LIKE 👍
(Saddie pov) ‘Sana hindi nalang ako pumunta.’ Ito ang nasa isip ko habang nakatingin sa cellphone ko habang binabasa ang message nila papa sa akin. Ilang beses na akong tumanggi pero ginigiit parin nito na pakasalan ko si Navy. Nakangalumbaba na tumingin ako sa pagkain na nabili ko sa kanto kanina. Natatakam ako sa ginataang bilo-bilo kanina, pero ngayon ay bigla nalang ako nawalan ng gana. Siguro dahil sa dami ng iniisip ko, saka namimiss ko na rin kasi si Morgan. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na huwag itong puntahan pero mapilit ang puso ko. Nangingibabaw kasi ang sobrang pagkamiss ko dito. Tumingin ako sa malaki nilang bahay. Nakabalot pa ako ng jacket kahit sobrang init para hindi ako makilala. Nakasuot ako ng facemask habang nakahoodie jacket at sunglasses sa mata. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga gwardiya. Dinukot ko ang cellphone ko ng magring ito. Pagtingin ko sa screen ay nabasa ko ang pangalan ni mama dito. “Ma, napatawag ka po?” “Namiss ko lang ang bose
Pagdating ko sa bahay ay laking gulat ko ng madatnan ang pamilyar na pigura na nakatalikod habang abala sa pagluluto. Hubad-baro ito at bawat galaw ng katawan nito ay kusang gumagalaw ang mga muscles nito sa katawan. Pumikit ako para samyuhin ang pamilyar na amoy ni Morgan. Siguro dahil sa patong-patong na sama ng loob ay agad na nag init ang sulok ng mata ko. Lumapit ako rito at yumakap sa likuran nito. “I miss you…” anas ko habang pigil ang pagtulo ng luha. Gusto kong sabihin rito ang lahat pero ayokong mahusgahan. Natatakot ako na hindi niya ako paniwalaan. Dahan-dahan akong nagmulat ng humarap ito at yakapin ako pabalik ng mahigpit. “I missed you more, Saddie. I can’t sleep without you.” Hinaplos nito ang pisngi ko. “I wouldn’t be here if not.” Hindi ko napigilang ngumiti. Halata nga. Hindi naman ako nito pupuntahan kung hindi. Suminghot ako. Nakaamoy ako ng barbecue. Paglingon ko sa mesa ay saka ko lang napansin ang pagkain na nakahain na, nandito din ang barbecue n
(Saddie pov) Pagdating sa mansion ay nagtataka na nagtanong ako sa kasambahay. Wala kasi akong nadatnan, wala sila Morgan kahit sila Tita Kiray. “Naku ma’am, nasa hospital sila ngayon. Inatake na naman kasi si Ma’am Julianan!” “Po?!” Hindi na ako nagtaxi papunta ng hospital, nagpahatid na ako sa driver nila Morgan. Pagdating namin sa hospital ay agad ako na bumaba ng sasakyan, hindi ko na pinansin ang pagriring ng cellphone sa loob ng bag ko. Nag aalala na kasi ako kina lola Juliana. Habang naglalakad ako ay napapansin ko ang pagtingin sa akin ng mga taong nadaraanan ko, mahinang nagbubulungan pa ang mga ito kaya nagtaka ako. Hindi ko naman sila kilala pero pakiramdam ko ay pinag uusapan nila ako. Pagdating sa tapat ng ER sa VIP floor ay naabutan ko sila Tita Kiray at ang asawa nito, pero wala ro’n si Morgan. Lalapitan ko sana ito para kamustahin ng tumunog na naman ang cellphone ko. Nahihiyang dinukot ko ito para patayin dahil umalingawngaw ang malakas na ringtone nito sa bu
Napasinghap ang lahat ng buhatin ako nito. Nakita ko ang ilan sa mga fans nito na nagalit at nanlilisik ang mata habang nakatingin sa akin. Hindi daw ako ng mga ito mapapatawad sa panglalandi sa idol nila at sa fiancee nitong si Flory. Yumakap ako sa leeg ni Morgan habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Wala akong tigil sa pag iyak habang karga nito. Bukod kasi sa masakit ang ulo ko ay naiiyak ako sa tuwa na binalikan ako nito. Pagdating sa loob ng sasakyan ay tahimik itong naupo. Buong biyahe ay hindi ito kumikibo kaya’t nag alala na naman ako. “Mumu…” iniwasan nito ang kamay ko. Nasaktan ako pero naiintindihan ko ito. “Y-yung nakita mo, hindi ‘yon totoo… maniwala ka sa akin.” “You’re naked with him… alone in that room. Why, Saddie? Mahal mo pa ba siya?” Umiiyak na umiling ako. “Ikaw ang mahal ko… maniwala ka. Hindi ko lang sinabi sayo dahil ayokong mawala ka—“ “So you knew about it?!” Napalundag ako ng malakas na suntukin nito ang bintana ng sasakyan, maging ang drive
