na nila na nay obligasyon kami sa pamilya. Ayoko namang namang magmukhang nanunumbat but this is too much, Sir Magnus. " Puno ng hinanakit na sabi ko. Minsan ay sumasama rin ang loob ko kila Nanay... Kapag mga kapatid ko ay okay lang sa kanila ang mga ginagawa nila. Gastos dito gastos doon... Naalala ko pa nga sabi niya dati... 'Hayaan mo na ang mga kapatid mo, ngayon lang nila narasanan ang nga ganyang bagay.' Huh? E, dati naman kahit napasok pa ako ng college ay kahit papaano ay naibibili ko sila ng mga gusto nila. Kaya nga halos hatiin ko na ang katawan ko sa pag aaral at pagtatrabaho. 'Naririyan ka naman, anak. Alam kong hindi mo kami pababayaan. Iyong mga kapatid mo naman ngayon pa lang sila nagkaroon ng sarili nilang pera.' Dagdag pa iyan sa sinabi ni nanay. "Pakiramdam ko, ang unfair lang... Sana man lang kahit konti ay tulungan din nila ako." May pumatak na luha ss mata ko. Sir Magnus patted my head. "Gusto ko lang mag-relax kahit konti, Priam." Tumango naman siya sa akin. Sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho sa opisina niya ay siya na rin ang naging kaibigan ko doon. Siya lang ang tanging tao na napagsasabihan ko ng mga problema ko. Siya lang ang nakakakita ng weakness ko sa buhay. Magnus Priam Salvatori. Ang boss slash ang bestfriend ko...Chapter 33Natahimik naman silang lahat ng biglang dumating si Magnus at kasama pa nito si Zakir. " We found her." "Where is she? " Mabilis na napatayo si Alistair dahil sa sinabing iyon ni Magnus. "Hey, boy. A bastard like you don't need to meddle in our business." Malamig na sabi ni Don Alicio. "Oh, Anastacia's my business." He just smirked. "Put him away." Malamig na utos ni Don Alicio sa mga tauhan niya. Ngunit bago mahawakan si Alistair ng mga tauhan nito ay umimik si Magnus. "Touch him and I will kill you all. Let's go, Ali. Vicenthia, come with us. You don't have a business here. " Malamig na sabi ni Magnus. " Anak... " Napatayo si Ma'am Alexandria dahil doon. " Let him, Alex. Malaki na ang anak mo. " Naiiling lamang na sabi ni Sir Gregori. " Subukan mo, Magnus Priam. Aalisin kita sa last will ko. " Galit na sabi ni Don Alicio. " I don't care. Pumayag lang naman ako sa kasal na iyan dahil iyon ang gusto ni Dad." Balewalang sabi ni Magnus. Hinawakan pa ni Magnus ang k
Chapter 32"You're not supposed to be here, Milana." I scoffed when Anastacia said that. Gago ba siya? Restroom talaga 'to. Inis. "Really? And that man is not supposed to be here, either. " Mataray na sabi ko. " Anong gagawin mo ngayon, Anastacia? Nahuli niya tayo? " Playful na tanong naman sa kanya ni Alistair. " Stop it, you jerk. " Irap naman ng babae. " Don't worry. I'll shut my mouth. Wala rin naman akong pakielam sa inyo. " Malamig na sabi ko. " Really? Baka naman nagdidiwang ka dahil wala ka ng magiging kaagaw kay Magnus? " Natatawang sabi sa akin ni Anastacia." I'm not in a competition with anyone, Anastacia. Calm down, nanginginig ka na sa kaba oh. Stop acting like you're higher than me. Sunud-sunuran ka lang din naman sa mga magulang mo. " Nakangising sabi ko sa kanya at saka lumabas ng restroom. So, he's the one na ikinukwento niya kanina. " What took you so long? " Nagulat ako ng may biglang magsalita sa gilid. " Sir Magnus. " " Gulat na gulat. " He scoffed. "
