“Magkakilala kayo ni Miss Corneso, Sir?” Takang tanong ng secretary nito. “N-no way…” Gusto niyang isipin na nabibingi lang siya. Na hindi ito amo na tinutuloy ng lalaki. Imposible! Ang Kiki na nakilala niya ay simpleng lalaki lang. Hindi mayaman at lalong… hindi isang KING! “Aalis na ako, Sir. Maiwan ko na kayo ni Miss Corneso!” Nag init ang sulok ng mata niya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Kaligayahan at pagkapahiya. Itim na suit, itim na slacks, itim na sapatos na halatang mamahalin—lahat ng suot nito ay halatang mamahalin. Malayo sa simpleng lalaki na nakilala niya noon. Malayo sa lalaking inakala niya. Si Kiki na minamaliit niya noon ay isa palang King?! “Kiki—“ “Sit down, Miss Corneso. Let’s talk about business and nothing more.” Nag init ang sulok ng mata niya. Malinaw na ayaw nitong makipag usap sa kanya kung may kinalaman sa bagay na mayron sila noon. Kumunot ang noo nito ng hindi siya umupo. “Why, Miss Corneso? Do you want us to talk ab
Nakahinga siya ng maluwag. “Salamat.” Nang makaalis ang mga pulis ay nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga Nang malaman niya ang ginawa ng mga ito ay naghanap siya ng iba pang ebidensyang magagamit laban sa mga ito. Naisip niya na baka may iba pang tinatagong baho ang mga ito. At tama nga siya. Nalaman niya na may prenuptial agreement pala ang daddy niya at madrasta. Kaya dahil doon ay napabilis ang lahat. “I’m sorry, mommy. Alam kong mahalaga sa inyo ang company. Pero kailangan ko ‘tong gawin.” Totoo na binenta niya ang kumpanya. Hindi magandang alaala ang iniwan nito sa kanya. Ang billion na pinagbentahan nito ay ginamit niya sa pagbili ng mga dekalidad na bomba sa kakilala ni Fire. Ginawa niya ‘yon para wala ng makuha pa ang madrasta niya maski singko sentavos. “Ngayong nagawa mo na ang plano mo. Ano ang sunod mong plano? Babalik ka na sa Spain?” Umiling siya. “Hindi. Hahanapin ko si Kiki.” “What?! But, Val…” “Hindi pa naman sigurado kung kasal na siya,
“Ito na ba ang pangalan ng lahat lalaking groom na ikakasal ngayong araw?” Tumango si Aida kay Fire. “Yup. Nagpaimbestiga na ako. Walang Kiki ang palayaw sa mga ‘yan.” Kumunot ang noo nito. “Bakit kasi hindi mo ipaalam kay Val ang totoong pangalan ng lalaking ‘yon. Tayo ang nahihirapan maghanap eh. Imagine, sa palayaw lang tayo nag iimbestiga. Ang hirap kaya non!” Sumandal si Fire sa bumber ng sasakyan. Tama si Aida. Mahihirapan silang hanapin ang lalaking ‘yon. “Sigurado ka ba na tutulungan mo na siyang mahanap ang lalaking ‘yon? Paano naman ang nararamdaman mo? Wag mong sabihin na handa ka talagang magparaya?“ “I don’t know, Aida. Kahit ako naguguluhan. Mahal ko si Val. Kaya noong una gusto kong ilaban tong damdamin ko. Pero no’ng nakita ko siyang nasasaktan… naguluhan ako. Mas hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.” Hindi nakapaniwalang tiningnan ni Aida ito. “Woah! Akala ko puro ka lang katarantaduhan. May puso ka pala.” “Tsk!” Tumingin si Fire sa huling men
Gusto niya itong habulin at sabihin na wag ng umalis. Pero para ano? Dito na mismo nanggaling na ‘mahal nito ang babaeng papakasalan nito. Na hindi ito katulad niya, na tinaboy ito noon at hindi tinanggap. Nagpasalamat pa ito sa kanya. Napakasakit talaga! Tiningnan niya ang mga regalong nagkalat sa kwarto niya. Galing lahat ito kay Jeric. Tatlong araw na simula ng makita niya si Kiki at naglaho ulit sa buhay niya. Para itong hangin. Biglang lumitaw at nagpakita. Ang tagal niya itong hinintay at pinahanap. Noong nakita naman niya ito, nalaman naman niya na mayro’n na itong papakasalan. How ironic, right? Noong una ay naghahabol ito sa kanya at niyaya pa siyang magpakasal. Pero ngayon ay siya na ang gustong magmakaawa dito na wag magpakasal sa iba. “Val, kailangan mong kumain. Sexy ka na, hindi mo na kailangan magpapayat.” Biro ni Fire. Nanatili siyang nakatingin sa labas ng bintana. “Hindi mo dapat iyakan ang lalaking ‘yon. Marami pang ibang lalaki diyan. Kailangan
INAYOS niya ang upo ng makita si Jeric na parating. “For you, Val.” “Thanks!” Halatang natigilan ito ng makita ang malaking ngiti niya. Inamoy niya ang bulaklak. “Ang sweet mo naman. Dati hindi ko nakikita ang soft side mo. Sweet ka din pala.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Ang swerte ko pala dahil minahal mo ako.” Halatang hindi ito makapaniwala. Ang sweet niya kasi ngayon dito. Nagpaganda pa siya para sa date nilang ito. Bakit hindi? Kung kaya ng mga ito na paikutin siya. Kaya niya ring gawin iyon sa mga ito. Lintik lang ang walang ganti! Nalaman niya na balak ng mga ito na madaliin ang kasal nila. Kaya siya na mismo ang gagawa para mapadali iyon. Kung dadaanin kasi sa mga plano ng mag iina, baka mapahamak pa siya. Kaya siya na ang unang kikilos. Nang makita niya ang kaunting dumi sa gilid ng labi nito ay dumukwang siya para punasan ito. Nasamid tuloy ito sa gulat. “Hey. Bakit ganyan ka. Hindi ka ba masaya na ganito ako? Hindi ba ito naman ang gusto mo?” Ma
“FVCK! Ano ang ginagawa niya doon?! Damn! Paano kung natamaan siya at nadamay?” Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Ang unang tumambad sa kanya ay pamilyar na kisame ng kwarto niya. ‘Nasa bahay siya?’ Napabalikwas siya ng bangon. “Fire?” Ano ang ginagawa nito rito? Saka hindi ba nasa bar siya? “Mabuti at gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo?” Humawak siya sa batok. ‘I need to do this, Val’ Naalala niya ang boses na ‘yon. Hindi siya pwedeng magkamali. Boses iyon ni Kiki. “Val.” Hinawakan ni Fire ang kamay niya. “I know you’re strong. But its normal to be afraid sometimes. Wag kang mahiya, tell me if you’re not okay.” “I’m really okay, Fire—“ “Kung gano’n bakit wala kang malay ng matagpuan kita?” Naguguluhan niya itong tiningnan. “Wala kang malay, Val. Alam mo ba kung gaano ako nag alala? Damn! Akala ko ay nadamay ka na. Oo alam kong malakas ka hindi kagaya ng iba. But sometimes admit na kailangan mo rin ng magpo-protekta sayo. I’m here… handa akong prot