“Naku huwag na po, nakakahiya. Saka hindi naman po ako nagugutom.” Magalang na tanggi ko sa matanda. Pinilit pa ako nito pero sumuko din sa huli. Umupo ako sa sofa malapit sa desk ng secretary ni Morgan at naghintay. Nang bumukas ang pintuan ay tumayo ako para salubungin ang nobyo ko pero laking gulat ko ng si Flory ang makita ko. Oo wala namang masama na makita ito. Baka kasi dumalaw lang o may pinag usapan sila na ilang mahalagang bagay… Pero ang makita na may bakas ng lipstick si Morgan sa gilid ng labi ay ibang usapan. Nag flyng kiss pa ang babae bago umalis ng may nang aasar na ngiti sa labi. Pumasok si Morgan sa opisina ng walang kibo. Nag atubili ako na sumunod pero sa huli ay sumunod ako. Kailangan kasi talaga naming mag usap. Hindi pwede na hindi kami magkalinawan. Pero kahit anong gawin ko na pagpapanggap na okay lang ako ay hindi ko magawa. Nagseselos talaga ako at nakakaisip ng hindi maganda. “M-mukhang may dumi ka pa sa gilid ng labi.” Lumapit ako dito at pina
(Morgan pov) “Damn” hindi mabilang kung ilang beses akong napamura ng umalis si Saddie. Hindi ako nakatiis at hinabol ito pero nakasakay na ito ng taxi. Naglaro sa isip ko ang litrato nilang dalawa ni Navy ng magkasama. Muli na namang nabuhay ang panibugho at galit ko. “Sigurado ka ba na hindi ka aalis ngayon, Morgan?” Tanong ni mommy ng makita ako nito sa studyroom. “Yes.” Maikli kong tugon. “Mumu, hindi sagot ang pagmumukmok. Kung gusto mong ayusin ang relasyon niyo ni Saddie ay pag usapan niyo ito. Sige lalabas na ako, iiwan ko nalang ang meryenda mo dito.” nilapag nito ang tray na dala sa glass table bago lumabas. Kinuha ko ang cellphone konat tinawagan si Jerome. “Turn down that site about Saddie asap! Idemanda mo rin ang mga nagkalat ng maling balita tungkol sa kanya!” “Yes, Sir!” Galit ako sa nakita at paglilihim nito pero hindi ko maiwasan na mag alala para dito. Tangna. Masyado ko itong mahal para hayaan na pagpiyestahan online. “Sir, nasa loob si ma’am Flory naghih
(Saddie pov) Walang patid sa pagtulo ang luha ko habang lulan ng taxi papunta kina papa. Ang sama ng loob ko kay Morgan. Hindi man lang ako nito hinintay na magpaliwanag at sapilitan ako na ginamit kahit na may sakit ako. Humawak ako sa tiyan ko. Ang sabi ng doktor ay buntis ako. Kailangan ko daw magpahinga dahil mahina ang kapit ng baby namin ni Morgan. Kaya ng malaman ko iyon ay umalis ako ng hospital para protektahan ang pinagbubuntis ko. Natatakot kasi ako sa pwedeng gawin sa akin ni Morgan. Paano kung maglasing ulit ito at galawin ulit ako ng walang ingat. Paano na kami ng baby ko? “S-sorry, baby ha… hindi naman masama ang daddy mo. Nasaktan kasi siya ni mommy kaya siya gano’n.” Kasalanan ko naman talaga ‘yon. Pero sa ngayon ay iisipin ko muna ang anak namin. Ayoko kasi na mawala ito dahil sa magulo naming relasyon. Kaya nagsinungaling din ako sa doktor dahil ayokong sabihin nito kay Morgan ang kalagayan ko. Ayokong malaman nito na buntis ako. Saka na kapag nagkaayos na kaming
(Morgan pov) Walang malay na binuhat ko si Saddie papasok ng sasakyan. Nagtangkang sumunod ang ama nito ngunit sumenyas ako kay Kirk na huwag itong hayaan na makalapit sa amin. I heard everything—batid ko na ngayon na nagsasabi ng totoo si Saddie. Damm! Ang tanga ko dahil nagpadala ako sa galit ko. Hindi ko man lang ito pinakinggan at hinayaan na lamunin ako ng galit ko. “Sa malapit na hospital tayo, Kirk!” “Alright!” Agad nitong pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay hinaplos ko ang maputlang mukha ni Saddie pagkatapos kong balutin ng leather jacket kong suot ang bewang pababa sa hita nito. Napasabunot ako sa buhok ko. Sobra ang kaba ko dahil hindi ko alam kung bakit dinudugo si Saddie. Clueless ako kung ano ba ang kondisyon nito dahil wala naman akong nalaman sa hospital na pinanggalingan namin. Nagpaimbestiga ako kay Kirk noong pumutok ang balita at nalaman ko na sa stepmother pala ni Saddie galing ang balita tungkol rito. Sinabi ito ni Kirk sa akin kanina ng
Thank you so much po sa walang sawang pagbabasa ng mga story ko❤️ Tapos puso po akong nagpapasalamat.Dahil gusto niyong idugtong ko ang story ni Kirk ay pagbibigyan ko kayo. Mahaba-haba na namang story ang madudugtong ko dito. Sa mga nag aabang ng update ko palagi. Pasensya na po kasi wala po akong eksaktong oras kung kailan ako naglalabas ng mga chapters. Depende po kasi ang update ko sa oras ng kasipagan ko haha. Inuulit ko po, maraming salamat po!Ang susunod na story ay kwento na ni Kirk.Abangan ang love story nila ng babaeng matapang at walang inaatrasan❤️Thank you nga po pala sa mga walang sawang nagbibigay ng GEMS 💎 Godbless po sa inyong lahat!