Chapter 31"Hija, nandito ka rin pala." Magiliw na sabi sa akin ni Ma'am Alexandria ng magkasalubong kami ng pabalik na ako sa aking cabin. "Good evening, Ma'am." Nakangiting bati ko rito. "Sino ang kasama mo? Oh, god! I'm sorry, nalimutan kong iinvite ka." She stressfully said. "It's fine, Ma'am. I'm with Zakir, he invited me here." "Oh, Priam's friend. Yeah, he can invite anyone here! He's the owner of this cruise." Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niyang iyon. "Come with us, ipapakilala kita sa Lolo ni Priam." Aya nito sa akin na hindi ko natanggihan. "Papà, she's Milana. Secretary ni Priam. " Nakangiting pakilala nito sa akin . "Magandang gabi po. " Magalang na bati ko. " Good evening. I already know you, hija. " He smirked at me. Napalunok naman ako dahil doon. "Well, that's great! Siya lamang ang tumagal na sekretarya ng apo mo, Papà. She's really an asset to your grandson's company." Palakpak pa ni Ma'am Alexandria. " Really? Should I hire her then? I can se
Chapter 30"Are you okay? Mas mabuti kung iiwasan na lang natin sila. Do you want to get yourself killed? " Inis na pangaral ko kay Zakir habang nilalapatan ng first aid ang natami niyang sugat. "Kaya nga tayo naririto, Milana. Don't worry about me, I'll be fine. Ang isipin mo ay ang sarili mo." Diniinan ko ang bulak sa gilid ng labi niya. "Aw! That hurts." Inis rin na sabi niya. "Ikaw ang nagsama sa akin dito, Zakir Ozkan. So, take care of me. Kung hindi pa kayo i awat ng mga kaibisan ninyo ay baka nagpapatayan pa rin kayo hanggang ngayon. You make a scene earlier. Mabuti na lamang at wala doon ang pamilya ni Magnus." "That's the plan. " Maikling sabi niya. "Plan? Gago ka ba? Ni hindi ko nga alam na kasama pala ito sa plano mo! Ang manggulo sa bakasyon ng Pamilya Salvatori." Galit na sabi ko pero tinawanan niya lamang ako. "Tsk, alam ko na kung bakit ka nagustuhan ng kaibigan. Don't worry, I'll protect you while we're here. " Maliit siyang ngumiti sa akin na ikinabuntong hining
Chapter 29Pinagpalit muna ako ni Sir Zakir ng damit bago kami tuluyang lumabas sa deck ng barko. Umusad na rin ito... Natawa na lamang ako ng maisip kong kakaiba talaga ang trip nila. "Hmm, I picked the right clothes." Ngisi sa akin ni Sir Zakir. Nakasuot siya ng slacks na kulay cream at dark brown na malambot na polo. Kakulay ito ng suot kong tube dress na umaabot sa paa ko. "Matchy matchy? " I smirked. "Yeah. Just call me Zakir from now on. Ayokong isipin ng mga tao na may fetish tayong dalawa dahil Sir ang tawag mo sa akin. " Pang aasar niya na ikinabusangot naman ng mukha ko. "Chill, I'm just joking." Tawa niya. "Halika na, I'm hungry." Irap ko. "Yes, your highness. This way, please." Nailing naman ako sa kanya at saka humawak sa braso niya. Magkasabay kaming naglakad patungo sa deck. Marami rami na rin kaming nakasalubong na bumabati sa kanya. "Milana! You're here." Napalingon ako sa bumati sa akin. "Rexia! Hi. " Nagulat pa ako ng makita siya rito. "Yeah, the whole fam
Chapter 28Nang makalabas kami ng bar ay malakas kong sinampal si Magnus. Hindi na nga pala ako nagtatrabaho sa kanya, bakit ko pa siya tatawagin na Sir? "Mga kagaguhan mo talaga! " Duro ko sa kanya. "Stop playing with my cousin! Ano? Dahil hindi mo ako nakuha ay siya naman ang pupuntiryahin mo?" Galit din na sabi niya. "E, gago ka pala talaga ! Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sakin! Wala akong pake kung pinsan mo iyon. I'm just enjoying my life! " Bulyaw ko sa kanya. Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko. "Well, bakit natahimik ka? Naalala mo na ang kagaguhan mo? You, asshole! Huwag ka ng makikielam sa buhay ko." Nilayasan ko na lang siya. "Teka, Vicenthia. Let me explain..." Habol niya sa akin. "Explain, what? Sa tingin mo ay makikinig pa ako sayo. Gago ka." Dire diretso lamang ako sa paglalakad. "Vicenthia, c'mon! You know my family..." "I know them very well... At akala ko... totoong seryoso ka sakin... Na sana, naisip mo na kahit papaano ay ipaglaban ako. M
