Share

CHAPTER 4

NAGPALITAN lang kami ng putukan ng mga lalake at ilang minuto lang rin ang nakakalipas bigla nalang tumahimik ang boung paligid na ipinagtaka ko.

Dahan-dahan akong sumiilip at nakikita ko ang mga lalake na ngayon ay namimilipit na sa sakit dahil sa mga balang na pinatama ko sa mga binti nila at meron ding nakahanduhasay na ngayon sa simentong sahig at wala ng buhay.

"Ma-papa-sa-am-in   di-n   a-ang   ma-fia   Vi-en---" sabi nung lalakeng may bigote sa huli nyang hininga. Ang brutal naman nila, ako nga sa binti ko lang pinatamaan ang iba sa kanila pinatay talaga.

Kunot noung napabaling ang tingin ko sa limang lalake na ngayon ay papaalis na sa lugar na ito.

Sino ba talaga sila?

Nangangatal na ako dahil sa lamig at para na akong basang pato rito sa kinatatayuan ko. Nandito ulit ako sa labas ng warehouse at naghihintay ng himala babagsak sa akin.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumabas sa kabilang pinto ang grupo ni antipatikong hilaw. Napangiti ako sa naisip ko. Tumakbo ako sa gawi nila especially kay antipatikong hilaw na ngayon at tinitignan ako ng mga kasama niya pero hindi ko pinansin yun at nakatingin lang ako ng mariin sa antipatikong hilaw gamit ang matamis kong ngiti.

Pero hindi nya ako pinansin at pumasok lang ito sa loob ng Red Aventador nya.

Shit ang ganda nito.

Nababasa na ako dito ng ulan at lahat-lahat pero wala akong napala. Narinig ko ang tawanan ng kasamahan ni antipatikong hilaw at binigyan ko lang sila ng manahimik-kayo-look. Pinihit ko ang pinto nito at napangisi dahil bukas pa ito.

Pumasok ako na walang kahirap – hirap at tumingin sa gawi ni antipatikong hilaw na ngayon ay ang sama – sama ng tingin. Sino bang hindi magagalit kung basta-basta ka nalng pumasok sa kotse nya na walang paalam.

"Out." He ordered with no emotion im his face.

"Pasabay." sabi ko habang ang lapad na nakangiti nasa harap ang atensyon.

"I said out." ulit nya. 

I pouted.

"Ano ba yan! Pasabay hanggang kanto lang naman eh."pagdadabog ko dito at naka-cross arm bahala siya sa buhay niya dito lang ako sa magara niyang kotse. 

"At maswerte nga kayo napadaan ako at tinulungan kayo sa mga lalakeng yun." dagdag ko habang nasa unahan ang tingin.

"I don't need your help." seryoso nitong sabi sa akin at ang sama parin ng tingin. Napatingin ulit ako sa gawi nya.

"Kahit na! maswerte pa rin kayo no', kaya bilang kabayaran pasabay kahit hanggang kanto man lang" I wiggled my eyebrows at him. Tinignan lang nya ako ng ilang segundo at binuhay na ang makina ng kotse nya. Napangiti ako sa isip.

Pahard to get pa itong isang ito. Mabait pala ang gunggong na'to kinabit ko na ang seatbelt for the safety.

"Tss." he uttered at nakangiti parin ako.

At nagdrive na sya papalayo sa warehouse. Napatingin ako sa labas ng bintana at ang lakas parin ng ulan.

"Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa mo sa akin...JAKIELYNN ROSE.." gulat akong napalingon sa kanya, nakakatakot talaga siya kapag nag tatagalog. Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang kotse sa gilid ng daan at tinitigan lang niya ako ng mariin. 

Wierd kase the way na natatitig siya sa akin ay parang naiintemidate ako sa paghagod ng mga tingin nito sa akin na para bang kilala na niya ako matagal na. 

Napangiwi ako sa isip. Ngayon ko nga lang nakilala ang isang ito.

Shit nakakatakot talaga ang lalakeng 'to. Napatingin ulit ako sa labas at gulat na nandito na pala ako sa mismong gate ng bahay namin. Nagtataka akong tinignan sya magtatanong na sana ako ng bigla ulit syang magsalita.

"I have connection Rose" at binaling ang tingin sa harap.

Nabasa siguro nya ang reaksyon ko kaya ganon. Lalabas na sana ako ng binaling ko ulit ang tingin sa kanya na nakatingin parin sa harap.

"Kahit ganyan ugali mo may tinatago ka pa ring ka-pabebe diyan sa katawan mo, Drexel Vein Austin..."at lumabas na. "ah. Thank you pala.."

Dagdag ko na ngayon ay nakatulalang tinignan akong papalabas ng kotse nya at binuksan ang gate ng bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status