“WHAT THE HELL?!!!” Napaubos si Saddie ng salubungin sila ng makapal na usok habang pababa ng hagdan. Galit na galit tuloy ang asawa niya. Umalis si Morgan sandali, pagbalik nito ay may dala na itong panyo na basa na nakatapal sa ilong niya. “Here put this. Lumabas ka muna, ako na ang bahala sa mga bata.” Pigil ang galit na sabi nito. Hinawakan niya ito sa kamay. “Ako na… baka matakot lang sila.” Sumimangot ito sa sinabi niya. “Tsk. Kaya ang tigas ng ulo nila kasi kinukunsinti mo.” Lalong nasira ang mukha nito ng makita ang pagngiti niya. Naalala niya kasi si Tita Letty, ganitong-ganito ang sinasabi nito noon sa kanya. Imbes na lumabas dahil sa makapal na usok, lihim niyang sinundan ito. Tama nga ang hinala niya—kasama ng mga anak nila ang Tito Kirk ng mga ito. “The fvck, Kirk! Balak mo bang sunugin ang bahay namin?!” Natampal niya ang noo. Mukhang away na naman ito. Si Kirk din kasi ang tigas ng ulo. Ito na yata ang pinaka kunsintidor sa kanilang lahat. Kaya palaging
“This way, ma’am.” Nakangiting iginiya siya ng manager mismo ng restaurant sa table nila ni Morgan. Mukhang pina-reserved na naman nito ang buong resto dahil wala siyang ibang nakitang ibang costumer maliban sa kanya. Hindi lang ‘yon, puno ng petals ng roses paligid, mayron ding banda ng mga musicians sa sulok. Kapag hindi sila sabay na pumupunta sa restaurant ay palagi itong nauuna sa kanya. Pero ngayon ay nauna siya dahil wala pa ito ng dumating siya sa table nila. Hindi pa siya nagtatagal sa pag upo ng may malaking kamay na tumakip sa mata niya. Sa amoy palang nito ay nahulaan niya agad kung sino ito. “Sino ‘to? Amoy palang mukhang gwapo na.” Biro niya. Natawa rin siya ng marinig ang mahinang pagtawa nito. “Happy anniversary, my love.” Bulong nito sa tenga niya habang nakayakap sa balikat niya. “Napakaganda mo, wala kang kupas.” Puri nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa kilig. Araw-araw naman siya nitong pinupuri pero hindi nagbabago ang epekto nito sa kan
“sigurado kang bagay sa akin ‘to? Feeling ko kasi mukha akong suman.” Ani Saddie habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Nandito sila ngayon sa mall nila Agnes kasama si Stephanie para bumili ng susuotin niya mamaya para sa mahalagang event sa buhay nilang mag asawa. Anniversary kasi nilang dalawa ni Morgan mamaya. At siyempre gusto niya na maging pinaka maganda sa paningin nito. “Ano ka ba, Saddie… kahit magsuot ka ng basahan ikaw pa rin ang pinaka maganda sa paningin ng asawa mo. Pero napapansin ko nga, parang tumataba ka lately.” Nilapag ni Stephanie ang hawak at lumapit sa kanila. Dahil sa sinabi ni Agnes ay nakisipat rin ito. “Oo nga noh, tumaba ka ng konte.” Napangiwi siya. Nito kasing nakaraan ay wala siyang ginawa kundi ang kumain. Dinadaan nalang niya sa kain ang stress niya. Dinatnan kasi siya ng regla ngayong buwan. Umaasa pa naman siya na magdadalantao ngayong taon. Apat na taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbubuntis. Nakapagtapos na siy
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang pa
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-Pero
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuhay
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?