Chapter 27"What? Nababaliw ka na ba, Sir ? " Natatawang sabi ko kay Sir Zakir ng sabihin niya kung ano ang gusto niyang mangyari. "I know this is a crazy idea, but I have no other choice. Alam ko rin na kailangan mo ng trabaho kaya ikaw agad ang naisip kong makakatulong sa akin." "Bakit ba kailangan mo ng magpapanggap na fiancee mo? Ano ba kayong mayayaman, palagi na lang arrange marriage ang mga gusto ng pamilya ninyo. " Kunot noong sabi ko. "Bakit hindi ka na ang humanap ng mapapangasawa mo? Para matapos na iyang pinoproblema mo." Dagdag ko pa. "Marriage is not for me. I just need three months for this. Pumayag ka na. I'll pay you, kahit magkano." Seryosong sabi niya. "Hmmm. Paano mo nalaman na wala na akong trabaho? " "Mabilis kumalat ang balita. Isa pa, alam ko ang relasyon mo kay Magnus. Pwede mo rin akong gamitin para pagselosin siya. Pareho naman tayong makikinabang dito. Sana pag isipan mo. " " You know nothing about us, Sir. Hindi ko kailangang pagselosin ang lalakin
Chapter 26"Tay, gising na. Kumain na po tayo para makainom na kayo ng gamot." Nakangiting sabi ko sa aking tatay Roberto. "Aba, nagluto ka , anak? " Natutuwang sabi niya sa akin ng makalabas siya ng kwarto nila ni nanay. Maagang umalis si Maven dahil may pasok pa siya. Si nanay naman ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Simula ng umuwi ako ay hindi na rin niya ako inimikan. Mukhang sumama talaga ang loob niya dahil nawalan ako ng trabaho. Napabuntong hininga na lamang ako dahil doon."Nasaan ang nanay mo, Vicenthia? Ang aga aga ay wala na naman siya rito sa bahay. Kahit na umuwi ka ay tuloy pa rin siya sa gawain niya." Dismayadong sabi sa akin ni tatay. "Gawain, tay? Bakit po? Ano po ba ang pinagkakaabalahan ni nanay? " Malumanay na tanong ko. Napailing lamang siya sa akin at saka naupo sa hapag kainan. "Halos maghapon at magdamag na siya sa sugalan. Ni hindi na nga nakakaasikaso rito sa bahay. Palaging kami ni Maven ang naiiwan. Ewan ko ba diyan sa nanay mo. Mas lalong lumala a
Chapter 25"Are you serious, Milana Vicenthia? Nag-resign ka? " Gulat na tanong sa akin ni Haven, pati si Sienna ay nabigla sa ibinalita ko sa kanila. "Yes. Bakit gulat na gulat kayo? " Natatawang sabi ko. Wala akong balak sabihin sa kanila kung ano man ang totoong nangyari sa pagitan namin ni Sir Magnus. That guy is an asshole! Hinding hindi na ako babalik sa kompanya niya at hinding hindi ko siya mapapatawad. "May nangyari ba kaya ka nag-resign? " " Seryosong tanong sa akin ni Sienna. *Nothing. I just don't feel like working there. Mag aapply ako sa ibang company. Pero, for now... Uuwi muna ako kila nanay. Mga one week siguro ako doon, bago ako bumalik rito. " Nakangiting sabi ko sa kanila."Mukhang may nangyari talaga. Hindi naman yan papakawalan ng Boss niya, e." Bulong ni Haven kay Sienna ngunit rinig ko rin iyon . "Girls, nasa harap niyo lang ako." Tawa ko sa kanila. "Tsk, magkwento ka kapag handa ka na. You're always like this, Milana." Sabi sa akin ni Haven. "Yeah, yeah.